I spent those two remaining days with my family. Nagpunta kami sa mga lugar dito sa Cebu na madalas dinadarayo. Binilhan ko sila ng mga bagay na hindi nila makuha-kuha nung mga bata pa lang kami. We went to malls and explored anything with my money.Hangga't sa kaya ko, wawaldasan ko sila ng pera. Hindi dahil sa umaasa akong may pera pa akong matatanggap mula kay Alas. Gusto ko lang talaga silang gastusan. Hangga't kaya ko ay ibibigay ko sa kanila.Napatingin ako sa aking mga kapatid na mahimbing ang tulog at humihilik pa. Napangiti ako at hinaplos ang buhok ni Maria. Kakagaling lang namin sa mall para bumili ng mga damit nila para sa susunod na pasukan. I know it's too early but I want to buy them first hand before I get pregnant. Dahil alam kong hindi ko na sila makikita sa susunod na mga buwan lalo na kapag may laman na ang aking tiyan.Dahan-dahan akong bumangon sa kama at tinignan ang aking phone na nasa ibabaw ng nightstand. Hindi na rin bumalik pa sila Aunty Aneth dito dahil na
Niyakap ko ang aking sarili sa muling pag-ihip ng malamig na hangin. Pinanood ko silang abala sa pag-aayos sa photoshoot umano ng bride, at kabilang na rin ang mga bridesmaid doon. Hindi pa kami nakakapag-ayos dahil inuuna pa nilang bride sa pag-aayos.Tinignan ko ang malawak na karagatan na kumikislap dala ng sinag ng haring araw. Hindi ko aakalain makakapunta ako sa mga ganitong lugar o ang makadalo sa isang importanteng okasyon. Bigla ko tuloy na-miss ang aking pamilya. Sana ay makasama ko silang ulit sa muli kong pagtatapisaw sa dagat."Grabe, ang ganda rito," wika ni Sia at tumabi sa akin ng upo rito sa sun lounger sa ilalim ng puno ng niyog. "Nakatulala ka riyan? Asan si pinsan?"Napatingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. Kaagad akong nagkibit balikat. "Hindi ko alam, e. Ano 'yang iniinom mo?""Ah, ito?" She showed me what she was drinking. "Root beer. Mainit, e. I need something that will refresh throat."I just shook my head and chuckled. Muli akong tumingin sa malawak na kar
"Busog na ako." Binaba ko ang aking kinakain at nakasimangot na tumingin sa kanya. "Hindi na 'to magkakasya sa tiyan ko.""Finish it all," he replied. His eyes are fixed on his laptop's screen.Muli akong napatingin sa halos hindi ko pa nagagalaw na tupperware na may lamang pagkain. Pagkatapos niya akong kuyugin mula doon sa venue kung saan kami nagpi-pictorial, dinala niya ako rito sa loob ng suite na aming tinutuluyan at pinakain ng sangkatutak na pagkain.Hindi ko alam kung anong pumasok sa kanyang utak at naisipan niyang pagkainin ako ng ganito karaming pagkain. Kahit anong gawin kong pag-ubos dito ay hindi ko magawa. I feel like my stomach is really full and it can't occupy more food inside."Pero feeling ko puputok na tiyan ko." I bit my lower lip.Napatingin siya sa akin. There's a glimpse of mere grin in his lips. "What did you say?"Nangunot ang aking noo. "Bakit? Hindi na kaya ng tiyan ko. Saka hindi naman ako nakaramdam ng gutom habang nakatulala kanina, e. Ikaw ba? Kumain
"Oh my god, Alas! Stop!"Nahihilo na ako at hindi ko na halos maaninag ang paligid. But one thing is for sure, everything is in chaos. Kita ko kung paano pigilan ng dalawang lalaki si Alas na nasa lapag ngayon at paulit-ulit na sinusuntok ang lalaking humawak sa aking kamay kanina.Someone held my arm and pulled me away from the huge chaos. Masakit ang aking ulo at feeling ko'y umiikot ng three hundred sixty degree ang buong lugar. The person dragged me outside of the messy room. Napahawak ako sa aking ulo nang makarating kami sa labas ng silid."T-teka nahihilo ako," I whispered."Oh my god, Maia!" It was Sia's voice. "Shit! Shit!"Nalilito ako at wala akong maintindihan kahit konti sa kanyang sinasabi. Patuloy na umiikot ang aking paligid dahil sa mga pangyayari. I feel like coming here the worst decision I have ever made. Nahihilo ako at nasusuka.Magsasalita pa sana ako nang may muling humawak sa akin. This time, the person is holding my hand. Pansin ko ang pagiging magaspang ng pa
Maingat akong bumangon sa kama at nilingon siyang mahimbing ang tulog. I bit my lower lip and climbed off the bed. Maaga akong naligo at nagbihis. Isang flowy long skirt ang aking suot na pinaresan ko ng kakulay nitong cropped top. It's a bohemian coordinates. Humarap ako sa malaking salamin at sinuklay ang aking buhok.My mind starts thinking about everything what happened last night. Saka ko lang tuluyang na-realized kung ano ang mga nangyari kagabi. I messed up last night. I caused a huge mess. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Shanelle at sa lahat ng nandoon sa bridal shower ni Shanelle kagabi.Mariin kong pinikit ang aking mga mata at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Nahihilo ako noon ngunit sariwa sa aking isipan ang katotohanang sinuntok ni Alas ang male stripper kagabi dahil sa pagpilit sa akin ng lalaking 'yon na hawakan ang kanyang tiyan.I sighed heavily and continue combing my hair. Matapos kong magsuklay ay nagtungo ako sa ibabaw ng nightstand at k
Tahimik lamang ako sa hapag habang katabi si Alas na abala sa pakikipag-usap sa kanyang mga pinsan. At ngayong nasilayan ko na ang kanyang angkan, hindi maitatangging may maipagmamalaki nga ang mga ito. Yaman at kakisigan, taglay ng pamilyang Carter. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng panliliit sa sarili."That problem was finally solved," ani ni Alas.I bit my lower lip and sighed. Wala akong halos maintindihan sa kanilang usapan. It's all about business and I can't really relate to it."How about you, Maia?" biglang baling sa akin ng isang pinsan ni Alas na babae. "Are you still studying?"Should I lie? Sasabihin ko bang huminto ako sa pag-aaral dahil sa kahirapan? Sht. Hindi naman sa kinakahiya ko ang aking sitwasyon, ngunit ayokong ipahiya si Alas sa harap nila. Wala sa sarili akong napatingin kay Alas nang maramdaman kong may humawak sa aking kamay sa ilalim ng mesa. My heart started beating erratically as our eyes met. Wala sa sarili akong napalunok bago bumaling sa magandan
Abala ang lahat sa kani-kanilang mga hitsura habang ako ay tinitirintas pa rin ang buhok. Tatlumpong minuto na lang ay lulubog na araw, ibig sabihin ay magsisimula na ang kasal. Everyone's excited for the wedding. Habang ako ay hindi ko alam kung ano ang aking dapat na maramdaman. Nalilito ako sa kung ano ang aking dapat maramdaman. Confused pa rin ako sa sinabi sa akin` ni Alas kagabi.Kung hindi siya 'yon, sino? Sino 'yung lalaking kahalikan ni Monica sa loob ng banyo nang gabing 'yon? I don't think Monica will kiss someone other than Alas whom she likes the most. O baka masyado lamang akong exaggerating? Baka lasing lang si Monica kagabi kaya nagkaganon? I don't know. I'm not sure."I really like your eyes," biglang wika ng babaeng naglalagay sa akin ng make up. "I do hope if you get married one day, ako ang gawin mong make up artist. I will never grow tired staring at this beautiful face."Namula ang aking pisngi dahil sa sinabi nito. Hindi dahil sa maganda ang mukha ko kundi dahi
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napalunok habang nakatungo. Kung nakakatakot ang aura ni Alas, nakakamatay naman ang aura ng ama nito. Hindi ko maiwasang kabahan sa tuwing nagtatagpo ang aking mga mata dahil pakiramdam ko'y ang laki ng kasalanan ko sa kanya."We're still looking for some ways to catch the culprit," wika ni Alas na kasalukuyang sumisimsim sa kanyang hawak na wine glass."Better hurry," sagot naman ng kanyang ama."Maia, hija. Kain ka ng marami. Don't be shy," nakangiting usal ni Tita Alena. I don't know but I find it very awkward addressing her Tita when her son wasn't really my boyfriend."T-thank you po. B-busog na po ako," mahinhing sagot ko."How old are you?" biglang baling sa akin ng ama ni Alas. "And what your parents' business?"Sa tanong nito ay kaagad akong tinubuan ng kaba. Shit. Ito na ba? Isa ba ang ama ni Alas sa mga taong ayaw ako para sa kanya dahil sa kahirapan ko? Pero ano naman kung ayaw nila sa 'kin? Hindi naman kami mag-on ah?"I'm tw