Share

Chapter Seventeen

Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang aking puso. My hand clutched the fabric parallel to my chest as if imagining na literal na pinipiga ang puso ko. Ang sarap sumigaw! Ang sarap manumbat! Alam ng Poong may Kapal kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa kanya bilang anak.

Marahas akong humugot at pinuno ng hangin ang sistema ko para maibsan ang galit na naramdaman ko, bumaba ang tingin ko sa mahigpit na pagkakakuyom ng kamao ko.

“Hello, nak? Nandyan ka pa ba?” Malambing niyang tanong na tila inalagaan niya ako mula pagkabata.

Nagdilim ang paningin ko at mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Gusto kong magtanong, manumbat at ibuhos ang lahat ng hinanakit ko pero mukhang hindi na makakaya ng katawan ko ang pag-da-drama lalo na hindi pa nakabalik si Lola sa bahay.

Tila nahihirapan akong huminga dahil sa sikip ng dibdib ko, wala sa sariling napakapit ako sa dulo ng armrest sa sofa. Mukhang napansin ni Sir Cairo ang pagkab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status