Share

6

Matapos ang tawagan namin ni Elli ay hindi na ako bumaba. Ayoko nang makasalamuha pang muli si Melania dahil baka hindi ako makapagpigil at masabihan ko pa siya ng kung ano-ano.

Nanatili ako sa kwarto buong gabi kahit na kumakalam pa rin ang tyan ko. Kaunti lang kasi ang nakain ko kanina kaya grabe ang gutom ko ngayon. Ghad, noong nakaraang taon ay sama ng loob lang naman ang nakukuha ko. Bakit ngayon may kasama ng gutom?

"Azari?" Mabilis natigil ang imahinasyon ko nang marinig ko ang boses ni Ria mula sa labas ng kwarto. Kahit na tinatamad ay nagawa ko pa ring tumayo mula sa kama at pag buksan siya ng pinto.

"Bakit?" tanong ko. Sobrang liit lang ng bukas ng pinto na halos mata ko lang ang nakikita. Wala akong balak na patambayin siya ngayon dito sa loob dahil mainit pa rin ang ulo ko dahil kay Melania. Kung 'di lang siguro sila magkamukha ng nanay niya baka ginawa ko pa 'tong bestfriend si Ria.

"I brought something for you," nakangiting sabi niya bago itulak ang pinto. Wala akong nagawa kung hindi umiwas nang muntik nang tumama sa akin 'yon. Nang tuluyang bumukas ang pinto ay saka ko lang nakita na may dala-dala siyang tray na may lamang pagkain. Dahil sa nakita ay mas lalong kumulo ang tiyan ko.

"I bet you're hungry kasi hindi mo natapos 'yung food mo kanina. Mukhang wala ka namang balak na bumaba kaya...dinalhan na lang kita. Here oh, kain ka," alok niya. Lumapit siya sa lamesa at inilapag doon ang mga pagkain. Inayos niya pa 'yon na parang pinagsisilbihan niya ako. Saglit akong tumitig sa kanya bago tumango. There's no point of denying it na, I'm really hungry talaga.

"Thank you," halos pabulong kong sabi. Nag thumbs up lang siya sa akin at hindi sumagot. Nagsimula akong kumain, hindi siya pinapansin. Nasa gilid ko lang siya nakaupo na tila ba pinapanood akong kumain. Nang mailang ay nag angat ako ng tingin at peke siyang nginitian.

"Uh...wala ka bang gagawin?" tanong ko. Gusto ko na kasi siyang umalis sa kwarto dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. May "Melania vibes" kasi sa pakiramdam kung paano siya tumitig.

"Wala naman," nakangiti niyang sagot bago ilang beses na umiling. Mas lalong naging peke ang ngiti ko. Ghod, hindi niya ba nararamdaman ang pag kailang ko? Hindi niya ba feel na gusto kong kumain nang payapa rito?

"Uh...'yung bisita mo? Si Damian ba 'yon? Hindi mo ba siya aasikasuhin?" tanong ko na lang, umaasang 'yon ang makapagpapaalis sa kanya mula sa loob ng kwarto ko.

"Si Damian? Kausap niya pa si daddy. I don't want to disturb them kasi business naman 'yung pinaguusapan. For 

Damian's future rin 'yon," sagot niya. 

Damian must be very lucky, huh? Ria is very understanding. Nirerespeto ang oras niya sa mga ganong bagay. Minsan na lang ang mga ganong ugali sa babae dahil karamihan sa mga kababaihan ngayon ay parating gusto na nasa kanya lang ang atensyon. Isa na ako sa mga kababaihan na 'yon. I admit that I badly needs attention when it comes to my future relationship. Alam kong hahanap hanapin ko 'yon dahil kadalasang nagkukulang ng atensyon sa akin ang mga magulang ko. Dad never visited me at Maryland while Mom is always busy with work. Mom and I have bonding time, though. It's just that...I'm very needy and needs attention all the time. Kahit bata pa ako, naiisip ko rin minsan na huwag na lang pumasok sa mga relasyon dahil nakakatakot. Kakaunti na lang sa mga lalaki ngayon ang nakakaintindi ng tunay na nararamdaman ng mga babae.

"Ghad, Amboring! Gusto mong ikwento ko sayo kung paano ko nakilala si Damian?" tanong niya, halata pa ang excitement sa boses. Saglit akong natahimik bago hindi siguradong tumango. Mas mabuti na 'yung mag kwento siya kesa naman titigan niya ako hanggang matapos akong kumain, 'di ba?

"Sige, ikaw bahala," sagot ko na lang. Mahina siyang tumili bago kinikilig na tumingin sa akin. Gusto niya ba si Damian? Malamang, halata naman eh.

"So ano kasi, HAHAHAHA! Actually, 8 years old pa lang ako, crush na crush ko na si Damian. Halos lahat naman ata ng mga babae rito sa Fuego mayroong gusto sa kanya. I mean, hindi pala lahat dahil hindi lang naman siya ang guwapo rito. Parang ano, kasama siya sa mga sikat na lalaki like the Martinez's and Hernandez's!" simula niya. Mabilis na kumunot ang noo ko. Martinez's? Hernandez's?

"Martinez and Hernandez? What is that?" tanong ko. I'm sure that it's someone'e surname but I've never heard of them. Simula noong bata pa ako na bumibisita ako rito, ngayon ko lang narinig na mayroon pa lang mga apelyido rito na katulad non. 

"Ah, you don't know them? They're very famous here in Fuego! Actually, hindi lang dito, pati na rin sa Maynila! If our daddy is a millionaire, their parents are billionaires too just like your mom! Sabi pa sa akin noon ni daddy na kahit mga binata pa sila ay sobrang hard working na pero dahil sa yaman nila, kahit nga siguro hindi sila mag-aral ay sigurado pa rin ang pagiging successful nila sa buhay dahil sa yaman ng pamilya nila!" kwento niya. Nakuha non ang kuryoso ko. Mas gusto ko tuloy na tungkol na lang sa mga 'to ang ikwento niya kesa sa love story nila ni Damian.

"Their parents? So magkakapatid silang lahat?" takang tanong ko. Pero bakit magkakaibang apelyido? Half siblings ba? Like magkaibang tatay?

"No! Actually, hindi blood related ang mga Martinez at Hernandez. But they're like siblings na because of their bond. Ang tanging magkakapatid lang eh 'yung apat na Romanov. Ang mga Martinez naman, magpipinsan. Hindi mo sila kilala dahil hindi ka naman masyadong lumalabas ng bahay tuwing naririto ka saka, malayo rin kasi tayo sa pueblo ng fuego kaya hindi mo sila kilala. Tago kasi 'tong bahay natin," paliwanag niya. Tumango ako, naiintindihan na.

Ang pueblo ay 'yung parang pinaka town ng fuego. Doon maraming turista at magagandang tanawin. Like isa siyang town sa loob ng probinsya. Ang alam ko ay malalaki rin ang hacienda roon kesa rito sa amin. 

"So 'yon na nga! Crush ko si Damian since 8 years old dahil nga sobrang gwapo niya. Halos lahat ng kaklase ko noong elementary ay inaaway ako dahil naiinggit sila sa akin kasi nakausap ko na si Damian nang ilang beses," dugtong niya, tinutuloy pa 'yung naputol na love story nila ni Damian.

"Ay ano pala! I first met him noong fiesta rito sa Fuego. Every january 'yon at halos lahat ng tao rito, naghahanda. Inimbitahan kami ng daddy niya sa bahay nila para sa salo-salo. At first, Damian doesn't care about me at dinadaan-daanan lang talaga ako then bigla akong pinakilala ng papa niya sa akin! Sobrang kinikilig talaga ako non, pinipigilan ko lang! Nagustuhan ko siya kasi tahimik siyang tao pero kaya ka niyang sabayan. Andami ngang nasusungitan sa kanya pero para sa akin, okay lang naman!" muling sabi niya. Halos maging kamatis na ang mukha niya dahil sa pamumula. Matagal na talaga pala silang magkakilala ano? Simula 8 years old siya eh 16 na siya ngayon edi 7 years na? Woah.

"Then ano, naging close kami tapos mas naging close pa noong naging magkaklase kami sa highschool. Ang sad nga lang kasi hindi siya sumasama sa amin ng mga kaibigan ko tuwing summer dahil nasa New York siya, binibista 'yung mama niya. Pero ngayon, okay na kasi rito na ulit siya magsa-summer!"

Nagpatuloy siya sa pagk-kwento hanggang sa matapos akong kumain. Hindi naman ako nailang sa kanya dahil sobrang comfortable niya mag kwento sa akin. Sa bawat kwento niya pa, parang wala talagang makakasira sa pinagsamahan nila ni Damian. Nabanggit niya kasi na madalas silang tuksuhin ng mga tao rito sa fuego dahil halos sabay na silang lumaki at lagi pang magkadikit.

Ghad, mabuti na lang walang umaasar sa aming dalawa ni Elias. Eh halos sabay rin kaming lumaki ng chickboy na 'yon.

"Sige, una na ako, ha? Ako nang bahala rito sa mga pinagkainan mo," nakangiting sabi niya bago lumabas ng kwarto dala-dala ang mga tray. Nang marinig ko ang pag sara ng pinto ay mabilis akong umupo sa kama. Inaantok na ako pero hindi pa pwedeng humiga dahil kakakain ko lang.

Ilang minuto akong tulala sa pader bago tumayo at mag ayos ng sarili. Siguro ay maglilinis muna ako ng katawan bago matulog. My teacher is coming tomorrow so I need to sleep early because I have morning classes. Ayaw pa naman non sa late.

Saglit lang ang itinagal ko sa banyo bago humiga sa kama. Ilang minuto lang ang nakalipas nang maramdaman ko ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko at pagdilim ng buong paligid.

Kinabukasan ay maaga ako nagising. Kahit na tinatamad ay tumayo pa rin ako para mag-ayos ng sarili. I checked all of my notifications first before taking a bath. Mayroong text doon galing sa teacher ko na darating daw siya sa bahay ng 9 am para mag umpisa na kami. Nang matapos mag-ayos ay agad akong bumaba papuntang dining area. It's breakfast time, that's why.

"Oh, iha? Ang aga mo ata?" bungad ni daddy nang makita akong pumasok sa loob. Nainom siya ng kape habang may hawak na dyaryo sa magkabilang kamay.

"My teacher's coming today," sabi ko bago lumapit sa kanya at halikan siya sa pisngi. Hindi ko na pinansin si Melania na tahimik lang na kumakain ng tinapay sa tabi niya. Taka kong tiningnan ang lamesa nang makita kong wala roon si Ria. Imposibleng tulog pa 'yon dahil kahit summer ay maaga 'yun nagigising.

"Ria's already out with her friends. Pupunta raw sila ng bayan para mamili," sabi ni daddy nang makita akong tinititigan ang kadalasan na inuupuan ni Ria. It's not like I care where she is, hindi lang talaga ako sanay. Nagkibit balikat ako at humila ng upuan at umupo roon. Good thing the maids didn't bother to served me because if they did, baka mangyari na naman ang nangyari kahapon.

"What's your plan for today, anak? Maliban sa pag-aaral? Alas tres ang tapos ng klase mo, 'di ba?" tanong ni daddy. Natigil ako sa pagkagat sa tinapay at napaisip. Oo nga, anong gagawin ko ngayon? Matutulog maghapon?

 "I don't know, dad. Saka ko na lang iisipin 'pag tapos na ang klase ko," sabi ko na lang. Hindi naman kasi ako laging nasa labas tuwing naririto ako sa Fuego. Wala naman kasi akong kasama mamasyal dahil buong araw na wala si daddy dahil sa trabaho habang si Ria ay kasama ang mga barkada niya. Hindi ko alam kung saan sila nagpupupunta dahil minsan lang naman sila rito sa bahay.

Tahimik ang lamesa buong almusal. Nauna akong natapos kumain kaya ako rin ang unang nag paalam. Muli kong hinalikan sa pisngi si daddy bago lumabas ng dining area.

It's only 8:45 am kaya naman wala pa ang teacher ko. Habang naghihintay, umakyat ako sa kwarto para kunin ang mga kagamitan ko. I'm using my laptop ang books para mag-aral. I still answer on paper though. Ginagamit ko lang ang laptop para humanap ng mas maraming examples na kailangan ko para maintindihan kung ano man 'yung whatever na ituturo sa akin.

Buong lakas kong binuhat ang mga nagkakapalang libro at laptop pababa ng bahay. Halos malaglag pa ako sa hagdan dahil sa bigat ng mga dinadala ko.

"Oh my ghod!" sigaw ko nang muntik na akong matapilok sa huling baitang. Umakyat ang kaba sa buong pagkatao ko nang makita kong malapit nang mahulog ang laptop mula sa ibabaw ng mga librong hawak ko.

"Careful," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at nakakunot noong si Damian ang bumungad sa akin. Hawak niya ang laptop ko na mahuhulog sana kanina.

"Akin na," mahinang sabi ko habang nakatingin sa laptop ngunit wala ata siyang narinig. Nag-angat ako ng tingin at tinaasan siya ng kilay. Bingi ba 'to? 

"Sabi ko akin na--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang eksperto niyang kinuha ang mga libro sa dalawang kamay ko.

"Saan ka ba mag-aaral? Where should I put these books?" tanong niya at binalewala ang sinabi ko. Nagpigil ako ng inis. Ayan na naman 'yung ugali niyang hindi nakikinig sa iba. Ang sarap niyang hampasin ng slippers sa mukha!

"Akin na nga. Kaya ko naman buhatin, 'di ba? Anong tingin mo sa akin, crippled?" umiirap na sabi ko ngunit ni pag labas ng ngipin ay hindi niya ginawa.

"Where should I put these?" muling tanong niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at malakas na pinalo sa braso.

"Ano? Hindi ka na naman nakikinig! Bingi ka ba, ha?" pasigaw na tanong ko. Nakakailang palo na ako sa braso niya simula kahapon. Psh, tiisin niya dahil kasalanan niya naman 'yon. Mas mahaba pa ata ang hibla ng buhok niya kesa sa pasensya ko.

"Bakit ako makikinig? Pagbaba pa nga lang ng hagdan eh halos magsisigaw ka na r'yan. Saan ilalagay 'tong mga libro mo?" tanong niya. Marahas akong bumuga ng hangin at sumimangot. Bakit ba kasi siya naririto? Akala ko ba kasama niya sina Ria? Ano, feel at home siya kahit wala si Ria? Eh hindi naman niya 'to bahay, ah?

Elias 2.0 pala 'to.

"Doon na lang sa sala," mahinang sagot ko, labag sa loob pa na siya ang magbubuhat non. Kaya ko naman kasi talaga buhatin 'yon ng ako lang pero malaki ang posibilidad na mahulog uli 'yung laptop. Nauna siyang maglakad papuntang sala at sumunod naman ako. Pagkarating doon ay nandoon na rin naghihintay ang teacher ko. Parati kami sa sala nag-aaral dahil tahimik naman. Kami lang kasi ang tao parati kaya wala namang istorbo. 

"Here?" tanong niya at itinuro ang lamesa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Ms. Williams , ang guro ko simula noong tumuntong ako ng highschool. 

"How have you been?" nakangiting tanong niya sa akin. Ngumiti ako pabalik. She's very strict when it comes to studying but friendly after class. Bata pa kasi kaya nakakasabay pa rin sa trip ng mga kabataan ngayon.

"I'm good," sagot ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tiningnan na lang si Damian na nilalapag 'yung mga gamit ko. Nang maayos 'yon ay mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. 

"H-Hoy!" nag aalinlangan ko pang tawag. Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Aba? 

"Wala. Sige, lakad na uli," dugtong ko. Kumunot ang noo niya bago umiling at nagpatuloy maglakad. Magpapasalamat na sana ako pero 'wag na lang. 

Siya naman ang nag insist na mag buhat so hindi 'yon utang na loob, 'di ba? Hindi ko naman siya pinilit. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status