Share

The Billionaire's Addiction
The Billionaire's Addiction
Author: mybabieslove

Prologue

"Aba namimihasa ka na Tanya, lage ka na lamang late ah!" galit na salubong ng manager ng restobar kay Tanya.

"Pasensya na po sir huli na po ito promise." Nakataas ang isang kamay na pangako ni Tanya. Mababanaag sa kanyang magagandang mata ang takot at pagkabahala.

"Dapat lang dahil pag naulit pa ito, pasensyahan na lang tayo Tanya. Hindi uubra yang kabagalan mo sa akin." Nakataas ang kilay at nakapamewang na litanya ni Danny, ang baklang manager ng Jazz restobar. Nagpapart time lamang si Tanya tuwing alas sais ng gabi hanggang ala una ng madaling araw sa resto bar. Miyerkules hanggang Linggo ang pasok nya. Nasa ikaapat na taon naman na sya ng kolehiyo kaya pinagtitiisan na lamang nya ang trabaho hanggang sa sya ay makatapos. " Ilang buwan na lang naman ang titiisin ko gragraduate na ako," mahinang usal ni Tanya. Sa totoo lang matagal na syang nagtitimpi sa baklang manager nila dahil simula nang nagtrabaho sya dito e lage na lamang syang pinagdidiskitahan nito. Hindi malaman ni Tanya kung bakit mainit ang dugo sa kanya ng kanilang manager. Nahuli lang naman sya ng isang minuto pero para bang isang oras syang nahuli sa asta nito.

"Tanya, magpalit ka na ng uniform mo, baka magalit na naman sayo si sir. Pagpasensyahan mo na baka nag-away na naman sila ng jowa nun kaya parang pinagsakluban ng lupa. Sayo tuloy nabuhos ang sama ng loob," napapalatak na pahayag ng kanyang kasamahan na si Marco. Tinanguan lamang nya ito at tahimik na dumeretso sa kanyang locker. Sa halos dalawang taon nyang pagtatrabaho dito sa restobar, wala pa syang nakapalagayan ng loob. Hindi naman kasi sya palapansin pero napapansin nya ang parating pasaring at makahulugang sulyap ng kanyang mga kasamahang lalaki. Minsan na syang niligawan ng isa sa kanyang mga katrabaho pero malinaw nyang sinabihan ang manliligaw na wala sa bukabularyo nya ang pakikipagrelasyon sa kahit sino. Tutok sya sa kanyang pag-aaral. Kaya nga nakaapak sya sa 4th year College sa kursong Accountancy dahil sa pagsisikap nya at pagtyatyagang mag-aral ng mabuti. Scholar sya ng university since 1st year kaya naman pinag-igihan nyang mabuti na laging makapasok sa dean's lister para hindi malaglag ang kanyang scholarship. Bahala ng masabihan syang isnabera at masungit. Wala syang pakialam. Hindi rin sya mahilig sa barkada o sa lakwatsa. Mahirap ang napili nyang kurso kaya tutok na tutok talaga sya at kulang na kulang din ang oras nya sa pagrereview. Halos lahat ng mga kaklase nya ay focus talaga sa major subject nila. Ang kaibahan nga lamang, sila pag-aaral lang ang inaalala samantalang sya kailangan nyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para may ipangtustos sya sa kanyang pag-aaral. Ulila ng lubos si Tanya. Nag-iisa syang anak ng kanyang namayapang mga magulang. Nasa 4th year highschool sya ng sabay na namatay sa vehicular accident ang mga ito. Walang natira sa kanilang ari-arian dahil ipinambayad lahat sa mga pinagkakautangan ng mga ito. Halos malugmok si Tanya noon. Akala nya hindi sya mabubuhay ng wala ang mga magulang. Wala din syang malapit na kamag-anak na handang tumulong sa kanya. Namuhay syang mag-isa. Hanggang nasanay na syang mag-isang itaguyod ang sariling buhay. Pinag-aralan nyang mag-isa dahil ayaw nyang dumepende sa iba at masanay sa presensya ng kahit na sino. Ayaw niya ang feeling ng iniiwan kaya hanggat maaari ayaw nyang ilapit ang sarili sa kahit na sino. Mabuti na lamang sa klase nila walang pakialaman, walang pansinan dahil halos lahat tutok sa pag-aaral. Para ngang nerd lahat ng kaklase nya e. Nagpapataasan ng score. Nabiyayaan naman ng matalinong utak si Tanya. Nasa dugo na nila ang matalino dahil ang kanyang ama ay isang abogado at ang kanyang ina naman ay isang accountant. Madali lang syang matuto at makaintinde sa klase kaya naman lage syang nangunguna sa lahat ng major subjects. Inaasahan na nyang sya ang magiging summa cum laude sa graduation dahil na rin sya ang may pinakamataas na average score sa buong unibersidad.

Tahimik na binuksan ni Tanya ang kanyang locker at kinuha ang uniform. Mabilis ang kilos na tinungo ang comfort room na laan para sa mga empleyado para magbihis. Isang mini skirt at crop top ang kanyang uniform. Sexy at kita talaga ang kanyang pusod at mahahabang biyas. Sa dalawang taon nya dito, nasanay na din sya sa kanyang uniform. Medyo mahaba na nga ang kanyang skirt hindi tulad sa kanyang mga kasamahang babae na kita talaga ang kuyukot at nakaluwa talaga ang dibdib. Pinagmasdan nyang mabuti ang sariling repleksiyon sa salamin. Sadyang mapungay ang kanyang mga mata. Sabi nga nila ang mga mata nya ang kanyang pinakamagandang asset. Natural na mahaba ang pilik mata at matang kulay chocolate. Binagayan ang kanyang mukha ng matangos na ilong at natural na mapupulang labi. Maputi din sya at makinis. Pero ang ganda nyang ito ay tinatakpan nya ng makapal na make up para hindi sya makilala. Kinakapalan nya ang kilay, foundation at lipstick. Sinasadya nyang hindi magmake up ng maayos para hindi sya mapansin. Kaya nga nakatagal sya ng dalawang taon sa restobar na ito dahil sa kanyang strategy. Pagkatapos nyang mag make up ay sinuot na nya ang sapatos na kulay puti. Natatawa talaga sya sa kanyang hitsura. Sino ba naman ang magkakainteres sa kanya kung ang make up nya ay subrang kapal at halos di na sya makilala. In short panget ang make up nya. Yan din ang isa sa ikinaiinis ng manager nya at laging pinapansin sa kanya pati ng kanyang mga kasamahang babae. Pinagtatawanan sya ng patalikod. Nakasuot din si Tanya ng stocking na itim para hindi malantad ang makinis na binti. "Hayan ready na ako." Matamis ang ngiting lumabas na ng comfort room si Tanya. Dahil nakayuko nang lumabas sya ng banyo, nabangga sya sa matipunong dibdib ng kasalubong. "Ouch! Hey! Watch out!" Dahil sa pagkakasubsob nya sa dibdib nito amoy na amoy nya ang mabangong pabango nito. Nakakahalina ang amoy. Biglang napaatras si Tanya at napatutok ang tingin sa lalaking nakabangga. Nagkatitigan sila, hindi maipaliwanag ni Tanya ang nararamdaman. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso nya at napatulala sya sa lalaking matiim din ang titig sa kanya. Namumukhaan nya ang lalaking ito. Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Daryl Escudero, e ito lang naman ang pinakasikat sa kanilang paaralan dahil sa taglay nitong karisma at kaguwapuhan na makalaglag panty naman talaga. Aside sa guwapo na, mayaman at magaling pa sa larong soccer. Sikat na sikat ito hindi lang sa kanilang unibersidad pati na na rin sa buong bansa dahil kamakailan lamang ay nagwagi ang kupunan nito sa ginanap na sea games noong nakaraang buwan. Isa lamang sa hindi nya gusto sa lalaking ito, ang pagiging babaero nito. Halos buwan buwan ay papalit palit ito ng nobya. Agad nahimasmasan si Tanya nang tumikhim ito at ngumisi. Tinaasan naman ito ng kilay ni Tanya.

"At ano ang nginingisi ngisi mo dyan ha!!!?" mataray na sita ni Tanya.

"At bakit ba ganyan ka makatingin?" lalong lumapad ang ngisi nito at nakakalukong tumawa pagkatapos.

"At nagawa mo pang tumawa sa lagay na yan? Ano ba sa tingin mo ang nakakatawa?" tanong nya na napipikon na. Hawak hawak nito ang tiyan upang pigilan ang pagtawa. Halos maluha na ito sa katatawa. Lalo lamang nainis si Tanya at pabalyang tinalikuran na lamang ang lalaki.

Mabilis namang hinablot nito ang kanyang braso na lalong ikinabigla ni Tanya.

"Wait!" pigil nito sa kanya.

"Ano ba? pwede ba wag mo nga akong hahawakan. Tawanan mo ako hanggang gusto mo, wag mo lang ako mahawak hawakan sa braso ko at pwede alisin mo na iyang kamay mo.

"Oh! I'm sorry." Hinging paumanhin nito saka binitiwan ang kamay ni Tanya. Hindi parin inaalis ang titig sa kanyang mukha.

"I can't just help myself from laughing. What have you done to your face?You look like a clown." Nakangisi pero pinipigilan nito ang tawa. Hawak nito ang bibig.

"Huh! Why do you mind? Sinabi ko bang pakialaman mo ang mukha ko? Anong paki mo ha?" galit nyang sita.

"Baka pwedeng bawasan mo yang nilagay mong guhit sa kilay mo at pati yang lipstick mo. Baka wala ng customer nyan ang papasok dito sa bar dahil nakakatakot at nakakatawang pagmumukha mo," seryoso nitong saad saka pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan.

Naningkit ang mapupungay na mata ni Tanya. Sa tuno nito para bang kilalang kilala sya nito at kabisado na ang kanyang mukha e ngayon pa lang naman sila nagkausap at nagkita ng malapitan.

"E anong magagawa ko e sa ganito ang mukha ko," matigas na pahayag ni Tanya.

"Didn't you notice that your workmates were laughing and mocking at your back?" Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng binata.

"Sandali nga bakit ba parang sa tono ng pananalita mo e ang laki ng concern mo sa akin?Ni hindi mo nga ako kilala e,"

napapatiskuhang pahayag ni Tanya.

"I know you. I am working here also. Hindi mo lang ako napapansin dahil tutok na tutok ka sa trabaho mo." Umiwas ang mga mata nito habang sinasabi yun. Napamaang naman si Tanya sa nalaman.

"Ikaw!? nagtatrabaho dito?hahaha!!Nagpapatawa ka ata." Nagsisimula na syang kabahan sa itinatakbo ng usapan.

"No I am not. My tito owns this restobar. He asked me to handle this. Ikalawang araw ko na nga ngayon. " Napangiwi si Tanya nang marealized ang sitwasyon. Naku boss nya pala ito pero tinaray-tarayan nya at sinigaw sigawan pa.

"Ah e.......Sir ahm...." Napakamot sa batok si Tanya. Lagot sya ngayon dahil boss pala nya ang inaaway nya. Napakamot sya sa batok dahil sa sinuungang sitwasyon. Hindi na sya nagpatumpiktumpik pa. Kahit naiinis sya sa lalaki wala syang choice kundi ang huminge ng tawad.

"Ahm..... sir pasensya na po sa inasal ko. Ikaw naman kasi e, subra ka kung manlait at kung makatawa wagas," pasaring nya.

"I want you to follow me at my office," utos nito ng maatoridad sabay talikod. Napatayo ng tuwid si Tanya sa utos nito.

"Ah... e -sir bakit po? Baka kailanganin na po ako mamaya sa trabaho dahil mayamaya magdadagsaan na po ang mag customer," napakamot sa ulong alibi niya. Sa totoo lang kinakabahan sya. Hindi nya mawari kung ano ang kabang nararamdaman. Mabilis at parang sumali sya sa karera sa bilis ng pintig ng puso nya. Humarap uli ito sa kanya at pinanliitan sya ng mga mata. Ngayon lamang nya napagmasdan sa malapitan ang mga mata nito. Napakaganda at maihahalintulad sa mga mata ni Ian Veneracion pero young version ata sya ni Ian na subrang gwapo at kisig. Kinilig ng lihim ang puso nya habang pinagmamasdan ito.

"Hey!!! your spacing out. I said I am the boss here. So you need to follow my orders. And I want you to come at my office. Now!" madiin at malakas nitong pahayag para magising sya sa sandaling pagkatulala.

Tanya's POV

"Ah e...Oo boss kayo po ang masusunod. Susunod po ako." Napakagat labi na lamang ako dahil hindi umubra ang paliwang ko. Baka sisisantehin na ako. Malungkot akong napailing at bumuga ng malakas para mawala ang kabang kanina pa umaalipin sa akin.

Sinundan ko sya ng tingin habang papasok sya sa opisina ng dati naming boss na sya na ngayon ang umuukupa.

Ipinagpag ko ang mga kamay sa maikli kong skirt at pagkatapos ay bumuga ulit ng malakas bago nagpasyang kumatok. Nakapinid ang pinto kaya kinatok ko muna.

Narinig ko naman ang kanyang sagot na pumasok na ako. Dahan dahan kong itinulak ang pintuan para makapasok ako. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng kanyang pabango na yumayakap sa buong silid. Napakapresyo sa pang amoy. Hindi ko maiwasan ang manlamig at kabahan dahil kami lamang dalawa sa kanyang opisina. Hindi ako mapakali. Nag angat sya ng paningin nang maramdaman nya ang aking presensya. Nagtama ang aming mga mata. Blanko naman ang kanyang expresyon kaya mas lalo akong kinabahan. Nagpasya akong makiusap na lamang sa kanya.

"Ahm boss, please give me one more chance. I need this job. I need to finish my studies. Ito lamang ang pinagkukunan ko ng pera para sa pang araw araw kong pangangailangan at pambayad na rin ng renta sa inuupahan ko." Nakayuko ako habang nakikiusap sa kanya. Bahala na kung ano man ang iniisip nya. Magpapakumbaba ako kung yun lamang ang paraan para manatili muna ako sa trabaho ko. Alam kong matiim nya akong tinititigan. Ramdam ko ang bawat hagod ng mata nya sa akin.

"Wala pa akong sinasabi Ms. Benetez. Pwede bang pagsalitain mo muna ako." Hindi ko mabasa ang expresyon ngayon ng kanyang mga mata. Nakatitig lamang sya na malamig at blanko ang expresyon. Tumahimik ako at hindi na nagsalita.

"I told you to come here for us to discuss your new job," baritono nyang sabi.

"Po!!?" gulat kong tanong. Napalakas pa ang pagkakasambit ko dahil sa kabiglaan.

"As I have told you for your new job. I know why your disguising with that disgusting make up. " Napaangat ang ulo ko at napamaang na nakatingin sa kanya. Halos hindi ako humihinga habang nakikinig sa kanya. Inaabangan ko ang bawat buka ng bibig nya. Habang nagsasalita sya hindi ko mapigilan ang lalong paghanga sa kanya. No wonder ang daming babae ang nababaliw sa kanya. Ngayon alam ko na ang dahilan.

"Since you are not comfortable with your job, I want to transfer you here in my office. I have scanned your resume. You are a scholar and your taking up accountancy course. I think you can have you internship here for you to apply your course here." wika nya. Para naman akong nabingi sa narinig ko. Pumalakpak ang dalawang tenga ko at napatutok ang mga mata ko sa kanya. Parang namali ata ako ng dinig.

"Again boss?" tanong ko ulit sa kanya dahil gusto kong malinaw na marinig ang sinasabi nya. He just smirked at me.

"I said if you like, you can work here at my office as accounting staff since one of our staffs resigned yesterday."

Lumawak ang ngiti ko sa labi at sa subrang saya ko hindi ko napigilan ang mapatayo.

"Yes boss gusto ko yan. I want that job. Hinding hindi ka magsisisi sa binigay mong chance sa akin. Magaling po ako dyan boss. Magagawa ko pa ng mabuti ang trabaho ko."

Parang gusto kong sumigaw sa subrang saya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Okay then, I want you to start now. You can change your clothes into office uniform and please remove your make up," sabi nya. Walang paring bakas ng emosyon ang mga mata.

Mabilis akong tumayo at nagmamadaling nagtungo sa pintuan para lumabas at magbihis nang marinig ko syang nagsalita

"You dont need to go out. You can use my restroom and my room para makapagbihis ka at saka ito I have here 5 sets of office uniform for you to use." Sabay abot ng paper bag sa kanyang kanang kamay.

Napamaang ako at napatingin sa hawak nyang paper bag. Sandali akong napaisip. Ambilis naman ata nyang nakaprovide ng office uniform ko. Hindi na ako nag abala pang usisain sya. Tinanggap ko ang paper bag at saka nagpasalamat.. Hindi ko naiwasan ang ngumiti sa kanya na nagpalabas sa dalawang dimples ko sa pisnge . Napatitig naman sya sa akin at napatanga. Iniwan ko syang nakaawang ang kanyang bibig. Madami talagang nabibighani sa mga ngiti ko na kay damot kong naibibigay sa kahit na sino. Pumasok ako sa restroom. Nailibot ko ang mga mata. Malawak at organisado ang mga gamit.

"Ang ganda naman ng restroom at ang lawak. Mas malaki pa ito sa kwarto ko ah!" napapalatak ako sa paghanga. Pinasadya talaga atang ganito kalaki ang rest room.

Pinahiran ko muna ang mukha ko ng wet tissue para matanggal ang makapal kong make up at pagkatapos ay naghilamos para tuluyang matanggal ang anumang bahid ng make up sa mukha ko. Hindi ko parin maisip ang dahilan kung bakit tinutulungan ako ni Boss Daryl. Napakalaking pabor sa akin ang binigay nyang trabaho dahil ligtas na ako sa mga panghihipo ng mga customer. Wala na yung agam agam na lage kong nararamdaman tuwing papasok ako ng trabaho. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Napakaswerte ko naman ngayong araw dahil sa bagong blessing sa buhay ko. Ngayon wala ng anumang bahid ng makeup sa mukha ko. Lumitaw ang totoong ganda at amo ng mukha ko. Hindi naman sa pagmamayabang, biniyayaan ako ng napakaamo at magandang mukha. Inilugay ko ang mahaba at bagsak kong buhok na lalong nagbigay sa akin ng magandang aura. Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Ngumiti ako sa sarili ko. Lumabas ang maputi at pantay pantay kong ngipin. Isa sa mga asset ko e ang maputi at pantay pantay kong ngipin.

"Ajah!! thanks God!" Masayang masaya ako sa magandang nangyayari sa akin. Lumabas ako sa restroom na hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.

" Ahm boss, saan po ako pwede magbihis?"

Nag angat sya ng tingin. Ngayon kunot ang noo nito. Tumayo sya at itinulak ang book shelve. It amazed me. May secret room pala sa likod ng bookshelve.

"Wow! Ang ganda naman ng kwarto mo boss." Nakakamangha ang ganda at pagkakaayos ng kwarto nito. Simple pero elegante. Malinis at maaliwas sa mata. Triple ang laki nito sa banyo. Paglingon ko ay wala na sya sa likod ko kaya sinimulan ko na ang maghubad. Ibababa ko na sana ang panty ko nang bigla na lamang syang lumitaw sa kung saan. Napasigaw ako at hindi malaman ang gagawing pagtakip sa kahubdan ko. Dinampot ko ang mga damit na hinubad ko at iyon ang ipinantakim sa katawan ko.

"Ah sir labas po muna kayo. Hindi ko po alam na hindi ka pa pala lumabas," sabi ko na natataranta natataranta. Para naman syang natuod sa nakita nyang kahubaran ko. I saw how he swallowed hard at parang glue naman ang mga mata nyang di na natanggal ang pagkakatitig sa akin. I saw lust in his eyes.

"I said get out!" sigaw ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Natauhan naman sya nang sumigaw ako. Mabilis naman syang lumabas. Naiwan akong napaupo sa kamang naroon dahil sa subrang pagkapahiya. Nanghihina ako sa subrang kaba. Para akong hihimatayin sa bilis ng pintig ng puso ko. Napakacareless ko talaga. Hindi ko muna siniguradong nakalabas sya bago ako naghubad at hindi ko man lang nailock ang pintuan. Dali dali akong nagbihis. Para namang sinukat sa katawan ko ang uniform na binigay nya dahil hapit na hapit sa akin. Conservative ang tabas at tama lang sa panlasa ko. Napabuntung hinga ako. Ano ba bakit di parin ako nahihimasmasan?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status