TASHANanatili lamang si Zat sa tabi ko sa nakalipas na mga araw. Kung pag-aalaga lang, ay masasabi kong alagang-alaga niya talaga ako.Ni ayaw niya akong pakilusin kahit sa maliliit na bagay.Kahit pa kung tutuusin ay nakakakilos, na naman ako.Apat na araw na ang nakalipas.Mula ng magpunta ang doctor na nobya ng kaibigan nito.At sa nakalipas na apat na araw na iyon?Saksi ako sa matinding pagpipigil ni Zat sa sarili na muling angkinin ako.Nakontento na lamang ito sa pahalik-halik at payakap-yakap, sa akin.Pero minsan hindi pa rin nito maiwasan na humirit at tuksuhin ako.Madalas, natatawa na nga lang ako sa kan'ya e. Lalo na tuwing mararamdaman ko ang paninigas ng pagkalalaki niya.Sa tuwing yakap niya ako.Sa tuwing magdidikit ang katawan namin."Irog ko, masakit pa ba talaga? Mukhang okay ka na naman e, " ang nakasimangot na tanong nito.Gusto kong matawa sa kan'ya, pero nagpigil ako.He looks really frustrated. Paayaw-ayaw pa noong una pero nang matikman, ayaw nang tigila
TASHALutang ang isip kong napasunod na lamang sa mabilis na lakad ni Lucio.Hindi ko alam kung saan ba talaga ang tungo namin. Pero ramdam ko ang labis na pagmamadali at kaseyosohan sa bawat kilos ni Lucio. "L-lucio, hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako.." Ang hingal kong sabi.Makaraan ang mahabang sandali na lakad, takbo kami sa madilim na kagubatan."Tasha, hindi tayo nakakasiguro na walang nakasunod sa atin.Kailangan kitang dalhin sa lugar na sinasabi ni Bossing. Doon magiging ligtas ka. Doon ka rin niya pupuntahan." Ang 'di kababakasan ng biro'ng anito.Alam kong pagod na rin siya. Dinig ko rin ang bawat hingal niya. "Paano kung hindi siya makasunod? P-paano...kung-" Napahagulhol na ako. Isipin ko pa lamang na hindi ko na ito makikita ay parang hindi ko talaga makakaya.Mahal na mahal ko siya..."P-paano kung may mangyaring masama sa kaniya?" Ang nahihintakutan kong tanong.Parang bukal ang luha kong patuloy na namamalisbis sa aking magkabilang pisngi."Alam kong hindi b
TASHABahagya ko pang naririnig ang mga boses sa labas.Ngunit wala naman akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila.Tulala lamang ako sa loob ng kuwarto.Nakahiga, nakabaluktot. Yakap ang sarili...Walang humpay ang pagtulo ng luha.Nasasaktan ako...Natatakot...Sa kabilang banda,nag-aalala rin ako, para kay Zat.The feeling was overwhelming.It's too much for me to handle.Hindi ako handa sa ganito.Sa murang edad at murang isip hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyon na gagawin ko.'Ni hindi ko nga alam kung alin sa nararamdaman ko ang una kong bibigyan ng atensyon.Nagtatalo ngayon ang isip at puso ko.Naroon 'yong kagustuhan kong lumayo para hindi madamay ang pamilya ko sa gulo.Na baka sakaling bumalik kami sa simple at tahimik namin na pamumuhay.Naroon rin 'yong, kagustuhan kong manatili, sa tabi niya. Dahil mahal ko siya...Hindi na madali sa akin ang iwan siya.Lalo na sa kalagayan niya ngayon.Mahihinang katok sa pinto ang siyang nagpabalikwas sa akin.Agad-agad n
TASHAMatagal ang naging tulog ko.Pagkagising ko ay agad akong bumangon upang magmumog at lumabas.Kabubukas ko pa lamang ng pintuan nang makita si Lucio na palabas rin sa kabilang kuwarto.Napaangat ang mukha nito sa akin."Gising ka na pala , Tasha. Tamang-tama gising na rin si Bossing..." Ang nakangiting anito.Maaliwalas ang mukha niya.Siguro masaya rin siya na gising na ang amo niya.Napabuka ang aking bibig sa narinig.Kasabay ng saya at kaluwagan sa dibdib ko.Sa wakas ay nagising na rin ito.Natunaw at naglahong bigla lahat ng pangamba at takot ko.Na baka hindi na nga ito, magising pa.Hindi ko mahagilap sa isip, kung anong petsa na nga ba?!Kung ilang araw na ba kaming nanatili rito.Nilingon ko ang papag na kinahihigaan niya.Tanaw ko nga na gising na siya at kausap si Samuelat si Dado."Lucio, ilang araw na ba tayong narito?" Ang medyo nahihiya kong tanong sa kanya.Ni ayaw ko ring lumapit.Pakiramdam ko ay nanlilimahid ang katawan ko.Ang lagkit ng pakiramdam ko.Gust
TASHAMalawak na ngiti ang isinalubong ni Eunice sa akin.Isang kimi at nahihiyang ngiti naman ang naiganti ko.Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako rito.“Mabuti naman at mukhang okay ka na, Tasha.” Ang may siglang anito.Marahan naman akong napatango.“This is Red, my boyfriend.” Ang simple nitong pakilala sa lalaking amused na nakatingin ngayon sa akin.“Nice to meet you, finally I met you in flesh…Ang babaeng bumihag sa mailap na puso ni Zaturnino.” Ang tila pagbibiro nito.Ngunit kinapula pa rin ng mukha ko.Binalingan nito si Zat na ngayon ay halos magdugtong ang mga kilay sa sobrang pagkakasalubong.Niyaya ako ni Eunice sa kuwarto namin ni Zat.Napasunod na lamang ako…Kahit pa nga parang ayaw kong umalis sa tabi niya.Balak ko pa naman sana na pakainin siya.Hindi kase ako sigurado kung nakakain na siya.Nakalimutan kong itanong iyon kay Lucio.“Tang*na talaga ang kamandag mo.Walang patawad, batang-bata.” Ang dinig ko pang ani Red nang pagtalikod namin.“She’s already 18!”
TASHAMula nang manggaling rito sila Eunice at Red ay naging tahimik si Zat.Madalas ko nga rin na makita siyang natitigilan, at malalim na nag-iisip.Kapag tinatanong ko naman kung mayroon bang problema, ang laging sinasagot niya ay malayo sa tanong ko.At walang oras na pinapaalala nito sa akin kung gaano niya ako kamahal.Nami-miss ko na sila Tatay, Nanay at ang mga kapatid ko.Sinira ni Zat ang cellphone ko noong nagalit siya sa akin, dahil sa selos niya kay Reynald.Ah, Si Reynald nga pala?Bigla ko siyang naalala...Nag-aalala pa rin ako kay Reynald. Saglit ko lang siyang nakalimutan dahil sa gulong nangyari sa amin.Ano na kayang balita sa kanya?Nahanap na kaya nila siya? Sana naman ay nakauwi na siya sa kanila.Tanungin ko kayang muli si Zat, kung anong balita na sa paghahanap sa kanya?Kagabi ay ako na ang nayaya sa kan'ya na sa kuwarto na lamang siya matulog kasama ko.Mas magiging komportable siya roon.Matitignan ko pa siya. Makakatabi at maaalagaan.Malambot ang higaan,
TASHA"Bakit ka nga aalis?" Ang pilit at naiiyak kong tanong sa kan'ya.Kanina pa iyon ang tanong na lumalabas sa bibig ko na hindi niya masagot-sagot ng diretso.Nag-paalam siyang aalis.Susunduin daw siya ni Red at Eunice.Tinanong ko siya kung kailan siya babalik.Wala siyang maibigay na matinong sagot! Basta sinabi niyang hindi niya sigurado kung kailan.Hindi ko nagustuhan ang sagot niya!Gusto kong sumama sa kanya.Ayaw niyang sabihin ang dahilan ng pag-alis niya.Kung dahil iyon sa mga kaaway niya na gusto siyang patayin ay talagang punong-puno ako ngayon ng pag-aalala.Hindi pa lubusang magaling ang mga sugat niya e. Paano kung sumugod muli ang mga kalaban niya?At isipin pa lamang na mapapalayo siya sa akin ng matagal ay talagang nanlulumo ako."May aasikasuhin lang ako, Irog ko. Babalik din naman ako kaagad kapag okay na ang lahat." Ang mahinahon nitong sagot sa akin."Bakit ayaw mong sabihin sa akin, kung ano ba talagang yang aasikasuhin mo?Zat, hindi pa magaling ang suga
Third Person POVIsang matigas na awra ang mababakas sa kaniyang mukha habang tahimik na naghihintay sa pagdating ng lalaking isang buwan na rin niyang hindi nakikita.Nakatingin lamang siya sa kanyang mga daliri at nilalaro iyon.May bahagyang kaba siyang nadarama sa napipinto nilang muling paghaharap.Tahimik siyang nakaupo sa harap ng maliit na lamesang iyon na nakalaan sa mga taong dumadalaw-dalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa loob ng kulungang iyon.Pinisil-pisil niya ang daliri na akala mo’y sa pamamagitan nun ay maiibsan ang kabang nararamdaman niya.Handa ba siya sa magiging reaksyon ni Zaturnino?Handa na rin ba siyang panindigan ang desisyong ito?Mga tanong sa sarili na tanging malalim na buntong hininga lamang ang naisasagot niya.Oo. Aaminin niyang kinakabahan siya. Ito ang unang beses na magkikita silang muli pagkalipas ng isang buwan.Naka-tungo lamang siya at tahimik na naghihintay. Tutok ang pa rin ang mga mata sa nilalarong daliri.Hindi niya sigurado kung makaka