“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.
Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing.Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapaligiran ng mga puting bulaklak. Ang puso niya ay puno ng pagsisisi dahil muling nanariwa sa kanyang isipan kung paano na makiusap ang abuelo para lang hawakan niya ang kumpanya ng kanilang pamilya. Ngayon niya pinagsisisihan ang mga pambabalewala niya sa kahilingan ng matanda. Masyado siyang naging kampante at ipinagkatiwala ang lahat sa kanyang abuelo.“Hindi ba’t masyadong maaga pa Attorney para basahin ang last will ni Papa?” Naluluha na tanong ni Gracia kaya halos sabay na napalingon sa kanyang direksyon ang tingin ng lahat.“Ehem, pasensya na Ms. Gracia, ngunit naparito ako hindi para basahin ang habilin ng iyong Ama, narito ako para makiramay.” Anya ng abogado bago seryosong humarap sa malaking larawan ni Don. Rafael na nasa unahan at nagbigay galang. Natameme bigla si Gracia. Napahiya siya sa tinuran ng abogado dahil sa kanyang maling akala. Mula sa kabilang panig naman ng salas ay matalim ang ipinupukol na tingin ni Esmeralda sa kanyang kapatid.“Hindi halata na sabik ka ng malaman kung magkano ang mamanahin mo mula sa ating ama, hmp.” Nang-uuyam na pahayag ni Esmeralda para sa kanyang kapatid. Tumaas ang kaliwang kilay ni Gracia at isang nang-uusig na tingin ang ibinigay sa nakatatandang kapatid.“Really? And how about you? Hindi ba’t kahit buhay pa si Papa ay pinag planuhan na ninyo kung paano makukuha ang kumpanya?” Sarkastikong sagot ni Gracia na siyang ikinadilim ng mukha ni Esmeralda, habang sa pagitan ng mga ito ay tahimik lang na nakamasid si Rosario. Nais niyang pumagitna sa dalawa at awatin ang mga ito ngunit hindi niya magawa dahil mainit ang dugo sa kanya ng magkapatid.“Enough! Kahit man lang sa huling pagkakataon ay bigyan n’yo ng respeto si Lolo.” Galit na singit ni Alexander na siyang nagpatigil sa dalawa. Biglang nalipat mula sa pintuan ang atensyon ng lahat dahil sa pagdating ng ilang mga pulis.“Chief, anong balita? Seryosong tanong ni Alexander ng makalapit ang mga ito sa kanila.“Negative, Sir, ayon sa mga tao ko ay sinuyod na nila ang buong lugar ng pinag bagsakan ng chopper ngunit wala silang nakita na anumang bakas ni Don. Rafael. Maaaring tinangay ng mabangis na hayop ang katawan ng iyong Lolo.” Malungkot na pahayag ni Chief, ang mukha niya ay kakikitaan mo ng pakiki-simpatya para sa mga naulila ng biktima. “Papa…” Ang malakas na sambit ni Gracia bagot ito humagulgol ng iyak. Mahigpit naman siyang niyakap ng kanyang asawa na si Manuel. “Mahabaging langit!” Ang tanging nasambit ni Esmeralda, hindi sila makapaniwala kung bakit sa kabila ng kabaitan ng kanilang ama ay sinapit pa niya ang ganitong klaseng kamatayan.Niyakap ni Alexander ang kanyang ina dahil walang humpay ang pag-iyak nito. Nangibabaw ang pagtangis ng lahat sa buong kabahayan ng mansion. Maging ang mga katulong ay hindi na napigilan ang kanilang mga emosyon at napahagulgol din sila ng iyak. Saksi sila sa kabaitan ng matanda kaya labis ang kapighatian na kanilang nararamdaman.Samantala…“Lolo, d’yan ba tayo sa-sakay?” Namamangha na tanong ni Zanella habang sinisipat ang maganda at makintab kong sasakyan. Napangiti ako dahil sa kainosentihan nito, marahil ay nagustuhan niya ang puting kotse na nasa kanyang harapan. Pasalamat na lang kami at nakahanap kami ng taong maaaring mahiraman ng telepono kaya nakatawag ako sa bahay.“Oo, anak, iyan ang magiging service natin tungo sa aking ancestral house.” Nakangiti kong sagot na siyang ikinamilog ng kanyang mga mata, sabay lingon sa akin.“Seryoso ba talaga kayo diyan?” Nagugulumihanan na muling tanong niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking saliri at natawa na ako sa kanyang reaksyon.“Bakit ayaw mo bang sumakay sa kotse na ‘yan?” Magiliw kong tanong, kaagad naman siyang umiling ng paulit-ulit bago alanganing ngumiti sa akin.“H-hindi naman sa ganun, pero, kung sasakay tayo dyan ay siguradong mauubos ang pera ko at wala tayong kakainin sa mga susunod na araw. Pasensya na pero mahirap lang ako at walang kakayahan na ibigay kung ano ang gusto mo.” Anya sabay kamot sa kanyang ulo. Tuluyan na akong humalakhak ng tawa dahil sa nakakatuwang pagkatao nito. Maging ang mga tauhan ko ay natawa sa kanyang tinuran.“Talagang nakaka-tuwa kang bata ka, Iha, hindi mo kailangan na magbayad dahil pag-aari natin ang sasakyan na ‘yan.” Nakangiting paliwanag ko sa kanya kaya nagliwanag ang kanyang mukha. “Talaga po?” Masaya niyang tanong, pagkatapos sabihin iyon ay inipit niya ang dalawang daliri sa pagitan ng kanyang bibig. Isang malakas na sipol ang ginawa nito na sinundan naman ng isang huni ng ibon mula sa masungit na alaga niyang agila.Hanggang ngayon ay labis pa rin akong namamangha sa relasyon ng dalawang ito, talagang hindi kapani-paniwala para lang akong nasa isang fairytale. Namangha ang aking mga tauhan ng biglang dumaan ang isang malaking agila sa kanilang harapan. Ilang segundo pa ang lumipas ay humapon ito sa balikat ni Zanell.“Saan ka ba nagpupunta, Sky? Gusto mo bang maiwan?” Sermon ng dalaga sa kanyang ibon na wari mo’y tao ang kanyang kausap. Akmang lalapit sana ang aking mga tauhan upang kunin ang ibon ngunit mabilis na humakbang paatras si Zanella at matapang na tumitig sa aking tauhan. Maging ang agila ay tila hindi nagustuhan ang ginawa ng mga ito kaya mabilis kong itinaas ang aking kamay na siyang nag patigil sa kanilang paghakbang.“Tandaan ninyo, walang sinuman ang maaaring lumapit o humawak sa kanila.” Mahigpit kong bilin na siyang kinatungo ng aking mga tauhan at kaagad na humingi ng tawad sa dalaga.“Sumakay na tayo, anak.” Ani ko kay Zanella na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa aking mga tauhan. Halos ilang segundo ang lumipas bago ito nagdesisyon na pumasok sa loob ng sasakyan.Habang lulan kami ng sasakyan ay mataman kong pinagpaplanuhan ang lahat para sa kinabukasan ng batang ito. Naisipan kong sa ancestral house muna kami tumuloy at ilihim sa lahat na buhay pa ako. Kailangan kong masigurado ang kaligtasan ni Zanella bago ko siya iharap sa aking pamilya. At isa lang ang naiisip kong paraan para masiguro ang kaligtasan nito bago ko siya iharap sa totoong mundo na kung saan siya nararapat.Kailangan na maikasal kami ng batang ito, kapag nangyari ‘yun ay magkakaroon siya ng karaptan sa lahat bg bagay at walang maglalakas loob na mang-api kay Zanella.”Ito ang tumatakbo sa isip ni Don Rafael habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng natutulog na dalaga. Dahil batid niya na ang kainosentihan ni Zanella ang magpapahamak sa sarili nito.“Simulan mo na kumpadre.” Ani ni Lolo sa isa pang lalaki na ipinakilala niya sa akin na Judge daw ang pangalan. Halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari kaya ipinagkatiwala ko na lang ang lahat kay lolo. Mabait naman si Lolo kaya malaki ang tiwala ko sa kanya at batid ko na hindi ako nito ipapahamak. Apat lang kami na nandito sa loob ng isang silid na halos mapuno ng libro, pati si nanay Asun na katiwala ni Lolo sa bahay nito ay nandito rin upang maging saksi daw sa magaganap na kasalan.“Sigurado ka ba sa nais mong mangyari kumpadre?” Anya ng lalaki bago ito tumingin sa aking mukha. Nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti din siya sa akin. Tulad ni lolo ay mukha din naman itong mabait. Hala sige kung hindi na talaga magbabago ang isip mo, simulan na natin.” Nakangiti niyang sagot bago sinimulang basahin ang hawak nitong libro.“Ikaw Zanella tinatanggap mo ba si Rafael bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?” Nakangiti niya
“Iha, tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang lalabas ng gate. Natatakot ako na baka mamaya ay maligâw ka sa labas at mapahamak.” Ito ang mahigpit na bilin ni Don Rafael kay Zanella habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Sasama na lang kami ni Sky.” Nakasimangot na tanong ng dalaga kaya naman napangiti si Don Rafael dahil pakiramdam niya ay para siyang may maliit na anak. “Pangako babalik ako kaagad, basta huwag mong susuwayin ang bilin ko, ha. Malawak ang bakuran at malaya kang gawin ang lahat ng gustuhin mo dito..” Ani ni Don Rafael na akala mo ay bata ang kausap kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mangako ka na babalikan mo ako dito, hindi kasi ako kumportable kapag hindi kita nakikita sa bahay na ‘to. Ikaw lang kasi ang kaibigan namin dito ni Sky.” Malungkot na pahayag ni Zanell, nakadama ng awa ang matanda at wala sa loob na niyakap niya ito. Iniisip niya ngayon kung ano ang magiging kapal
“Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa huling lamay niya.“Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.” Kapwa natawa silang dalawa sa tinuran ni Rafael. “Beuno, since na buhay ka pa naman ay kailangan mong b
Ang buong kabahayan ng mansion ay nababalot ng matinding kalungkutan dahil sa pagkakataong ito ay totoong pumanaw na si Don. Rafael. Nang mga oras na ito ang lahat ng miyembro ng pamilyang Aragon ay kasalukuyang nasa loob ng library. Hinihintay ng lahat kung kailan babasahin ng abogado ang last will testament ng yumaong si Don. Rafael.“Since kumpleto na ang lahat, makinig, dahil sisimulan ko ng basahin ang mga huling habilin ni Don. Rafael. Hindi lingid sa inyong kaalaman na bago lumitaw si Don Rafael mula sa isang aksidente ay pinabago niya ang lahat ng mga nakasulat sa kanyang last will. Halos ang lahat ay nagulat sa naging pahayag ng abogado, at ibayong kabâ ang lumukob sa puso ng bawat isa. Makapigil hininga ang bawat sandali para sa paghahayag ng yaman ng kanilang amahin. Habang si Alexander at ang kanyang ina na si Rosario ay tahimik lang sa kabilang bahagi. At mula sa kabilang panig ay kalmanteng naghihintay si Esmeralda ganun din ang kanyang mag-ama na si Lucio at Patricia.
Zanella’s Point of viewMahigit isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Lolo. Nakadama ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay parang kinalimutan na yata ako nito. Malungkot na pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto at tumambad sa aking paningin ang maraming larawan na nakadisplay sa ibabaw ng isang estante. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa bibig ko ng makita ko ang magandang ngiti ni Lolo mula sa ibang lawaran, ngunit mas naagaw ng isang larawan ng lalaki ang aking atensyon.Napaka gwapo niya na katulad ni Lolo, subalit ang mukha nito ay masyadong seryoso na parang akala mo ay galít kung makatingin. “Sino ka? Bakit mukha kang masungit? Kapag nagkita kayo ng matandang Don na ‘yun sabihin mo na galit na ako sa kanya. Hmp! Huwag kang mag-alala anak babalikan kitah.” Parang tanga kong sabi sa larawan ng gwapong lalaki bago ginaya ang sinabi ni Lolo sa akin nung araw na umalis ito. Sa kabila ng hinampo na nararamdaman ko ay hindi ko kayng magalit sa kanya, sapagkat siya ay may
Alexander Point of view“Nay Asun!” Masaya kong tawag sa katiwala ng aming ancestral house, ilang dekada ng naninilbihan sa amin si Nanay Asun kaya halos kapamilya na ang turing namin dito. “Ay kabayo!” Gulat niyang sigaw at hindi sinasadya na naihagis nito ang hawak na sandok. “Xander!?” Hindi makapaniwala niyang bulalas sa aking pangalan habang nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako. Matinding kasiyahan ang lumarawan sa mukha nito at sinugod niya ako ng yakap. “Diyos ko, mahabaging langit! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin kang bata ka? Dalawampung taon na ang lumipas ng huli kitang nakita at ngayon ay ang laki-laki mo na! Sabihin mo sa akin, may asawa ka na ba?” Sabik niyang tanong sa akin, imbes na sumagot ay nakangiting umiling na lang ako sa kanya. Hindi ko pa masabi sa kanya na iyon talaga ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-uwi ko dito. “Nay Asun, bakit parang hindi yata nagbago ang mukha mo? Twenty years na ang lumipas pero parang hindi ka yata tumatanda.” Nakang
Zanella’s Point of viewHindi ko alam kung gaano na katagal kaming nakatitig sa isa’t-isa ng lalaking ito, at halos hindi na kumukurap ang mga mata ko. Gwapo sana ang lalaking ito pero kung makatingin ay parang gusto akong balatan ng buhay. “Nay Asun, may galit ba sa akin si Alexander?” Pasimple kong bulong sa katabi kong matanda habang hindi ina-alis ang tingin sa mukha ng binata. Dahil sa sinabi ko ay bumunghalit ng tawa si nanay Asun na tila tuwang-tuwa sa kanyang narinig.“Naku kang bata ka, kung ano-anong iniisip mo.” Natatawang sabi ni Nanay Asun bago lumingon kay Alexander. Kasalukuyan itong tahimik na nakaupo sa kabilang bahagi ng lamesa.“Siya nga pala, anak, bakit nga pala biglaan ang pag-uwi mo dito?” Curious na tanong ni Nanay Asun na para bang kilala na nito ang binata.“Ehem, Nay Asun, marahil ay hindi n’yo pa alam ang tungkol sa pagkamatay ng aking lolo na si Don Rafael.” Anya ng bruskong tinig nito, mabilis na lumayo ang aking likod mula sa sandalan ng bangko at gali
“Nandyan na sila!” Malakas na sigaw ng katulong mula sa pintuan ng mansion ng makita nito ang paparating ang sasakyan ni Alexander. “You don’t need to yell, Stupida!” Naiimbyernang sigaw ni Esmeralda sa pobreng katulong. Tanging ang kanyang pamilya lang at si Rosario ang naroroon sa salas. Dahil si Gracia ay kasalukuyang abala sa hotel na minana nito mula sa kanilang ama.Halos sabay na tumayo ang lahat ng humimpil ang sasakyan sa harap ng mansion. Kasiyahan, ito ang makikita sa mukha ng mabait na si Rosario, dahil tanggap niya kahit sino pa ang maging asawa ng kanyang anak. Isa pa ay may tiwala siya kay Don Rafael dahil batid niya na para sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa nitong desisyon. Isang matamis na ngiti ang nakahanda sa kanyang mga labi para sa bago niyang manugang. Sa kabilang banda ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ng mag-inang Esmeralda at Patricia. Halos hindi na maipinta ang mga mukha nito habang ang kanilang kalooban ay nagpupuyos sa galit dahil sa mga desisyon n