Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Mula sa mahabang hapag kainan ay tahimik na nakaupo ang may nasa limang tao. Si Gracia, ang bunso sa magkapatid na Aragon. Makikita sa maganda niyang awra ang pagiging elegante, walang kasing hinhin ang bawat kilos niya kaya nagmukha siyang high class sa paningin ng lahat. Ang kanyang balat ay wari moy kailanma’y hindi nasayaran ng pekeng ginto. Patunay ang kumikislap na malaking dyamante mula sa mamahaling kwintas na nakasabit sa kanyang leeg.Sa tapat ng inuupuan ni Gracia ay si Esmeralda, siya ang pangalawa sa magkapatid na Aragon. Mula sa tabi nito, sa kanang bahagi, ay ang kanyang asawa, si Lucio na may seryosong mukha. Tahimik man silang tingnan ngunit kay bigat ng kanilang mga awra. Mula sa tuwid na pagkakaupo at matapang na expression ng kanilang mga mukha ay mahahalata mo na may ugaling arogante ang mga ito.Sa kaliwang bahagi ni Esmeralda ay ang anak na si Patricia. Mula sa kilay nito na tila perpektong iginuhit ay hindi maikakaila ang pagiging mataray ng dalaga. Ang bawat k
“Mula sa huling palapag ng gusali ng twin tower ay tahimik kong pinagmamasdan ang magandang tanawin ng lungsod sa aking harapan. Sinimsim ko muna ang matapang na alak mula sa aking baso bago ko ito nilagok. Ramdam ko ang pagguhit ng alcohol nito sa aking dibdib kaya isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Muli kong tiningnan ang oras at nakadama na ako ng inis ng makita ko na 8:30 na pala ng gabi. Tinalikuran ko na ang glass wall at pumihit paharap sa aking lamesa na may apat na hakbang ang layo mula sa aking kinatatayuan. Nang makalapit dito ay muli kong sinalinan ng whiskey ang aking baso, naudlot ang akmang pagdampot ko dito ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Kasunod nito ay ang pagpasok ng pinakamamahal kong si Samantha. Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay dagling naglaho, lumamlam ang expression ng aking mukha ng masilayan ko ang maganda nitong mukh. Nakangiti na lumapit siya sa akin at tulad ng inaasahan ko ay isang mapusok na halik ang pasal
“Nangibabaw ang isang malakas na sipol sa katahimikan ng burôl at sinundan naman ito ng malakas na huni ng isang Agila na kay tayog ng lipad mula sa himpapawid. Kasing ganda ng mga ngiti ko ang kagandahan ng kalikasan na nakalatag sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata ng humaplos ang malamig at sariwang hangin sa balbon at malagatas kong balat. Ang lugar na aking kinaroroonan ay napapaligiran ng mga kabundukan at matataas na mga puno na hitik sa bunga. Ngunit higit na mataas kaysa sa lahat ang bundok na aking kinaroroonan. Ang nakamamanghang ganda ng kalikasan ang siyang pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ko. Nakangiti na pinagmasdan ko ang aking alagang agila na kasalukuyang nagpapa-ikot ikot sa kalangitan. Buong pagmamalaki nitong iniladlad at ibinuka ang kanyang malapad na mga pakpak at malayang lumipad ng pagka taas-taas na wari moy isang hari sa himpapawid. Maya-maya ay mabilis itong lumipad paibaba patungo sa aking direksyon. Mabilis naman akong tumakbo paaky
Saglit na natigilan si Don. Rafael ng matitigan ang mga mata ng dalaga na nasa kanyang harapan. Biglang sumikdo ang dibdib ng matanda na wari mo ay kilala ito ng kanyang puso. Nahigit niya ang kanyang hininga at mahigpit na ipinikit ang mga mata ng biglang gumalaw ang kinalululanan niyang chopper. Halos pigil na niya ang hininga habang tinitiis ang sakit mula sa pagkakaipit ng kanyang mga paa sa napiping bahagi ng chopper. Ang bawat segundo ay sadyang makapigil hininga dahil kasalukuyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Don. Rafael. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang matanda ng hindi tuluyang nahulog ang chopper sa bangin dahil sumabit ito sa isang puno. Maya-maya ay napalingon siya sa bintana ng chopper ng makarinig siya ng ingay mula roon. Maingat na kumilos ang matanda, kinalas niya ang seatbelt at puno ng pag-iingat na binuksan ang pintuan. Muli siyang napasinghap ng muling gumalaw ang chopper at halos hindi na siya humihinga. Iniisip na lang ni don. Rafael na hanggang
Zanella’s Point of view“Lola…” halos mamaos na ako dahil sa labis na pag-iyak, habang nakaluhod sa harap ng puntod nang aking lola. Nang mamatay siya kahapon ay kaagad namin itong inilibing sa likod ng bahay. Wala namang ibang pamilya si Lola maliban sa akin, at malaki ang pasasalamat ko sa matandang si Don dahil tinulungan niya akong mailibing ng maayos ang aking abuela. Kung ako lang mag-isa, marahil ay hindi ko kakayanin, O baka, mas gugustuhin ko pang sumama na lang din sa libingan nito. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay? Ang mamuhay na mag-isa sa bundok at hintayin kung kailan ako mamamatay? Mula sa himpapawid ay naririnig ko ang malakas na huni ni Sky, batid ko na maging siya ay nagluluksa rin na tulad ko. “Lola, ang daya mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang pamilya namin ni Sky. Pero bakit mo kami iniwan?” Humihikbi kong sabi habang inaayos ang lupa sa ibabaw ng kanyang puntod. Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga rosas habang kinakausap ko ang aking abuela. Gusto ko na
“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing. Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapa