Share

Chapter 41

ILANG ARAW NANG hindi pumapasok si Patrick at nag-aalala na siya para dito. Panay ang tingin niya sa kaniyang cell phone. Hanggang ngayon, hindi na ito nag-te-text sa kaniya.

Napalunok siya ng laway nang mahagip ng paningin niya ang mabalasik na tingin sa kaniya ni Demetri. Ilang araw na itong ganoon sa kaniya, wala naman itong pagkakataon na lumapit sa kaniya dahil hindi siya umaalis sa tabi ni Maurina.

Mabuti naman at hindi nag-taka ang kaibigan niya kung bakit siya palaging naka-buntot dito. Pinag-sasalamatan niya iyon.

"Bakit kaya, hindi na pumapasok si pogi? Alam mo ba kung bakit, Rosa? Mukhang siya naman ang pumalit sa'yo, ngayon ah. Nakakapag-taka naman. Araw-araw iyong pumapasok, eh. Para makita ka lang." Biglang wika ni Maurina kung kaya't napa-baling ang tingin niya rito.

Napa-ngiwi siya, malamang hindi na pumapasok si Patrick nang dahil sa kaniya. Ayaw na siguro siya nitong maki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status