Share

Chapter 44

Zanella’s Point of view

“Hinihingal na huminto ako sa paglalakad habang sa aking balikat ay nakahapon si Sky. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang nilakad ko, basta ang alam ko ay pagod na ako. Basâ na rin ng dugo ang laylayan ng suot kong pantalon habang ang ilang bahagi nito ay medyo natuyo na rin.

“S-Sky, hindi ko na kaya pang maglakad.” Naluluha kong wika bago umupo sa gilid ng kalsada. Lalong sumamâ ang ekspresyon ng mukha ko nang dumikit sa damit ang sugat sa tuhod ko. Gusto kong uminom ng tubig ngunit hindi ko alam kung saan ako pwedeng kumuha ng tubig na pwede kong inumin. Maya-maya ay may isang babae ang huminto sa di kalayuan mula sa aking kinauupuan. Nakita ko na inangat nito sa ere ang isa niyang kamay saka iwinagayway. Namangha ako ng huminto sa mismong harapan nito ang isang dilaw na kotse.

Sumakay ang babae at kaagad na umalis ang kotse, umawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha. Parang gusto ko tuloy batukan ang aking sarili dahil sa katangahan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status