“Mamâ, where’s, Zanella?” Pagpasok pa lang sa pintuan ay ito na kaagad ang tanong ni Alexander sa kanyang ina. Tila sinampal si Samantha ng tanong na ito ni Alexander dahil siya ang nadatnan sa salas pero iba naman ang hinanap ng mga mata nito. “Nasa kwarto nyo, Iho.” Nakangiting sagot ni Rosario bago muling humarap kay Samantha. Tahimik na pumanhik sa hagdan si Alexander at diretsong tinungo ang kwarto nila ni Zanella, ni hindi man lang nito pinansin si Samantha na halos maluha na sa isang tabi. Malungkot na pinagmasdan ni Rosario si Samantha at nakadama siya ng awa para dito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano aaluin o kakausapin ang dalaga. Dahil nauunawaan niya kung paano itong lubos na nasasaktan lalo na’t halata naman na paborito ng kanyang anak ang bata nitong asawa. Nahihirapan na siya sa sitwasyon ng tatlo at hindi niya lubos na maisip kung paanong umabot sa ganito ang lahat. Masyadong magulo ang sitwasyon. “Iha, ako na ang humihingi sayo ng paumanhin dahil sa magu
Kasalukuyang abala si Alexander sa kanyang laptop, nakasandal naman sa kanyang katawan ang asawa niyang si Zanella at abala sa pagsusulat ng kung ano-ano sa hawak nitong papel. Tanging ang kanang kamay lang ni Alexander ang patuloy na nagti-tipâ sa keyboard ng laptop dahil ang kaliwang kamay niya ay nasa loob ng damit ng kanyang asawa at masuyong hinahaplos ang dibdib nito. Sabay na napalingon ang mag-asawa sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang galit na galit na si Samantha. Naningkit ang mga mata nito ng maabutan ang ayos ng dalawa kaya nakaramdam siya ng pinaghalong sakit at selos. Nagulat si Zanella at pilit itong nagsumiksik sa katawan ng kanyang asawa dahil sa takot nito mula sa matalim na titig ni Samantha. “Hindi ko na kaya ang pangbabalewala mo sa akin sa bahay na’to! Mag-usap tayo ngayon din, Alexander!” Matigas ngunit may diin na wika ni Samantha sa mataas na tinig, bakas ang matinding sakit mula sa mukha nito. Diretsong tumingin si Samantha sa mga mata ni Za
Zanella’s Point of view “Ate, nasaan si Mamâ?” Nakangiting kong tanong sa isang kasambahay na nakasalubong ko sa pasilyo ng salas. “Maaga pong umalis si Ma’am Rosario, ang alam ko ay bibisitahin yata nito ang kamag-anak niyang may sakit.” Nakangiting sagot nito sa akin, “ganun ba?” Malungkot kong sabi, nilampasan na ako nito at dumiretso sa labas ng bahay. “You know, kahit anong dikit pa ang gawin mo sa biyenan mo ay hindi niya mapipigilan ang pag-alis mo dito sa mansion.” Mataray na saad ni Samantha na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. “A-Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong sa kanya ng hindi man lang gumagalaw sa aking kinatatayuan. Lumitaw ang isang matalim na ngiti mula sa mga labi ni Samantha habang sinisipat niya ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Natawa pa ito na para bang isa akong biro sa kanyang paningin. “Balita ko taga-bundok ka raw? At ayon sa kanila ay makitid daw ang utak mo kaya kailangan na ipaliwanag sayo isa-isa ang bawat detalye
“Anong ginagawa mo d’yan?” Seryosong tanong sa akin ni Alexander ng datnan niya akong nakaupo sa baitang ng hagdan dito sa labas ng bahay. Sinadya ko talaga na dito maghintayin dahil gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga sinabi ni Samantha.“Anong ginagawa mo d’yan? Maraming lamok dito.” Naiinis na niyang sabi ng hindi kaagad ako naka sagot sa tanong nito. “S-Sorry… hinihintay kasi kita.” Natatakot kong sagot dahil ramdam ko na naiirita siya sa akin. “My ghod, Zanella! Pwede mo akong hintayin sa loob ng kwarto!” Tila napipikon niyang saad na kulang na lang ay sigawan ako nito ng tanga. Hindi na ako sumagot at tahimik na sumunod na lang ako sa likuran nito.Pagdating sa loob ng silid ay kaagad akong lumapit sa kanya upang kalasin ang mga butones ng kanyang polo. Ngunit, napansin ko na nakasimangot ang mukha nito. “Maligo ka nga, bakit amoy araw ka?” Naiinis na utos niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi ng aking asawa at para akong nanliit sa aking sarili. Sinarili ko na lang ang sama
“Zanell, bakit malungkot ka?” Nababahala na tanong sa akin ni Mama Rosario. Nilingon ko s’ya at matamlay na ngumiti dito. Napakaganda ni mama Rosario, dahil ngayon ay nakasuot siya ng isang magandang damit. Ngunit, ang hindi ko lang nagustuhan ay ang kulay nito. Nakasuot kasi siya ng itim na duster habang sa kanyang balikat ay nakasampay ang isang itim na bandana. “Aalis ka na naman ba?” Walang buhay kong tanong, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi na para bang natutuwa pa sa tanong ko. “Huwag kang mag-alala, uuwi din ako mamayang alas dos ng hapon. Ngayong araw kasi ang libing ng kamag-anak kong namatay.” Malungkot niyang sagot, gustuhin ko man na pigilan siya ngunit hindi maaari. Kaya isang malungkot na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago ako tumayo at humakbang paakyat ng hagdan. Nagtataka na nakasunod lang ang tingin niya sa akin, ngunit kalaunan ay nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na naglalakad na ito palabas ng bahay. Walang alam si Mama Rosario sa kung
Nangangalay na ang mga braso ko dahil sa pagbuhat ng maraming mga gamit ni Samantha galing sa mga tagahanga nito. At ngayon ay kinakabahan ako dahil nandito kami sa harap ng isang higanting gusali na halos hindi ko na mabilang kung ilang palapag mayroon ito. Iniisip ko kasi na baka tulad din ito ng hotel na pinuntahan namin na maraming tao para lang magtanong ng kung ano-ano kay Samantha. Nauna na bumaba ng sasakyan si Tita Gracia, at hinintay pa nito si Samantha na makababâ bago sabay silang dalawa na naglakâd patungo sa pasukan ng gusali habang masayang nagkukwentuhan. Gusto ko sanang magtanong sa kanila ngunit kung kumilos ang mga ito ay parang hindi nila ako kasama. Hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng building, nakita ko pa na yumuko ang lahat ng tao sa kanilang dalawa bilang pagbibigay galang. Balak ko na sana na bumalik na lang sa loob ng kotse ngunit nahinto ako sa paghakbang ng mula sa bumukas na pintuan ay lumabas si Alexander at sinalubong ang dalawang babae. Nakan
Zanella’s Point of view “Hinihingal na huminto ako sa paglalakad habang sa aking balikat ay nakahapon si Sky. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang nilakad ko, basta ang alam ko ay pagod na ako. Basâ na rin ng dugo ang laylayan ng suot kong pantalon habang ang ilang bahagi nito ay medyo natuyo na rin. “S-Sky, hindi ko na kaya pang maglakad.” Naluluha kong wika bago umupo sa gilid ng kalsada. Lalong sumamâ ang ekspresyon ng mukha ko nang dumikit sa damit ang sugat sa tuhod ko. Gusto kong uminom ng tubig ngunit hindi ko alam kung saan ako pwedeng kumuha ng tubig na pwede kong inumin. Maya-maya ay may isang babae ang huminto sa di kalayuan mula sa aking kinauupuan. Nakita ko na inangat nito sa ere ang isa niyang kamay saka iwinagayway. Namangha ako ng huminto sa mismong harapan nito ang isang dilaw na kotse. Sumakay ang babae at kaagad na umalis ang kotse, umawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha. Parang gusto ko tuloy batukan ang aking sarili dahil sa katangahan ko
“Sumosobra na talaga ang mga ‘yan! Napaka walang puso.” Nanggagalaiti na sabi ni mama Rosario habang binabalot ng benda ang sugat sa aking tuhod.“Sa susunod ay huwag kang sasama sa kanila ng hindi ko nalalaman, naiintindihan mo?” Ani nito na bakas pa rin ang galit mula sa tinig nito. Marahan akong tumango bilang tugôn. “Mamâ, ano ang ibig sabihin ng annulment?” Wala sa loob na tanong ko sa kanya, bigla siyang nahinto sa pagliligpit ng mga gamot sa loob ng box at nagtataka na lumingon siya sa akin. Napansin ko na masyadong seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, nagpakawala muna siya ng isang mabigat na buntong hininga bago muling naupo gilid ng kama, sa tabi ko.“Bakit mo naitanong ‘yan?” Balik tanong niya sa akin, nagsimulang lumikot ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Zanella.” Muling tawag niya sa akin, “n-nabasa ko lang sa isang papel na nakita ko sa salas.” May pag-aatubili kong sagot, muli na naman siyang nagpawala ng isang malalim na buntong hin