Share

Chapter 88

“Mom?” Hindi makapaniwala na tawag ko sa aking ina, dahil ngayong umaga ay sinurpresa ako ng isang tawag mula kay Mr. Santos. Imbes na dumiretso sa Aragon company’s ay napadiretso tuloy ako sa aking condo dahil sa biglaang pagdating ng aking mga magulang sa bansa. Ang mas kinabahala ko ay kasama nila ang aking anak na si Kolly, wala pa kasi akong balak na ilantad sa publiko ang aking anak dahil hindi pa ito ang tamang panahon.

“Mommy, biglaan naman yata ang pag-uwi n’yo? Inaasahan ko na next year pa kayo babalik ng Pilipinas.” Nakangiti kong tanong bago yumakap sa maganda kong ina. Sunod kong niyakap ay si Daddy na masuyo akong hinagkan sa noo. “Malaki ang problema namin sa kapatid mo Iha, simula ng maghiwalay na sila ng girlfriend niya ay malaki na ang kanyang pinagbago. Maging ang kumpanya ay napapabayaan na niya, kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan para bumalik siya sa dati.” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil maging ako ay apektado rin kay kuya Hareth.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status