Share

Chapter 48

“Hanapin n’yo si Zanella, hindi siya pwedeng mawala!” Nahintakutan na utos ni Rosario, masyado na siyang balisâ at hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan habang panay ang pisǐl nito sa isa niyang kamay. “Ma’am hinalughog na namin ang buong paligid maging ang mga karatig na barangay natin ngunit wala talaga si Señorita Zanella.” Kinakabahan na pahayag ng tauhang inutusan niya na maghanap sa labas.

“Paanong wala? Napaka imposible ng mga sinasabi ninyo na naglayas si Zanella! Kilala ko ang batang iyon, kahit kailan ay hindi siya sumuway sa akin!” Ani ni Rosario sa mataas na tinig na kulang na lang ay sumigaw ito.

Natigilan ang lahat dahil sa ugaling ipinakita ni Rosario, kilala siya ng lahat bilang mahinahon na tao at ni minsan ay hindi pa nila ito nakitang magalit. Maging sina Esmeralda ay napalingon sa direksyon ng Ginang at taas-kilay na tumayo ito at lumapit kay Rosario. Tumayo din si Patricia at kaagad na sumunod sa likuran ng kanyang ina.

“At bakit ka sumisigaw? Hindi m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status