Share

Chapter 3

Valeen

Panay ang tawa ni Ozzy ng ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa unang araw ko sa opisina ng TGC.

“Grabe lang yang kaibigan ng amo mo! Gwapo ba?” napaisip ako sa tanong ni Ozzy habang kumakain kami ng dinner

“Well actually gwapo naman talaga yung hambog na iyo. But that doesn’t mean na pwede siyang mambully ng kapwa niya, right?” 

“Tama ka naman diyan sis. E siguro pag nandun siya sa office, wag ka nalang magpakita para hindi ka asarin!” payo pa ni Ozzy sa akin

“ Sis, hindi naman pwede yun. Isa pa keri ko ang isang yun. Hindi naman ako nagpapadala sa pang iinis niya in fact, mas naiinis pa nga siya sa akin.” kwento ko kay Ozzy

“Baka naman maging dahilan iyan pagka sisante mo bruha ka!” medyo nag aalala si Ozzy kaya umiling ako dito

“Hindi naman siguro, sis. Mabait si sir Marcus at pinagtatanggol niya ako. Natutuwa nga siya sa akin kasi inaasar ko din yung kaibigan niya!” 

Natawa tuloy si Ozzy sa sinabi ko.

“Mga 8:30 aalis na tayo sis ha! Para naman makauwi tayo ng maaga!” paalala niya sa akin dahil nangako ako na sasamahan ko siya ngayon sa birthday party ng kaibigan niya.

Ayaw ko sana pero naisip ko naman na kailangan ko din pagbigyan si Ozzy. Malaki ang naitulong niya sa akin at saka gusto ko din maglibang kahit paano.

“Sana sinabi mo agad para naiayos ko na yung mga prosthetics ko.” sagot ko dito

“What??? Hey! Hindi ka pupunta sa bar na pangit!, ano ka ba?” pigil niya sa akin

“Ha!? Hindi pwede! Paano kung may makakilala sa akin doon, sis!” 

“Wala naman siguro, sis! Isa pa madaming nagpupunta doon kaya for sure hindi ka na mapapansin.”

Nakaramdam ako ng kaba kasi paano kung masira ang pinaghirapan ko? Nakalayo na ako kaya hindi na ako babalik hanggat naroon ang kagustuhan ni Daddy na ipakasal ako.

“I’m not sure, sis! Hindi ko alam kung tama ba yung gagawin natin.”

“Trust me sis! Hindi ka magagalaw dun okay! Kilala ko yung mga bouncer dun! Isa pa paano ka mag eenjoy kung pangit version ka mamaya! Dapat maganda at kabog!” pamimilit niya sa akin

“Okay fine sige na nga!” pagpayag ko kaya tuwang tuwa naman ang babaeng ito

After dinner at matapos kaming magligpit sa kusina ay naghanda na kami ni Ozzy. Nagsuot ako ng minidress na kulay itim na tinernuhan ko ng high boots na may takong.

Itinali ko ang buhok ko in a messy bun at hinayaan kong nakalawit ang ilang hibla nito.

Nagsuot lang ako ng sling bag na maliit na kasya ang phone ko at mga pang retouch ng make up.

Sanay na akong mag ayos ng sarili ko since cosplayer ako sa Davao at isa sa kailangan mo ay ang husay sa pagm make up. 

“Wow! Ang ganda ganda naman!” puri sa akin ni Ozzy ng lumabas ako ng kwarto

“Salamat sis! You look good too!” sabi ko naman din sa kanya

“Let’s go! Maghanap tayo ng papa ha!” biro niya sa akin kaya natawa lang ako

Wala sa isip ko ngayon ang maghanap ng karelasyon since hindi pa naman talaga ako nagkakaboyfriend. I am already 22 pero wala man lang akong nagustuhan sa mga manliligaw ko. 

At lalong hindi ko kailangan ngayon since nagtatago ako sa pamilya ko. Magiging hassle lang sa akin kung ngayon ko pa iisipin ang pagb boyfriend.

Maingay na sa loob ng bar ng makapasok kami. Mukha naman itong mamahalin at class na bar kaya hindi ka matatakot na magpunta dito. 

As I can see tambayan ito ng mga rich kid ng Maynila pati na mga mayayamang negosyante na nasa prime na mga carreer nila.

“Ozzy!!” tawag sa amin ng isang babae na nakapwesto sa gawing itaas ng bar. Kinawayan naman ito ng kaibigan ko at saka ako hinila paakyat ng hagdan.

“Akala ko hindi ka na darating!” masayang sabi ng babae at niyakap pa ang kaibigan ko

“Na late lang ako! By the way happy birthday! Naibigay ko na yung regalo ko kanina ha!” natawa naman ang babae saka napatingin sa akin

“Oh this is my friend, Alie. Alie, ang birthday girl, Florence!” 

“Hi Florence! Happy birthday pala!” bati ko dito saka ko inilahad ang kamay ko

“Nice to meet you, Alie! Thanks for coming!” her tone is very accomodating and cheerful kaya napangiti na lang ako dito

Inaya niya kami sa table kung saan nandun ang mga kasama nila at isa isa kaming ipinakilala.

“Babe, this is Ozzy may friend in the office, and this is her friend, Alie!” pakilala niya sa amin sa lalakeng tinabihan niya

Medyo madilim na pero nakikita ko na gwapo at hunk ang boyfriend ni Florence. I almost hitched my breath ng tumayo ito at nakipagkamay sa amin.

“Nice to meet you! I’m Jeric!” 

“Hello po sir! Ang gwapo naman pala ng boyfie mo, Florence!” Ani Ozzy and he just smirked

“Naman!” proud na sabi ni Florence saka kami inayang maupo sa tabi nila

Hindi naman ako mahilig uminom kaya light drink lang ang kinuha ko. Isa pa may pasok kami bukas sa office kaya hindi pwedeng magka hang over.

Nagkakatuwaan na sa mesa ng biglang dumating ang isang grupo ng kalalakihan. Tumayo si Jeric at sinalubong ang mga ito saka isa isang nakipag fist bump sa kanila.

“Kanina pa kayo?” sabi ng isang tinig na pamilyar sa akin kaya naman agad umangat ang tingin ko at hindi nga ako nagkamali dahil si Sir Marcus nga ito

‘s**t! Ano ang ginagawa nila dito at kasama pa talaga sila ng hambog na si Drake!

May kasama pa silang tatlong lalake na ubod din ng gwapo! Bawal ba ang pangit sa grupo nila?

“Medyo!” sagot ni Jeric saka namam naupo sa harap namin ang mga bagong dating. Maluwag naman ang pwesto namin at kasya kami.

Pasimple akong bumulong kay Ozzy at hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Mabuti na lang at hindi ako si Valeen pangit at Alie ang sinabi ni Ozzy na pangalan ko since iyon ang ginagamit kong alias sa mga cosplay events namin.

Nag angat ako ng ulo at nakita ko si Drake na titig na titig sa akin. Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa paraan ng paninitig niya.

“Uy! Mukhang na love at first sight sayo si hambog na bully ah!” bulong ni Ozzy sa akin kaya pasimple ko itong siniko

Medyo lumapit si Drake sa akin para siguro mas marinig ko ang sinasabi niya dahil medyo maingay na rin dito sa bar 

“Hi!” naka all smile pa ang damuho kaya hindi ko mapigilang mainis. Ngayon ke amo amo niya samantalang pag nasa opisina kami kulang nalang ihulog ako sa bintana

“Hello po sir!” Sagot ko naman dahil ayoko naman maging bastos sa kanila

“You are Alie? I suppose?” tanong niya sa akin kaya tumango ako

“I’m Anton Drake Samaniego!” pakilala niya sa akin sabay abot ng kamay niya. Tinanggap ko naman iyon at dagli ding binitawan dahil pakiramdam ko nakuryente ako sa pagkakadikit ng balat namin

Tahimik lang naman ako dahil si Ozzy ay panay ang kwento sa lalaking katabi niya na kaibigan din daw ni Jeric. At sa twing napapatingin ako sa harap ay nakikita ko ang ibang klaseng titig ni Drake sa akin.

‘s**t Valeen! Bakit ba kumakabog ang dibdib ko?’

Nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko alam kung dahil sa lakas ng tugtog, o sa nainom ko, o dahil kay Drake 

“Ozzy, restroom lang ako!” paalam ko dito at saka ako tumayo para hanapin ang restroom sa baba

Deretso pa naman ang lakad ko pero dahil sa dami ng tao ay hindi maiwasan na nakakabunggo ko na ang ilan lalo at lasing na din ang iba.

“Hey beautiful!” pigil sa akin ng isang lalake na halata namang nakainom na

“Ay kuya! Bitawan niyo po ako!” sabi ko habang pilit kong hinihila nang kamay ko

“Hey, don’t call me kuya! I am Brandon, and you are!” sabi nito pero nagpumiglas ako

“Ano ba sabi ng bitawan mo ako eh!” sigaw ko dito pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin

“Let go of her!” anang baritonong boses sa likuran ko at hindi ako pwedeng magkamali dahil si Drake ito.

“Pare, wag kang makialam! May tampuhan lang kami nitong girlfriend ko!” sabi nito saka ako niyakap pero agad ko siyang tinulak. 

Nabitawan niya ako kaya naman agad ako hinila ni Drake at itinago sa likuran niya.

“Habang kaya ko pang magtimpi pare lumabas ka nalang!” sigaw dito ni Drake pero ang lasing na lalake ay akma pang susugod sa amin

“Sino ka ha? Bakit mo ko papalabasin? Sayo ba to?!” mayabang niyang sagot kay Drake

“Just do as I say!” Ulit ni Drake pero ngumisi lang ang lalake at saka siya umambang susuntukin si Drake

Mabilis namang nakaiwas si Drake at agad niyang inupakan ang mayabang na lalake. Sapol ang ilong nito at sa lakas ng suntok ay sumadsad ang lalake.

Agad naman nagdatingan ang mga bouncer at itinayo si Brandon na dumudugo na ang ilong.

“Ban that f*****r in this club! Ayoko ng makakapasok yan dito!” utos niya sa dalawa na binitbit na si Brandon palabas ng exit

Nakita ko ang kamay ni Drake at halata namang nasaktan ito. Matigas siguro ang mukha si Brandon.

“Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” tanong sa akin ni Drake pero umiling ako

“Anong nangyayari!” tanong naman ng isang lalake ng lumapit ito sa amin

“May nambastos sa kasama ko Jackson! Ban that person you understand?!” sabi pa niya

“Okay pare! Ako na ang bahala!” napatingin siya sa kamay ni Drake kay naman sinilip ko na din at nakita ko na namumula na iyon.

“Sir yung kamay mo po!” turo ko dito pero ngumiti lang siya

“Mabuti pa lagyan na natin ng yelo yan bago mamaga!” aya naman ng lalakeng kausap niya

Naglakad na ito papunta sa isang kwarto at dahil hawak ni Drake ang kamay ko pati ako napasunod.

‘oh my God!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status