"Beatrice!" bungad na saad ni Shawn. Hindi pa ito na kontento at lumapit pa talaga sa akin at inilingkis ang kamay nito sa braso ko."Still beautiful, huh?" nakangisi nitong dagdag saad. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko gayong nararamdaman kong nakamasid sa amin si Mer. "Alam kong maganda ako Shawn so stop flirting with me," pandidiretso ko dito. Sa halip na magalit ay humagalpak lang ito ng tawa."Why? May magagalit ba?" bulong nito sa akin. Binawi ko naman ang braso ko sa kanya. "Meron o wala, just do what I've said, okay? Graduate na ako sa ganyang galawan mo," nakangisi kong sambit. Tumawa lang din naman ito. Naramdaman ko na lang na may mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Sa amoy pa lang nito, alam ko na kung sino. "Mer," sambit ko pa. Bahagya pa nitong ipinatong ang kanyang panga sa balikat ko. "Maya-maya ay magsisimula na ang show. Cheer me up," bulong niya pa. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa bandang leeg ko dahilan para mapakagat-labi ako."Hind
"Tapos na kaming mag-imbestiga sa naganap na kaguluhan sa huling show ng YB at lahat ng lead na nakuha namin ay nagtuturo sa PC. Mula sa klase ng bomba na ginamit at sa balang nakuha sa katawan ni Trice," bigay-alam ni Marciella. Napatango naman kaming lahat. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang mangyari iyon. Naka-recover na rin ako sa lason. "Ang ipinagtataka lang namin ay kung paanong may dalawang bomba na naka-deactivate sa backstage ng hall? Tanging ang nasa dressing room lamang ang sumabog dahilan para maging mahina ang impact nito sa loob ng hall." Napatingin naman kaming lahat kay Jeannie. Ito nga pala ang naatasan na manguna sa imbestigasyon."Posible bang may agent na mula sa ibang agency ang gumawa niyon?" usisa ni Gab. "Nakipag-ugnayan na kami sa ibang malalakas na agency pero lahat sila ay nagsasabing walang alam. Maging ang RAO ay wala ring sagot na maibibigay. Tanging si Sathorn at Summer lamang ang agents nila na nandoon sa pangyayaring iyon."Saglit na na
"Saan kayo pumunta ni Lovimer kagabi?" bungad na tanong sa akin ni Kenshane nang makapasok na ako sa loob ng DH. Nagmadali naman na lumapit sa gawi namin sina Gab, Shines at Kendra. Napakamot na lang ako sa noo. "Hindi naman kami umalis, ha?" maang-maangan ko pa. Sinundot naman ni Gab ang tagiliran ko sabay ngisi."Ito naman. Huwag ng mahiya, wala tayo niyan, 'di ba? Payapa talaga ang buhay nito.""Don't lie to us, Ate Trice. Nahagip kayo ng CCTV kagabi noong umuwi na kayo. Nasa Control Room pa kami ng mga oras na iyon ni Ate Shines eh," singit naman ni Kendra. Naglakad ako papunta sa bakanteng mesa para iwasan sila pero ang mga haduf ay nagsisunuran pa sa akin. Para bang may magnet ako. Muli na naman akong napakamot sa aking noo. Ang aga pa para sa chimisan na ito. Buong akala ko ay nakaligtas na kami kagabi sa mga chismosang ito. "Kwento ka naman diyan," pang-e-echos pa na saad ni Shines. "Promise, secret lang natin."Gusto kong mapairap. Wala akong tiwala salitang promise na
Tahimik lang ako habang kumakain sa DH. Mula kahapon ay hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kahit na kanino. Laking pasalamat ko na lang at may out of town event sila Lovimer kaya hindi niya na ako masyadong nakulit. "OMG!" malakas na tili ni Jeannie.Napamura pa si Gabriella at Crystal dahil sa gulat. Maging ako ay napaangat din ng tingin. Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatitig ang babae. Tumama sa babaeng kasalukuyang nasa may pinto ng DH ang aking paningin. Welcome back, Percy. Psss! Nagpakita ka rin dito, sa wakas. Ikaw ang pinakaduwag na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. "P-Percy?" alangang sambit ni Marciella. Maging si Ashmer ay napatayo na rin. Kinuha ni Gab at Jin ang kambal na hawak ng mag-asawa at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ng dalawa.Mukhang may drama pa akong mapapanuod ngayon. Iyong eksenang nagkapatawaran na ang bida at kontrabida ng isang kwento.Hindi ko nga lang matukoy kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang kontrabida sa buhay ng isa't-isa
"Oh, shit naman!" asik ko pa. Wala akong choice kundi ang magmadaling magbihis at higitin ang shoulder aking bag. Halos magkanda tisod-tisod na ako dahil sa pagmamadali. Nang mapagtanto ko na para na akong hinahabol ng mga asong gala ay bahagya akong napahinto at naging normal na ang lakad."Where are you going?" biglang pagpaimbabaw ng boses. "Ay bakla!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napataas-kilay lang ang haduf na Mer na basta na lang sumulpot sa aking harapan mula sa kung saan."Sagutin mo ang tanong ko," dagdag asik niya pa. Pinigilan ko namang mapasinghap. Diyos ko naman! Sa hindi ko pwedeng sabihin. "None of your business. Padaanin mo na ako!" "Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong tanungin ka."Napaawang naman ang aking bibig. Siya na ang may sabi na hindi ko pa siya sinasagot tapos ngayon ay feeling entitled siya bigla."Boyfriend kita?" paninigurado ko pa."Oo.""Eh, di break na tayo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na kita boyfriend. Ngayon ay wala ka ng karap
Tahimik lamang ang lahat habang naghihintay sa former Prime Agents of Guieco Clan o kung tawagin nila ay pioneers. Kasalukuyan kaming nasa conference room. Matapos ang bunyagang naganap sa pagitan naming lahat kahapon ay minabuti nina Marciella at Ashmer na ipatawag ang mga parent nila na siyang may alam sa katotohanang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Percy.Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Percylla sa aking kamay nang pumasok na ang hinihintay namin. Nangunguna sina Tito Zeus at Tita Adelle samantalang nakasunod naman sa kanila sina Tito Ivan at Tita Christy. Lahat sila ay kapwa seryoso ang mga mukha. Napadaku ang tingin ko kay Marciella na wala rin namang emosyon ang mukha kagaya ng asawa nitong si Ashmer na siyang nakatayo ngayon sa unahan. Ang iba namang Prime Agents na nandidito rin ay wala ng ibang ginawa kundi ang mapalunok at magtapunan ng makahulugang tingin. Si Gab ay halatang namumutla samantalang si Lovimer naman ay mataman na nakatitig sa mga
"Great job, Lovimer at Mesh," ani Xandreik. Bagaman walang emosyong makikita sa mukha nito ay bakas naman ang sensiridad sa tono ng pananalita nito. Nandito kami ngayon sa kanilang studio at kakatapos lang ng recording namin ni Mer. Kagaya ng napag-usapan ay ni-revived namin ang kantang Just Fall In Love Again para maisabay ito sa papalabas nilang album. Kagaya rin ng napagkasunduan namin ay wala na munang ibang member ng YB maliban sa kay XJ at Mer ang makakaalam na ako ay si Mesh. Feeling ko rin kasi ay hindi na ako magiging komportable pang mag-release ng kanta o libro kapag nalaman na ng lahat kung sino talaga si Mesh. Marahil, ang weirdong pakiramdam na iyon ay bunga ng pagtatago ko sa ibang katauhan sa loob ng ilang taon at hindi ko pa kayang malaman iyon ng lahat. "We're heading home now, XJ. Thank you," nakangiti kong saad sa lalaki. Tumango lamang ito at nagtapikan pa sila ni Mer ng balikat. Na
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer. Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again. Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo. Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer."Good morning, baby," bungad niyang sabi. "Good morning, anong problema?" Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon. Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala. "Punta ka rito sa flat ko.""Bakit? Anong meron diyan?""Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa