Share

Chapter 50

Nahinto sa paghakbang ang mga paa ni Zanella ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis siyang tumakbo patungo sa ilalim ng malaking puno upang sumilong. Ngunit balewala pa rin ang malaking puno dahil nabasa pa rin siya ng ulan. Mahigpit na niyakap ni Zanella si Sky at ginamit niya ang kanyang katawan upang hindi ito mabasâ ng ulan.

“S-Sky…. Ang mundong ito ay masyadong malupit, ang mga katulad nating nilalang na lumaki sa hirap ay walang puwang para dito. Dahil pera ang nagpapaikot sa buhay ng mga taong naninirahan dito. P-pera ang kanilang sinasamba.” Anya na ang mga labi ay nanginginig dulot ng matinding lamig. Tiniis ni Zanella ang lamig at gutom at sandaling nanatili sila sa ilalim ng puno hinihintay kung kailan titila ang ulan. Isang oras, dalawang oras, at di nagtagal ay inabot na ng alas dose ng hating gabi bago pa man tumila ang ulan.

Isang matalay na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Zanella na parang gusto niyang sabihin na sa wakas ay tumila na rin ang ulan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status