Chapter 69
Victoria.
Kakapatak lang ng alas siyete ng gabi at magsisimula pa lang ako sa aking routine bago matulog nang may kumatok sa pintuan.
"At sino naman ang magtatangka na mang-istorbo pa sa akin?" Inis kong sabi habang nasa harapan ng salamin.
"Oo na. Saglit lang." Sigaw ko dahil muli'y kumatok na naman ang kung sino man na nasa labas.
"Tori!"
Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran si Felicity sa labas ng aking Unit.
"What are you doing here?" I asked her the monmment she entered my room. Actually, hindi ko pa naman siya pinapapasok pero pumasok na siya.
"Kailangan ko ng tulong mo," sabi niya.
"About what?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.
Grabe ha. Porket sinabi ko na we
Chapter 70Felicity.Para akong ninja na nagtatago sa dilim. Nagpakita nga ako sa kanila pagkatapos akong ipagtabuyan ni Victoria sa kaniyang silid. Ngunit pagpatak ng alas alas otso kuwarenta y sinko ay palihim na akong nagtungo kay Victoria. Dahil ilang pinto lang naman ang layo ng unit niya sa akin ay mabilis kaming nagkita.Inaabangan na pala niya ako kanina pa. Kaya naman nakakaisang katok pa lang ako'y mabuksan na niya agad ang pintuan."Ang talisman mo?" tanong niya sa akin."Suot ko." Ipinakita ko pa 'yon sa kanya na nakasabit sa aking leeg."Good," Sabi niya. Nakita kong may suot rin siyang para sa kaniya. Talaga ngang sasamahan niya ako."Alis na tayo," pag-aya ko sa kaniya."Oo pero saglit lang mun. Halika rito!" Pinalapit niya ako sa k
Chapter 71Victoria.Napakasangsang ng amoy ng Ospital na 'to. Hindi naman visible ang amoy nila sa ilong nang pangkaraniwang tao ngunit hindi nila 'yon maitatago sa akin.Ang Ospital na ito ay nababalot ng napakaraming lobo. Alam ko'y halos lahat ng stockholders at doctor na narito ay lobo.Tiningala ko ang napakataas na gusali na nasa harapan namin. Sa paglipas ng panahon ay mas lalong tumanyag at umasenso ang bussiness na pagmamay-ari ni Vrandon. Siya ang sumunod kay Gargoyle, at may isa pa silang kapatid. . . Si Bethany.Lahat sila'y mga pureblooded wolf mula pa noong 1700. Ang lahi nila ang pinakamatanda sa lahat ng lobo na nabubuhay pa sa ngayon. Naninirahan sila't nakikihalubilo kasama ng mga normal na tayo.Ngunit sa kanilang tatlo at si Vrandon ang pinaka magaling magpaikot ng salapi. Sa katunayan ay siya ang may-ari ng Trinity at Eternal Hospital. Pero mas focused siya sa Eternal dahil ito ang pinakaunang Hospital
Chapter 72"Sige na pumasok na kayo, sinabi ko na sa mga tao ko na hayaan kayong makadaan," Vrandon t old us. Nakapasok na nga kami sa barrier nila. "Salamat." Bahagya kaming yumukod ni Victoria upang magbigay nang respeto sa kanila.Nagsimula na kaming maglakad ni Victoria papasok nang muli ay tinawag kami ng lobo na may-ari ng Ospital."Sa oras na makita niyo ang inyong pakay ay umalis na agad kayo. Hindi ko pa rin hawak ang isipan ng mga tao ko rito. Kaya hangga't hindi pa sumasapit ang alas dose dapat ay nasa labas na kayo ng teritoryo ko."Hindi ko mawari kung paalala ba o banta ang kaniyang tinuran."Ako na ang bahala," sagot ko sa kaniya."At isa pa, ipapasama ko ang isa sa bodyguards ko para samahan kayo sa exit." Sinenyasan niya ang isang lalaki na bald at naka all black na sumunod sa amin.Nakarating kami sa ika-sampung palapag kung nasaan ang kuwarto ng ina ni Cecille naka
"Hindi na nga tayo puwedeng bumalik do'n Felicity." Nakailanh ulit na ako kasasabi sa kaniya na 'yon na ang huling araw na pupunta kami sa Mcknight. Masiyado na siyang nangingialam sa buhay nila. Tigil na rin ang tungkol kay Farrah at Cecille. Hayaan nilang lutasin ang sarili nilang problema. "Pero Gabriel-" Hindi ko na hinayaang tapusin niya ang kaniyang sinasabi. "Hindi ka pa rin ba nadala? Parati na lang napapahamak ang buhay mo. At pagod na rin akong palagi kang saluhin. Hindi naman 'yon ang purpose kung ba't ka narito Felicity-" Hindi ko rin tinapos ang sinasabi ko. Ang dahilan nang pagkakapadpad niya rito ay para alilihan ako sa pagpapalakad ng Tenement. Narito siya para maging kapalit at hindi para magbigay ng sakit ng ulo sa 'kin. Napabuga siya ng hangin bago sumagot sa akin. "Alam ko naman 'yon at nasabi ko na sa 'yo ang tungkol do'n, 'd
Hindi agad kami nakauwi ni Felicity dahil sa mga dahilan niyang hindi raw namin puwedeng iwanan si Cecille sa oras ng pagdadalamhati nito. Actually, hindi naman talaga namin kailangan na pumasok sa klase. Pero kasi sayang ang oras na sana'y pinang asikaso ko na sa Tenement. Alas kuwatro na ng hapon, narito kami sa isang funeral home. Silang dalawa ang ang nasa loob. Mas pinili kong manatili sa labas upang doon sila antayin. Dito ko na nalaman ang nangyari sa ina niya. Madaling araw kanina nang matagpuang wala ng buhay ang ginang sa kaniyang silid. Hindi dahil sa sakit ang ikinamatay nito. Sadyang nagkitil talaga ng kaniyang buhay ang ginang. Ayon sa liham na iniwan nito'y ayaw niya na raw na maghirap pa ang kaniyang anak kaya naman inisip na niyang kitlin ang kaniyang buhay. At sa huling bahagi ay nabanggit doon na ninanais nang ina na bumalik ang kaniyang anak sa diyo
Nasaktan ako, hindi ko matanggap na hindi ako ang minahal niya. Kaya naman gumawa ako nang plano. Sinira ko ang buhay ng babaeng 'yon. Gumawa ako nang kuwentong hindi naman totoo. Tinanaw ko sa malayo kung paano siya hiwalayan ng lalaking gusto ko.Naging masaya ako pero panandalian lamang. Nalaman kong lilipat na ng paaralan ang minamahal ko, sa ibang bansa. Nakiusap akong 'wag siyang umalis at magsama kami pero itinulak niya lang ako. Nalaman niyang ako ang may gawa nang lahat, kung paanong nasira ng relasyon nila ng bruha niyang kasintahan.Magmula no'n ay bumalik ako sa tunay na Sara. Doon ko na nakilala sina Trina at Jinky, sa labas ng school ko sila nakasama hanggang sa kinumbinsi ko na lumipat sa Mcknight.Dalawang taon na na naming ginugulo ang mga loosers sa school. Senior high students na kami at sa susunod na taon ay College na. Hindi ko alam kung magmamatured pa ba kami o hanggang ganito na lang talaga.
"Party?" sabay-sabay na tanong nila sa akin the moment na sabihin ko sa kanilang mag orgnisa sila ng piging."Nabili ko na lahat ng kakailanganin niyo. Porks, chickens, drinks, barbeque and some snacks to cook," sabi ko sa kanila habang niluluwagan ang nektie ng uniform na suot ko."May mga dadalo ka bang bisita? Napakarami nang pinamili mo kasi," tanong ni Mang Costav nang matapos nitong salansanin ang boxes na dala ako."Mayro'n. Kaya maghanda kayo mamaya." Utos ko sa kanila."Wow ha, so may friends ka na sa 'school' na 'yon? Or kayo ni Felicity?" Si Victoria naman ang nagtanong ngayon."Basta. Importante ang mga guests na 'to kaya i-welcome niyo sila ang maayos. I won't allow any unnecessary move. I hope you undestand me guys. I am looking for your cooperation." Mahaba at detalyado kong paliwanag sa kanila."Ako na bahala sa foods." Pagprisinta ni Cindie sa harapan namin."I'l
Sara."Ang lawak nang salas nila ha. Gondo!" Amaze na amaze si Jinky sa itsura ng bahay na nabungaran namin pagpasok sa mansiyon.Kahit ako ay nalula sa makintab na flooring at mataas na ceiling. Isama pa ang malaking chandelier na nakasabit sa itaas. Kapag may ganito ang bahay ibig sabihin... mayaman. At dahil triple ang size ang chandelier nila... triple din ang kanilang yaman."Nasaan na ba ang Gabriel na 'yon? Ni-hindi tayo sinalubong? Naku! baka scam ang isang 'yon Sara. Makikita niya sa 'kin." May halong pagbabanta sa boses ni Trina."So ano 'to pinapunta tayo rito para i-goodtime? Pagtripan? Wait baka may hidden camera rito, guys." Ibinulong na lang niya ang mga huling linya na kaniyang binigkas."Subukan niya, malalagot din talaga siya kapag nagkataon." Malakas ang loob na sabi ni Sara sa kani