“Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa huling lamay niya.“Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.” Kapwa natawa silang dalawa sa tinuran ni Rafael. “Beuno, since na buhay ka pa naman ay kailangan mong b
Ang buong kabahayan ng mansion ay nababalot ng matinding kalungkutan dahil sa pagkakataong ito ay totoong pumanaw na si Don. Rafael. Nang mga oras na ito ang lahat ng miyembro ng pamilyang Aragon ay kasalukuyang nasa loob ng library. Hinihintay ng lahat kung kailan babasahin ng abogado ang last will testament ng yumaong si Don. Rafael.“Since kumpleto na ang lahat, makinig, dahil sisimulan ko ng basahin ang mga huling habilin ni Don. Rafael. Hindi lingid sa inyong kaalaman na bago lumitaw si Don Rafael mula sa isang aksidente ay pinabago niya ang lahat ng mga nakasulat sa kanyang last will. Halos ang lahat ay nagulat sa naging pahayag ng abogado, at ibayong kabâ ang lumukob sa puso ng bawat isa. Makapigil hininga ang bawat sandali para sa paghahayag ng yaman ng kanilang amahin. Habang si Alexander at ang kanyang ina na si Rosario ay tahimik lang sa kabilang bahagi. At mula sa kabilang panig ay kalmanteng naghihintay si Esmeralda ganun din ang kanyang mag-ama na si Lucio at Patricia.
Zanella’s Point of viewMahigit isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Lolo. Nakadama ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay parang kinalimutan na yata ako nito. Malungkot na pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto at tumambad sa aking paningin ang maraming larawan na nakadisplay sa ibabaw ng isang estante. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa bibig ko ng makita ko ang magandang ngiti ni Lolo mula sa ibang lawaran, ngunit mas naagaw ng isang larawan ng lalaki ang aking atensyon.Napaka gwapo niya na katulad ni Lolo, subalit ang mukha nito ay masyadong seryoso na parang akala mo ay galít kung makatingin. “Sino ka? Bakit mukha kang masungit? Kapag nagkita kayo ng matandang Don na ‘yun sabihin mo na galit na ako sa kanya. Hmp! Huwag kang mag-alala anak babalikan kitah.” Parang tanga kong sabi sa larawan ng gwapong lalaki bago ginaya ang sinabi ni Lolo sa akin nung araw na umalis ito. Sa kabila ng hinampo na nararamdaman ko ay hindi ko kayng magalit sa kanya, sapagkat siya ay may
Alexander Point of view“Nay Asun!” Masaya kong tawag sa katiwala ng aming ancestral house, ilang dekada ng naninilbihan sa amin si Nanay Asun kaya halos kapamilya na ang turing namin dito. “Ay kabayo!” Gulat niyang sigaw at hindi sinasadya na naihagis nito ang hawak na sandok. “Xander!?” Hindi makapaniwala niyang bulalas sa aking pangalan habang nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako. Matinding kasiyahan ang lumarawan sa mukha nito at sinugod niya ako ng yakap. “Diyos ko, mahabaging langit! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin kang bata ka? Dalawampung taon na ang lumipas ng huli kitang nakita at ngayon ay ang laki-laki mo na! Sabihin mo sa akin, may asawa ka na ba?” Sabik niyang tanong sa akin, imbes na sumagot ay nakangiting umiling na lang ako sa kanya. Hindi ko pa masabi sa kanya na iyon talaga ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-uwi ko dito. “Nay Asun, bakit parang hindi yata nagbago ang mukha mo? Twenty years na ang lumipas pero parang hindi ka yata tumatanda.” Nakang
Zanella’s Point of viewHindi ko alam kung gaano na katagal kaming nakatitig sa isa’t-isa ng lalaking ito, at halos hindi na kumukurap ang mga mata ko. Gwapo sana ang lalaking ito pero kung makatingin ay parang gusto akong balatan ng buhay. “Nay Asun, may galit ba sa akin si Alexander?” Pasimple kong bulong sa katabi kong matanda habang hindi ina-alis ang tingin sa mukha ng binata. Dahil sa sinabi ko ay bumunghalit ng tawa si nanay Asun na tila tuwang-tuwa sa kanyang narinig.“Naku kang bata ka, kung ano-anong iniisip mo.” Natatawang sabi ni Nanay Asun bago lumingon kay Alexander. Kasalukuyan itong tahimik na nakaupo sa kabilang bahagi ng lamesa.“Siya nga pala, anak, bakit nga pala biglaan ang pag-uwi mo dito?” Curious na tanong ni Nanay Asun na para bang kilala na nito ang binata.“Ehem, Nay Asun, marahil ay hindi n’yo pa alam ang tungkol sa pagkamatay ng aking lolo na si Don Rafael.” Anya ng bruskong tinig nito, mabilis na lumayo ang aking likod mula sa sandalan ng bangko at gali
“Nandyan na sila!” Malakas na sigaw ng katulong mula sa pintuan ng mansion ng makita nito ang paparating ang sasakyan ni Alexander. “You don’t need to yell, Stupida!” Naiimbyernang sigaw ni Esmeralda sa pobreng katulong. Tanging ang kanyang pamilya lang at si Rosario ang naroroon sa salas. Dahil si Gracia ay kasalukuyang abala sa hotel na minana nito mula sa kanilang ama.Halos sabay na tumayo ang lahat ng humimpil ang sasakyan sa harap ng mansion. Kasiyahan, ito ang makikita sa mukha ng mabait na si Rosario, dahil tanggap niya kahit sino pa ang maging asawa ng kanyang anak. Isa pa ay may tiwala siya kay Don Rafael dahil batid niya na para sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa nitong desisyon. Isang matamis na ngiti ang nakahanda sa kanyang mga labi para sa bago niyang manugang. Sa kabilang banda ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ng mag-inang Esmeralda at Patricia. Halos hindi na maipinta ang mga mukha nito habang ang kanilang kalooban ay nagpupuyos sa galit dahil sa mga desisyon n
“ Napakaganda mo, Iha.” Nakangiting wika ni Rosario habang pinagmamasdan ang tila manikang imahe ni Zanella. Ang labis na nagustuhan niya sa dalaga ay ang luntian nitong mga mata, para siyang nahi-hipnotismo dito sa tuwing tinititigan niya ang mga mata nito. “Salamat, iyan din ang sabi sa akin ng lola ko, na maganda raw ako, pati ang matandang Don ay lagi rin niyang sinasabi sa akin ‘yan. Kaya alam ko na maganda talaga ako.” Tapat na sagot ng inosenteng si Zanella, ang tinig nito ay hindi mo kariringgan ng tila nagyayabang. Napaka natural ng kanyang pagkakasabi, na para bang normal lang sa kanya ang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig. Hindi na napigilan ni Rosario ang sarili at natawa na siya ng malakas. Napangiti na lang si Zanella dahil maging siya ay nagigiliw sa kabaitan ng kanyang kausap. Ramdam niya mula sa Ginang ang magandang pagtanggap nito sa kanya. Ilang sandali pa, biglang natigil ang pag-uusap ng dalawa dahil sa pagdating ng pamilya ni Esmeralda. Nasa pintuan pa l
“Mom, ako na lang ang magpapakasal sa kanya.” Ani ni Athan sa ina habang buing paghanga na pinagmamasdan si Zanella at si Alexander na kasalukuyan na nasa harap ng Judge. “Tumahimik ka, alam mo naman kung ano ang kondisyon ng Lolo mo, kaya hindi mo pwedeng ipilit ang gusto mo.” Matigas na sagot ni Gracia sa sinabi ng anak. Tumiim ang mga bagâng ni Athan at matinding inggit ang nararamdaman niya para sa kanyang pinsan. “Halos nasa kanya na ang lahat, wala ng ibinigay sa akin si Lolo kahit na isang kumpanya. Pati ba naman si Zanella ay sa kanya rin napunta? Tell me Mom, anak ka ba talaga ni Lolo?” Curious na tanong ni Athan sa kanyang ina, impit na natawa naman si Esmeralda sa tinuran ng kanyang pamangkin. Mabilis na tinakpan nito ang bibig upang hindi bumunghalit ng tawa. Pinukol naman siya ng isang matalim na tingin ni Gracia bago sinagot ang anak. “Bastos kang bata ka, at anong palagay mo sa akin ampon?” Anya sabay batok sa ulo ng anak bago ito pinandilatan ng mata. Kumakamot sa u