Share

Chapter 7

Daphne

What did the hell happen? Did she run all the way here while carrying her in her arms? And... Why is Zemira unconscious? 

"H-Help, h-help me!" Dali-dali naman kaming lumapit sa kaniya nang humingi ito ng tulong habang humahagulgol na parang bata.

"What happened? Why is Zemira unconscious? Bakit ang dami niyang gasgas? And you, why is there a bloodstain on your dress?" sunod-sunod na tanong ni Haizea. 

"Hey, stop asking her questions. Bring Zemira in her bedroom, Amadrya. We need to check her first, she looks so pale," utos ni Reina kay Amadrya na kaagad naman nitong sinunod.

Sumunod kaming lahat sa kanila sa itaas. Nadinig pa namin ang utos ni Reina kay Amadrya na padapang ihiga si Zemira sa kama.

Nang makararing kami sa pinto ng kwarto ni Zemira ay nakita namin ang dumudugo at may kalakihang sugat niya sa likod. Ang dami rin niyang gasgas sa braso at sa ibang parte ng katawan. Just... Just what happened to them?

Dali-dali namang pinunit ni Reina ang damit ng walang malay na si Zemira bago pumwesto sa tabi nito. "Where did she get this wound?" Reina asked while treating Zemira's wound using her healing ability.

"I-I don't know either. S-She didn't answer me earlier because she suddenly lost consciousness, but I guess she got that wound when they were pushed by a man. S-Sa tindahan kasi sila ng mga armas tumama ng niligtas niyang bata," humihikbing sagot nito.

"Can you please tell us the whole story of what happened earlier?" pagsingit naman ni Avy na ngayon ay nasa loob na ng kwarto ni Zemira.

"N-Naglalakad-lakad kasi kami ni Zemira sa plaza nang makarinig kami ng nagsisigawan na mga tao. Pumunta kaming dalawa do'n, tapos nakita nga namin na ang dahilan pala ng kaguluhan ay 'yung nagwawalang kabayo sa gitna ng daan na sinusubukang pigilan ng mga tao. Nagtatanong ako no'n sa katabi kong babae kung anong dahilan ng pagwawala ng kabayo, ang sabi ay may naglagay daw sa sapatos nito ng isang matulis na bagay..." Tumigil ito saglit at napahinga ng malalim bago nagpatuloy. "N-Nagulat na lang ako nang biglang inabot sa'kin ni Zemira 'yung isang supot at saka tumakbo palapit sa batang nasa gitna rin ng daanan. Sakto naman paglapit niya do'n sa bata, nakawala 'yong kabayo sa pagkakahawak sa kaniya ng mga tao. Nahila rin naman kaagad pabalik 'yung kabayo bago pa makarating sa pwesto nila Zemira, kaso biglang may tumulak sa kanilang lalaki na nakasuot ng cloak kaya nagpagulong-gulong silang dalawa papunta do'n sa bilihan ng mga armas," kwento nito.

"I-I-I'm sorry! I'm really sorry! I-It's my fault that Zemira ended up in that state. K-Kung binantayan ko lang sana siya, hindi siya magkakaganiyan," humihikbing paghingi ng paumanhin nito sa'min.

"It's not your fault, Amadrya. Zemira did it in her own will. The one who's at fault was the person who pushed them. So stop crying now, okay?" Haizea said while consoling her.

Mas lalo itong humagulgol bago yumakap kay Haizea. Sigh. She didn't change a little bit, she's still a crying baby. Amadrya is weak when it comes to such things, especially when she sees people close to her hurting. Just like what happened now, she's crying out loud because of what happened to Zemira.

"I'm done. Thankfully, the wound on her back is not that deep kaya hindi mahirap gamutin but still, mag-iiwan pa rin 'to ng peklat sa likod niya. For now, hayaan muna natin siyang magpahinga. Gigising din naman siya once na na-regain na niya 'yong strength niya," paliwanag ni Reina matapos lagyan ng bandage ang likod ng walang malay na si Zemira. "Avy, can you help me change her clothes?" Tinanguan naman ito ni Avy na nakaupo sa dulo ng kama ni Zemira.

"Let's go, Amadrya. Kailangan mo na rin magpalit ng damit, may mga bloodstains 'yung dress mo."

Humihikbing tumango siya kay Haizea. Pinanood ko silang lumabas ng kwarto bago ibinalik ang tingin sa mga taong nandito sa loob.

"I'm gonna go downstairs, you want to come with me, Callie?" tanong ko sa katabi na sinagot naman niya ng tango.

Nang makababa ay dumiretso ako ng kusina habang si Callie ay dumiretso naman sa sala saka pasalampak na napaupo do'n.

"Sino namang pwedeng gumawa no'n sa kaniya?" tanong ni Callie habang nakatitig sa kisame.

"I don't know, I don't have a clue either. What do you want me to cook? Ako na lang ang magluluto, busy pa sila sa taas, eh," ani ko.

"Steak na lang, Daph," sagot nito ng hindi tinatanggal ang tingin sa kisame.

"Alright, then," sambit ko bago nagsimulang magluto.

_____________

"Oh! Sakto, the food is ready!"

ani ko nang makita silang papunta sa kusina. "Where's Amadrya?" tanong ko nang mapansing hindi nila kasama 'to.

"She fell asleep in my room," sagot ni Haizea na nakaupo na sa hapag-kainan kasama sila Avy.

"What are you gonna do now? Do you have any idea kung sinong pwedeng gumawa no'n?" tanong ko ulit habang kumakain.

"No, we don't have any idea who could possibly do that. Wala namang nakakaaway o may galit kay si Zemira maliban kay Damon, pero alam kong hindi magagawa 'yon ni Damon. He's in the academy the whole time, kasama sila Scottie at hindi naman namin siya isinasama dito," sagot ni Callie na abala naman sa paghihiwa ng steak.

"Hindi rin naman siya nakagala sa loob ng academy, she's inside the clinic the whole day bago namin siya dinala dito," dagdag naman ni Reina.

"We should try to talk to the Headmaster about this. I'm sure, she will let Zemira na ma-enroll sa school kahit hindi natin siya katulad. At least doon, safe siya at imposibleng makakapasok 'yung taong gumawa sa kaniya no'n," ani ni Haizea na katatapos lang kumain. Kita ko naman ang pagsang-ayon ng lahat sa sinabi ni Avy.

I also think that it's better if she's there, marami ang mababantayan siya doon kaysa dito. Mas safe rin siya do'n because of the academy's protective barrier.

I heaved a deep sigh when I remembered Zemira's wounded body earlier. I hope she wakes up soon.

And whoever that person is, sana karmahin na siya kaagad. Anong karapatan niyang gawin 'yon sa kaniya? Zemira's smooth and soft skin was covered with wounds and scratches because of what that person had done. Siya kaya itulak ko sa bangin na puno ng mga mababagsik na hayop?  

ABALA AKO SA pagliligpit nang biglang may magsalita sa gilid ko. "Hey, Daphne, I have a favor to ask." Hindi ko naman maiwasang mapapitlag dahil sa gulat.

Matapos makabawi sa gulat ay nilingon ko ito. "What is it?" tanong ko bago ibinalik ulit ang atensyon sa pagliligpit.

"Can you stay here with Reina for a while? Callie, Haizea, and I will go back to the academy para kausapin si Miss Selene patungkol kay Zemira." Napatingin naman ako sa kaniya habang nagpupunas ng basang kamay. May nafi-feel ako dito sa kaharap ko, pero 'di na lang ako mag-talk.

"Sure, Avy. Ngayon na ba kayo aalis? Or bukas pa?" tanong ko.

"Ngayon na, so that we can go back here tomorrow. We'll bring the boys too, pero baka hindi na kami sa shortcut dumaan. You know how dangerous some of the dryads are kapag nakita sila Damon, they might attack the boys again," sagot nito. Hindi ko naman maiwasang matawa ng malakas dahil sa sinabi niya.

If I'm not mistaken, they got attacked by some dryads when they first visited here. Let's say na masyadong nafall ang mga dryads sa kagwapuhan ng tatlo kaya sila inatake. And ever since that day, hindi na dumadaan sila Damon do'n sa shortcut sa tuwing nagii-stay sila sa bahay ni Haizea.

"Thank you. I'll go first, puntahan ko lang sila sa taas," ani nito bago umalis sa kusina.

_____________

"We're gonna go now, Reina, Daphne. We'll see you guys tomorrow," paalam ng tatlo bago lumabas ng kwarto ni Zemira.

"How is she?" tanong ko kay Reina nang makaalis na ang tatlo.

"She's fine now. Nagamot ko na rin 'yung mga maliliit na sugat at gasgas niya sa katawan. Hindi na rin siya masyadong namumutla kumpara kanina. Ang gagawin na lang natin ngayon, ay ang hintayin siyang magising because she's still in the middle of regaining her strength," sagot ni Reina.

"I just hope that the miss Selene will approve your request to enroll her in the academy," ani ko bago malalim na napabuntong-hininga.

"Yeah, I really hope so," ani rin nito habang nakatitig sa natutulog na si Zemira.

Nag-stay pa 'ko ng ilang minuto sa kwarto ni Zemira bago magpaalam kay Reina na matutulog na. Lumabas ako sa kwarto at nagsimulang maglakad pababa, pero napatigil naman ako sa tapat ng  kwarto ni Haizea. I wonder how is she? She cried a lot earlier.

Should I check her inside, or not? Nagdadalawang-isip naman ako kung papasok ba 'ko o hindi, baka kasi bigla siyang magising, e. H'wag na lang siguro...

"Wew. In the end, pumasok pa rin ako," bulong ko sa sarili nang makapasok sa kwarto ni Haizea. Maingat kong sinara ang pinto bago humarap sa kaniya.  

Bumungad naman kaagad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Amadrya. Lumapit ako sa kama nito bago dahan-dahang naupo sa tabi niya para hindi siya magising. Maingat na inalis ko rin ang mga natitirang strands ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya, and there, I saw her swollen and puffy eyes.

I gently caressed her cheeks up to her swollen eyes. Seeing her crying face earlier makes me feel weak. I'd rather see her happily eating all of my food at home than see her cry.

"Look at your eyes, it's really swollen," I whispered, still caressing her swollen and puffy eyes. "Mukha kang sinuntok." dagdag ko pa bago mahinang natawa.

Naestatwa naman ako saglit nang gumalaw ito, nakita ko pa ang kunwaring pagngguya niyo at ang laway nitong patulo na sa leeg niya. Hindi ko naman maiwasang matawa ng medyo malakas. Looks like she's dreaming about a world full of delicious foods.

"Ah, it's already late, I should also sleep. Goodnight, Amadrya. I hope to see your vibrant smile again tomorrow," I whispered to her before walking to the door.

Nilingon ko pa muna ito ng isang beses bago lumabas. Maingat ko uling sinarahan ang pinto para hindi siya magising. Dumiretso naman ako pababa at pumunta sa isa pang guest room na malapit sa kusina, dito na lang muna siguro ako matutulog ngayong gabi.

Padapa naman akong nahiga sa kama nang makapasok. I let out a long deep sigh bago umayos ng higa. Niyakap ko ang isang unan at saka ibinaon ang mukha ko do'n.

Hmm... Smells like Amadrya.

____________

"Did you found it?"

tanong ng isang babae.

"H-Hindi pa rin po,"

sagot ng isa sa mga inatasan nito.

"What!? Hindi niyo pa rin nahahanap!?"

galit na tanong ng babae.

"G-Ginagawa na po namin ang lahat para mahanap 'yun,"

sagot ulit nito.

"Ginagawa niyo ang lahat!? It's been so long, yet you still haven't found it!? Are you kidding me!?"

galit na galit na talagang tanong niya.

"H-Hindi po. No kidding us, we serious,"

sagot ulit nito.

"Tanga. Not kidding you dapat,"

bulong naman sa kaniya ng kasama niya bago siya binatukan.

"A-Aray naman! Kailangang mangbatok? Ahem! I'm sorry, but not kidding you,"

sambit nito sa boses.

"What!? Argh! These useless fools! Get out and find where the necklace is!"

galit na galit na galit na talagang pagpapaalis niya.

"Ayan, nagalit tuloy, ikaw kasi, e!"

pagbubulungan nila habang palanas ng kwartong iyon.

"Useless! Useless! Useless!" sobrang galit na talagang sigaw ng babae nang makalabas ang dalawang kinausap.

"Where the hell did you hide it, Olivia!?" sigaw ng babae habang gigil na kinakagat-kagat ang kuko nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status