Share

CHAPTER 32- IN LOVE AGAIN

Tahimik akong pumasok sa DH. Masyado pang maaga para lumabas ako ng flat pero baka mabaliw lang ako kapag wala akong makausap. Saktong naabutan ko pa sina Gabriella na kumakain. Week days kaya may pasok silang mga lecturer ng FIS.

"Good morning, Trice," nakangiting bati sa akin ni Silang.

Kung nasa mood ako ngayon ay baka napuna ko na naman ito. Masyado yata itong good mood para batiin ako ng gano'n katino. Mukha ring ako lang ang miserable sa aming lahat dito.

"Ay bad mood yata si Mamash," ani Shines.

Hindi ko na lang sila pinansin pa. Tahimik na lang akong nakiupo sa pwesto nila.

"Alam mo bang nadamagan sina Havana at Lovimer dito?"

"Grabi ka naman, Gab. Jindi naman nadamagan dito yon. Umuwi din si Havana bago maghating-gabi," sabat naman ni Shines.

"Ay? Talaga ba? Cinderella naman ang peg ah? Bakit mo naman alam?"

"Hello? Nasa control pa kaya ako nun. Teka, eh di ba gabi na rin naman umuwi Trice? Ikaw ang huling pumasok ng gate eh maliban kay Lovimer na inihatid pa si Havana."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status