“Iha, maiwan muna kita, kailangan naming umalis ni Alexander para pumunta sa bangko. Huwag kang mag-alala, babalik din ako kaagad.” Malumanay na paalam ni Rosario ngunit natigilan siya ng tumitig sa kanya ang walang buhay nitong mga mata. Kapansin-pansin ang pagiging matingkad ng kulay berde nitong mga mata kaya napahugot ng isang malalim na buntong hininga si Rosario. “Pagbalik ko ay mag-uusap tayo, at sana ay sabihin mo sa akin ang lahat, hm?” Ani nito ng may pagsuyo ngunit nanatiling blangko ang mga mata ni Zanella na para ba itong isang bulag na walang nakikita. Malungkot na tinalikuran ni Rosario si Zanella, labag man sa kanyang kalooban na iwan ito ay kailangan niyang umalis. Dumating na kasi ang itinakdang araw upang tanggapin ni Alexander ang huling habilin ng kanyang abuelo na naka-time deposit sa isang bangko. Nahinto sa paghakbang si Alexander mula sa mga baitang ng hagdan ng makita niya si Zanella na nakaupo sa paanan ng hagdan. Sobrang tahimik nito at nakatulala lang s
“Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinatunayan ng pamilyang Smith ang kanilang kabutihan sa ating pamilya. Dahil hindi ko lubos maisip kung paano maglaro ang tadhana at isang malaking karangalan na ang tagapagmana ng mga Smith ang nagligtas sa aking buhay.” Don Rafael“M-Mamâ…” naguguluhan kong tawag sa aking ina pagkatapos kong basahin ang huling bahagi ng liham ni Lolo. Hindi ako makapaniwala sa mga natuklasan ko tungkol sa pagkatao ng aking asawa. Nakangiti na lumuluha ang aking ina at kinuha niya ang sulat mula sa aking kamay. Halatang maging ito ay hindi rin makapaniwala at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkamangha.“Sinasabi ko na nga ba! Malalim ang dahilan ni Papa kaya niya ginawa ang desisyon na ‘yun, Iho. Kilala ko ang pamilyang Smith, at sa pagkakatanda ko ay si Señior Smith ang Ama ni Mr. Harris Smith ay matalik na kaibigan ni Don Rafael. Makailang beses na sinagip nila mula sa pagkalugmok ang kumpanya ng mga Aragon. Marahil, iniisip ni Papa na ito na ang tamang pa
“Hanapin n’yo si Zanella, hindi siya pwedeng mawala!” Nahintakutan na utos ni Rosario, masyado na siyang balisâ at hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan habang panay ang pisǐl nito sa isa niyang kamay. “Ma’am hinalughog na namin ang buong paligid maging ang mga karatig na barangay natin ngunit wala talaga si Señorita Zanella.” Kinakabahan na pahayag ng tauhang inutusan niya na maghanap sa labas. “Paanong wala? Napaka imposible ng mga sinasabi ninyo na naglayas si Zanella! Kilala ko ang batang iyon, kahit kailan ay hindi siya sumuway sa akin!” Ani ni Rosario sa mataas na tinig na kulang na lang ay sumigaw ito. Natigilan ang lahat dahil sa ugaling ipinakita ni Rosario, kilala siya ng lahat bilang mahinahon na tao at ni minsan ay hindi pa nila ito nakitang magalit. Maging sina Esmeralda ay napalingon sa direksyon ng Ginang at taas-kilay na tumayo ito at lumapit kay Rosario. Tumayo din si Patricia at kaagad na sumunod sa likuran ng kanyang ina. “At bakit ka sumisigaw? Hindi m
Mula sa himpapawid ay walang kapaguran na lumilipad ang Agilang si Sky. Tila isang kawal na nagroronda sa malawak na kalangitan. Ni hindi alintana ng magiting na ibon ang matinding sikat ng araw. Kung noong una ay ginagawa niya ito upang manila ng hayop sa gubat ngayon ay ginagawa niya ito upang makita ang nag-iisang tao na nakatatak sa kanyang puso’t-isipan. Wari moy isang tao na kakikitaan mo ng determinasyon ang awra ng Agilang ito habang walang humpay sa nagpapakawala ng malalakas na huni. Mabilis na nagpuslitan ang ibang mga hayop sa gubat upang magtago, pagkat ramdam nila ang galit ng ibon mula sa mga huni nito. Pagkatapos ng ilang milyang paglipad ay dumapô si Sky sa pinakamataas na bahagi ng puno upang magpahinga. Maya-maya ay muli na naman siyang nagpatuloy sa paglipad, halatang wala itong balak na sumuko at walang makakapigil sa kanya hanggang sa magtagumpay ito. Samantala… “Isang malakas na sipol ang aking pinakawalan at naghintay pa ako ng ilang segundo ngunit nakad
Nahinto sa paghakbang ang mga paa ni Zanella ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis siyang tumakbo patungo sa ilalim ng malaking puno upang sumilong. Ngunit balewala pa rin ang malaking puno dahil nabasa pa rin siya ng ulan. Mahigpit na niyakap ni Zanella si Sky at ginamit niya ang kanyang katawan upang hindi ito mabasâ ng ulan. “S-Sky…. Ang mundong ito ay masyadong malupit, ang mga katulad nating nilalang na lumaki sa hirap ay walang puwang para dito. Dahil pera ang nagpapaikot sa buhay ng mga taong naninirahan dito. P-pera ang kanilang sinasamba.” Anya na ang mga labi ay nanginginig dulot ng matinding lamig. Tiniis ni Zanella ang lamig at gutom at sandaling nanatili sila sa ilalim ng puno hinihintay kung kailan titila ang ulan. Isang oras, dalawang oras, at di nagtagal ay inabot na ng alas dose ng hating gabi bago pa man tumila ang ulan. Isang matalay na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Zanella na parang gusto niyang sabihin na sa wakas ay tumila na rin ang ulan.
“Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan habang mahigpit na yakap ko ang aking sarili. Ni hindi ko rin maawat ang malakas na panginginig ng aking katawan, maging ang mga labi ko ay patuloy na nangangatal. Gusto ko sanang maglakad ngunit hindi ako pwedeng umalis sa aking puwesto dahil kailangan ko pang hintayin ang pagbabalik ni Sky. Nagtataka ako kung bakit halos isang oras na yata ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsulpot ng isang lalaki sa aking harapan. At ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang hawak nito na isang bagay na ngayon ko lang nakita. Hindi nagsasalita ang lalaki at nakatitig lang ito sa mukha ko hanggang sa dahan-dahang umangat ang kamay nito na may hawak na bakal. Habang nakatitig ako sa mukha ng estrangherong lalaki ay nakatutok naman sa akin ang hawak nito. Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng kanyang bibig na wari moy nangangako ng isang kamatayan. Makapigil
Mabilis na bumaba ng kanyang sasakyan si Hareth maging ang mga magulang nito na si Harris at Zaharia. Hindi sila makapaniwala sa mga nangyayari, kapwa naninindig ang kanilang mga balahibo dahil sa matinding emosyon. Dahan-dahang lumapit ang tatlo sa dalagang nakaupo sa kalsada na kasalukuyang iniiyakan ang namatay na ibon. Hindi na nila namalayan na kanina pa pala sila umiiyak dala ng labis na pagkahabag para sa babae. Maingat na lumuhod si Hareth sa harap ni Zanella at ng magpanagpo ang kanilang mga mata ay nasilayan ni Hareth ang luntiang mga mata ng dalaga. Wari mo’y hinampas ng maso ang kanyang dibdib ng makita niya ang malaking pakakahawig nito sa kanya dahil si Zanella ang babaeng kawangis ng mag-amang Harris at Hareth.“Zanella?” Hindi makapaniwala na sambit ni Hareth at buong pananabik na mahigpit na niyakap ang kanyang kapatid. “Diyos ko mahabaging langit! Ang anak natin Harris!” Nagugulumihanan na wika ni Zaharia at mabilis na lumapit sa dalagang tulala. “Anak, Zanella! Ang
“Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at maingat na pinasadahan ko ng tingin ang buong silid na aking kinaroroonan. Ngunit, ang tanging nakikita ko lamang ay pawang puting kisame at puting pader. Kumunot ang noo ko ng napansin ko ang isang bagay na nakasabit sa bakal na nasa tagiliran ko ngunit may mahabang hose ito na naka-konekta sa aking kamay. Maingat na bumangon ako mula sa pagkakahiga at kahit na nakakaramdam ako ng hilo ay sinikap ko pa ring makaupo ng maayos. Natigilan akong bigla, nang isa-isang lumitaw sa aking isipan ang bawat eksena ng nagdaang gabi. At ang siyang nagpaluha sa aking mga mata ay ang pagbagsak ng katawan ni Sky sa malamig at basang kalsada. “H-Hindi… s-si S-Sky…” natataranta kong sambit kaya mabilis kong inipit ang dalawang daliri sa pagitan ng aking mga labi saka nagpakawala ng ilang malakas na pito. Mula sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko ang pagbalikwas ng tatlong tao at natataranta sila na lumapit sa akin. Naalarma akong bigla dahil sa p