Chapter 56
Jayka/Felicity.
"Walang hiya ang Gabriel na 'yon." Gigil na gigil ako habang nakikipagbuno sa isang merman na kanina pa ako hinaharang sa aking daraanan.
Ilang beses na rin akong gumawa at nagakawala ng mahika mula sa aking kamay. Bilang isang Forest witch, halos lahat ng mahika na nagagawa ko'y may kinalaman sa kalikasan.
Napalabas ako ng mga baging na siyang ginamit ko upang maitali at maihampas sa kanila, nagtawag ng mababangis na hayop at siyang ginawa kong mga pananggalang.
Galit na galit ako sa ginawa nila sa 'kin, so nagmukha lang pala akong tanga sa mga mata nila?
"Ahh! Mamatay kayong lahat!" Sigaw ko bago nagpalabas ng mga sapot na siyang sumilo sa ilang kalaban ko.
Pinahid ko ang ilang likido ng dugo na nasa may gilid ng aking labi. Sinira na nila ang lipstick
Chapter 57Gabriel.Buong akala ko'y nakikinig siya sa mga sinasabi ko, hindi pala. Sa totoo'y nadala ako sa kaniyang iyak at drama. Pawang kasinungalingan lang pala ang lahat ng 'yon.Napatayo ako't hinila ang maliit na kutsilyong itinarak niya sa may leeg ko. Hindi ko akaling napakatigas ng kaniyang puso.Ngunit hindi ko siya masisisi, talagang wala siyang maaalala dahil ibinalik lang ang kaniyang kaluluwa. Nabubura lahat ng memorya ng sinuman na nilalang na dumadaan sa tulay patungo sa kabilang mundo. At siguradong nilagyan lamang ni Kalexx ng mga peke at nakakagalit alala ang kaniyang utak."Ano'ng akala mo maututo mo na naman ako? Huh! Hindi mo ako maidadaan sa mga kuwento mo Gabriel!" galit na sabi niya sa akin.Tumayo na rin siya at inayos ang sarili. Pinunas niya ang mga pekeng luha na lumabas sa kaniyang mga mata. 
Chapter 58Jayka.Ginagalit ako ng babae na 'to. Kanina pa siya humaharang sa mga kilos ko.Mas dinagdagan ko ang mahika na nilabas upang malakas din ang maging bato sa kaniya.Sunod ay gagamitin ko na sa kaniya ang killing spell para matapos na. Masyado nang nagtatagal ang 'party' na 'to."Sige ganiyan nga, mas lalo akong ginaganahan sa 'yo, ang kaso'y nagmamadali na ako. Wala na 'kong oras para makipaglaro pa," turan ko.Kaa-alis lang sa harapan namin ang lalaki na dapat ay siyang pinagtutuonan ko ng pansin. Binuhat siya ng babaeng sirena at isang lalaki na nakikita ko na rin sa loob ng Tenement.Nililipad ng hangin ang dulo ng aking buhok na maiksi. May karungisan na rin ang aking sarili dahil sa nangyaring 'to."Alam mo, dapat sa 'yo ibinabalik sa k
Chapter 59 "Apo ko..." garalgal ang boses ko na nilapitan ang aking mahal na apo. Hindi ko alam, wala akong alam . . . Patawarin mo 'ko, apo ko. Nag-uunahan ang mga luha ko na dumausdos pababa ng aking pisngi. Ang lahat ay bumalik sa aking alaala. Ang malambing at mabait na batang inalagaan ko ng napakaraming taon . . . Si Victoria, ang aking pinakamamahal. ... "Granny, ano po 'to? Bakit may maiksing palda sa cabinet ko?" Nagsisigaw ang apo habang bumababa mula sa kaniyang kuwarto. "Ah, binili ko apo. Isuot mo babagay 'yan sa 'yo," sagot ko sa kaniya. "Pero Granny..." naiirita siyang umaayaw sa kaisipang 'yon. Tumayo ako't nilapitan siya, kinuha ko ang hawak niyang yellow sexy palda. Itina
Cbapter 60Felicity.Minulat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata. Ilang beses pa 'yong nagbukas sara bago tuluyang bumukas na. Napangiwi ang aking labi nang mapagalaw ako ng konti. Medyo masakit kasi ang ilang parte ng aking katawan na hindi ko alam kung bakit."I'm glad you're awake."Mula sa pagkakaharap sa ceiling ay napadako na ang tingin ko sa pinagmulan ng tinig na 'yon.Napatayo ako agad nang makita na si Gabriel ang nagsalita. Nakaupo siya sa may tabi ko habang nakaupo sa isang upuang plastic."Gabriel?"Hindi siya sumagot nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Ngunit habang tinititigan ko siya'y naluha ako bigla.Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ng aking higaan. Tinap niya ang aking likod at inalo ako."It's okay. Ganiyan talaga ang mararamdaman mo," turan niya."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.Doon ay ikunuwento niya
Chapter 61Victoria.Isinara ko ang pinto at napansandal muna saglit doon. Nagpaiwan akong umalis upang maibigay kay Felicity ang talisman na pinagpuyatan kong gawin kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na 'yon. Dahil umpisa pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kaniya.Normal na tao siya hindi kagaya namin na kakaiba. Ilang beses kong kinausap si Gabriel tungkol do'n pero palagi niyang ikinakatwiran na and deity na si Tabithea ang nagdala kay Felicity dito at wala siyang magagawa para baguhin 'yon.Kailangan niya raw ang kooperasyon namin upang mapapayag ang babae na palitan siya sa pagpapalakad sa Tenement.Wait! Hanggang kailan na nga lang ba si Gabriel rito? Ilang linggho na rin ang nakalipas ng dumating si Felicity, sa palagay ko'y malapit na siyang umalis.Napabuga a
Chapter 63Lumipas ang tatlo pang araw at halos nakalimutan na ng lahat ang trahedya na nangyari sa amin. Nao-overcome ko na rin ang palaging pag-iyak at pagiging malungkot. May pagkakataon lang talaga na minsan nabibigla ako na naiyak na pala ako.Napakabilis nga naman talaga ng oras. Akalain niyo 'yon umabot na ako ng tatlong linggo sa Tenement? Isang linggo na lang ay matatapos na ang kontrata ko, makakauwe na ako sa bahay ko. Makakabalik na rin ako sa trabaho at makikita ang mga kaibigan ko.Ngunit bigla akong nalungkot nang maisip 'yon.So, iiwan ko na ang Tenement gano'n? Bigla akong nalungkot ng maisip 'yon. Parang... hindi ko ata kaya.Napailing-iling ako na para bang way din upang gisingin ang sarili ko."Ano'ng mami-miss, walang gano'n Felicity. 'Di ba nga gustong-gusto mo nang makaalis sa lugar na 'to?" Pakik
Chapter 63Mcknight Comprehensive High School."Kailangan ba talaga nating gawin 'to?" Naka chip up at deretso lang ang tingin ni Gabriel na nagtanong sa akin."Oo, as an adult kailangan natin silang turuan nang leksyon," pgbulong ko rin sa kaniya."Okay" aniya bago inayos ang bag na nakasukbit sa kaniyang balikat.Nasa tapat kasi kami ng paaralan na pinapasukan ng magkapatid na Youngster. Nagsuot rin kami ng uniform na kagaya sa kaniya. Pero bago 'yon qy dumaan muna kami sa beauty clinic at nagpa facial at kung ano-ano pa. Kailangan naming magmukhang mas at umayon sa edad nang isah highschooler."So, ready ka na Mr. Landowner?" nakangiti na pagtatanong ko sa kaniya."Ano pa nga ba?" iyon ang naisagot niya sa akin.Inilabas k
Chapter 64Felicity."Ano naman 'yong pinagsasabi mo kanina? May pa my girl ka pang nalalaman diyan," sita ko kay Gabriel habang nasa sasakyan kami pabalik ng Tenement. Natapos ang klase na nakatulog lang ako pero kahit gan'on ay napagod ako, grabe pala kapag walang ginagawa... stressful."Nakakairita ang lalaking 'yon," sabi niya habang nag-da-drive. Derecho ang tingin niya sa unahan kaya ako na lang ang lumingon sa kaniya."Ang arte mo, mabait naman si Brent ha," sagot ko sa sinabi niyang naiirita raw siya rito."So Brent pala ang pangalan niya? Nagkar'on kayo ng time for introduction, gan'on?" Kitang kita ko ang pagsalubong ng kaniyang makakapal na kilay.Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. "Wait, may issue ka ba sa akin? Tinulungan ako no'ng tao kaya nagkaroon kami ng time magkausap kanina-"