Share

Chapter 5

"Ahh! What the hell!?"

Nagugulat na sigaw ko kasabay ng paghagis sa taong 'yon ng isang buong sibuyas na babalatan ko palang sana. 

"Ouch!" dinig kong daing nito nang matamaan siya sa mukha. "Why did you do that?" tanong niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nga natatakpan ito ng kamay niya.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong ko habang nakatutok sa kaniya ang hawak kong kutsilyo.

"N-Nakabukas kaya 'yung pinto!" sigaw nito habang nakahawak sa mukha niyang natamaan ng sibuyas. "Tska kilala rin ako ng may-ari nito 'no! Kaya pwede akong pumasok dito!" dagdag pa nito.

"What do you mean? Dito ka nakatira?" tanong ko bago inalis ang pagkakatutok ng kutsilyo sa kaniya.

"Oo, diyan lang sa labas," sagot nito bago tinanggal ang pagkakatakip ng kamay sa mukha. For a second, I got fascinated by her beauty. Bakit ang gaganda ng mga babae dito!?

"Diyan sa labas? Eh, wala naman akong nakitang bahay diyan sa labas kundi mga puno," sagot ko.

"Of course, I'm a tree nymph kaya wala akong bahay diyan," sagot naman niya.

"Huh? So, katulad ka rin ni Daphne?" tanong ko.

"Yes, you got it right! I'm also a tree nymph, a Hamadryad to be exact!" she confirmed.

"Okay, pwede ka na lumabas," sambit ko bago nagpatuloy sa pagluluto.

"What?" tanong niya.

"Sabi ko, pwede ka na lumabas at bumalik sa tirahan mo," ulit ko

"Ayoko," sagot niya naman bago umupo sa high-stool chair kaharap ako.

"Bakit?" tanong ko habang inilalagay sa lalagyan ang nilutong pagkain.

"Makikikain kasi ako." Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong frying pan dahil sa sinabi niya.

"Come again?" pagpapaulit ko sa sinabi niya.

"Makikikain ako," ulit niya.

"Wala kang pagkain sa tinitirahan mo?" tanong ko bago tumilakod para kumuha ng plato.

"Mewon, kasho ubosh na. Wow! Your cooking skills are amazing," sagot niya. Napaharap naman ako at nakitang pinapapak na niya ang pagkain na niluto ko.

"What are you doing? Don't eat that with your bare hands! At least use some fork or a spoon!" pangangaral ko dito bago inilayo ang plato na may lamang pagkain sa kaniya. "And wash your hands first!" I added.

Hindi naman siya nagreklamo pero nakasimangot itong naghuhugas ng kamay ngayon. Habang abala siya sa paghuhugas ay inilapag ko na lamesa ang dalawang plato kasama ang pagkain na kakainin namin. Yes, isasabay ko siya sa pagkain.

"Are you done? If you're done, come sit in front me, we're going to eat," sambit ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Really? I can join you? Thanks! You're the best!" she excitedly said before sitting in front of me.

Ang dami niya ring kinuha na pagkain na hinayaan ko na lang. Naubos niya rin naman  ang lahat ng pagkain na niluto ko. She's really that hungry, huh?

"Wew.. busog! So... what's your name?" Mukhang busog na busog nga siya dahil medyo bloated ngayon ang kaninang flat stomach niya.

"I'm Zemira Allyson, but feel free to call me whatever you like," I said, while busy staring at the trees outside. "How about you? What's your name? You didn't answer me when I asked you earlier," I added, still not looking at her.

"Amadrya. That's my name," she answered. Even her name means tree nymph.

"Amadrya, huh? What a lovely name. Anyways, I like the color of your hair," I unconsciously said, still staring outside.

"Really? I love you more," she said. Medyo nagulat na napalingon naman ako sa kaniya. She's just right beside me, leaning comfortably at the sofa with her eyes closed. 

"What—"

"Joke! I love the food that you cooked earlier talaga 'yun," putol niy bago tumawa ng medyo malakas.

Napapailing na lang ako dahil sa kalokahan niya. Ibinalik ko ang tingin sa labas. Haa... so relaxing!

____________

"Is she asleep?"

"Yeah, so don't disturb her."

"I won't. What are you doing here, by the way? I thought you're in your hometown? "

"Nakikain. Kakauwi ko lang din."

"Seriously? Nakikain? Seryoso ka?"

"Fine! I was just curious about her, so I went here to meet her. Narinig ko kasi 'yung ibang dryads na may dinala raw sila Haizea dito na babae."

"And? What happened next? Did you scared her?"

"Uhh... Yes? She screamed so loud and then, she threw an onion straight to my face. She even pointed a knife at me."

"Well, you deserved it. You're lucky na hindi 'yung kutsilyo ang naibato niya sa'yo."

"Yeah, yeah, I know. Anyways, the food that she made earlier was so delicious, I swear! You should try it next time!"

"Puro na lang pagkain ang nasa isip mo."

"What do you want me to think? You? Should I think about you?"

"Oh, shut up. You're not funny, Amadrya."

"What? Nafa-fall ka na ba? Uy... Crush mo na 'ko, 'no?"

"Dream on, Amadrya!"

"H'wag kang mahihiyang umamin, Daph, ako lang 'to!"

"What the fvck? Where did that so much confidence came from?"

"Okay lang 'yan. Crush din naman kita!"

"Argh! Stop talking nonsense! You're so annoying!"

"Aww.. nagtatampo ang Daphne ko. Halika nga dito, iha-hug kita."

"Argh! Stay away from me!"

"H'wag ka nang magtampo, beybe. Love naman kita."

"Amadrya!"

"Hey, you two, stop flirting in front of me," I said, looking at them in a bored manner.

I just woke up and then this scene welcomed me. I just saw Amadrya hugging Daphne from the back while Daphne's sitting on her lap, trying to get away from her hug. Nakita ko pang sobrang pula na ng mukha ni Daphne habang si Amadrya ay komportableng nakapikit ang mata habang nakapatong ang ulo sa balikat nito.

"You're awake?" tanong ni Amadrya habang nakapikit pa rin.

"Oo, kanina pa," sagot ko.

"Okay," maikling sagot nito.

"I said, let go! Argh!" nauubos na pasensyang sambit ni Daphne sa nakayakap sa kaniya.

"No, I don't want to," sagot nito sa kayakap bago idiin ang mukha sa balikat nito. Napansin ko naman ang pag-igtad ni Daphne at ang lalong pagpula ng mukha nito dahil sa ginawa ni Amadrya.

Wew. Sana all. I gave them one last glance before looking outside. I figured out that it's already evening.

"What are you doing here, Daphne?" tanong ko.

"Argh! I-I came here to check you,"Masyado yatang malakas itong si Amadrya dahil kahit anong tanggal ni Daphne sa kamay niyang nakapulupot sa katawan niya ay hindi niya magawa.

"A-And Avyanna told me to stay here for a while, but I guess there's no need for me to stay here since Amadrya is already here," she added.

"Is it okay for you to stay here for a while?" she then asked the woman who's comfortably hugging her.

"Yes, that's fine for me," nakapikit pa rin na sagot niya.

"Alright, then. Now, let go of me," utos nito kay Amadrya.

Idinilat naman nito ang mata nito at inalis ang pagkakasandal ng ulo sa balikat ni Daphne. Nakakunot ang noong nakatitig naman ito ngayon sa kaniya, tila nagtatanong kung bakit.

"I need to go home!" nawawalan ng pasensyang sagot ni Daphne sa kaniya.

"Nooo! Stay here with me!" parang batang sambit ni Amadrya.

"Argh! C'mon, Amadrya, let goooo!" paubos na talaga ang pasenyang sambit nito. "Do you want me to tie you up again in your tree for three days!?" she threatened.

Mabilis pa kay Flash nitong tinanggal ang pagkakayakap kay Daphne, takot na matali ulit sa sarili niyang puno ng tatlong araw. Mabilis din namang lumayo ni Daphne sa kaniya, takot din na makulong ulit sa yakap ni Amadrya.

"I'm gonna go now, Zemira. And you! Take care of her well, okay!?" paalala nito.

"Yes, babe!" sagot nito bago sumaludo kay Daphne.

"I'll visit again tomorrow. See you," kumakaway na sambit nito habang palabas ng bahay.

"Hey, babe! Where's my goodbye kiss!?" dinig kong tanong nito sa paalis na si Daphne na sinagot siya ng middle finger.

Puro kalokohan talaga 'tong Amadrya na 'to. Napapailing naman akong naglakad papuntang kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa'kin papuntang kusina.

"What do you want me to cook for dinner?" tanong ko kay Amadrya habang tumitingin sa parang refrigerator nila dito.

"Hmm.. How about I cook?" she asked. Tumango naman ako bago umupo sa high-stool chair at hinayaan siyang kumilos sa kusina. Nanonood lang ako sa ginagawa niya nang bigla akong may maalala.

"Hala, shit! Bakit ko nakalimutan?" sambit ko sa sarili bago tumakbo paakyat papunta sa kwarto ko.

Nang makarating sa kwarto ay dali-dali kong hinalungkat ang bag na dala ko. Inilabas ko ang lahat ng laman ng bag ko dahil hindi ko mahanap 'yung cellphone ko. Jusko, patay talaga ako kay Alice!

Nagliwanag ang mukha ko nang mahanap na ang cellphone. Nayakap ko pa ito ng wala sa oras dahil sa sobrang saya. I tried to open it, hoping that it's still working. I felt relieved when it successfully opened.

Mabilis akong dumiretso sa messages at mabilis ding nagtipa ng mensahe para kay Alice. Gosh, sana magsend! Pawala-wala kasi ang signal at malapit na rin akong maglowbat, wala pa naman akong dalang charger.

Sent!

Nakahinga ako ng maluwag nang magsend ang message ko bago tuluyang namatay ang cellphone ko. Ibinalik ko ito sa loob ng bag ko bago ipinasok sa loob ng kabinet dito sa loob ng kwarto. Pagkatapos ay lumabas na 'ko at dumiretso sa baba.

Naabutan ko namang tapos na magluto at maghanda sa lamesa si Amadrya. Umupo naman ako sa upuang nasa harap nito at nagsimula na kaming kumain ng hapunan.

Busog na busog ako pagkatapos dahil nasarapan talaga ako sa inihanda niyang pagkain.

____________

"Good morning, Zemi, gusto mong sumama sa'kin mamaya sa plaza?" bungad na tanong kaagad sa'kin ni Amadrya habang pababa ako.

"Ha? Ano namang gagawin natin do'n?" tanong ko habang abala sa paglalagay ng palaman sa tinapay.

"May bibilhin lang ako," sagot niya na abala sa pagkain.

"Okay, saglit lang naman tayo, 'di ba?" tanong ko ulit.

"Yup!" she answered, emphasizing the 'p'.

"Tska shaan ba 'yun?" tanong ko habang ngumunguya.

"Diyan lang, malapit lang dito sa bahay ni Haizea," sagot naman niya na abala na ngayon sa pagliligpit ng pinagkainan niya.

"Okay. Eh, ikaw, saan ka nakatira?" tanong ko ulit.

"Diyan lang din, sa may tabi ng pond," sagot niya ulit. "Kita mo 'yung puno na katabi ng pond? Diyan ako nakatira," nakaturo sa labas na ani nito.

Ngumunguyang napatango naman ako sa kaniya nang mahanap ang puno na sinasabi niya. "Cool!" sambit ko bago nagpatuloy sa pagkain.

____________

"Are you done!?" sigaw ng kasama ko mula sa baba.

Nagmamadaling isinuot ko ang damit na nakita ko sa cabinet dahil sa sigaw ni Amadrya. Pagkatapos ay pumwesto ako sa harap ng salamin para tignan kung maayos na ba ako.

I'm wearing a dress tapos may nakapatong pang isang dress pero sleeveless siya na parang pa-corset. I can't explain it well, basta 'yung parang sinusuot ng commoners sa historical manhwas na nababasa ko.

"Yes! Just give me a second!" I yelled back. Nagmamadali ko namang sinuklay ang medyo basa-basa ko pang buhok habang pababa ng hagdan.

Nakita ko kaagad si Amadrya sa sala, she's also wearing a dress like mine habang kumakain ng mansanas. "Eh? Gutom ka na naman? Kakakain lang natin, ah," sambit ko bago tumabi sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagsusuklay.

"Mabilis ako magutom," sagot niya bago kumagat ng malaki. Napailing na lang ako sa kaniya.

"Tara na!" sambit ko nang matapos sa pagsusuklay.

"MAY DAAN PALA dito? Eh, bakit doon kami dumaan sa puno no'ng isang beses?" tanong ko sa kasama habang naglalakad papunta sa plaza na sinasabi niya.

"Ah! Shortcut 'yun. Kapag kasi sa kabila ka dumaan, malayo tska matatagalan ka bago makarating dito, dadaan ka pa kasi plaza," paliwanag niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa plaza na sinasabi niya. Not gonna lie, this plaza is huge and colorful! Ang dami ring stalls ng mga pagkain at iba pa. There's also some street performers na ginagamit 'yung mga abilities nila.

This world is really extraordinary.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status