Lucas' POV Nagmadali akong bumaba pagkatapos akong maayusan ni Nuri at sandali naming pag uusap. Nadatnan ko silang tatlo na nakabihis sa sala, magaganda ang damit at talagang sumisigaw na mayaman sila, makakapal ang bulsa at makapangyarihan. Sinong nilalang naman kaya ang hindi makakapansin sa kanila? Siguradong pag baba pa lang nila ng sasakyan nila ay pagtitinginan na agad sila habang ang mga mata naman nila ay hindi ako mapapansin pero parang imposible din ang bagay na 'yon dahil siguradong hindi naman nila ako ilalagay sa likod nila. Pwede ko bang sabihin sa kanila na magpalit sila? "Are you ready? Let's go." Inilahad ni Fenrill ang mga kamay sa akin na agad ko namang tinaggap. Ngayong gabi, ngayong gabi lang ako magpapakabait sa kaniya, bukas ay balik na sa normal. "Tara." Nakangiti kong saad. Lumakad kami palabas ng bahay at tumungo papunta sa sasakyan.......mahabang sasakyan. Mukhang hindi pa man sila bumababa ay agaw pansin na sila agad.
Third Person POV Buhat ng dalawang misteryosong lalaki ang walang malay na si Lucas sa balikat ng isa habang ang isa naman ay nasa unahan para tignan kung may paparating bang kasama ni Lucas. Tumigil saglit ang dalawa sa paglabas sa banyo dahil may dalawang bata sa labas ng pinto. Hindi man nakatingin sa kanila ay kailangan pa ring mag ingat. Ang nasa isip nila ay, natural na mabilis ang mga bampira kaya naman hindi sila nag atubiling tumakbo sa pinakamabilis nilang kilos subalit pagka apak pa lang nila sa labasang gate ay naroon na si Fenrill at may galit na tingin sa mga mata. Sa likod naman ng dalawang bampira ay ang dalawang bata pero mukhang handa rin ang bampira dahil may sumulpot pang tatlo. Ang isa ay ang pinsan ni Daciana, malapit sa babae at halos kapatid ang turing. Walang sabing umatake ang tatlo sa mga werewolf, may ngiting mapaglaro nang makita ang dalawang bata. "I can take them down by myself." Mayabang na saad ni Theo and pinsan ni
Third Person POV Hindi sa manor ng mga Amoux dumiretso si Fenrill at habang nasa biyahe, tanging hikbi at pag iyak lang ang maririnig sa loob ng sasakyan na nanggagaling sa dalawang bata habang hawak ang malamig na kamay ni Lucas. Patuloy ang kanilang pagluha kahit na sa pagbaba nila ng sasakyan. Si Fenrill ang nagbuhat sa katawan ni Lucas papasok sa manor ng mga Adalwolf, inilapag niya ang katawan ni Lucas sa sarili niyang higaan, sa kwarto ni Fenrill. Doon niya pinagmasdan ang maputla nitong mukha ngunit may mapulang labi. Hinawakan ni Fenrill ang mukha ni Lucas at agad niyang naramdamdam ang kalamigan nito sa kaniyang palad. Sunod niyang hinawakan ang kamay nito na may parehong temperatura, walang pulso at payat. Mahigpit niya itong hinawakan at dinala sa kaniyang mukha bago halikan. Ang mga luha niya ay sunod sunod na pumatak sa kamay ng binata. "I meant it when I said I like you, Lucas." Madiin siyang pumikit at saka paulit ulit na hinalikan a
Third Person POV Nang matapos ang libing ni Lucas ay walang nagtangkang gumalaw, walang kahit na anong senyales ng pagkilos mula sa apat na binatang nakatingin sa lapida ni Lucas. Tahimik lang na dumadaan ang malamig na hangin sa paligid nila habang sumasabay naman dito ang bawat hikbi para kay Lucas. "Master, kailangan na po nating bumalik." Ani ni Fergus habang naka yuko. Kahit na siya ay nalulungkot dahil sa nangyari kay Lucas. Naging malapit din siya kay Lucas kahit paano. "Master, delikado kung mananatili pa kayo rito sa labas. Siguradong nakarating na sa kanila ang nangyari kanina." Nagsimulang lumakad si Fenrill habang sa likod naman niya ay nakasunod si Lucio at Rell na patuloy pa rin sa paghikbi. Ngunit tunay ngang delikado ang gabi ngayon at sa mga susunod pang gabi. Walang nagawa ang apat kung di ang umuwi muna at magpahinga. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya siguradong hindi magiging madali para sa kanila ang sitwasyon. S
Third Person POV Magulo ang bahay, madumi at puno ng bakas ng dugo. Bukod sa tatlong dinakip ng mga trespassers ay naiwan sa manor ng mga Adalwolf ang walang malay na si Lisencio at sugatang si Fergus. Hindi naman malala ngunit sapat na para hindi pa ito makalaban sa kanila. At kung lalaban pa siya, alam niyang mamamatay lang siya. Malakas si Fergus ngunit imposibleng matalo niya ang ganoong karaming kalaban lalo na at may mga kasama pa silang bampira. Hindi nila inaasahan ang maduming paglalaro ng mga Ferus. Pinilit tumayo ni Fergus upang tawagin ang lahat ng ranggong nasa misyon. Ngunit bago iyon ay inayos niya na si Lisencio sa isang lugar. Hindi naman malala ang lagay ngunit mukhang malakas ang pagkakahampas sa kaniya sa pader kanina. Kahit naman sino ay mahihilo kung sampung beses kang hinampas sa pader, maswerte pa nga si Lisencio na buhay pa siya. Kung hindi ay hindi rin siya karapatdapat na bahagi ng ranggo ng mga Adalwolf. Dumirets
Third Person's POV Sa bahay ng mga Adalwolf kung saan ang lahat ay nagbalik sa dating ayos. Ang mga sirang kagamitan ay napalitan agad ng bago at nawala na rin ag mga mantsang nasa pader at sahig. Lahat ay nagbalik sa mga ginagawang paglilinis ng buong bahay habang si Fergus naman ay naka upo nang tahimik sa sala kasama si Lisencio, naghihintay sa pagdating ng mga ranggo. "Malapit na sila." Saad ni Lisencio na siya namang pag tayo ni Fergus mula sa pagkaka upo sa sofa. Lahat naman ng katulong ay luminya upang batiin ang pagdating ng mga rango. Hindi pa man lumilipad ang isang minuto ay bumukas ang pinto nang malakas at isang malakas na hampas ng hangin ang bumulaga sa kanila. Pumasok nang sunod-sunod ang mga ranggong may hindi kagandahang ekspresyon sa mukha. Kunot ang uno at umiigting ang mga panga, ang iba naman ay hindi maipinta ang mukha sa galit. Umalulong ang malakas na boses ni Norte sa loob ng bahay na siya namang nagpanginig sa mga katulong.
Third Person POV Matapos ang kahihiyan kanina ay agad na pinabalik sa kanilang mga kwarto ang tatlo at ang mga Ferus naman na kasama ang mga miyembro ay kasalukuyang naghahanda para sa magaganap na pagdiriwang mamayang gabi. Ang mga katulong ay abala sa paglalagay ng mga mamahaling dekorasyong na siya namang nakakabulag sa kintab ng bawat gintong naka sabit sa mga pader. Mga babasaging baso at malalaking lamesa ay nakahanda na rin. Naglatag pa ng isang mahabang red carpet mula sa pinto hanggang sa dulo ng sala habang sa paligid namn nito ay ang mga lamesang may sapin na kulay puti at sa gilid ay mga linyang kulay ginto. Sa ikalawang palapag naman ay ang kwarto ng pinakamatandang Ferus, nagbibihis ng pinaka mahal na damit, sapatos at mga alahas na diyamante at ginto. Sa mukha naman nito ay ang hindi maburang ngiting parang sinadyang ipinta ng isang magaling na pintor. Samantala, sa manor ng mga Adalwolf makikita ang ilang tuwid na linya, sunod-sunod
Third Person POV "A pleasant evening to you ladies and gentlemen, tonight we are all gathered here to celebrate the master's birthday." Panimula ng isang miyembro. "Please welcome, master Pallo Ferus." Sabay sabay na nagbigay ng palakpak ang lahat ng bisita habang naglalakad naman papunta sa harap ng kaniyang mga bisita. Kinuha niya ang ang mikropono mula sa miyembro at tinapik ito bago magsalita. "I'm grateful and glad that you all are able to attend this old man's humble celebration." Ang mga salitang nanggagaling sa matanda ay wala naman talagang laman at alam iyon ng lahat. Kilala nila ang matanda kaya at hindi na rin ito bago sa kanila dahil kahit sila ay ginagawa ang bagay na ito. Walang puwang para kainisan ang matanda. Ang tanging kalituhan lang ay ang mga bampirang nagtatago sa gilid. "Later tonight, I shall present you all my good show. I'm sure thay you will all enjoy it but for now please, enjoy the party." Isang ngiting mapaglaro ang lumabas sa