Share

4

"I'm too handsome to be a paparazzi," naiiling na sabi niya. Mas lalong tumalim ang paningin ko.

"You're so mayabang! Who are you ba? Bakit ka naririto? Paano mo nalaman 'yon? Saka, bakit ka nangingialam, ha? And for your information, sa lola ko 'tong chrysanthemums! Anong yaya Belen ka r'yan? Walang pakialam si yaya Belen kahit kalbuhin ko pa 'yang buong halaman na 'yan!" sigaw ko sa kanya. Lumayo siya ng kaunti sa akin na tila ba naiingayan sa pag sigaw ko. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon.

"These chrysanthemums belongs to yaya Belen, Zari," sabi niya bago uli binalingan ang mga bulaklak at hindi pinansin ang mga tanong ko.

"Can you answer even one of my questions? Kanina ka pa salita nang salita pero hindi mo man lang sinasagot 'yung mga tanong ko," medyo kalmado ko nang sabi. Ayoko nang sumigaw, nahihiya rin ako, 'no.

"Which one?" tanong niya at tiningnan ako. Mabilis akong umayos ng tayo at matapang na sinalubong ang mga mata niya.

"Who are you?" malumanay na tanong ko sa kanya. Saglit siyang natahimik at hindi ako sinagot. Dahil sa inis ay malakas ko siyang hinampas sa braso. Mukhang wrong move pa ata 'yon dahil pati ang palad ko ay nasaktan dahil sa pag palo ko sa kanya. Ang tigas kasi. 

"Aw. I told you my name is Damian," nakangusong sabi niya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili kong murahin siya. Of course I know that his name is Damian! Magtatanong ba ako kung hindi? Sinabi niya na kanina 'di ba? Duh?

"Yes, I know! What I mean to say is, who are you? Exactly who are you? Like, are you a human? An alien? Anong koneksiyon mo sa mga Lafuente kaya ka naririto sa bahay nila? Are you a paparazzi? A gardener? What?" sunod-sunod na tanong ko. Marami pa akong tanong pero hindi ko na isinama. Baka kasi hindi niya na masagot 'yung ibang mas importante at walang kwentang tanong 'yung masagot niya.

"I'm Damian," sagot niya. 

This man! 

Mariin akong pumikit at huminga nang malalim.

"Bwisit ka!" malakas na sigaw ko sa kanya bago naglakad palayo. 

Nagdadabog akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mga pinagsasabi niya. Kinakabahan din ako kasi paano nga kung totoong paparazzi siya? I really hate paparazzis. Nakikielam sila sa mga buhay ng ibang tao. I know it's their job but their job is nonsense. They're invading someone's privacy.

Nang matapos kong uminom ng tubig ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ayoko nang mag pagala gala at baka makasalubong ko na naman 'yung Damian na 'yon. Buong maghapon ay nasa loob lang ako ng kwarto. Natulog at nagbasa ng mga libro na meron sa loob ng silid. Nang sumapit ang gabi, rinig na rinig ko ang pag busina ng sasakyan mula sa labas. 'Yung kwarto ko kasi ay matatanaw mo mula sa gate. Mayroon ding balkonahe na pwedeng tambayan tuwing mabuburyo ka. Sa balcony ay kitang-kita ang tanawin sa buong mansion. Though, hanggang loob nga lang dahil hindi na kita ang dagat na nasa malayo. 

Tumayo ako at sumilip sa balkonahe. I saw dad's car entering the mansion. Hawak-hawak ng dalawang hardinero ang gate habang si Ria at Melania naman ay nakaabang sa kanya malapit sa pintuan. Nang makababa si daddy ng sasakyan ay sinalubong siya ng yakap at halik ni Ria. Si Melania naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa na para bang hinihintay niyang siya ang lapitan ni daddy. Mahina akong natawa nang hindi siya pansinin nito at sumabay na lang kay Ria papasok sa loob ng bahay. 

Serves you right, stepmom. 

Babalik na sana ako sa higaan nang mahagip ng paningin ko si Damian. Kausap niya si yaya Belen habang nakatingin sa mga halaman sa gilid niya. Para bang nagb-brain storming sila tungkol sa mga 'yon. Sabi ko na nga ba at hardinero 'tong lalaking 'to. 

Mabilis akong bumalik sa loob ng kwarto nang makita ko ang paglingon niya sa akin. Nakita niya ba ako? Baka akala niya tinitingnan ko siya, ah? Kapal naman niya. Hindi ako napatol sa hardinero, 'no. 

Saka bata pa ako and...he's old! I mean, I don't know his age but he looks old! 

Lumakad ako papalapit sa kama at tumalon doon. Magtatalukbong na sana ako ng kumot sa mukha nang marinig ko ang tatlong beses na katok sa pintuan ng kwarto ko. 

"Iha? Si yaya Belen ito. Handa na ang hapunan. Naroon na rin silang lahat sa hapag, hinihintay ka. Bababa ka ba? O ihahatid ko na lang ang hapunan mo rito?" rinig kong sabi ni yaya mula sa labas. Saglit akong natahimik at nag isip. Sasabay na ba ako sa kanila? 

"Uh...sige po, bababa na lang po ako. May aayusin lang po ako sandali," sagot ko. Hindi naman kasi pwedeng araw-araw na lang akong ganito. Gusto kong iparamdam kay daddy ang tampo ko pero 'yung mga servants naman nila ang mahihirapan. Sa haba ba naman ng hagdan ng bahay na 'to, ewan ko na lang kung hindi sila hingalin. 

"Sige, iha," muling sabi niya. Nang marinig ko ang mga yabag niya palayo ay saka ako kumilos. Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko. My eyes are still swollen pero hindi na katulad kanina na kitang-kita ang pamamaga non. 

Nang ma-satisfied ako sa itsura ko ay saka ako bumaba. Si dining area ang diretso ko dahil alam kong nandoon sila. Huminga ako nang malalim bago pasukin ang loob non. Saglit pa akong natigilan nang makita ko si Damian na nakaupo rin sa hapag at katabi pa ni Ria. 

What is he doing here? Kakain din ba siya rito? Sasabay rin ba siya sa amin? Ganon na ba talaga kabait si Ria at pati hardinero isinasabay niya sa hapunan? 

"Azari!" tawag sa akin ni Ria. Sabay-sabay silang napatingin sa pintuan kung nasaan ako. Pati rin si Damian na kausap kanina ni Ria ay nabaling ang atensyon sa akin. Close ba sila? Or like friends? 

"It's good to know that you'll join us for dinner. Come here, anak," sabi ni daddy at pinaghila ako ng upuan malapit sa kanya. Katabi niya na kasi si Melania sa dulo ng lamesa kaya hindi na ako pwedeng pumwesto roon dahil wala ng espasyo.

"Thank you," pagpapasalamat ko matapos niya akong alalayan umupo. Ginagawa niya ba 'to dahil nagtatampo ako sa kanya? Naging extra caring siya ngayon. Dati naman kasi ay hindi siya ganito. 

"You look beautiful," puri niya pa sa akin. Inayos ko ang upo ko bago ko siya kinunotan ng noo. 

"I literally look just like you," nakakunot ang noo kong sabi. Mahina siyang tumawa at hindi ako sinagot. 

"Are you praising me because I look like you? Because I got it from your genes?" sarkastiko kong tanong ngunit tinawanan niya lang uli ako. Sira ba ulo nito? I'm not in the good mood pa naman para makipaglokohan. 

"You are beautiful naman talaga, Azari," biglang singit ni Ria. Nagkibit balikat lang ako at hindi siya sinagot. 

"Minsan nga ay nagseselos ako dahil kamukhang-kamukha mo si daddy. Ako, wala man lang nakuha na kahit isang feature niya," dugtong niya. Gusto kong matawa nang malakas nang may maisip. Hindi niya ba gusto 'yung mukha niya? Sabagay, sino ba namang tao ang gugustuhing maging kamukha ni Melania? Kung ako ang nasa posisyon niya, sinaksak ko na siguro 'yung sarili ko. 

"Don't you like the face of your mom?" kunwaring seryoso na tanong ko pero sa kalooban ay gusto ko nang humagalpak ng tawa. Am I being too mean? Hehe, I think so. 

"Oh, of course not! I like my face, you know. It's just that...I look nothing like dad," paliwanag niya pero hindi ko na siya sinagot. 

Whatever. 

"Kumain na tayo," si daddy. Maglalagay na sana ako ng kanin sa plato ko nang mag simula kaming pag silbihan ng mga maid. Oh, I forgot, lahat nga pala ng mga bagay rito ay kailangan iasa sa mga serbedora. 

"Anong gusto mo, iha?" tanong ni yaya Belen sa akin. 

"Anything that is food," sagot ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya bago lagyan ang plato ko ng iba't ibang putahe. I am a spoiled brat but I'm not a picky eater. I eat what's available on the table. I eat what's available inside the fridge. 

"Try this, Damian. I was the one who cooked this," sabi ni Ria at nilagyan ang plato ni Damian ng adobo. Saglit na tiningnan ni Damian 'yon bago tumikim. 

"How does it taste?" tanong ni Ria. 

"It's good. I like it," sagot niya. Ganito ba talaga sila kaclose? They look like they're in a relationship. It's possible but impossible to believe. I can't imagine Ria having a relationship with a gardener. 

"Oh, by the way, Azari. This is Damian, a friend of mine. Anak siya ng kaibigan ni daddy," biglang sabi ni Ria. 

Halos mailuwa ko ang nginunguya kong pagkain nang marinig ko 'yon. That man? A son of daddy's friend? Why didn't he tell it kanina? Kung ano-ano pa tuloy ang naitawag ko sa kanya. Paniguradong tinatawanan niya na ako sa isipan niya dahil nalaman ko lang naman na bigtime siya. It's not like I know who his father is but...I know that he's rich because his father is my dad's friend. Dad isn't matapobre but he rarely make friends with an average person. 

"Damian, this is Azari. You already know her naman since parati ko siyang kinukwento sa iyo," dugtong ni Ria. Ano? Bakit niya naman ako ikikwento kay Damian? Ano namang pakialam namin sa isa't isa? Ano kayang sinasabi niya kay Damian? Na anak ako sa labas? Sa pagkakamali? Kaya pala alam nitong lalaking 'to ang pangalan ko.

"I'm Damian," pagpapakilala niya. Hindi ko napigilan ang pag-irap ko. Ghad, ilang beses ko nang narinig 'yan galing sa kanya. Naririndi na ako. 

"Anak, I know you're still upset because of what happened yesterday but please, respect Damian. He's my friend's son. He is a visitor," pakiusap ni daddy. Mabilis akong napalingon sa kanya at kinunotan siya ng noo. 

"What did I do?" takang tanong ko. 

"You just rolled your eyes on him, young lady," sarkastikong sabat ni Melania. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. 

"I didn't mean that. Besides, my anger from yesterday has nothing to do with Damian, daddy," mahinang sabi ko. 

"Then what? May nangyari ba?" tanong niya. Umiling ako at nagkibit balikat na lang.

"I think I pissed her off kaninang hapon, tito Leandro," biglang sabat ni Damian. Napaangat ako ng tingin. Ano? Sasabihin niya pa talaga 'yung nangyari kanina? Ang tsismosa rin nitong lalaking 'to, eh. 

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Ria. Muli akong umirap sa kawalan. 'Yan ba ang natututunan ni Ria sa kakasama niya sa lalaking 'to? Ghad, parehas silang tsismosa.

"It's just a misunderstanding, Rianne," sagot niya rito. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko sasabihin niya pa 'yung nangyari kanina, eh.

"What kind of misunderstanding, iho?" tanong ni Melania. Mukhang nakuha ni Damian lahat ng atensyon nila nang sabihin niya 'yon. 

"Oo nga, iho. What kind of misunderstanding?" tanong naman ni daddy. 

"Sabihin mo na, Damian. I swear, I will not sleep in peace if you didn't tell us," si Ria. Oh, gosh. Really? Can't they just mind their own business and shut up? There are some things that aren't necessary for everyone to know because...it's kinda embarrassing. 

"Uh--"

"I thought he was a paparazzi dressed like a gardener. Now, happy?" sarkastikong tanong ko. Mabilis silang napatingin sa akin lahat. Si Ria ay nanlalaki ang mata habang si Melania at daddy ay nakakunot ang noo. Bakit ganyan sila makatingin? What are they expecting me to say ba? Na Damian punched me earlier that's why I'm pissed? 

"Huh? Bakit naman?" si Ria. Hindi ako nakasagot. What am I supposed to say? Na nalaman niyang I'm suffocated when they're around kaya akala ko palagi niya akong sinusundan? 

"Siguro dahil ngayon lang niya ako nakita. You told me before that her mom is quiet famous because she's a billionaire. Maybe she thinks that I'm stalking her kasi hindi naman ako pamilyar sa kanya lalo na sa bahay na 'to," paliwanag ni Damian. Muli ako nakahinga nang maluwag. Ghad, thanks for the save, boy. 

"Ah, HAHAHA! Gaya ng sinabi ko sayo kanina, Damian's a friend of mine. Tuwing summer kasi ay wala siya rito dahil nasa ibang bansa siya. He's always here when the month of June starts, though. Kaso nakaalis ka naman na non kaya hindi mo siya nakikita. But this time, rito na siya tuwing summer kasi rito na uli titira 'yung mama niya," paliwanag ni Ria. Tumango lang ako at hindi na sumagot. Bakit? Half filipino rin ba siya like me? Or nagbabakasyon lang 'yung nanay niya roon? 

"Bakit ka namang napagkamalan na hardinero iho?" tanong ni daddy. 

"Maybe because I know a lot about plants?" hindi pa siguradong sagot ni Damian. 

"Yeah. And he keeps saying that those chrysanthemums doesn't belong to lola Leonora," malumanay na sabi ko. 

"Hindi naman talaga kay mama ang mga bulaklak na 'yon," mataray na sabi ni Melania. 

"What? I know it's lola's--"

"It's true, anak. Hindi kay mama ang mga bulaklak na 'yon. It belongs to yaya Belen," putol ni daddy sa sasabihin ko. Kinunotan ko siya ng noo. 

"But you told me years ago that the garden is owned by lola Leonora. Malamang, sa kanya rin ang mga halaman na naroon sa loob," pagdadahilan ko. 

"Yes, I did told you that but...that doesn't mean that she owns the plants too. Well, noong mga panahon na sinabi ko 'yon sayo ay mga bulaklak pa niya ang naroon. Ipinalipat ko na lahat sa dating bahay nila lola ang mga 'yon dahil kasama 'yon sa mga hiling niya bago siya nawala. Ngayon, ang mga bulaklak na nariyan ay mga halaman na ni Yaya Belen," paliwanag ni daddy. 

"Well, okay. Hindi ko naman kailangan malaman lahat ng nangyayari rito sa bahay," mahinang bulong ko, sakto lang para hindi nila marinig. 

Pahiyang pahiya ako roon, ah. 

Matapos non ay sila-sila na lang rin ang nag-usap. Hindi na ako nakikisali dahil baka kung ano na namang maibintang ko. Saka, hindi rin naman ako makakasabay sa mga pinag-uusapan nila. Damian and dad are talking about business. Si Melania naman ay tahimik lang na kumakain pero minsan ay nagtatanong din ng kung ano-ano kay Damian. Si Ria naman ay nakikisabat tuwing may nababanggit na lugar. Oh, I remember, Ria loves beautiful views nga pala. 

Tahimik lang akong kumakain dahil wala pa naman akong alam sa business. Mommy is very good about business pero hindi niya ako pinipilit na matuto non. Support lang siya kung anong gusto kong gawin. I want to learn, tho. Hindi lang sa ngayon dahil gusto ko pang ienjoy ang kabataan ko. Alam ko kasi na oras na pumasok na ako sa business world, limitado na ang mga magagawa ko dahil gahol na ako sa oras. 

Maybe after I turned 18, pag-aaralan ko lahat. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status