Share

Chapter 74.2

Nasaktan ako, hindi ko matanggap na hindi ako ang minahal niya. Kaya naman gumawa ako nang plano. Sinira ko ang buhay ng babaeng 'yon. Gumawa ako nang kuwentong hindi naman totoo. Tinanaw ko sa malayo kung paano siya hiwalayan ng lalaking gusto ko. 

Naging masaya ako pero panandalian lamang. Nalaman kong lilipat na ng paaralan ang minamahal ko, sa ibang bansa. Nakiusap akong 'wag siyang umalis at magsama kami pero itinulak niya lang ako. Nalaman niyang ako ang may gawa nang lahat, kung paanong nasira ng relasyon nila ng bruha niyang kasintahan.

Magmula no'n ay bumalik ako sa tunay na Sara. Doon ko na nakilala sina Trina at Jinky, sa labas ng school ko sila nakasama hanggang sa kinumbinsi ko na lumipat sa Mcknight. 

Dalawang taon na na naming ginugulo ang mga loosers sa school. Senior high students na kami at sa susunod na taon ay College na. Hindi ko alam kung magmamatured pa ba kami o hanggang ganito na lang talaga. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status