"BILISAN MO! Tumakbo ka pa! Hahaha! Wala ka paring takas sa akin!" Isang sigaw ng lalaki habang parang isang demonyo na humahalakhak.
Binilisan ng takbo ng isang babae, na gusot-gusot na ang kaniyang mga damit.
Hindi niya akalain na dito siya hahantong sa pagmamahal lang sa lalaking ito.
Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali at ganito ang ginagawa ng lalaki sa kaniya. Saan ba siya nagka-mali?
Bakit siya binugbog ng lalaki?! Kanina ayos pa ang pakikitungo nito sa kaniya.
Kanina, sinabihan pa siya nito na 'mahal na mahal kita'. Pero ano ngayon? Parang baliktad na yata?
"Sige! Tumakbo ka pa! Hinding-hindi ka makakatakas sa akin! Akin ka lang! Dahil girlfriend kita! Ayaw kong may kasama kang ibang lalaki! Dapat ako lang!"
Umalingaw-ngaw sa buong gubat ang sigaw nito. Biglang kumalabog ang kaba sa kaniyang dibdib. Hin
NANLILISIK ANG kaniyang mga mata habang nakatitig sa naka-ngising mukha ng lalaki.Inis siyang lumakad patalikod dito. Pero, hindi pa siya nakakalayo'y, tinawag na siya nito na siya namang ikinatigil niya."Would you mind, pwede kang sumabay sa akin. If you want." Inis niya itong nilingon matapos itong mag-salita."Eh, kung ayaw ko?! May magagawa ka ba? Kung wala! Umalis ka na dito! Huwag mo akong guluhin! Sakit ka sa ulo, eh!" Inis na inis niyang sigaw rito habang parang mapapatid na ang ugat niya sa kaniyang leeg.Tumalikod siyang muli. Nilakihan na niya ang mga hakbang niya, dahil mukhang ma-le-late na siya sa klase niya, ay hindi lang pala siya, pati rin ang lalaking makulit na iyon."Kanina, ang ganda ng araw ko pagka-gising. Ngayon hindi na, dahil sa lalaking 'yun! Ha! Kainis talaga!" Maktol niya habang nag-lalakad sa tabi ng kalsada
NAKATULALA SIYANG nakatingin sa kawalan. Ilang araw na siyang ganito, takot at pangamba ang kaniyang nararamdaman habang iniisip na magiging ka-klase niya si Demetri Valdez.Ang pinag-takhan niya lang ay kung bakit bigla itong lumipat sa school nila at sa section pa nila?Kagagaling lang nito sa ibang bansa, marami namang ibang school sa Maynila, kaya't bakit sa school pa nila? May pina-plano na naman itong masam. Sure, siya doon. Iyon ang ikina-tatakot niya, kung ano ang maaaring gawin sa kaniya ngayon ni Demetri Valdez.Nakarinig siya ng katok sa kaniyang silid. Tumayo siya mula sa kaniyang kama at pinag-buksan ang taong kumakatok mula sa pintuan."Rosa, okay ka lang ba? Hindi ka bumaba kanina para kumain.. Ilang araw ka na ring hindi pumapasok sa school. May problema ka ba?" Salubong ng kaniyang kambal pag-bukas niya ng pinto.Ngunit tulad ng ilang araw ang lumipas, tul
"BA'T KAYO, bumitaw sa isa't isa? Ituloy niyo, ang sarap niyong panuorin, eh." Tuloy pa nito sa sinabi at ngumiti pa sa kaniya ng nakaka-asar."Demetri! Bro! Ito pala ang kinu-kwento ko sa iyo, si Rosa. Hindi mo siya nakilala kasi ilang araw na siyang absent. Nagka-sakit siguro siya, ito ang babaeng nilikigawan ko." Biglang singit ni Patrick na sa kaniyang likuran. Inakbayan pa siya nito na siya namang ikina-tuwa niya."Rosa, ito nga pala si Demetri Valdez ang bago nating school mate at classmate narin. Magka-kilala na pala kayo?" Baling bigla sa kaniya ni Patrick.Napatingin siya sa lalaki at bago kay Demetri. "Ahh, oo. Kilala ko na siya Patrick. Naging school mate ko siya dati sa inaaralan ko, bago ako lumipat sa inaralan natin noong high school."Napansin niyang umangat ang isang sulok ng labi ni Demetri. Mukhang alam na niya ang pina-p
ILANG ARAW NANG hindi pumapasok si Patrick at nag-aalala na siya para dito. Panay ang tingin niya sa kaniyang cell phone. Hanggang ngayon, hindi na ito nag-te-text sa kaniya.Napalunok siya ng laway nang mahagip ng paningin niya ang mabalasik na tingin sa kaniya ni Demetri. Ilang araw na itong ganoon sa kaniya, wala naman itong pagkakataon na lumapit sa kaniya dahil hindi siya umaalis sa tabi ni Maurina.Mabuti naman at hindi nag-taka ang kaibigan niya kung bakit siya palaging naka-buntot dito. Pinag-sasalamatan niya iyon."Bakit kaya, hindi na pumapasok si pogi? Alam mo ba kung bakit, Rosa? Mukhang siya naman ang pumalit sa'yo, ngayon ah. Nakakapag-taka naman. Araw-araw iyong pumapasok, eh. Para makita ka lang." Biglang wika ni Maurina kung kaya't napa-baling ang tingin niya rito.Napa-ngiwi siya, malamang hindi na pumapasok si Patrick nang dahil sa kaniya. Ayaw na siguro siya nitong maki
"EXCUSE ME, miss may I have your ID?" Salubong agad ng bouncer kay Rosa nang akma na sana siyang papasok sa Sare Per bar.Nangunot ang noo niya, hindi niya akalaing ganito pa pala ang mangyayari bago siya makapasok ng bar.Ipinakita naman niya ang ID niya, mabuti naman at hindi na siya under aged. Pasalamat siya at 19 years ol na siya.Nang makita ng bouncer ang ID niya, pinapasok naman siya nito. Napahinga muna siya ng maluwag saka iginiya na niya ang paningin sa loob ng bar.First time niyang pumunta sa bar, kung kaya't na-gulat siya sa kaniyang nakita. Ganito pala sa ang sistema sa loob ng bar. Maraming mga lalaking umiinom at babae na flirty.Maingay at parang wala na sa sarili. Hindi na lamang niya iyon pinansin lahat. Itinuon na lamang niya ang atensyon niya sa paghahanap kay Patrick. Talagang mababatukan niya iyon kapag makita na niya talaga, iyon.
NAG-MULAT NG mga mata si Patrick. Nasilaw siya sa liwanag na nag-mumula sa bintana ng kanyang silid. Akma na sana siyang tatayo, nang maramdaman niyang biglang sumakit ang kaniyang ulo.Nakainom pala siya ka-gabi! At, hindi niya alam kung paano siya naka-balik sa bahay nila. Bumalik ulit siya sa kaniyang pagkaka-higa, at napa tingin sa kisame.Papasok na ba siya? Ilang araw na siyang hindi naka-pasok sa klase dahil sa palagi siyang hang-over, at sinasadya naman niyang hindi pumasok, para ma-iwasan si Rosa.Ngunit, kahit anong gawin niya. Hindi niya parin mapigilang hindi isipin at mag-hanap kay Rosa. Goodness! His heart is longing for the woman, that he loved the most! And, that is Rosa."Shit! Kailangan kong pumasok. Ayaw kong ipakita na, apektado ako sa sinabi niya. Dapat hindi ako sumuko. Hindi ako susuko, para sa pagmamahal niya." Dagli siyang tumayo at sinapo ang kaniyang ulo.
HANGOS-HANGOS si Patrick nang makababa ng kanyang silid papuntang kusina nila.Nadatnan niyang nag-tatawanan ang mga magulang niya at si Rosa na naka-upo na, sa hapag kainan.Agad siyang tinawag ng mama Ging niya nang makita siya nito. Napa-ngiwi siya, nang parang malamig ang boses nito nang yayain siya. Mukha yatang galit ito sa kaniya, sino ba namang may magulang na gustong may babaeng natulog sa silid niya ng buong mag-damag? Di ba,wala?Ngunit ang ipinag-tataka niya'y, bakit hindi galit ang mga magulang niya kay Rosa."Naku, ikaw na bata ka. Bakit ka ba nag-lalasing? Kita mo't naka-abala ka pa sa magandang binibining ito. Alam mo bang si Rosa, ang sumundo sa'yo, doon sa Sare Per bar. Tapos, siya pa ang nag-alaga sa'yo ka-gabi. Kita mo't, na late pa siya ngayon." Mahabang sermon sa kaniya ng mama niya.Hindi niya iyon pinansin, ang pinansin niya lang ay, sinundo pala si
NAG-MAMADALI SIYANG lumabas ng kanilang silid. Dalawang araw narin ang nakaka-lipas noong naka-tulog siya sa bahay ni Patrick.Nag-mamadali siya, hindi dahil may nag-hahabol sa kaniya. Nag-mamadali siya dahil may hahabulin siya. Hinahabol niya ang oras.Nag-yaya kasi kanina ang ate Rose niya, na sasamahan niya ito na bumili ng materiales sa project nito. Tamang-tama naman, may bibilhin rin siyang mga materiales na gagamitin rin niya sa kanilang book report sa biology.Lalabas na sana siya ng gate, nang higitin siya bigla ni Maurina. Hingal na hingal ito nang lingunin niya."Sama ako, sa inyo, friend. May bibilhin rin ako sa city mall, na materiales sa book report natin sa biology, eh. Pwede ba?" Tanong nito sa kaniya.Agad naman siyang tumango dito. "Oo naman, halika na. Para, maabutan natin si ate kambal, sa labas. Baka kanina pa iyon nag-hihintay sa atin."