Share

Chapter 6

"Tara do'n, Zemira!" Paghila sa'kin ni Amadrya sa isang stall na nagtitinda ng mga skewers.

"Tatlo nga po nito." Turo nito sa kakaluto lang na beef skewers. Inabot naman sa kaniya ng tindero ang napili saka ito binayaran.

"Tikman mo, Zemi, masarap 'yan!" sambit niya bago inabot sa'kin ang isang stick. Nagpasalamat naman ako sa kaniya nang makuha ito.

I took a small bite, and my eyes twinkled because of how juicy and savory the meat is. Mabilis ko naman itong naubos bago tumingin sa kumakain na si Amadrya. Napalingon naman ito sa'kin habang ngumunguya ng skewers na binili niya.

Napansin niya yatang nakatitig ako sa hawak niya kaya mahina siyang natawa. "Haha. Here, bibili na lang ulit ako," sambit niya bago binigay sa'kin ang isang stick. Tuwang-tuwa ko naman itong kinuha bago nagpasalamat ulit sa kaniya.

Nagulat naman ako nang pagbalik nito ay may dalawa pang hawak-hawak na skewers habang meron pang isang stick na kinakain naman niya. She's such a big eater.

Habang naghihintay na maubos niya ang kinakain ay ibinaling ko muna ang atensyon ko sa isang street performer na malapit sa amin.

"Tara, Zemi, doon naman tayo!" biglang pag-aaya sa'kin ni Amadrya sa isang stall na nagtitinda naman ng mga hair ornaments. Ang gaganda, may mga bulaklak, ribbons, at kung ano-ano pa. May isa namang nakaagaw ng aking atensyon, kulay silver siya tapos may mga white diamonds na design at parang may kasamang pantusok sa buhok.

"You like that?" tanong sa'kin ng kasama ko nang mapansing nakatitig ako dito.

"Uhh..." naghahanap ng sagot na ani ko. Nakakahiya naman kasi, wala akong kahit anong pera. Iba kasi yata ang gamit nilang pera dito.

"I can buy that for you," sambit nito kaya napatingin ako sa kaniya. Eh? Babayaran niya 'to? Parang ang mahal nga nito, eh.

"Ha? Nako, h'wag na! Baka mahal pala 'yan, 'no! Wala akong ipangbabayad sa'yo," tanggi ko kaagad. Narinig ko naman ang pahinang pagtawa nito.

"Okay lang, ano ka ba? Isipin mo na lang na binili ko yan bilang pasasalamat sa pagkaing niluluto mo. Haha! Ano? Bibilhin na ba natin?" sambit nito. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa kakulitan nito.

"Sige na nga. Thank you!" kunwaring napipilitang sagot ko.

Lumapit naman ito sa tindera para itanong kung magkano iyon. Habang abala siya sa pagkausap sa tindera ay inilibot ko ulit ang paningin ko sa buong plaza. Ang daming tao, mukhang may celebration ngayon o normal na talaga 'yung ganitong kadaming tao?

"Psst!" Kinalabit ko ang kasama kong abala sa pagbabayad ng binili namin. Lumingon naman ito sa'kin nang makapagbayad at binigyan ako ng may nagtatanong na tingin. "Is there some kind of celebration? Or normal na talagang may ganitong kadaming tao dito sa plaza?" nakukuryosong tanong ko.

"Ahh.. Normal talaga 'yang gan'yang kadaming tao pero mas doble 'yung dami ng tao kapag may selebrasyon dito. Dati naman ay hindi ganito kadami 'yung mga tao dito. Simula kasi nang may mangyari sa kabilang bayan, dito na madalas magsipunta 'yung mga tao. Kung tutuusin mas madalas dumayo 'yung mga taong nandito sa kabilang bayan, maganda rin kasi do'n, maraming mga bilihan, tska mas malaki ang plaza nila kumpara dito." paliwanag ni Amadrya habang naglalakad-lakad kami sa plaza.

"Bakit? Ano bang nangyari sa kabilang bayan na sinasabi mo?" tanong ko ulit.

"Hmm... Hindi ko alam ang buong kwento pero ang usap-usapan kasi dati na bigla na lang daw naglaho isa-isa 'yung mga taong nakatira do'n tapos naging abandonado na. Hindi rin nalaman ng magic council kung bakit kasi nga kahit anong pag-iimbestiga nila, hindi sila makakuha ng sagot. May pumipigil daw kasi sa kanilang makapasok sa loob ng city. Tska, pinagbawalan na ring pumunta do'n 'yung mga tao dahil nga may mga mababagsik na mga hayop do'n, lalo na sa ibang parte ng gubat," mahabang paliwanag nito.

Hmm... Isa-isang naglaho 'yung mga tao? Ang creepy naman no'n. Tska buti na lang talaga doon ako napunta sa parte ng gubat na wala masyadong mababangis na hayop dahil kung hindi, baka patay na 'ko. Pero naku-curious pa rin ako kung bakit naglaho ang mga tao sa kabilang bayan na sinasabi nila.

'Hindi kaya may kung anong halimaw ang kumuha sa kanila?  Tapos ginawa silang pagkain, gano'n? O 'di kaya, isa-isa silang pinatay?' nakahawak sa aking babang tanong ko sa aking sarili.

Nasa ganoong posisyon ako nang makarinig ng mga nagsisigawang tao. Nabaling ang atensyon namin doon at nakitang may isang kabayong nagwawala sa gitna ng daan. Lumapit kami do'n at nakitang sinusubukan itong pigilan ng mga tao pero hindi nila magawa dahil sa sobrang pagwawala nito.

Habang ang atensyon ng iba ay nasa nagwawalang kabayo, naagaw naman ng isang batang babae ang atensyon ko. Nasa gitna rin siya ng daan at parang may kung anong bagay ang hinahanap sa lupa, malapit lang din siya doon sa nagwawalang kabayo.

Nagpabalik-balik pa saglit ang tingin ko sa kabayong nagwawala at sa batang babae.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-daling tumakbo sa pwesto ng batang babae, dinig ko pa ang pagsigaw ni Amadrya sa pangalan ko. Sakto namang paglapit ko sa batang babae ay siyang ring pagkawala ng kabayo sa taong may hawak ng tali niya. Nagdire-diretso ang kabayo sa pwesto namin habang ako ay tila naestatwa sa kinaroroonan kasama ang bata.

Sobrang bilis ng pangyayari dahil nalaman ko na lang na may tumulak sa'min kaya nagpagulong-gulong kami ng yakap-yakap kong bata sa lupa. Napapikit naman ako nang maramdaman ang pagtama ng likod ko sa isang matulis na bagay. Shit. Ang sakit.

"A-Ayos ka lang?" tanong ko sa yakap-yakap kong bata. Nakita ko naman ang pagtango nito habang humihikbi.

Dahan-dahan kaming tumayo. Hindi ko naman maiwasang mapakagat sa aking labi dahil sa paghapdi ng likuran ko. Napatingin pa ako sa kaninang pwesto at nakitang napakalma na ang kaninang nagwawalang kabayo.

"Zemira!" Napalingon naman ako sa sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko ang tumatakbong si Amadrya papunta sa kinaroroonan namin ng kasama kong bata. "Are, Are you okay!? My gosh! Ang dami mong gasgas! Patay tayo nito kila Haizea!" Hingal na hingal na ani ni Amadrya nang makalapit sa'min.

Iniwas ko naman sa paningin niya ang likod kong tumama kanina. "I-I'm fine. Gasgas lang 'yan. I-check mo muna 'yung bata, baka meron siyang nakuhang sugat o bali." Utos ko rito. Nag-aalangan man ay sinunod pa rin nito ang utos ko. 

"Saia! Anak ko!" pagsigaw ng isang babaeng tumatakbo papunta sa pwesto namin. Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala para sa anak.

Nang makarating siya sa pwesto namin ay dinamba niya ng mahigpit na yakap ang humihikbing anak. Makailang ulit niya pa itong binigyan ng halik sa noo bago ulit niyakap ng mahigpit. Napatingin naman ito sa direksyon ko at dali-dali akong nilapitan.

"Salamat! Salamat ng marami! K-Kung hindi dahil sa'yo ay baka kung ano na ang nangyari sa anak ko. Maramong salamat talaga!" paulit-ulit na pasasalamat nito habang umiiyak. 

Nagulat naman ako nang bigla ako nitong yakapin ng mahigpit kaya kahit natamaan niya ang sumasakit kong likuran ay sinuklian ko pa rin ng yakap ang yakap niya. For a second, I feel like the one who's hugging me was my mother. God. I miss her.

"Ay, wala ho 'yun. Ginawa ko lang naman po kung ano ang dapat gawin," nahihiyang sambit ko.

"A-Ah... Ito," pagkuha nito ng kung ano sa bulsa ng suot niyang bestida. "Tanggapin mo bilang pasasalamat sa pagligtas sa anak ko. Maraming salamat ulit," medyo sumisinghot na sambit nito bago inabot sa'kin ang isang... coupon? Napatingin ako sa babae at nakita itong nahihiyang nagkakamot ng batok.

"P-Pasensya na... 'Yan lang kasi ang kaya ko," rason nito. Nanghihinang napangiti naman ako sa kaniya at sinabing ayos lang bago nagpasalamat.

______

"Maraming salamat ulit, Ija!" kumakaway na sigaw ng babae habang paalis sila ng anak niya. Nanghihinang kinawayan ko rin naman sila pabalik at nginitian.

"Zemira, okay ka lang ba? Bakit parang nanghihina ka?" nag-aalalang tanong ni Amadrya sa'kin habang inaaalalayan ako nitong tumayo. Pinipigilan ko naman ang sarili mapaimpit sa sakit dahil baka makita niya ang iniinda ko sa likuran.

"Yep! I-I'm fine, don't worry about me. We s-should go h-home now, malapit na maggabi tska b-baka hinahanap na rin tayo ni D-Daphne, 'di ba pupunta siya n-ngayon?" nauutal na sambit ko sa kasama.

"Are you sure you're okay? You look so pale," she asked again.

"Yeah, I'm really okay," I assured her and gave her a weak smile.

Hindi ko naman inaasahan ang bigla nitong pag-akay sa'kin. Isinabit niya sa balikat niya ang kaliwa kong kamay habang ang kanan niya namang kamay ay pumulupot sa likod ko. Napakagat naman ako sa labi nang matamaan ng kamay niyang nakapulupot sa'kin ang likuran kong may sugat.

"Why is your back so wet? Wala namang tubig sa nagulungan niyo, ah?" nagtatakang tanong nito bago sinulyapan ang likod ko. Kita ko naman ang paglaki ng mata niya nang makita kung ano ang nasa likuran ko. "What the fvck, Zemira? Y-Your back... There's a large wound in your back! Bakit, bakit hindi mo sinabi!?" bakas sa boses ang pag-aalalang sigaw nito sa'kin.

"I-I j-ju—" Hindi ko natuloy ang pagrarason ko nang bigla na lang akong manghina. Nadinig ko pa ang nag-aalalang pagsigaw ni Amadrya sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. Well, shit. Here we go again.

_____________

Daphne

"Akala ko ba bukas pa kayo bibisita ulit sa kaniya?" nagtatakang tanong ko kila Haizea na kasabay ko ngayon sa paglalakad papunta sa puno ng balete.

"Mapilit si Callie, e. Namimiss na raw niya si Zemira." sagot ni Reina na nasa tabi ko.

"Ah talaga ba, Callie? Miss mo si Zemira?" nang-aasar na tanong ko sa babaeng nasa unahan kong naglalakad.

"Oo, kaya shut your big boobs, este your mouth." medyo pikon na sagot nito sa'kin. Hindi ko naman maiwasang matawa ng mahina dahil sa pagiging pikon at mainisin nito lalo na kapag nakikita ako.

We stopped when we made it in front of the balete tree. Itinutok ko naman sa katawan nito ang dalawang kamay ko bago ito ipinaghiwalay. Nang masigurado kong makakadaan kami ay gumilid na 'ko at pinauna sila.

"How is she?" tanong bigla ni Avy sa'kin habang papasok kami sa loob ng puno.

"She's fine, I guess? Si Amadrya ang kasama niya maghapon, e. Siya rin ang pinag-stay ko rito dahil malapit lang naman siya sa bahay ni Haizea," sagot ko.

"Amadrya is here? She finally came back, huh?" biglang sambit ni Haizea na nasa tabi ko na pala. "After going back to our hometown without telling me," dagdag nito.

"Huh? Where are they?" Nabaling naman ang atensyon naming tatlo kay Callie nang magsalita ito.

"Why? Wala ba sila diyan?" nagtatakang tanong ni Avyanna.

"I think so. Sobrang tahimik ng bahay, e." sagot ni Callie sa kaniya.

"Baka naman natutulog lang? Kaya ang tahimik," sambit naman ni Reina.

"I'll go upstairs to check if she's there," paalam ni Callie bago dumiretso sa taas. Kami naman ay naupo muna sa sala habang hinihintay siya.

Hindi rin naman nagtagal ay naglalakad na pababa si Callie. "Nandiyan siya?" Tanong ni Reina nang makababa si Callie. Umiling naman ito bilang sagot sa tanong ni Reina.

"Baka isinama ni Amadrya sa plaza?" ani ko.

"Baka nga. Let's wait for them na lang, baka pauwi na rin sila," sambit ni Haizea.

"Should I cook for dinner?" tanong ni Reina, na tinanguan namin. "What do you want me to cook, then?" tanong ulit nito habang abala sa pagtingin ng pwedeng lutuin sa cupboard.

"How about... Stea--!?" hindi na natuloy ni Callie ang dapat na sasabihin nang biglang malakas na nagbukas ang pinto.

Blag!

Sabay-sabay kaming napatayo lahat nang bumungad sa amin ang umiiyak na si Amadrya. Napansin din naming hingal na hingal ito habang bitbit sa kaniyang mga bisig ang walang malay na si... Zemira?

What the...?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status