Share

Chapter Fifty Four

“Ano? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sa banyo kaya papasukin na sana kita.”

Pinunasan ko ang labi ko gamit ang aking palad at nag-angat ng tingin kay Dalia—at oo, Dalia ang totoong pangalan ni Doctora Vallero. Habang narito ako sa bahay niya, nagrequest siya sa akin na pangalan niya na ang itawag ko sa kaniya dahil hindi na siya kumportable na Doctora Vallero ang itawag ko sa kaniya.

Marahan akong tumango. “Nagsuka lang. Ayos na naman ako,” kaswal na sagot ko at nagtungo na sa drawer ko para kumuha ng pamalit na damit.

Ipinadala ni Preston ang mga gamit ko rito kinabukasan noong nag-away kami kaya’t alam kong desidido na talaga siyang huwag akong pabalikin sa bahay niya. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga nang maalala iyon. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang siya.

“Lyana, ano kaya kung… ano uhmm.. tawagan na natin si Kuya Preston? Para alam mo ‘yon, masamahan ka niya.”

Humarap ako kay Dalia at pinanliitan siya ng mata. “Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?”

“Hindi naman sa g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status