“Luhod.”Marahas na lumingon sa akin si Preston at kunot noo akong tiningnan. “What?” Parang hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya bago tumingin kina Chantal at Jarvis na ngayon ay nakaluhod na at kapwa nagdarasal. Pinaluhod din kanina ni Jarvis si Chantal dahil mukhang hindi rin nito alam ang gagawin. Hindi ko rin naman alam na pati pala ang tatay, hindi nagsisimba. “Sabi mo sa akin noon, luluhod ka sa harap ko, ‘di ba?”Mabilis na tumango si Preston. “Yes, of course. Tinatanong pa ba ‘yan, babe? Ilang beses ko nang nagawa—““E ‘di lumuhod ka rin sa harap ni Lord,” pagputol ko sa sasabihin niya bago siya malapad na nginitian. “What?!” Bahagyang tumaas ang boses niya kaya’t napatigil sa pagdarasal sina Chantal at Jarvis at lumingon sa amin. Ngumiti naman ako at umiling bilang tanda na ayos lang at nag-uusap lang kaming dalawa. Nang magpatuloy na sa pagdarasal ang dalawa ay sak
“No, Daddy. It’s not like that kasi. Hindi naman po ganyan ‘yong pancake na ginagawa ni Yaya Lyana.”Tumigil ako sa paglalakad matapos marinig ang boses ni Chantal na nagrereklamo sa ama. Agad na nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko naman sila palaging nakikitang magkasama pero ngayon…Anong nangyayari? “Chantal, I don’t fuc—I mean, I don’t know what to do. Sabi niyo ganito,” reklamo pabalik ni Preston sa anak kaya’t nagpatuloy ako sa paglalakad upang tingnan kung anong ginagawa nila at aging-aga ay nagbabangayan sila. “Kasi Daddy, dapat kulay brown po siya, hindi black!” dagdag ni Chantal at malakas na bumuntong hininga. “Jarvis, taste it nga, please. Taste it and let me know if it’s similar to Yaya Lyana’s pancake.”Mas lalong kumunot ang noo ko nang banggitin niya rin ang pangalan ni Jarvis. Kaya naman pala wala na sa tabi ko kanina si Jarvis nang magising ako. Kahit pala sobrang aga pa ay magkasama na sila. Napailing ako
Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?“Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha—““What the fuck are you doing here, Margaux?”Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Margaux? Magkakilala silang dalawa?“Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko ‘to. Bahay natin ‘tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!”Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako. Bahay nila? Ibig bang sabihin…“Wala ka nang karapatan pa sa bahay na ‘to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa ‘yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na ‘to, naiintindihan mo ba?” se
Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ang boses ni Chantal sa hindi kalayuan. Hindi ako nakagalaw at walang kahit na anong lakas ng loob na tumingin sa kaniya dahil sa labis na kaba. Nang tingnan ko ang dating asawa ni Preston ay agad na lumiwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa anak. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at wala sa sariling bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Preston. Mukhang napansin ni Preston ang reaksiyon ko kaya’t agad niyang hinuli ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan. “Nandito pala si Chantal pero hindi ka man lamang nahiya na dalhin dito at ibahay ‘yang kabit mo. Wala ka na ba talagang galang at respeto sa amin ng anak mo, huh, Preston?” tanong ng dating asawa ni Preston sa kaniya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Alam ko naman na hindi ako ginawang kabit ni Preston dahil alam ko at malinaw naman na hiwalay na silang dalawa. Pero kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, nanay siya ni Chantal at isa pa rin silang p
“What? Chantal, nababaliw ka na ba talaga, ha?! Nagpapaniwala ka riyan sa babaeng ‘yan?”Pinunasan ko ang takas na luhang tumulo mula sa aking mga mata bago hinarap ang dating asawa ni Preston at walang emosyon siyang tiningnan. “Narinig mo naman yata si Chantal, hindi ba? Huwag mo nang pilitin ‘yong bata,” kalmadong sambit ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ang sabihin mo, you brainwashed my daughter while you’re seducing my husband—““Ex-husband,” pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya at tipid siyang nginitian. “Huwag mo naman sanang kalimutan ‘yong salitang ex. Mahalaga kasi ‘yon… unless hindi ka maka-move on.”“Ang taas na ng tingin mo sa sarili mo, ah? Bakit? Sino ka ba kumpara sa akin? You’re nothing without my husband, Miss. You’re just Chantal’s nanny… huwag mo rin iyong kakalimutan dahil mahalaga rin iyon. Ang mga Yayang katulad mo, walang karapatang magmataas sa mundo dahil katulong lang naman kayo! Akala mo kung sino ka na dahil lang nagustuhan ka ni Preston? Ang kapal nga
“Yaya Lyana, are you mad at me po?”Iyon ang unang itinanong sa akin ni Chantal matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kaaalis lamang ni Preston para kumuha ng tubig samantalang halos kanina pa at magkakalahating oras na mula nang mag-walk out si Jarvis at nagkulong sa kuwarto namin. Gusto ko sana siyang sundan at ipaliwanag ang side ko pero sabi ni Preston ay hayaan ko raw munang mapag-isa si Jarvis dahil iyon ang kailangan niya ngayon. Sabi niya ay pakalmahin muna namin ang isa’t-isa bago kami mag-usap. Ipinangako rin sa akin ni Preston na kakausapin niya mamaya si Jarvis para ipaliwanag ang lahat sa anak ko. Mukha namang hindi siya nagbibiro at sincere sa alok niya kaya’t hinayaan ko na. Mas mabuti pa ngang siya na lamang muna ang kumausap kay Jarvis dahil baka hindi ko rin lamang kayanin at umiyak na lamang nang umiyak.Nag-angat ako ng tingin kay Chantal at kapagkuwan ay marahang umiling bilang tugon.“Really, Yaya?” Mahinang tanong niya at ilang beses
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay saka ko lamang napagdesisyunang tumayo at sundan sina Preston at Chantal sa itaas. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan kahit na may tiwala naman sa dalawa—sadyang ganito lang siguro talaga kapag nanay ka. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa second floor. Mabibigat ang hakbang ko para bumagal ang paglakad ko. Hindi ko kasi alam kung anong madaratnan ko pagdating ko roon.Nang makatungtong ako sa second floor ay muli akong bumuntong hininga at tumigil sa paglalakad upang ikalma muna ang aking sarili. Natatakot ako—hindi. Kulang pa ang salitang takot para i-describe kung ano ang nararamdaman ko. Matapos kong maikalma ang aking sarili ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Wala sa hallway sina Preston at Chantal kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Pinapasok sila ni Jarvis. Tulad ng sinabi ko kanina, alam kong hindi matigas ang puso ni Jarvis at hindi siya nakakatiis lalo pa’t mahalaga sa kani
“Are you going to sleep on my room tonight, babe?”Napatigil ako sa paghahanda ng babaunin nina Chantal at Jarvis nang maramdaman ang pagyakap ni Preston sa aking baywang. Agad kong nalanghap ang matapang niyang pabango kaya’t napailing ako. Bahagya akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Kung gusto mong makipag-debate na naman kay Jarvis, huwag mo nang tanungin ‘yan,” natatawang sambit ko.Agad na humaba ang nguso niya at mas lalo pang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. “You know what, kaunti na lamang talaga ay maiinis na ako…”“Kay Jarvis?”Umiling siya at bumuntong hininga. “No.”“Ha? Kanino naman? Sa akin?”“Come on, babe. Of course, hindi sa ‘yo,” reklamo niya at mas lalo pang sumimangot sa akin. Pinanliitan ko siya lalo ng mga mata. “Kung hindi sa akin at kay Jarvis, kanino ka maiinis?” Muli siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga at itinaas ang aking baba upang mas maobserbahan niya ang aking mukha. Napalabi naman ako dahil sa ginawa niya ngunit akal