Share

7

"Uh...eherm," Mabilis akong napabalik sa reyalidad nang marinig ko ang pekeng ubo ni Ms. Williams. Nakataas ang kilay niya sa akin habang itinuturo ang relo niya.

"Uh...I was about to thank him," dahilan ko nang makita ko ang pabalik-balik na sulyap niya sa aming dalawa ni Damian. Baka akalain pa nito may gusto ako roon.

"Why didn't you do it?" tanong niya sa akin. Palihim akong umirap. Tsismosa rin pala 'tong si Ms. Williams eh no?

"Because he's annoying," sagot ko. Nakita ko ang ilang beses na pag iling niya bago naglagay ng papel sa harap ko. Hindi ba siya naniniwala? Totoo namang 'yon ang dahilan ko, ah? Maissue rin 'tong si Ms. Williams.

"Open your book on page 342," utos niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at sinunod ang utos niya. 

Nagsimula siyang magturo habang ako naman ay tahimik na nakikinig. Pinagpapahinga niya ako every 30 minutes para raw hindi masyadong ma stress ang utak ko. Mabuti na nga lang at palagi naming ginagawa 'yon lalo na ngayon na mahirap ang itinuturo niya sa akin. Bawat oras din akong sinisilip ni yaya Belen at nagdadala ng snack para sa amin. Kilala na rito si Ms. Williams dahil 4 years na rin naman siyang naririto para turuan ako. Every summer ba. I'm on 10th grade na at isang buwan na lang, graduate na ako ng highschool. I'm only 15 but I'm advanced. Kumpara sa Pilipinas, masasabi kong advance nag aral ang mga bata roon sa Maryland. Idagdag mo pa na homeschooled lang ako kaya mabilis lang talaga dahil ako lang naman ang estudyante rito ni Ms. Williams. 

"I'm gonna use the bathroom. Continue answering those questions, Azari," sabi ni Ms. Williams bago tumayo at iwan ako roon. Sinundan ko ng paningin ang bawat lakad niya papalayo sa akin. Nang mawala ang bulto niya sa paningin ko ay mabilis akong nag unat ng katawan. I don't like doing some stretching infront of Ms. Williams. Iniisip niya kasi na inaantok na ako kaya pinapatakbo niya ako lagi sa isang malawak na daan para magising. 

Nang mapatunog ang lahat ng buto sa katawan ay nagpatuloy ako sa pagsasagot. Kunot ang noo kong pinagmasdan ang papel dahil medyo mahirap ang problem. I can solve this but the formula is too long! Nakakatamad mag sulat ng numbers. 

Sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi sagutin 'yon. Kahit naman mag reklamo ako kay Ms. Williams na masyadong mahaba 'yung formula na gagamitin ay hindi makikinig 'yon. Baka kamo dagdagan niya pa 'yung problema  na sasagutan ko. 

Habang nagsasagot ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Sa una ay hindi ko pinansin pero nung nailang ay sinalubong ko na ang titig ng estrangherong 'yon. Saglit akong napahinto nang nasalubong ko ang seryosong titig ni Damian. Kahit na naiilang ay nagawa ko pa rin siyang pagtaasan ng kilay. 

"Can't you mind your own business?" naiiritang tanong ko. Ngumisi siya bago umayos ng tayo. Nakasandal kasi siya sa isang estante habang pinagmamasdan ako.

"I am minding my own business," sagot niya.

"Are you trying to say that your businesss is staring at me? You're creeping me out!" reklamo ko. Ano? Huwag niyang sabihin na may gusto siya sa akin? For pete's sake, Ria likes him! 

"Your teacher asked me to watch you while she's using the bathroom. Am I making you uncomfortable?" tanong niya. Saglit akong hindi nakasagot. Yucks, Azari! Naisip mo talaga na may gusto siya sa iyo? Oh my, nakakalimutan mo na bang gusto niya si Ria? Saka, hello? He's not my type! 

Ghad, I'm being assuming na naman. 

"Uh...no. It's just that...nevermind. What are you doing here ba? Pwede mo naman kasing 'wag na lang sundin ang utos ng teacher ko. As if I'll cheat!" umiirap kong sabi. Saglit ko pang inayos ang buhok ko nang may mahulog na hibla sa pagkakatali non. 

"I'm waiting for Ria to come home," sagot niya. Muli akong umirap. Akala ko ba ay magkasama sila? 

"Eh bakit hindi mo na lang puntahan? Sigurado ka bang uuwi 'yon ngayon?" tanong ko. Kadalasan kasi noon ay hindi umuuwi si Ria tuwing summer dahil wala rin naman siyang ginagawa rito. Parati lang silang namamasyal ng mga kaibigan niya around Aklan. Baka nga ngayon ay naliligo na 'yon sa Boracay.

"She told me she'll be back before lunch," sagot niya bago tingnan ang relo. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy na lang sa pagsasagot. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na rin ang teacher ko. Sakto namang tapos na ako sa pagsasagot nang umupo siya sa tabi ko kaya pina check ko na lang 'yon sa kanya. 

"You're faster than expected," puri niya sa akin matapos ibalik ang papel ko. I got all the answers correct kaya naman pinagpahinga na niya muna ako. Humiga ako sa couch at pasimpleng sinilip ang pwesto ni Damian kanina. Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong makita kahit na anino niya. 

Damian's stare is making me question my whole existence. Ayokong aminin pero nakakatakot ang mga titig niya. Hindi sa paraang may gagawin siyang masama sayo, parang nabuhay lang talaga siya na ganon tumitig kaya hindi mo alam kung masama na ba ang iniisip niya sayo. 

"Azari, tanghalian na. Sabay na kayo ni Ms. Williams dahil umalis si Melania," biglang singit ni yaya Belen sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko sa utak ko. Tamad akong tumayo at kinalabit si Ms. Williams na may kung ano-anong itinatype sa laptop niya. 

"Lunch is ready, Ms. Williams," sabi ko at hinila siya papatayo. Hindi namam ako nahirapan dahil nagpahila rin siya. 

She must be hungry kasi kanina pa kami puro aral lang. Nang makarating sa dining area ay kami lang dalawa ang 

naroon. Maraming pagkain ngunit para sa dalawang tao lang. Siguro ay darating pa sina Melania rito para kumain ng tanghalian? 

"Where's Damian and my sister yaya Belen?" tanong ko nang ilang minuto kaming nakatambay roon pero ni anino ni Ria ay hindi ko nakita. 

"Umalis na, iha. Nasa gate pa lang ay sinalubong na ni Damian si Ria at sabay na umalis. Hinayaan ko na lang dahil hindi naman umaalis nang gutom 'yon si Ria," sagot niya. Tumango na lang ako at hindi siya sinagot. 

Tahimik lang kami hanggang sabay kaming matapos ni Ms. Williams kumain. Si yaya Belen na ang nag hugas ng mga pinagkainan namin dahil hindi pa naman tapos ang klase ko, tumigil lang kami dahil sa tanghalian. 

"Pages 339," sabi ni Ms. Williams pagkabalik na pagkabalik namin doon. Katulad kanina ay tahimik lang kaming dalawa matapos niyang magturo dahil nagsasagot lang naman ako. Ilang oras ang lumipas hanggang sa matapos ko lahat ng problem na pinapasagot niya sa akin. Mas maaga ko pang natapos 'yon kesa sa sinasagutan ko kanina dahil medyo madali lang naman 'yon kumpara sa isa. 

"Done," humihikab na sabi ko habang ibinibigay ang mga sagot ko sa kanya. Nakakaantok din magsagot ng mga mahahabang sentences kahit putok na putok ang araw sa labas. I don't have a plan on sleeping though. Mas mabuti nang pagurin ko ang sarili ko para diretso na ang pag tulog ko mamayang gabi. I'm always having trouble falling asleep kasi tuwing naidlip ako sa hapon. Hindi ako makatulog at gising na gising talaga  'yung pakiramdam ko. Mabuti kung nasa ibang bansa ako at wala akong pasok pero 'yun nga ang problema, wala ako roon ngayon. 

"Okayy, early out for today. Good job, Azari!" maligalig na puri sa akin ni Ms. Williams bago nag unat ng katawan. Tanging pag tango lang ang naisagot ko bago iikot ang leeg at dahan-dahang minasahe ito. Pakiramdam ko ay ilang buto ang tumigil sa pag function dahil lang sa matagalang upo na 'yon. 

Nang maiunat ko ang katawan ay saka ko niligpit ang mga libro ko at inilagay ko 'yon sa maliit na cabinet sa ilalim ng lamesa. Saktong-sakto ang sukat non para sa mga libro ko kaya noong umakyat ako sa taas ay tanging laptop lang ang dala ko pabalik. 

Nang makapasok sa kwarto ay mabilis akong tumalon at humiga sa kama, hawak-hawak pa rin ang laptop.

"Oh, yes..." mahinang sambit ko nang mag situnugan ang mga buto ko sa balakang. Nang matapos kong gawin 'yon ay umayos ako ng upo at binuksan ang laptop. I can't sleep at this hour, baka gabi na ako magising at hindi na naman ako makatulog buong magdamag.

I opened my spotify account just to play some music on. Habang nakatambay roon at nags-stream ng kanta ay naisipan kong buksan ang f******k at I* account ko. I don't usually use my social media accounts especially when I'm home because I don't have friends naman. Kapitbahay ko lang naman si Elli and Elias so why bother making an account if you can tell a tea personally?

Tuwing narito lang talaga ako sa Pilipinas nagbubukas ng account dahil baka mabulok ako rito dahil sa sobrang pagkaburyo. Noong una ay hindi ko pa mabuksan ang account ko dahil nagkaroon ng problema sa password but after a while, nabuksan din 'yon. 

Inistalk ko ang sarili ko at doon ko lang narealize kung gaano kalaki ang agwat ng mga account namin ni Elli. Elli's account is like an account of a celebrity because of hundred thousand followers. Sobrang active rin ng account niya at halos every week ay mayroon siyang update roon samantalang ako? My account doesn't even have a profile picture. Parang ako tuloy 'yung tinuturing na weird kid ng buong klase sa mga nababasa kong storya. Seriously? My last update was 2013 pa! And what is that? It's the time that f******k reminded me na it was my birthday and I shared it naman. My account is asking for a verification display na kung ako ba talaga 'yung anak ni Alejandra Kline pero hindi ko pa rin kino-confirm.

Mabilis kong binura ang mga kalat sa timeline ko para malinis 'yon. All of them were tags of Elli and tita Elena. Every holiday 'yon tuwing kasama namin sila mag celebrate ng Christmas. 

May ilan akong followers pero hindi kasing rami ng kay Elli. Most of them were my rich neighboors at 'yung iba naman ay 'yung mga kaklase ni Elli sa school. Mom and I are very private people so we rarely used social media. Mommy doesn't even have a f******k account. Tanging ang page lang ng business namin ang meron siya sa f******k na halos once a month niya lang tingnan.

I removed all unnecessary posts that was tag by Elli. Wala akong itinira kahit isa. I don't like a messy account for goodness sake. Kinuha ko ang cellphone ko at ikinonek 'yon sa laptop. I uploaded all of my decent pictures para lang may mailagay ako sa profile picture ko. Ilang minuto ang nakalipas nang makapili ako sa mga pictures na naisave ko. It was one of the best pictures that I had. It was last year at Chicago. Nasa beach ako non at suot-suot ang itim na bikini. I even have my sunglasses on. I posed like a Calvin Klein model while wearing those two stringed black bikini. 

Outing 'yon kasama sina tita Elena kaya naman halos mapuno ang memory card ng camera ko dahil sa sunod-sunod na pag kuha ng litrato ni Elli sa akin. Inedit ko lang 'yung lighting ng kaunti bago siya gawing profile picture. I didn't bother to put a caption because I have nothing to say naman. No thoughts about that pic, all I know is that I'm hot with that one. I also confirmed the verification display after changing my profile picture. 

Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang sunod-sunod na notification ang pumasok sa account ko. Thousand of followers and reacts on my picture in just a few minutes. Woah, I'm suddenly famous. 

Nagcheck ako ng comments at isa-isang binasa 'yon. Nangunguna ang pangalan ni Elli na pinupuri ang ganda ng pagkuha ng picture. Of course, si Elli pa ba? Pupurihin niya muna ang sarili niya bago ikaw. Natatawa akong umiling. Gosh, Elli will always be Elli. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng comment nang tumunog ang cellphone ko.

Mom calling...

Sandali akong natigilan. I don't know if I should answer it or nah because I'm nagtatampo pa rin. Ilang beses pa akong nakipag debate sa sarili ko kung sasagutin ko o hindi pero wala rin akong nagawa sa huli dahil iniisip kong baka may emergency kaya siya tumatawag. She's still my mother after all. 

"Hello?" bungad ko. 

"Azari, anak," mahina ngunit malambing na tawag niya sa pangalan ko. 

"Yes po?" tanong ko. Mabuti na lang at nagagawa kong hindi magboses na nagtatampo dahil baka maguilty itong si mommy at kung ano-ano na naman ang bilhin para sa akin para manuyo.

"You opened a social media account?" kalmadong tanong niya. 

"Yes, I did," sagot ko, tumatango-tango pa kahit hindi niya naman nakikita. 

"That's...good. That's good, Azari," awkward na sabi niya. Hindi ako sumagot kaya sandaling natahimik ang magkabilang linya. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa mga sandaling 'yon. 

"I'm sorry for leaving you," panimula niya ulit, binabasag ang nakakabinging katahimikan kanina. 

"Why didn't you tell me that you were leaving?" nagtatampo na ang tonong tanong ko. Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya mula sa kabilang linya kaya naman halos magsisi ako nang itanong ko 'yon. 

Of course, nahihirapan din ang mommy mo, Azari. Sa tingin mo ay gugustuhin ka niyang iwan ka rito mag isa? Ni ayaw ka ngang pabalikin niyan dito. 

"I know you won't let me," kunwaring natatawa niya pang sabi. Sumimangot ako. 

"Of course! Hindi talaga ako papayag. Alam mo 'yun, mommy? Labag na nga sa loob ko 'yung dalawang linggo dahil sobrang ikli tapos aalis ka pa nang mas maaga?" punong-puno ng sama ng loob kong sabi. 

"I have to," sagot niya. Kumunot ang noo ko. Bakit nga kasi? 

"Why?" mabilis na tanong ko. 

"You know, Melania hates me so much. Ramdam na ramdam ko ang pag sumpa niya sa akin sa impyerno tuwing nariyan ako. I understand her though. If we are in the same position, I'm sure I would curse the mistress of my husband to death. Alam ko naman na nagtitiis lang 'yon sa akin simula pa lang noong una. Now that you've grown up, sa tingin ko naman ay kaya mo nang wala ako riyan. I can't stay there for too long, anak. You know, I already destroyed Melania's perfect family once, I don't want that to happen again," paliwanag niya sa akin ngunit kumunot lang ang noo ko. 

"We are not gonna destroy their family naman, ah? We can have our own family naman! Just me and you!" maktol ko ngunit mahinang tawa lang ang ibinalik niya. 

"You'll understand our situation soon, Azari. You are too young for this, hindi mo talaga maiintindihan," sabi niya pa. 

Wala akong nagawa kung hindi tumango. Maybe someday, I'll understand. Someday. 

"Sige na, ibababa ko na. There are things that I still need to do," paalam niya. Kahit hindi niya nakikita ay tumango ako. This is the only thing that I understand, ang time ni mommy. She needs to work to provide. She needs to work to raise me. 

"Okay, I love you." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status