Share

Chapter 2

Thea

“Hoy Thea! Hindi pwede na hindi ka sasama mamaya sa party ha! Birthday ko yun!” Nakasimangot na sabi ng kaibigan ko na si Karen sa akin habang nag-aayos kami ng gamit dito sa faculty room.

Co-teacher ko siya dito sa public school na pinapasukan ko at naging matalik na rin na kaibigan. 

Sa awa ng Diyos ay naitawid ko ang review para sa Licensure Examination for Teachers(LET) at isa ako sa topnotcher ng exam kaya naging madali ang pagpasok ko sa public school. 

Mas mataas kasi ang sahod sa mga public schools kumpara sa mga private, idagdag pa ang ilang benepisyo na natatanggap namin mula sa gobyerno.

Well hindi naman sobrang laki pero sapat naman na para sa amin ng kapatid ko. Dalawang taon nalang at magtatapos na si Arvie sa kursong Criminology.

Hindi din naging madali ang lahat sa kapatid ko dahil gaya ko, nagtrabaho din ito habang nag-aaral.

Proud kami sa aming mga sarili dahil naitaguyod namin ang pag-aaral namin na sana ay si itay ang gumawa.

Buhat ng palayasin ko siya sa burol ni Tanya ay hindi na nagpakitang muli ang itay. Kung nasaan man siya, wala na din kaming pakialam. Ang mahalaga sa amin ngayon ni Arvie, ay gumaling ang aming inay.

“Huy!” yugyog sa akin ni Karen kaya naman halos mabitiwan ko na ang cellphone na hawak ko

“Karen naman! Hindi pa nga bayad tong cellphone sisirain mo na!” saway ko dito kaya naman lalo siyang sumimangot

“E pano kasi hindi ka nakikinig sa akin!” 

“Karen, alam mo naman kung bakit ayaw kong sumama diyan sa party mo eh!” tanggi ko pa rin sa pangungulit niya

“Diyos ko naman Thea! Hanggang ngayon ba yan parin ang panuntunan mo sa buhay? Hindi naman kasi lahat ng mayayaman e masama!” litanya niya sa akin

“Kayo nalang Karen! Saka na lang tayo mag celebrate na dalawa!”

Pilit kasi akong inaaya nito sa isang sikat na bar dahil doon daw gaganapin ang party niya. Malamang tambayan yun ng mga mapepera kaya ayoko talagang sumama pero itong kaibigan ko, hindi ata ako titigilan.

“Sige na, please?” nag-puppy eyes pa ito sa akin kaya natawa na lang ako

“Sige na! Sige na! Pero sandali lang ako ha!” inunanahan ko na siya kaya naman wagas ang ngiti ng bruha

Mayaman kasi ang boyfriend ni Karen kaya hanggat maari, ayokong makikihalubilo sa kanila. Pero dahil birthday niya, sige, mapagbigyan na!

“Susunduin ka namin ni Troy sa inyo. Huwag ka ng tumanggi dahil on the way naman yung bahay mo.” paniniguro niya sa akin kaya tumango na lang ako

Sabay na kaming lumabas ng paaralan ni Karen. Sinamahan ko muna siyang mag-abang ng jeep dahil malayo sa paaralan ang bahay nila. 

Walking distance lang naman sa bahay ang eskwelahan at pabor sa akin yun dahil tipid ako sa pamasahe.

“May lakad ka?” tanong sa akin ni Arvie ng lumabas ako ng kwarto na nakabihis

Pagkatapos naming maghapunan ay pumasok na ako sa loob para makapaghanda para sa party ni Karen.

Nagsuot lang naman ako skinny jeans at bodyfit na t-shirt. Itinali ko pataas ang mahaba kong buhok saka ako naglagay ng manipis na lipstick. Hindi naman kasi ako mahilig sa make up. Lipstick at pulhos lang okay na sa akin yun.

Isinukbit ko ang sling bag ko kung saan ko nilagay ang cellphone ko kasama na ang lipstick at powder. Nagsuot lang ako ng flat doll shoes. 

Hindi ako masyadong nagsusuot ng mataas na takong dahil matangkad naman ako. Sabi nga nila, papasa daw akong modelo dahil sa height at built ng katawan ko.

“Birthday ng ate Karen mo. Nag-aayang lumabas.” sagot ko sa kapatid ko habang tine-text ko si Karen

“Sige ate, mag-iingat ka! Maaga akong matutulog at may exam ako bukas kaya hindi na kita mahihintay.”

Ginulo ko ang buhok ni Arvie saka ako ngumiti. Masipag talagang mag-aral ang kapatid ko, idagdag pang mabuti din itong kapatid.

Hindi naman nagtagal ay may narinig akong busina sa labas. Hula ko ay si Karen na ito at si Troy kaya naman kinuha ko na amg susi sa sabitan at binilinan ng kapatid ko na i-lock na ang pinto.

Sumakay na ako agad sa likod matapos kong batiin ang boyfriend ni Karen.

“Mabuti na lang sumama ka, Thea! Ipapakilala kita sa kaibigan ko ha?” nakangiting sabi ni Troy kaya napangiwi ako

“Baby, alam mo naman kung ano ang phobia ni Thea diba?” sabat naman ni Karen and I heard Troy’s chuckle

“Thea, hindi naman lahat ng mayaman, masama ugali. Look at me? I mean, sa palagay mo ba magugustuhan ako ni Karen kung masama ang ugali ko?”

May point naman si Troy sa sinabi niya. At ilang beses ko na din naman itong nakakasama at nakikita ko naman na okay siya. 

Ayon sa kwento ni Karen, nagtatrabaho ito sa sariling kumpanya nila. Kaya naman madalas tuksuhin ng mga co-teachers namin si Karen kasi ginayuma daw nito si Troy. Bukod sa mayaman kasi ay gwapo naman talaga ito.

Maganda naman din si Karen at matalino. Hindi na lugi sa kanya si Troy. Mabait at mapagmahal din ito lalo sa mga magulang at kapatid niya.

“Pasensya ka na Troy, alam mo naman siguro ang pinagdaanan ko.” sagot ko dito

I heard him sigh…

“That’s up to you Thea. Basta sana huwag mo naman lahatin. Malay mo un pala ang kapalaran mo.”

“Salamat Troy. Don’t worry, hindi ko naman sila aawayin. Hindi lang talaga ako kumportable.” pagdadahilan ko dito

After thirty minutes narating namin ang bar na sinasabi niTroy na pag-aari ng pinsan niya. 

“Kuya Jackson!” bati nito sa lalakeng sumalubong sa amin. Guwapo ito, no question about that.

“Dumeretso na kayo sa VIP, nakareserve na yun sa inyo.” utos nito kay Troy

“Happy birthday, Karen!” bati din nito sa kaibigan ko. Well from the looks of it, mukhang kilala na din ni Karen ang lalaking ito

“Thank you kuya Jackson ha!” b****o siya dito at nakita ko na tinapik nung may-ari ang balikat ni Karen

“Oo naman! Ikaw pa ba,e love na love ka ni Troy! Enjoy your party, on the house lahat.”

Wow! Iba naman talaga kapag mayaman!

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bar dahil nandun ang VIP room na inilaan sa grupo namin.

Ang ibang mga bisita ni Karen ay mga kaibigan niya noong college. Pinakilala naman niya ako sa kanila. 

Medyo magulo at maingay sa loob kaya naman naupo na lang ako sa sulok. Hindi ko talaga gusto ang mga ganitong lugar. Naiingayan ako pero bilang kaibigan kailangan ko naman magpakita ng suporta dito.

Kumuha ako ng drinks at tinikman iyon. Well hindi naman masama ang lasa kaya tahimik na lang akong uminom hanggang sa lumapit si Troy at may kasamang lalaki na hindi nalalayo sa edad niya.

“Thea, siya yung kaibigan ko na sinasabi ko sa’yo. Si Billy. Billy this is Thea, bestfriend ni Karen.”

“Hi Thea!” masayang bati naman nito sa akin

“H-hi!” medyo nahihiyang bati ko kay Billy

Mukha naman itong mabait but judging from his clothes and over all aura, mayaman ito.

Nag-usap kami ni Billy peri madalas siya lang ang nagsasalita. Oo o hindi nga lang ang sinasagot ko pag nagtatanong siya.  Matagal din kaming nag-usap at medyo nahihilo na din ako kasi hindi ko namalayan na marami na pala akong naiinom.

Nagpaalam sandali si Billy na gagamit ng restroom kaya kinuha ko ang pagkakataon na yun para lumapit kay Karen.

“Karen, mauuna na ako ha!” Nakita ko na medyo tipsy na din ito at ng tignan ko ang oras ay alas- onse na din pala ng gabi kaya naman gusto ko ng umuwi. 

“Teka, sino kasama mong uuwi?”tanong niya pero nginitian ko ito

“Don’t worry, magta taxi na lang ako.”

She just nodded kaya naman agad na akong lumabas ng VIP room.  Baka abutan pa ako ni Billy at hindi pa ako makauwi. 

Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako kaya naman hinanap ko na ang hagdan pababa para makalabas na ako sa bar.

Kumapit ako sa railings pero dahil na din sa hilo ko ay hindi ko natantya ang hagdan at muntik na akong mahulog pero may matipunong braso ang sumalo sa akin.

Napayakap pa ako sa kanya and immediately I smelled his manly scent. Napapikit pa ako and when I opened my eyes, pakiramdam ko nakakita ako ng napakagwapong nilalang. Artista ba to?

“Hey! Be careful miss!” 

Oh my God! Ang pula ng labi niya at ang ganda ganda ng mga mata niya. 

“S-salamat!” sabi ko pero hindi ko naman magawang alisin ang pagkakayakap ko sa kanya

“Mukhang lasing ka na! May dala ka bang sasakyan? Ihahatid na kita doon?”

“Ah e. Wala. Magta taxi lang ako.” nakaramdam na naman ako ng hilo hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari basta pag gising ko kinabukasan, nakahiga na ako sa isang malaking kama.

Iginala ko ang paningin ko at hindi ako nagkamali, nasa isang hotel ako.

S**t! Ano ba tong napasukan ko?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman akong naramdamang iba. Hindi naman ata ako na-rape o kung ano pa man.

Narinig kong may ingay sa banyo at mukhang may naliligo kaya naman nakaramdam ako ng takot. 

Dahan dahan akong bumaba sa kama at hinagilap ang sapatos ko pati na ang bag ko. Agad ko naman iyong nakita at ng makuha ko iyon ay agad akong nagpunta sa pinto at dahan dahang lumabas ng kwarto.

Lakad takbo ang ginawa ko para makalayo ako at marating ko ang elevator. Agad naman iyong bumukas kaya pumasok ako agad at sinuot at sapatos ko.

Isip ako ng isip kung ano ang nangyari pero wala talaga akong matandaan. Ang alam ko lang nagpaalam ako kay Karen na mauuna na akong umuwi.

‘Diyos ko Thea! Nasaan ba ang utak mo!” kastigo ko sa sarili ko habang lumalabas ako ng hotel.

May mga taxi namang nakapila doon kaya agad akong nakasakay at nilisan ang lugar na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status