Share

8

"Azari? Matagal ka pa ba riyan?" rinig kong tanong ni yaya mula sa labas ng kwarto. Kinagat ko ang labi ko at muling inayos ang nagulo kong buhok.

"Sandali na lang po!" sagot ko. Paalis na sana ako kanina sa kwarto kaso sumabit yung buhok ko sa kung saan kaya nagulo na naman ito. Nadoble pa tuloy ang oras ko dahil sa pag-aayos.

"Pakibilisan na lang, iha. Kanina pa naghihintay 'yung guro mo roon sa baba," muling sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pag-aayos. 

I really need to fix this. Kahit na malate pa ako ay wala akong pakialam. My hair is my makeup. Without my hair, I always feel ugly.

"Sa wakas," sabi ko nang makuntento ako sa ayos ng buhok ko. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa pag aayos non kaya naman natagalan talaga ako. It is styled as a princess like braid kaya naman medyo nahirapan ako. Nang makuntento sa sarili ay mabilis akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba dala ang laptop ko.

Ms. Williams would scold me for sure.

Nang makarating ako sa sala ay kitang-kita ko kung paano mag pabalik-balik ang tingin niya sa relo niya na tila ba binibilang niya kung ilang minuto na akong late.

"Sorry, I'm late," simula ko bago umupo sa tabi niya. Hindi siya nagsalita at umiling na lang.

"I like your hair," puri niya sa buhok ko. Dalawang beses akong umiling bago nag-angat ng tingin sa kanya.

"Even if I tell you that it is the reason why I'm late?" natatawa kong tanong. Inirapan niya ako bago sumimangot.

"Psh, is that a new news for me? It's always the reason why you're late," sarkastikong sabi niya. Muli akong natawa.

Maya-maya ay ibinigay niya sa akin ang panibagong papel bago nagturo. Kalat ang mga libro ko sa lamesa at dalawa roon ang nakabukas. Masyado kasing marami ang examples ng tinuturo niya na kailangan pang gamitan ng volume 1 at volume 2 na version.

"Is this how you do it?" tanong ko nang hindi ako sigurado sa ginagawa ko. Saglit siyang nag type ng kung ano sa laptop niya bago ako binalingan ng atensyon. Kinuha niya ang ginawa ko at pinagmasdan 'yon.

"Move this one a little, Azari," seryosong sabi niya habang nakaturo sa isang part ng project na pinapagawa niya. Muli kong kinuha ang project at inayos iyon. Buong umaga ay 'yon lang ang ginawa namin. Saktong natapos ko ang gawain nang tinawag kami ni yaya Belen para sa tanghalian.

"Azari, handa na ang tanghalian. Magsabay na kayo ng guro mo dahil tapos na si Melania," sabi niya. Nginitian ko lang siya at hindi na sinagot. Andito pala si Melania? Hindi ko siya nakita. Mukhang ayaw niya rin naman ako makita so baka iniiwasan niya ako?

Mabuti naman.

"Let's eat lunch!" pasigaw kong sabi habang iniikot ang nangalay kong kamay dahil sa project. Sabay kaming tumayo at iniwan ang mga gamit namin para pumuntang dining area.

Nang makarating kami sa loob ay mabangong aroma agad ng sinigang ang sumalubong sa amin.

"Maupo na kayo at ihahanda ko na ang mga plato niyo," si yaya Belen. Mabilis kaming sumunod ni Ms. Williams. I'm really hungry kanina pa. Nakakagutom din pala ang project na 'yon.

"Thanks, ya," sabi ko nang bigyan kaming dalawa ni yaya Belen ng plato. Tahimik lang kaming kumain at hindi nag uusap. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos din kami.

"Oh, andyan na pala sina Ria!" biglang sabi ni yaya Belen. Sabay kaming napatingin ni Ms. Williams sa kanya ngunit ako lang ang nakataas ang kilay.

"Bakit? Hindi ba umuwi si Ria kagabi, ya?" tanong ko. Posible 'yon dahil hindi naman namin siya kasabay ni daddy mag dinner. Hindi rin nabanggit ni daddy kung saan siya nagpunta at kinausap lang ako buong hapunan.

"Hindi. Balita ko ay may party raw sa isang kaibigan nila kaya hindi siya nakauwi. Dito raw sila mag iistay ngayon dahil mas maganda ang tanawin sa dagat," paliwanag niya. Hindi ko na lang siya sinagot at nagpunas na lang ng bibig. 

Matapos namin kumain ni Ms. Williams ay nagpatuloy kami sa pag-aaral. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot nang marinig ko ang malalakas na tawanan ng iba't ibang babae at lalaki. Sa tingin ko ay papasok sila sa loob ng bahay dahil palakas nang palakas ang mga boses nila. Sila na ba 'yung mga kaibigan ni Ria? 

Nasagot ang tanong ko nang isa-isang nagsipasukan ang grupo ng mga babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 15 pataas. H***d ang mga lalaki at tanging shorts lang ang suot ng mga ito habang ang mga babae naman ay nakasuot ng bikini. Ang iba pa sa kanila ay may suot-suot ng roba habang basang-basa ang buhok. Nasa dulo sina Ria at Damian na nag uusap. Seryoso si Damian habang si Ria naman ay humahalakhak.

"Stop it, Peter!" rinig kong sigaw ng isang babae. Maarte ang pagkakasabi niya noon kaya naman nakuha niya talaga ang atensyon ko. Hinampas niya ang isang lalaki ng towel habang nakasimangot. That guy must be Peter. 

"Continue answering your tasks, Azari," sabi ni Ms. Williams nang makita niyang hindi na ako nagpo-focus sa sinasagutan ko. Mabilis kong binawi ang tingin ko sa mga kaibigan ni Ria at ipinagpatuloy na lang ang pagsasagot. 

I hope they won't disturb us here. They seem very loud. A very loud group. 

Nakahinga ako nang maluwag nang lagpasan nila ang sala at dumiretso papuntang kusina. Napailing na lang ako nang marinig ko pa rin ang malalakas na boses nila kahit na nasa loob na sila ng kusina. 

"May I see your answer?" tanong ni Ms. Williams sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"I'm not done yet," sabi ko. Siya naman ang nagtatakang tumingin sa akin. 

"You're taking so long. It's almost 2:00 pm, you still have one task to answer," nakakunot noong sabi niya. Tumaas ang kilay ko bago tingnan ang relo. 

She's right, I've been answering the same task for about 40 minutes. I usually answer my task for only 15-25 minutes.

"I think I can't focus here. It's noisy," sabi ko habang nakaturo sa direksiyon kung nasaan ang kusina. Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila.

"Yeah, right. I'll tell yaya Belen that we'll continue studying in the library. You really can't focus here because of the noise. You go there first, I'll just use the bathroom," sabi niya bago tumayo at pumuntang banyo. Sinimulan kong ayusin ang mga libro ko at inilagay 'yon sa ilalim ng lamesa. Tanging dalawang libro ko lang ang dala ko kasama ang laptop. Kaunti na lang naman ang sasagutan ko dahil natapos ko na ang iba kanina. 

Tahimik akong naglakad papunta sa library nang kamalas-malasan ay nakasalubong ko sina Ria. Hindi ko na sana sila papansinin at didiretso na lang sa paglalakad papuntang second floor nang tawagin ako ni Ria at tumakbo papalapit sa akin. She's wearing a purple two piece while a pink scarf is tied around her waist. She has curves but her body is inverted triangle shaped. A normal shape for a 16 year old girl like her. 

"Azari, wait lang!" sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin. Huminto ako sa paglalakad at mariing pumikit. Humarap ako sa kanya at pekeng ngumiti. 

"Bakit?" tanong ko. Nang makalapit siya sa akin ay siya namang pagsunod ng mga kaibigan niya sa kanya. Katulad kanina, nahuhuli pa rin si Damian. 

"Wait lang, ipapakilala lang kita," sabi niya bago ako hilahin papalapit sa mga kaibigan niya. 

"Guys, this is Azari, my sister. Actually, she's only my step sister but...it still has a sister on it so, we're sisters! Siya 'yung lagi kong kinukwento sa inyo!" nakangiting pakilala ni Ria sa akin. Iilan ang ngumiti sa kanila at 'yung iba naman ay nagpakilala sa akin. 

"Not my sister, Peter. She's only 15!" sigaw sa kanya ni Ria nang akmang babanat ng kung ano si Peter. I can see Elias' personality in him. Mas mayabang nga lang si Elias sa kanya. 

"Oh really? Akala ko 19 na. Matured ang katawan and...mas matangkad siya sayo, Ria," walang halo na birong sabi niya pero natawa 'yung ibang mga kaibigan nila. 

"Malamang, she got it from her mom's genes! Hindi naman matangkad ang mommy ko kaya 'yon ang namana ko. Saka, foreigner ang mama niya kaya matured ang katawan niya," depensa ni Ria sa sarili. Blanko lang akong tumingin sa kanila. I don't know what to say. Ni hindi ko nga matandaan ang mga pangalan nila. 

"Ria, I think I need to go na. May tatapusin pa akong task--" 

"Wait! Hindi ka pa nga nagpapakilala sa kanila. Magpakilala ka muna!" sabi niya at mas hinila ako papalapit. Wala akong nagawa kung hindi nagkagat labi. Kita ko ang mga plastik na ngiti ng ibang babae niyang kaibigan sa akin. Do they hate me? I see.

"Uh, I'm Azari Kline--"

"Anong Kline? You are a Lafuente, Azari," pagtatama sa akin ni Ria. Doon ako napalingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay. 

Kanina niya pa ako pinangungunahan, ah? 

"I'm not a Lafuente, Ria--"

"You are! Anak ka ni daddy--" 

"I am not a Lafuente. My birth certificate says it all. Being a daughter of Leandro Lafuente doesn't change a thing," sabi ko at tinalikuran sila. 

'Yon ang problema ko kay Ria, kadalasan ay bida-bida siya. Maikli ang pasensya ko pero hindi naman ako bastos. Pero kung paulit-ulit niyang puputulin ang mga sasabihin ko at dudugtungan niya ng kanya, aalis na lang ako. Gusto niyang magpakilala ako pero hindi niya ako pinapatapos magsalita? 

Saka, I'm not a Lafuente naman talaga. Bakit niya ba pinipilit? Oo, anak ako ni Leandro Lafuente pero hindi naman Lafuente ang nakasulat sa mga dokumento ko. Kline ang ginagamit kong apelyido at alam kong pinaglaban ni mommy 'yon bata pa lang ako. 

Mabilis lang ako nakarating sa library. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay ramdam ko na ang katahimikan. Marami at malalaki ang mga bintana roon kaya naman ang sinag ng araw sa labas ang nagsisilbing liwanag ng buong silid. 

I like it here, it's very peaceful. Inilapag ko ang mga hawak kong gamit sa lamesa at nagsimulang ikutin ang buong library. 

Ghad, this is paradise!

Maraming nagbago sa library. Nung nakaraang taon ay hindi ako pumasok dito kahit isang beses kaya ngayon na lang ulit yung una. It is a very wide tudor library. Maraming antique na kagamitan sa paligid and most of the bookshelves are antique too. 

"Azari?" rinig kong tawag ni Ms. Williams sa akin. Mabilis akong bumalik sa lamesa kanina kung nasaan ang mga kagamitan ko. Nadatnan ko roon si Ms. Williams na nilalapag ang mga gamit niya. Kita ko rin ang pagkamangha niya sa ganda ng loob ng library. 

"I just roamed around the library, ms. Williams," sabi ko at umupo sa tabi niya. Nagsimula ako uli na magsagot at hindi katulad kanina, mas mabilis na ang proseso ko. Nakatulong ang tahimik at magandang library. 

Natapos ako agad pero hindi muna ako lumabas dahil baka makasalubong ko na naman sina Ria. Umalis na si Ms. Williams para magpahinga pero nanatili pa rin ako sa loob ng library. Hindi naman ako nabuburyo dahil nakakapag browse ako sa internet kasi dala ko naman ang laptop ko. Maya-maya ay pumasok ang isang maid sa loob ng library. May dala-dala itong miryenda na nakalagay sa tray. Inilapag niya ito sa lamesa kaya naman itinabi ko ang mga libro ko. 

"Sabi ng teacher mo ay dalhan daw kita ng miryenda dahil tapos ka na magsagot. Si manang Belen sana ang magdadala kaso inaasikaso niya ang mga bisita ni Ms. Ria kaya ako na lang ang inutusan niya," sabi niya. Tumango ako at nginitian siya. 

"Thank you. What's your name, ate?" tanong ko. Hindi katulad ng ibang mga maid, mas bata itong nasa harap ko. Siguro ay nasa edad 20-23 years old lang siya. Ngayon ko lang din siya nakita. Siguro bago? 

"Ako po si Nerida. Bago lang ho ako rito kaya po hindi niyo ako kilala." Muli akong tumango. Magpapasalamat sana ako uli nang marinig ko uli ang mga tawanan ng mga kaibigan ni Ria. Hindi 'yon galing sa labas ng library kung hindi sa labas ng mansion. Sumilip ako sa bintana malapit sa akin at tiningnan ang mga kaibigan ni Ria na kumukuha ng litrato sa iba't ibang parte ng bahay. Ginawa nilang background 'yung mga magagandang halaman ni yaya Belen. 

"Ang gaganda ho nila, ano?" biglang sabi ni Nerida at nakisilip din. Saglit ko siyang tiningnan bago ibalik ang paningin ko sa mga kaibigan ni Ria. Ngayon ko lang napansin na halos lumagpas sa sampu ang bilang nilang lahat. 

Ria's really friendly, huh? 

"Okay lang," blankong sabi ko. They're all pretty nga pero plastik naman. I can imagine them backstabbing me when I walked out sa hallway kanina. Plastik din naman ako kadalasan pero tanging masasama lang ang ugali ang pinaplastik ko. I don't understand why some of the girls looked at me like I'm a piece of bullshit earlier eh wala naman akong ginagawa sa kanila. 

"Alam mo ba, ma'am? Ang yayaman ng mga magulang ng mga 'yan! Halos lahat sila ay kilala sa Fuego dahil sa mga negosyo ng mga magulang nila," kwento ni Nerida. Tumingin ako sa kanya at kinunotan siya ng noo. 

"Mayaman? Bakit hindi ko kilala?" takang tanong ko. Because of mommy, marami na rin akong kilala na mga mayayaman na tao. Low or high profile man. Old money or new money, I can write a book writing all of their names. Ni wala akong natandaan sa mga apelyido ng mga nagpakilala sa akin kanina na kasama sila sa mga 'yon. 

"Ay malamang, ma'am! Ibang yaman naman po kasi 'yung sa inyo. Super duper mega yaman niyo naman po kasi. Ang ibig ko pong sabihin ay kasama sila sa mga mayayaman dito sa Fuego. Kita niyo po 'yung morenang babae na nakasuot ng bikining kulay green? Siya si Dixie, congressman ang tatay niyan dito," kwento niya habang nakaturo sa babaeng plastik sa akin kanina. 

"'Yon naman pong isa na pogi? Si Peter po 'yan, anak ng isang kasosyo sa negosyo ni sir Leandro. Dati siyang kasintahan ni ma'am Dixie," dugtong niya. So naghiwalay na sila ngayon? Dati raw, eh. Kaya pala amplastik ng ngiti sa akin ni Dixie kanina noong nilapitan ako ni Peter, nagseselos siguro. 

"Bakit sila naghiwalay?" tanong ko. Maganda si Dixie, mas maganda pa kay Ria sa totoo lang. Parang ang tanga ni Peter dahil hiniwalayan niya pa si Dixie. 

"Ewan ko, ma'am. M*****a kasi 'yan si ma'am Dixie. Baka siguro kaya po siya hiniwalayan kasi masama ang ugali. Kahit ako po ay napagmalditahan na niyan," sagot niya.

"Ahh," mabagal na sabi ko bago tumango. Kaya naman pala, nagsawa siguro 'tong si Peter. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status