“Alexander, kailangan nating gumawa ng paraan upang mas lalo pang lumawak ang impluwensya ng kumpanya. Hindi ka ba nababahala na napag-iiwanan na ang ating kumpanya?” Mahabang litanya ni Esmeralda na siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Nahinto ang tangka kong pagsubo sa aking kutsara ng marinig ko ang sinabi ng aking tiyahin. Ibinaba ko muna ang aking kamay bago ito hinarap. “What do you mean, Tita? Dahil sa pagkakatanda ko ay maayos naman ang operasyon ng kumpanya?” Nagtataka kong tanong, aminado ako na hindi ko na ito naaasikaso ng maayos dahil abala ang utak ko sa paghahanap sa aking asawa. Oo, umaasa ako na balang araw ay makikita ko rin si Zanella kahit ilang taon na ang lumipas. “You should stop yourself sa paghahanap kay Zanella, Alexander, nawawalan ka na ng panahon sa mga negosyo ng pamilya. And look around you! Hindi ka ba naaawa sa mag-ina mo? Kailangan n’yo ng magpakasal ni Samantha para sa kinabukasan ng aking apo.” Mahabang litanya ng aking tiyahin. Humigpit ang
“Ayiee!!!” Ang malakas na tiliik ni Patricia ang umagaw sa atensyon ng kanyang ina na kasalukuyang nakaupo sa salas at abala sa kanyang laptop. Napatakip pa ito sa kanyang tenga na wari moy nasaktan. “Ano ba! Kung makasigaw ka ay tinalo mo pa ang sirena ng ambulansya!” Naiinis na bulyaw nito sa kanyang anak na kasalukuyang papasok sa loob ng bahay. Habang sa likuran nito ay si Samantha na abot tenga ang ngiti. “Mommy! I can’t believe this! Imagine isa kami sa mga napiling modelo ni ate Samantha na rarampa sa isang international fashion show sa Paris!?” Nanlaki ang mga mata ni Esmeralda dahil dahil sa labis na pagkamangha. Hindi ito makapaniwala sa ibinalita ng kanyang anak. Tulad din ni Patricia ay malakas na napatiliik ang kanyang ina kaya napuno ng tawanan ang buong Mansion. “I’m so proud of you Sweetheart! Mabuti na lang at namana mo ang ganda ni Mommy, and also thanks to you, Iha, good luck sa mga bagong project ninyong dalawa.” Nakangiting pahayag ni Esmeralda at isa-isang n
“Gumawa pa kayo ng ibang design; simple pero eleganteng tingnan. Hindi mananalo sa bidding ang mga design na ‘to. At inaasahan ko na matatapos ninyo ang lahat ng ‘yun bago dumating ang deadline.” Matigas na utos ni Alexander sa kanyang mga empleyado, walang gana na ibinaba sa ibabaw ng kanyang lamesa ang folder na hawak nito na naglalaman ng mga iba’t-ibang design para sa bagong project ng Aragon Real estate na ilalaban nila sa isang bidding upang makakuha ng mas maraming kliyente. “Why didn't you choose this design? I love the color, and the design is good.” Suhestiyon ni Esmeralda habang hawak nito ang isang papel na may drawing na isang building. Umikot ang mga mata ni Alexander na para bang naiinis na sa kanyang tiyahin. Dahil ang klase ng pagpili nito ng mga design ay bumabase sa marangyang istilo na batid naman ni Alexander na para lang sa mga high class personality. He knows the majority ng mamamayan sa bansa ay mga taong simple ang pamumuhay kaya hindi naaangkop ang mga desi
Mula sa tapat ng Smith International Communication Company ay humimpil ang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Esmeralda at Lucio. Pagkababâ ng sasakyan ay nakangiti na pinagmasdan ni Esmeralda ang matayog na gusali sa kanyang harapan. Ang kumpanyang ito ay naghuhumiyaw sa kapangyarihan,at karangyaan dahil sa pader nito na gawa sa salamin. Kilala ito sa pinakamalaking kumpanya sa buong bansa at ilang dekada ng namamayagpag. “Nakikita mo kung gaano kayaman ang mga Smith, Sweetheart? Ang gusali na nasa ating harapan ay isa lamang sa mga branch ng kanilang kumpanya na naka-base sa Europe.” Matinding paghanga ang lumarawan sa mukha ng asawa niyang si Lucio habang marahan itong tumatango. “Sadya palang nakakamangha ang yaman ng pamilyang ‘yan, Sweetheart.” Komento ni Lucio habang nakamasid din sa higanteng gusali. “Don’t worry, Sweetheart, dahil darating ang panahon na magkakaroon din tayo ng sariling kumpanya na katulad ng nasa ating harapan.” Tila nangangarap na wika ni Esmeralda n
“Mom, are you sure that you don’t want to go with us?” Naglalambing na tanong ni Patricia sa kanyang ina, lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito. “Pasensya ka na Iha, alam mo namang busy kami ng daddy mo dahil sa bagong kumpanya natin. Sinisimulan na kasi ang project na ‘to kaya hindi namin ito magawang iwan. Alam mo naman kung ilang milyon ang inilaan ko sa proyektong ito.” Ani ni Esmeralda na hindi man lang nilingon ang anak at nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa screen ng kanyang laptop. Maging ang kanyang ama ay abala din sa sarili nitong laptop, isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Patricia bago malungkot na ngumiti. “Don’t worry, Mom, kapag isa ako sa napili ng mga bigating sponsor ay ilalaan ko sa kumpanya ang kikitain ko dito upang mas lumago pa ang ating mga negosyo. Dahil sa tinuran ng kanyang anak ay nakangiti na hinarap ito ni Esmeralda. “Galingan mo anak, dahil para sayo din naman ang lahat ng pagsusumikap namin ng daddy mo.” Humalik na si Patri
Halos mapuno ng mga taong nagmula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang buong venue ng Opulent Space With Grand Architecture sa Paris. Hindi maikakaila ang matinding kasiyahan at pananabik sa mukha ng mga taong nagmula pa sa iba’t-ibang bansa upang masaksihan ang pinakamalaking event ng world’s largest fashion group. Mula sa mahabang stage na nasa gitna ng bulwagan ay agaw pansin ang simple ngunit engrandi na pagkakaayos nito. Dahil dito irarampa ng mga sikat na modelo ang mga gown na halos milyon ang halaga. Ilang sandali pa ay tumahimik ang lahat ng magsimulang pumailanlang sa buong paligid ang boses ng emcee. Kasabay nito ang isang musika na naghahatid ng matinding excitement sa pakiramdam ng bawat isa. Habang isa-isang ipinakilala ng tagapagsalita ang mga tanyag na kumpanya na siyang sponsored ng event na ito ay kasalukuyang naghahanda ang lahat ng mga modelo sa loob ng kanilang mga dressing room.“This is it, good luck, Patricia, kailangan makuha natin ang atensyon ng lahat, para ma
“That’s my girl.” -Alexander “Wow! Hindi ba’t ang ibig sabihin ng pregnant eh buntis?” “Oh, come on, don’t fool us. Oh, sorry, nakalimutan ko na taga bundok ka nga pala, kaya I’m sure hindi mo nauunawaan ang salitang english.”- Patricia “Hindi ako makakapayag na ang isang mangmang na katulad mo ang magpapakasasâ sa yaman ng pamilya ko.”- Esmeralda “I can’t believe this, sa isang iglap ay nagawa kaming pabagsakin ng inosenteng mukha na ‘to?” -Alexander Ilan lamang ito sa mga alaalang tumatak sa utak ko na nagdudulot ng matinding kasawian sa puso ko. Kung noong una ay hindi ko lubos na nauunawaan ang mga salitang ibinabato nila sa akin ngayon ay malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat ng mga pang-aalipusta nila sa pagkatao ko. Wala akong kaalam-alam na harapan na pala nila akong dinudurog dahil sa pagiging mangmang ko. “Of course, Alexander, ang mangmang at illiterate na ito na may inosenteng mukha ang siyang dudurog sa inyo.” Anya ng isang mapanganib na tinig mula sa aking
Patricia’s Point of view “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa nangyari kahapon sa fashion show. Aminado naman ako na mali talaga ang ginawa ko. Nagpadala ako sa galit na nararamdaman ko kaya nakalimutan ko na nasa ibabaw kami ng entablado at nasa harap pa mismo ng maraming tao. Maghapon na akong nagkukulong dito sa loob ng aking silid. Hindi ko magawang lumabas ng bahay dahil sa matinding kahihiyan. Mabilis na kumalat sa social media ang nangyaring eksena sa pagitan namin ng babaeng taga bundok na ‘yun. Ngayon ay masama ang tingin ng lahat sa akin, at kung ano-anong masasakit na salita ang ibinabato nila sa akin. Kaya hindi ko rin mabuksan ang lahat ng online account ko dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at mapatulan ko lang ang mga taong kumakastigo sa akin. Nanginginig ang kamay na dumukot ako ng isang stick ng sigarilyo upang kahit papaano ay humupa ang tensyon nararamdaman ko. Hithit, buga ang aking ginawa habang nakatayo sa terasa ng ginagamit kong silid. W