Share

Chapter Fifty Three

“Jarvis! Chantal!”

Muntik na akong mahulog sa kama nang biglaan akong bumangon dahil sa bangungot. Pilit akong naghabol ng hininga habang sapo ang aking dibdib upang ikalma ang aking sarili. Nang makakalma ay saka ko naisipang ilibot ang paningin ko sa paligid.

Hindi pamilyar.

Hindi ito isa sa kuwarto ng bahay ni Preston o ang kuwarto sa bahay ni Tiyang… nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ako narito?

Akmang aalis na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doctora Vallero. Naka-suot na siya ng pajama at animo’y titingnan lamang kung tulog pa rin ako nang pumunta siya rito. Wala sa sarili akong napalunok nang magtama ang aming mga mata.

“N-Nasaan ako?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Malakas siyang bumuntong hininga. “Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam ang bahay niyo dahil sabi sa akin ni Manang Lerma ay wala na raw kayong ibang matutuluyan ni Jarvis. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bahay ng Tita mo kaya dito kita dinala.”

Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status