Valeen
Napatingin ako sa lalaking pumasok sa opisina at napapitlag pa ako ng sumigaw ito pagkakita sa akin.“What the f**k!” sigaw nito kaya naman nakaramdam ako ng inis sa taong ito. Aba porke ba guwapo siya, e ganyan na siya manghamak ng pangit?“Samaniego your mouth!” pigil naman dito ng boss ko kaya napayuko na lang ako“Saang planeta mo ba nakuha ito? Yan ba ang papalit kay Marissa baby ko?” ayaw pa rin talagang paawat ng bibig ng lalakeng ito while Ms. Marissa rolled her eyes. Naging boyfriend niya kaya ito? “Pamangkin siya ni Yaya Nette okay! Shut your f*****g mouth!” sagot naman sa kanya ni sirNapatingin ako kay Sir Marcus and I was surprised na nakatingin din sa akin ang bisita nito.“Hey! What’s your name!” tanong nito sa akin kaya napatikhim ako“Ahm s-sir, I’m V-valeen Alicia Flores po.”“Okay Ms. Beastie, kapag nandito ako sa office ng boss mo please lang huwag kang magpapakita sa akin ha!” Bastos din talaga ang bibig ng taong ito pero hindi ko pwedeng gamitin ang katarayan ko dito dahil baka maaga akong mawalan ng trabaho.“Drake, she have a name! D**n you!” naiinis na sabi ni sir kaya naman minabuti ko ng magpaalam “Ah sir Marcus, anything else?” pilit kong dineadma ang lalaking bastos dahil hindi naman siya ang magpapasweldo sa akin“You may go Val. I need the minutes of the meeting yesterday with Mr. Frias bring it to me later.” utos niya sa akin“Noted boss!” sabi ko saka ako lumabas ng opisina. “Bro please! Baka naman gusto mong ilipat si Ms. Beastie! Nakakakilabot eh!” Gusto kong balikan ang kumag na lalaking ito at bigyan ng malutong na sampal sa mukhan pero nagpigil ako.“Samaniego, grow up! Inaano ka ba ni Val?” ramdam ko ang inis sa boses ng boss ko kaya naman kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.May magtatanggol sa akin laban sa kaibigan niyang matalim ang dila.Dumeretso na ako sa table ko at hinanap ang minutes ng meeting na sinasabi ni Sir Marcus. Parating naman si Ms. Marissa at ngumiti ito sa akin.“Pagpasensyahan mo na si Sir Drake. Ganyan lang talaga yan, mapagbiro!” sabi niya sa akin“Weh! Hindi naman biro yun Ms. Marissa. Hindi nga siya nakatawa eh!” Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko at naisip ko, paano kaya ung mga taong hindi talaga biniyayaan ng ganda? Tapos araw araw nakakasalamuha mo ang mga taong kagaya nung Drake. Hay grabe, ang hirap pala talagang maging pangit lalo kung puro mapanghusga ang mga tao sa paligid mo.“Habaan mo ang pasensya mo Val. Hindi pa kumpleto yan dahil may tatlo pang kaibigan si Sir Marcus na palagi ring nagpupunta dito.”“Talaga ma’am? Yung isa nga delubyo na, pano pa kung may tatlo pa!” Ito na ba ang parusa ko dahil sa pagiging suwail kong anak?“Oo pero si Sir Drake at si Sir Lucian lang ang makulit. Parang mga bata yung dalawa na yan.” kwento niya pa sa akin“Di bale po Ma’am. Marami naman po akong baong pasensya! Sana lang po huwag maubos!” biro ko dito pero sa totoo lang, kinakabahan akoI am not a very patient person pagdating sa mga taong masama ang ugali. Hindi ko forte ang makipagplastikan kahit noong nag aaral pa ako.Kaya nung college ako marami ang naiintimidate sa akin dahil sa pagiging prangka ko. I never step down lalo kung nasa katwiran ako. I studied Business Course dahil gusto kong pamahalaan ng negosyo ng pamilya namin sa Davao pero ayaw ni Daddy at ang gusto niya, mag asawa na ako. I am the only girl in the family at bunso pa so others regard me as the Princess of the Flores’. And I don’t like that. Ang dalawang kuya ko ang tanging hinasa ni Daddy sa negosyo pero ako? Pinag-aral nga pero hanggang dun lang. Kasi babae daw ako at kailangan ko mag-asawa in the near future.Masyadong makalumang paniniwala at hindi ako sang ayon dun lalo na kung si Allan lang ang ipapakasal sa akin. Di baleng maging matandang dalaga nalang ako!“Okay ka lang Val?” tanong ni Ms. Marissa kaya naman natigil ang pagmumuni muni ko“Ay opo Ms. Marissa, okay lang po ako. Nakita ko na po yung pinapahanap ni boss kaso ayaw ko pong dalhin sa loob.” Napataas naman ang kilay ni Ms. Marissa sa sinabi ko“Bakit?” “E ayaw daw po akong makita ni Sir Drake! Sabi niya magtago daw ako pag nandito siya!” Natawa naman si Ms. Marissa sa sinabi ko saka umiling.“Huwag mong pansinin si Sir Drake. Isa pa hindi pwede na magtatago ka twing nandito siya kasi pano mo magagawa ang trabaho mo?” “Nakakainis po kasi. Akala mo sobrang gwapo naman kung makapang lait!” himutok ko dito“Sige na, dalhin mo na yan doon. Hindi naman papayag si Sir Marcus na apihin ka nun.” utos sa akin ni Ms. Marissa kaya naman sumunod na ako ditoHuminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto ng opisina“Come in!” sabi ni boss buhat sa loob kaya pumasok na ako sa loob“Sir, nandito na po ung minutes na hinihingi niyo!” “Good heavens!” iritang sabi ni Sir Drake ng makapasok ako pero hindi ko siya pinansinDumeretso na ako sa mesa ni Sir saka ko nilapag ang papel na kailangan niya. May binubutingting ito sa laptop kaya hindi niya ako masyadong pinapansin.“Sir?” Ulit ko“Yes, Val! Pakiiwan na lang diyan!” panay ang butingting nito at napamura pa kaya naisipan ko ng magtanong“Ah sir, may problema po ba?” “Yes Val. May file akong sinave dito tungkol sa bagong negosyo namin pero hindi ko makita. I think I deleted it by accident.” Napangiti ako saka ako nag offer na tulungan si Sir tutal bihasa ako sa mga ganitong problema.“Ah sir, okay lang po ba na tignan ko? May back up file po ba kayong ginawa?” tanong ko pa dito“I’m not sure Val.” tumayo ito saka ako pinaupo sa harap ng laptop niya habang hindi naman maipinta ang mukha ni Sir Drake“My God! Saang bundok ka ba galing? Hindi ba uso ang parlor doon?” Ayan nanaman ang bibig ng taong ito at kahit gusto kong sagutin ay pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko lang siguro magpanggap na parang wala siya sa harap ko. Bahala siya sa buhay niya, mamatay siya sa inis.“Shut up, Samaniego or else itatapon kita sa labas!” banta ni Sir sa kaibigan niyaNagpatuloy lang ako sa pagtipa hanggang sa makita ko ang file na hinahanap ni Sir.“Got it sir!” itinuro ko sa kanya ang file kaya naman parang nakahinga ito ng maluwag“Iginawa ko na po kayo ng back-up file sir. Lagi niyo po itong gagamitin just in case po na magkaproblema.” sabi ko pa dito“Wow! Thanks Val! Hindi ko alam na magaling ka rin pala dito!” sabi pa ni sir sa akin“Lahat naman po napag aaralan sir!” tumayo na ako at saka naman naupo si Sir at hinarap uli ang laptop niya“May kailangan pa po kayo sir?” “Wala na Val. Tatawagan nalang kita.” sagot naman nito sa akin“Okay po sir!”Nilagpasan ko lang si Sir Drake at hindi ko din tinignan dahil talaga namang naiinis ako sa kanya.“Pahingi ako ng kape!” utos naman nito sa akin kaya nilingon ko ito“How do you prefer your coffee sir?” alam ko na iniinis lang ako ng lalaking ito kaya naman hindi ko siya uurungan“Black coffee! No sugar!” bored na sagot niya sa akin kaya naman napailing na lang ako.Mukhang kulang sa aruga ang lalaking ito o baKa naman kulang sa saksak noong baby pa siya.Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na ako pero tinawag niya ako uli.“Hey beastie! Sinabi ko bang umalis ka?” hindi ko naman siya pinansin at deretso lang ako lumabas para itimpla siya ng kapeAkala ba niya siya lang ang may kayang mang-asar! Pwes pagbibigyan ko siya!Dinala ko agad ang kape niya pagkatapos kong kumuha sa pantry at pagpasok ko madilim ang mukha nito habang si Sir Marcus ay pangiti ngiti lang.“Heto na po ang kape niyo!” inilapag ko ang kape sa harap niya “Tinatawag kita kanina! Bakit ka lumabas?” sita niya sa akin kaya kumunot ang noo ko sa kanya“Ganun po ba? Hindi ko po kasi narinig.”“I called you, Ms. Beastie! Ano ka bingi!?” Madali naman palang mapikon ang isang ito. Chicken na chicken lang sa akin.“Ah kaya po pala hindi ako lumingon! Kasi po Sir, hindi po iyon ang pangalan ko.” katwiran ko dito Narinig ko naman ang tawa ni Sir Marcus. Halatang natutuwa siya sa sinabi ko sa kaibigan niya.“Thompson! Saan mo ba nakuhang bundok ito? Narinig mo ba kung paano ako sagutin?” “Well she said it right, Samaniego! May pangalan naman kasi siya eh! Call her with that!” Pagtatanggol naman sa akin ng boss ko“May ipag uutos pa po ba kayo sir?” tanong ko ulit dito saka ako ngumiti.Napangiwi pa nga ito pagkakita sa ngiti ko sa kanya.“I want pizza! Iorder mo ako!” utos ni Sir Drake“Okay po sir! Anong klaseng pizza po? Anong flavor?” magiliw na tanong ko dito“Ask Marissa, alam niya kung ano ang gusto ko!” “Okay po sir! Noted po! Yun lang po ba?”Umiwas pa ito ng tingin sa akin habang pigil naman ang tawa ni Sir Marcus sa nangyayari!Lumabas na ako ng opisina nila at saka napangiti. Kayang kaya ko naman palang sabayan ang bwisit na lalakeng ito!‘Ayaw mo sa mukha ko? Pwes, lalo kong ipapakita sa iyo! Maumay ka!’ValeenPanay ang tawa ni Ozzy ng ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa unang araw ko sa opisina ng TGC.“Grabe lang yang kaibigan ng amo mo! Gwapo ba?” napaisip ako sa tanong ni Ozzy habang kumakain kami ng dinner“Well actually gwapo naman talaga yung hambog na iyo. But that doesn’t mean na pwede siyang mambully ng kapwa niya, right?” “Tama ka naman diyan sis. E siguro pag nandun siya sa office, wag ka nalang magpakita para hindi ka asarin!” payo pa ni Ozzy sa akin“ Sis, hindi naman pwede yun. Isa pa keri ko ang isang yun. Hindi naman ako nagpapadala sa pang iinis niya in fact, mas naiinis pa nga siya sa akin.” kwento ko kay Ozzy“Baka naman maging dahilan iyan pagka sisante mo bruha ka!” medyo nag aalala si Ozzy kaya umiling ako dito“Hindi naman siguro, sis. Mabait si sir Marcus at pinagtatanggol niya ako. Natutuwa nga siya sa akin kasi inaasar ko din yung kaibigan niya!” Natawa tuloy si Ozzy sa sinabi ko.“Mga 8:30 aalis na tayo sis ha! Para naman makauwi tayo ng maaga!”
ValeenPumasok kami sa isang pinto at sa tingin ko ay opisina iyo. Inalalayan pa ako ni Drake na maupo saka siya tumabi sa akin.Hindi nagtagal ay pumasok din ang lalakeng tinawag ni Drake na Jackson. May dala itong ice pack at inabot kay Drake. Nahiya naman ako dahil kasalanan ko kung bakit siya nasaktan kaya ako na ang umabot sa icepack at nagdikit sa kamay niya.Nakita ko na ngumiwi siya kaya nakaramdam naman ako ng awa dito.“Masakit ba?” gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa tanong ko. Malamang Valeen masakit iyon, namamaga na nga eh.“ Okay lang Alie! Hindi naman ako papayag na bastusin ng kung sinong gago ang mga tao dito.”I almost rolled my eyes! Kung alam lang niya na ako ang pangit na sekretarya ni Sir Marcus, makuha pa kaya nitong magsalita ng ganito.Kaya ba siya mabait dahil maganda ang Valeen na nakikita niya ngayon?Nag-angat ako ng ulo dahil bigla siyang natahimik and then I saw his eyes. Nakatitig siya sa akin kaya kumalabog nanaman ang mukha ko.“May dumi ba a
ValeenMaaga akong pumasok kinabukasan para ihanda ang mga kailangan ni Sir Marcus. May meeting kasi ito at nagkataon naman na wala si Ms. Marissa dahil may nilakad daw ito para sa pag-alis niya.Hindi naman nagtagal ay dumating si Sir Marcus kasama ang mga kaibigan niya. Normal lang naman ang reaksiyon ng iba since first time nila akong nakita pero siyempre ang hambog na si Drake ay inis na naman sa pagmumukha ko.Ng makapasok na sila ay sumunod na ako para basahin ang schedule ni Sir Marcus. Nakaupo na ito sa pwesto niya habang ang apat naman ay nasa sofa.“Good morning Sir, your schedule po!” masayang sabi ko dito“Good morning Val. What’s for today?” tanong naman sa akin ni Sir kaya sinimulan ko ng basahin ang schedule niya“At nine AM sir you have a meeting with the board, I already prepared the conference room sir.” inabot ko sa kanya ang ang isang folder“That is the agenda of the meeting sir.” “At eleven AM, you have a lunch meeting at the Safari with Mr. Lagdameo, for the c
Anton DrakeNakatitig lang ako sa magandang mukha ni Alie habang nag uusap kami ngayong gabi. Actually hindi ko akalain na makikita ko pa siya ngayon dito sa bar. Maaga akong tumamabay dito sa pagbabakasakali na makita ko uli ang babaeng gumulo sa mundo ko.I admit that I don’t do relationship things and stuff. Never akong nagkaroon ng commitment pwera nalang kung tungkol sa mga negosyong hawak ko.The Samaniego Corporation is a company that owns the largest airline in the Philippines. We also have the most number of real estate agencies and also numerous counts of condominiums and townhouses here and outside the Metro.May mga business din ako na kasosyo ko ang mga kaibigan ko at ang latest nga ay ang Bella Philippines na pinangungunahan ni Hendrix James Saavedra.Sikat ang Bella International sa US at naisipan itong dalhin ni Hendrix sa Pilipinas at naging mga co owners nga kaming magkakaibigan.Hindi ko nga alam kung anong mahika ang taglay ng babaeng ito at talagang hindi na siya
SophiaUmagang umaga sira na naman ang araw ko dahil sa bwisit na bibig nitong Drake. Hindi ko talaga maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Alam ko at nararamdaman ko na hindi lang dahil sa itsura ko kaya siya ganyan. Bakit, ako lang ba ang pangit sa mundo? Kaya kahit ayaw ko siyang patulan ay napilitan ako dahil sa ugali niyang hindi maganda. Nakakahiya man sa boss ko at sa mga kaibigan niya ay wala naman akong magawa dahil napatulan ko na dala ng napikon ako.Kung sibakin man ako dahil dun, desiyon nila yan. Naramdaman ko na bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Marcus kaya napatingin ako dito at nakita ko na palabas na ang apat na kaibigan niya. Siguro tapos na ang meeting nila kaya paalis na rin ang mga ito.“We’ll go ahead, Val!” paalam sa akin ni Sir Lucian. Sa kanilang magkakaibigan siya ang nakikita ko na jolly type. Hindi kagaya ni Drake na seryoso sa buhay at parang pasan ang lahat ng problema sa Pilipinas.“Ingat po kayo, mga sir!” sagot ko naman di
ValeenHindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya naman ang ending medyo sabog ang utak ko ngayong umaga.Kagabi ay ninakawan ako ng halik ni Drake! My first kiss na inaasam asam kong maging memorable sana pero ang hambog na si Drake lang pala ang magbibigay sa akin.Well smack lang naman iyon. Pero kahit na! Kiss paring matatawag iyon at nawindang ako to the point na halos hindi ako makagalaw dahil sa pangyayari.Nakangisi pa nga si Drake bago ko ito talikuran kaya lalo akong nainis. Baka akala niya tuwang tuwa ako sa ginawa niya. Napailing nalang ako at hindi ko nga namalayan ang pagdating ni Sir Marcus. “Good morning Val!” bati nito sa akin kaya bigla akong napatayo. Hinagilap ko ang calendar niya saka ako sumunod sa kanya dahil papasok na siya sa opisina niya“Good morning sir!” sagot ko naman dito “Marami ba akong schedule Val?” tanong niya sa akin“Dalawa lang po ang meeting niyo ngayon sir. Gusto niyo po bang ire sked or tawagan ko nalang si Sir Jonas?” tanong ko dito“ Call
SophiaKatakot takot na sermon ang inabot ko kay Sir Marcus kinabukasan pagpasok ko sa opisina. Nagsumbong pala sa kanya si Drake tungkol sa nangyari kagabi.“Paano na lang kung wala doon si Drake, Val? Ano ang gagawin kong paliwanag kay Yaya Nette kung sakali na may nangyari sa iyo?” medyo mataas ang boses ni Sir kaya alam ko naman na talagang galit ito“Sir sorry po. Hindi ko naman po kasi akalain na mangyayari yun.” nakayukong paliwanag ko “If you are going to work overtime, book a cab at diyan ka sa tapat ng opisina sumakay. What were you thinking at naglakad ka pa talaga?” Alam ko naman na may pagkukulang talaga ako. I’m at fault kaya kung sakaling may nangyari sa akin, kasalanan ko talaga yun.“Hindi na po mauulit Sir! Pasensya na po!” mahinang sabi ko ditoTumango si sir at dahil nailahad ko naman na ang schedule niya at naitimpla ko na din ito ng kape ay lumabas na ako ng opisina niya.I did my usual stuff at tahimik naman ang mundo ko not until dumating na naman sa opisina
ValeenPagkatapos ng dinner namin ni Drake ay nagyaya siya sa bar na pag aari niya. Ayaw ko sanang sumama pero mapilit ito at dahil gusto ko namang makabawi sa ginawa niyang pagligtas sa akin ay pumayag na ako.‘ipokrita ka Valeen, gusto mo lang din talaga makasama pa si Drake’ sigaw ng utak ko Maraming tao sa bar ng makarating kami at todo hawak at harang sa akin si Drake para hindi ako mabangga ng mga taong nakakasalubong namin.Dinala niya ako sa office ng bar at inabutan naman namin doon ang isang lalaki na sa tanda ko ay Jackson ang pangalan.Naupo muna ako habang nag uusap silang dalawa at may pinipirmahan si Drake na mga papel.After nilang mag usap ay tinabihan ako ni Drake sa couch. “You want to drink?” tanong nito sa akin kaya nag-isip naman ako. “Okay sige!” pagpayag ko naman “One round lang Drake, may trabaho ako bukas.” “Okay, whatever you say babe!” sang ayon naman nito sa akin“Babe?” natawa pa ako dahil naalala ko ang palabas noon na Babe the baboy“Yeah! You don’