Share

5

"Yes, tito. Marami rin pong itinuturo sa akin si papa. Not all of his knowledge, though. Hindi naman po kasi siya parating nasa bahay," rinig kong sabi ni Damian kay daddy. He's talking like he knows my dad for a long time so...they are very close, huh?

"Well, parati ngang wala rito sa Fuego 'yang ama mo. Marami kasing mas malaking oportunidad sa labas ng bayan at bansang ito. Mabuti na rin na natututo kang mag-isa, iho. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan mong matuto sa iba. You should know how to learn with yourself too," si daddy. Nananatili akong tahimik at nakikinig lang sa kanila. Kung mag usap sila ay para silang mag ama. I bet daddy wants Damian to be his son too. Hindi niya man sabihin ay halata naman ata naming lahat na isang beses niya na ring hiniling na magkaroon ng anak na lalaki.

"Yes, tito. Ikaw po ba? Bakit po hindi niyo mas ipinalalaki ang business niyo? Your business is very successful at halos sayo na kumukuha ng supply ng gulay at prutas ang mga naglalakihang mall sa bansa. Why won't you expand it more? Pasukin po ang ibang bansa? I'm sure many companies will accept all of your products," si Damian. Palihim akong ngumiwi. 

Ghod, hindi lang siya tsismoso, s****p at plastik pa.

I'm not telling that my dad's product isn't good but...ginagawa niya ba 'yan para makuha ang loob ng tatay ko? Para dagdag points siya dahil gusto niya si Ria? Psh, hindi niya man sinasabi pero nararamdaman kong gusto niya ang kapatid ko.

"Masasabi kong naiisip ko rin 'yan minsan pero mas gusto kong manatili sa bansa. 'Pag dinala ko sa ibang bansa ang mga produkto ko ay malaki ang posibilidad na madalas na akong umaalis at minsan na lang ako mananatili rito. Ngayon ngang buong bansa pa lang natin ang iniikutan ng produkto ko ay madalas na akong lumipad papuntang siyudad. Paano pa kaya kung sa ibang bansa na ang tinahak ko?" dahilan ni daddy.

So this is why mommy is a billionaire and he is a millionaire.

"Isa pa, ayokong iwan ang pamilya ko. Mas magandang dito na lang ako dahil wala naman akong anak na lalaki. Sinong tatayong padre de pamilya 'pag nawala ako? Mahirap na, dalawa pa namang babae ang maiiwan ko. Idagdag mo pa si Azari," umiiling na sabi ni daddy. Gusto ko sanang magtatalon sa tuwa nang marinig ko ang mga 'yon. Lalo na noong idinagdag niya ang pangalan ko pero kahit pekeng ngiti ay hindi ko mailabas.

Dalawa rin naman kaming babae ni mommy, ah?

Nakaramdam ako ng lungkot. Kung sana ay nag negosyo rin siya sa ibang bansa ay mas malaki ang posibilidad na hindi na ako pupunta rito tuwing summer dahil siya na ang napunta roon. Mas magandang option ang pag punta niya roon sa ibang bansa dahil mas kikita siya, makakasama niya pa ako. Ako ba talaga ang kailangan mag adjust? Tuwing nandirito ako, kung ano-anong sama ng loob na lang ang nararamdaman ko. 'Pag nandon naman siya ay sigurado akong hindi niya mararamdaman ang mga sama ng loob ko dahil wala namang asawa si mommy. Wala rin siyang anak sa ibang lalaki kaya hindi niya na kailangan mag adjust makitungo. Hindi rin naman ganon kasama si mommy para iparamdam sa kanya na hindi siya welcome sa bahay. Ako ba talaga ang kailangan mahirapan?

Kinagat ko ang labi ko at uminom na lang ng tubig. Ito na naman 'yung magkahalong lungkot at sama ng loob na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ay maiiyak ako dahil sa mga iniisip ko. Kailan kaya ako makakaramdam ng comfort kasama si daddy?

Nang maubos ang laman ng baso ay mabilis na dinagdagan uli 'yon ni yaya Belen. Gusto ko sanang sabihin na kaya ko naman pero hindi na lang ako nagsalita. Ilang minuto ang nakalipas ay puro pag o-overthink lang ang ginawa ko. Muli akong uminom ng tubig nang maramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Ako na, yaya," sabi ko nang akmang kukunin niya na naman 'yung pitsel at punuin ng tubig ang baso ko. Saglit siyang natigilan pero ilang segundo lang  ang lumipas nang ngitian niya ako at muling kinuha ang pitsel at pinuno ang baso ko.

"Yaya, you don't have to do that because I can," medyo nakasimangot kong sabi. I'm not used of someone serving me. Nasanay akong gumalaw mag isa dahil sarili ko lang naman ang maasahan ko tuwing nasa business trip si mommy. Saka, mas gugustuhin kong pagsilbihan ang sarili ko lalo na't alam kong kaya ko naman.

"Trabaho kong gawin 'yon, Azari. Bakit hindi ka pa ba nasasanay ngayong taon-taon ka namang nandirito?" sagot niya. Ngumiwi ako.

"Yes, taon-taon nga akong naririto so...bakit hindi ka pa rin po nasasanay na ayokong may nagsisilbi sa akin?" sarkastiko kong tanong ngunit tinawanan niya lang ako at nag kibit balikat.

"Uh...what are you guys talking about? What is...happening?" takang tanong ni Ria sa amin. Nakita niya siguro ang pagsimangot ko at maligalig na pagtawa ni yaya Belen. Dahil tuloy sa tanong niya ay pati sila daddy ay napalingon sa amin.

"Ah, wala naman, iha. Ito kasing si Azari, umaandar na naman ang pagiging mahiyain. Ayaw niya na namang pagsilbihan siya," natatawang sabi ni yaya. Umirap ako at sumandal sa backrest ng upuan.

"For your information po, yaya Belen. I'm not mahiyan. I'm just not used of someone serving me especially when I know that I can do it naman. I am not a cripple, you see," malumanay na sabi ko ngunit tumawa lang siya at ilang beses na umiling.

"Hayaan niyo siya, yaya Belen. Walang nagsisilbi sa kanya kaya baka hindi 'yan sanay na pinagsisilbihan siya dahil..." biglang singit ni Melania, binitin pa talaga ang sasabihin. Mabilis akong napabaling ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. 

"Melania," nagbabantang tawag ni daddy sa kanya ngunit inosente lang siyang ngumiti rito.

"Dahil ano?" naghahamon na tanong ko. Simula noong nagsagutan kami dahil umalis si mommy ay naging iba na ang pakikitungo niya sa akin. Ganon din naman ako sa kanya. Kung noon ay dinadaan-daanan niya lang ako at nilalait gamit ang paningin, ngayon ay kung ano-anong panlalait at pambabara na ang sinasabi niya, masira lang araw ko. Kung noon ay may respeto pa ako sa kanya, ngayon ay parang nawawala na. Mas gugustuhin ko nang sagutin lahat ng lait niya kesa manahimik na lang. 

"Azari," tawag sa akin ni daddy. Inosente akong lumingon sa kanya at nagtanong ng 'what?' na walang lumalabas na boses sa bibig. Base sa ekspresyon niya ay parang nakikiusap siya na 'wag na lang pansinin si Melania. Marahas akong bumuntong hininga at mariin na pumikit.

Respect the guest, Azari. Respect the guest.

"I...I lost my appetite," dahilan ko na lang bago tumayo. Hindi ko kakayaning manatili rito at makipagplastikan kay Melania. Ang pagsabi niya pa lang na walang nagsisilbi sa akin kaya hindi ako sanay ay kumukulo na ang dugo ko. Paano pa kaya kung marinig ko ang susunod na sasabihin niya? Inayos ko ang damit ko. Nang tumalikod ako at lalabas na sana ng silid na 'yon ay akala ko tatahimik na siya.

"Dahil hindi ka sinanay ng nanay mo, hindi ba? Hindi ka gustong pagsilbihan ng nanay mo dahil gusto niyang mahirapan ka. Bakit pa nga ba siya mag aaksaya ng pera para lang mapagsilbihan ang tulad mo?" sabi niya. Agad akong natigilan sa paglalakad.

"Melania!" sigaw ni daddy. Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo. Akala ko ba respetuhin ang bisita? Bakit siya nagiging abnormal ngayon? Humarap ako sa kanya at nginisihan siya.

"What? I'm telling the truth here!" depensa ni Melania sa sarili niya nang pagsabihan siya ni daddy. Mas lalo akong naasar. Anong truth, ha? Anong truth?

"Mommy isn't tamad, that's why," nakangisi kong sabi pero sa kalooban ko ay ilang beses ko na siyang minura. I know I'm being disrespectful right now but I won't blame myself for being one.

She doesn't deserve to be respected and no one can change my mind.

"Are you telling me that I'm lazy?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Tumango ako at ngumiti.

"Yes. Why would you let someone to serve you if you knew that you can do it by yourself? Lalo na kung wala ka pa namang ginagawa. Isn't that lazy?"

"It's their job!" dahilan niya pero umirap lang ako.

"Then make their job easier," sabi ko bago muling tumalikod. Lalabas na sana ako nang madaanan ko ang isang flower vase. Sinadya kong tabigin 'yon dahilan ng pagkahulog nito at mabasag. Halos mapatili si Ria dahil sa gulat nang malakas na tunog ang iningay non.

"Oh my ghod!" si Melania. Humarap ako sa kanya at nginisihan siya.

"Clean that for me. I'm being lazy today," utos ko. Mabilis niya akong pinanlakihan ng mga mata.

"There's no way I would do that!" sigaw niya bago lumingon kay daddy. Tinitigan siya ni daddy at inilingan.

"You started it," sabi ni daddy bago ako tingnan at sinenyasan na umakyat na ng kwarto. Malaki ang ngiti ko sa labi habang naglalakad ako ngunit nang makapasok sa loob ng silid ay agad na nawala 'yon. Mabilis akong tumalon sa kama at pinagsusuntok ang mga unan, iniimagine na mukha ni Melania 'yon.

"Fuck you! How can you be so evil?!" sigaw ko bago tumili sa unan. Grabe ang pagpipigil na ginawa ko kanina. Gusto ko siyang sipain. Mommy never let me feel that I'm unimportant to her. How can she say that? Ni hindi niya nga nasubaybayan kung paano ako palakihin ni mommy.

Sa inis ay kinuha ko ang laptop ko sa bag at binuksan 'yon. Automatic itong nag connet sa wifi nang mabuksan 'yon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tinawagan na si Elli gamit ang face time.

"C'mon, answer this call, Elliana," naiinip na sabi ko nang ring lang 'yon nang ring. Nang namatay ang tawag at hindi niya pa rin sinasagot ay asar kong pinindot uli ang call button. Ilang segundo lang ang lumipas nang mag connect ito at makita ko ang magulong buhok ni Elli.

"Damn, Azari. It's 7 am!" iritableng sigaw niya sa akin. Halatang gumising lang siya para sagutin ang tawag ko. Kahit ako naman siguro ang nasa posisyon niya ay maasar din ako dahil ang aga-aga, may nambubulabog. Kadalasan kasi ay alas nuebe na 'yan gumigising si Elli para lang pumasok sa school.

"I am fucking upset right now," iritableng sabi ko. Mabilis siyang napaayos ng upo at gulat na tiningnan ako.

"Oh my gosh, you are cursing," nanlalaki ang mga matang sabi niya.

"Yes! Because I am really upset!" sigaw ko na. Kita ko ang pagtayo niya sa kama at pumunta kung saan na animo'y may hinahanap.

"Hold up, girl. Hold the fuck up. Ghod, where the hell is my airpods?" aligagang sabi niya. Maya-maya ay nakita kong may hawak na siyang na maliit na puting box bago tumalon sa kama. Isinuot niya ang airpods na hawak niya at nakangisi akong tiningnan.

"So, what the tea, bestea?" nakangising tanong niya. Marahas akong bumuga ng hangin at seryoso siyang tiningnan.

"Did you fucking know that that evil manipulative bitch Melania just indirectly told me that my mom doesn't love me?!" nanlalaki ang mga mata kong sabi. Saglit siyang natahimik bago humagalpak ng tawa.

"What are you laughing at? Are you making fun of me?" asar kong tanong. Ilang segundo siyang tumawa bago ako tiningnan pero namumula pa rin ang mukha.

"Girl, no! I mean, BWAHAHAHAHAHA that's just so funny! Did you tell her that your dad doesn't love her though?" natatawang tanong niya. Sandali akong napaisip.

Oh my, dapat nga sinabi ko. That would be a good comeback! 

"Shoot, I should've told her that!" nanghihinayang kong sabi. Kita ko ang pagngiwi ni Elli mula sa screen. 

"Ghod, Azari. Want me to seminar you to learn how to say good comebacks? What did you tell her?" kunwaring dismayado niyang tanong. 

"I told her she's lazy and...I made her clean the vase that I purposely broke," sabi ko. Saglit siyang natahimik bago malakas na tumili. Maya-maya ay narinig ko ang boses ni Elias mula sa call. 

"Stop screaming, Elli! It's 7 am!" sigaw ni Elias ngunit hindi man lang siya sinagot ni Elli. 

"Omg, girl! That's even better!" proud na sabi niya sa akin. Ngumisi ako at humalakhak. Marami pa kaming pinag usapan ni Elli tungkol sa kanya-kanyang buhay. Pero kalahati ng pag-uusap namin ay puro panlalait lang kay Melania at pang baback stabbed niya kay Ria. 

"You're so mean. Ria is not like that," pagtatanggol kay Ria. Sinasabi niya kasing plastik si Ria at pinapakisamahan lang ako tuwing marami ang nakakakita. She never treated me that way so...imma protect her from Elli's harsh words. 

"You won't change my mind on how I think about her, Azari. I have this strong feeling that she's a two faced bitch. Good on the outside, evil on the inside," pinal na sabi niya na para bang wala ngang makakapagbago ng iniisip niya tungkol kay Ria. Kahit pa siguro si tita Elena ang magsabi sa kanya na mabait si Ria ay hindi siya maniniwala. 

"Whatever. I just hope that feeling of yours isn't true. I'm already tired with Melania's bullshit. I don't think I can deal with Ria's if ever that she's also an evil manipulative bitch just like her mom," malumanay na sabi ko. Totoo 'yon, sa tingin ko ay maiiyak na lang ako kung pati si Ria ay ganon. I may be hate her because of how she looks but she's still my sister. She always treats me how an older sister should treat her younger sibling. It would cost me a lot of pain if I knew that she's just being plastik especially infront of me. 

"By the way, Azari. I saw tita Alejandra this midnight entering your house. I thought she would stay there even just for two weeks?" takang tanong sa akin ni Elli. Natigilan ako. Unti-unti kong naramdaman ang sama ng loob ko kahapon. 

"That's the reason why the war between me and Melania begins," sagot ko. Kinunutan niya ako ng noo na tila ba hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi ko. 

"Huh? Why?" 

"I got mad when I knew that mommy left the country the day we came here. I know mommy wouldn't leave me especially that she knows how uncomfortable I am when they're around. I think that mommy doesn't had the choice but to left because this is part of their agreement. If the month of April and May came, I'm on dad's property and...mommy can't do anything about it."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status