Share

9

"Kakahiwalay lang po ata nila noong nakaraang buwan sabi ni ma'am Ria," kwento uli nung maid. Liningon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Kinuwento ni Ria sayo?" tanong ko. Hindi naman pala kwento 'yon si Ria sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Si Damian nga lang ata ang willing niyang ikwento kahit pa sa lahat ng tao ng mundo.

"Hindi po, narinig ko lang na pinag uusapan nila ni ma'am Melania. Naglilinis po kasi ako non sa dining area tapos pumasok sila at pinag usapan 'yung hiwalayan ni Peter at Dixie. Hindi ko naman po ako pwedeng umalis doon at iwan sila dahil pagagalitan ako ni manang Belen," paliwanag niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Akala ko tsismosa rin ito si Nerida, eh.

"Mauna na ho ako, ma'am Azari. Marami pa po akong gagawin sa kusina," paalam niya. Ngumiti lang ako at hinayaan siyang umalis.

Muli kong sinilip ang bintana at nakita kong papalabas na sila ng bahay. Siguro ay lalangoy na naman sila dahil may hawak ng goggles 'yung isa sa kanila.

Aalis na sana ako at babalik na sa lamesa nang mahagip ng mata ko si Damian na nakaupo sa gawa sa batong upuan malapit sa mga halaman. Kausap niya si yaya Belen na nagdidilig ng mga halaman malapit sa kanya. Parang may sarili silang mundo dahil paalis na ang mga kaibigan nila ni Ria pero hindi pa rin siya gumagalaw para umalis.

Maybe he really like plants? Madalas ko siyang nakikita na iniiwanan ang mga ginagawa niya para lang masilip ang mga halaman namin sa paligid.

Isang sulyap pa ang ginawa ko bago bumalik sa lamesa at kainin ang dinalang miryenda ni Nerida. Isa-isa kong inubos 'yon at walang sinayang ni isa. Matapos kong kumain ay sakto namang pumasok si Nerida para kunin ang pinagkainan ko.

"Wait lang, Neri. Sabay na ako sayo," sabi ko habang nililigpit ang laptop at mga libro ko. Tumigil siya sa pinto ng library at hinintay ako roon. Sabay kaming lumabas ng library, ako papunta sa kwarto, siya pababa ng second floor.

"Thank you for the snacks, Nerida," sabi ko bago isara ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na lang sa kama. Saglit kong inilapag ang mga libro ko bago pagod na umupo sa higaan. Muli kong binuksan ang laptop at nag browse sa internet.

Katulad kahapon, marami na namang notifications ang naroon. Dagdag ng followers, reacts sa profile picture at mga comments. I was busy scrolling on my newsfeed when a new notification popped up. Bago lang iyon kaya naman tiningnan ko agad.

Peter De Leon sent you a friend request...

I thought it was just a random guy named Peter but when I saw Ria's friend face that is also named Peter, I immediately clicked his profile. I didn't confirmed his request though. I'll just stalk him because of curiosity. 

"So they really broke up, huh?" wala sa sarili kong sabi nang makita ko ang status ni Peter. 

Single. 

Nang wala akong makitang interesante ay bumalik na ako sa profile ko. All of his posts was last week pa. Halos lahat 'yon ay litrato niya at nasa iba't ibang lugar pa. Mga gala. 

Nang magsawa ay tinawagan ko si Elli via facetime. Alas otso na naman ng gabi rito so malamang gising na 'yon dahil may pasok na. Saglit pa akong nagulat nang mabilis niya sinagot 'yon nang hindi magulo ang buhok. 

"Hey," bati niya bago kumagat sa pagkain. Kumunot ang noo ko nang makita kong hindi siya nakain sa bahay nila. She's eating at the rooftop...I think? Hindi rin uniporme ang suot niya kundi puting croptop. Her hair is styled as middle parted ponytail and she's wearing a black sunglasses. 

This girl is definitely not going to school. 

"Where are you exactly, Elliana?" kunot noong tanong ko. 

"I'm at Austin," sagot niya. Saglit akong nag isip bago siya tinaasan ng kilay. 

"I believe there's no city named Austin in Maryland, Elli--wait, don't tell me you're at Texas?" tanong ko. Nagkagat ako ng labi at hinintay ang sagot niya. If she is, ghod, I want to be in Texas too! 

Masaya pa naman kasama si Elli tuwing gagala. Hindi siya kuripot at lalong lalo na na hindi siya KJ. 

"Yeah, I'm with the fam," sabi niya bago iharap ang camera kina Elias at tita Elena. Kumaway si tita Elena habang si Elias naman ay parang tanga na nagpapapogi sa camera. Tatlo silang may suot na sunglasses. 

Ghad, I wanna be there too. 

"Where's tito Frank?" tanong ko nang hindi ko makita 'yung asawa ni tita Elena. Hindi naman kasi umaalis 'tong mga 'to 'pag hindi kasama si tito Frank. 

"Nasa banyo, Azari," sagot ni tita Elena sa akin. 

Nagsimula kaming mag usap kung bakit sila naroon. Gusto pa lang mamasyal ni tita kaya naman lumipad agad sila papuntang Texas. Kahapon pala sila ng hapon umalis at dumating lang noong gabi. They traveled by air 'cause it'll take them a day if they only used car to go to texas. Magtatatlong oras lang siguro ang byahe 'pag nag eroplano ka. 

"How about your studies, Elliana and Elias? The finals is almost there," sabi ko. Isang buwan na lang ay gagraduate na kami ni Elli sa highschool habang si Elias naman ay third year college na. 

"We are excused," si Elias. Nagkwento pa sila ng kung ano-ano about sa pagpunta nila roon. Sabi pa ni Elli ay puro pag rereview na lang naman ang ginagawa nila kaya hindi na importante ang pasok. Sa mismong finals na lang daw sila papasok. 

"I think I need to go na. I haven't eaten dinner yet," paalam ko. Sabay-sabay silang kumaway bago patayin ang tawag. Saktong pag shut down ng laptop ay saka ko naman narinig ang boses ni Nerida mula sa labas ng kwarto. 

"Ma'am? Dinner na ho," rinig kong sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at binuksan na lang ang pinto. Sabay kaming naglakad papuntang dining area ngunit hindi ako nagsasalita. Siguro ay ramdam din ni Nerida na wala ako sa mood makipag usap kaya nananahimik lang siya. 

Wala ako sa mood makipag usap dahil iniisip ko sina Elli. Damn, I wish I was with them. Hindi 'yung nakakulong ako rito buong summer at hindi man lang nakakapamasyal. 

Nakayuko at wala sa sarili akong pumasok sa loob ng dining area dahil sa pag iisip. Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang mga boses ng kaibigan ni Ria. Mabilis akong napaangat ng tingin at ganon na lang kabilis akong nilamon ng dismaya nang makita ko silang nakaupo sa hapag, nagtatawanan. 

Akala ko ba ay umalis na sila? 

"Azari, anak. Come here, kumain ka na," tawag sa akin ni daddy. Dahil doon ay napatingin silang lahat sa pwesto ko. Gusto kong mag disappear na lang dahil sa atensyon na binibigay nila sa akin. 

Wala akong nagawa kung hindi tahimik na lumapit kung nasaan may bakanteng upuan. Malapit 'yon kay daddy, sa tabi ni Damian. Ayoko sanang tumabi sa kanya pero mas ayoko naman na tumabi kay Dixie. Mas mabuti nang si Damian ang katabi ko kesa sa babaeng 'yun. 

Pagkaupo ko pa lang ay hinalikan agad ako ni daddy sa noo. Malapit lang kasi siya sa akin kaya madali niya lang na ginawa 'yon. Inabutan ako ni yaya Belen ng plato pero siya pa rin ang naglagay ng pagkain sa ibabaw non. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw kong mas mapunta ang atensyon nila sa akin. Simula noong pumasok ako sa dining area ay bigla silang natahimik. Hindi naman 'yung tipong wala nang nagsasalita, tahimik na mas limitado na ang mga pinag uusapan nila.

"How's your day, anak?" tanong ni daddy sa akin.

"It was...good. Good for a normal day," 

mahinang sagot ko. Mabuti naman at walang imik si Damian sa tabi ko at nakikinig lang sa mga pinag-uusapan ng iba. 

"Really? Ang sabi ni yaya Belen ay nag-aral at tumambay ka lang daw sa library. Hindi ka ba nabuburyo, anak?" tanong niya ulit. Parang may sarili kaming mundo ni daddy dahil kami lang ang naiibang topic. Iba kasi ang pinag-uusapan nina Ria at tanging si Damian lang ang deadma sa kanila.

"No. There's wifi naman," sabi ko na lang. Hindi na nagsalita si daddy at nag patuloy na lang sa pagkain. Siguro ay narealize niya na hindi ako makakakain nang maayos 'pag patuloy ang pagtatanong niya.

"Yes, tita Melania. My dad is planning to teach my brother about politics. Siguro po ay iniisip niyang si kuya na ang tatakbo 'pag bababa na siya sa pwesto bilang congressman dito sa Fuego," si Dixie. Siya at ang pamilya niya ang naging topic sa dinner. Puro politika ang pinag-uusapan nila dahil halos lahat pala ng miyembro ng angkan niya ay may posisyon dito sa fuego. 

"Really? That's good. Marami naman ang nakakakilala sa kuya mo kaya mabuti na rin 'yon dahil malaki ang tsansa niya na manalo," si Melania. Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang si Ria na ang nagsasalita. They were talking about their recent purchases. Mahilig pala mag shopping 'tong mga kaibigan ni Ria. 

"I bought a new release pocket bag on burberry. Good thing it was on sale! It's only one thousand and three fifty dollars. Nakita ko siya online then kinuha ko na agad kasi mura," si Ria. 

"One thousand and three fifty dollars is a lot of money, Ria. It's almost sixty-five thousand pesos kung icoconvert mo sa pera ng Pilipinas. And it's just a pocket bag, huh?" si daddy, umiiling pa. Napalingon kaming lahat sa kanya. He seem very disappointed. 

Why though? 

"It's a gift for myself naman, daddy! Saka, kaya ko nga binili dahil sale. Ang ganda kaya! Dagdag na rin sa bag collections ko," dahilan ni Ria. 

"Hayaan mo na 'yang anak mo, Leandro. She deserve that gift since wala naman siyang ginagawang masama. Be thankful that your daughter doesn't spend her money to buy drugs," si Melania. 

"Hindi ko naman siya pinipigilan sa mga kapritso niya. But sixty-five thousand pesos just for a pocket bag? That's too much. Mabuti kung minsan lang eh hindi, eh. Saka hindi niya pera ang ginagamit niya, Melania. It is my money. She should learn to work hard to buy all of her bags," sagot ni daddy sa kanya. 

Kahit si Ria ang pinagsasabihan ay nakaramdam pa rin ako ng hiya. Sasabihan din kaya ako ng ganyan ni daddy 'pag nalaman niya na umaabot sa milyon ang nagagastos ko para lang sa mga kapritso ko?

Elliana and I just bought a yacht last month for i*******m.

"Pinagdadamutan mo ba ang anak ko, Leandro?" si Melania. Sasagot na sana si daddy nang unahan siya ni Ria. 

"Ghad, are you guys going to fight infront of my friends? Save it for later, please? Let's just forget about it and eat," pagpapakalma ni Ria sa magulang niya. Mukhang sanay na siya na sinisita ni daddy ang mga nagagastos niya kaya parang wala lang sa kanya ang mga 'yon. 

Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa mga bag na parang walang sagutan na nangyari. Mas lalong naging maingay ang mga babae nang pamahal na nang pamahal ang mga pinaguusapan nila. 

"Yeah, the birkin bag? The one that Elena Taylors just modeled for Hermés magazine front page!" si Dixie. Mabilis akong napalingon sa kanila. Did they just said tita Elena's name? 

"Daddy bought the three thousand dollars one for mommy's birthday," dugtong ni Dixie. 

"Is there a problem, Azari?" tanong ni daddy. Nakita niya siguro kung gaano kabilis ang pag lingon ko nang mabanggit ang pangalan ni tita Elena. 

"Ah, wala po. Akala ko po kasi si tita Elena 'yung pinag uusapan nila. Maybe I just misheard it," sabi ko na lang. Marami namang Elena Taylors sa mundo kaya baka iba 'yung pinag uusapan nila. 

"Misheard what?" tanong ni Melania. 

"Tita Elena's name," sagot ko. 

"Bakit? Kilala mo si Elena Taylors, Azari?" tanong nung katabi ni Dixie na hindi ko alam ang pangalan. 

"Uh, I just know one. Baka ibang Elena Taylors naman 'yung tinutukoy niyo. Akala ko lang naman," sagot ko sa kanya. Mas mukha siyang mabait kesa kay Dixie. Hindi rin siya mukhang plastik. 

I'm not sure, though. Innocent faces isn't always innocent. 

"We are talking about Elena Taylors that lives in Maryland. The one that is an hollywood actress before. Maybe you know her since Ria told us that you live in Maryland too," sabi niya pa ulit. Doon na ako napatango. Isang Elena Taylors lang naman na dating artista ang nakatira sa Maryland. Of course, 'yung mama na nina Elli 'yon, si tita Elena. 

"Ah, yes. I know her. She's my neighbor," sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain. Sana hindi na siya uli magtanong, hindi na ako makasubo, eh. 

"Wow! How did you know it was her?" tanong niya ulit. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Melania. 

"Of course, she knows her. Paanong hindi eh bestfriend ng nanay niyan si Elena," sabat niya. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ilan sa kanila ang nag singhapan dahil sa narinig. Si Dixie naman ay parang nairita pa at ayaw maniwala.

I don't need her to believe, though. Sinigurado ko lang naman na hindi mali ang pagkakarinig ko sa pangalan ni tita Elena. 

"Bakit? Sino bang nanay mo?" Mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Dixie. Kahit sina daddy ay naagaw niya ang atensyon dahil sa sobrang pagkamaldita ng tono niya. 

Ano bang ginawa ko sa babaeng 'to at nagkakaganito? If it's because of Peter, she's stupid. Ni hindi nga nakalapit sa akin 'yung lalaki niya tapos kung makataray ay parang inagaw ko sa kanya. 

"Dixie..." nagbabantang tawag ni Damian sa kanya. Simula kaninang umupo ako rito ay ngayon lang siya nagsalita. 

"What? I'm just asking!" inosenteng tanong niya bago tumingin kay Melania, parang naghahanap pa ng kakampi. 

"Oo nga naman, iho. Dixie is just curious kaya nagtatanong," pagtatanggol ni Melania sa kanya. Saglit akong sinulyapan ni Damian bago ilang beses na umiling. 

"My mother is Alejandra Kline," sagot ko. Kitang-kita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha niya. 

"Omg..." parang kinikilig na sabi ng katabi niya. Bakit? Kilala ba nila ang mommy ko?

"Let Azari eat in peace, guys," si Ria. Hindi na sila muli nagtanong ng kung ano sa akin at hinayaan na lang akong kumain. 

Mabuti naman. Akala ko ay iinterogahin pa nila ako kung paano ako naging anak ni mommy. Akala ko ba ay palagi akong kinukwento ni Ria sa kanila? Bakit hindi nila alam ang pangalan ng nanay ko? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status