Share

3

Mabilis akong umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto. Buong gabi ay hindi ako lumabas. Kahit nang mag hapunan ay hindi ako bumaba dahil ayoko silang makita.

"Azari? May dala akong dinner. Kumain ka muna kaya?" rinig kong boses ni Ria mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag iyak. She knew that mom was leaving but she didn't even bother to tell me. Ano ang inatupag niya? Ang pagmamalaki sa kwarto niyang hindi ko naman nagustuhan? Tch. I know I'm being a brat but this is what I feel. Nagagalit ako sa lahat dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.

"Azari? Please, open the door. Nangangalay na ako," muling sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay umirap pa rin ako.

"Kung nangangalay ka, edi bumaba ka na. I can't remember telling you to bring some foods for me. Leave me alone, I'm not hungry," napapaos na sabi ko. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko ang papalayong yabag ni Ria. Huminga ako nang malalim at humiga na.

Kahit mamatay ako sa gutom ngayon, hinding-hindi ako kakain.

Kinabukasan ay halos mapamura ako dahil sa sobrang mugto ng mga mata ko. Daig ko pa ang namatayan dahil sa pamamaga non. 

"Oh gosh, seriously?" hindi makapaniwalang sabi ko habang tinititigan ang repleksyon ko sa salamin. Para akong nagluksa sa sampung tao na sabay-sabay namatay. 

"Ma'am Azari? Handa na raw po ang almusal. Bababa po ba kayo o ihahatid ko na lang dito 'yung pagkain niyo?" rinig kong sabi ng maid sa labas. Marahas akong bumuga ng hangin at muling tinitigan ang sarili ko. 

"Bababa na lang ako. Pwede naman silang mag umpisa kahit wala ako. 'Wag na nila akong hintayin," sagot ko. 

"Sige po, ma'am." Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ang tuwalya. Dumiretso ako sa banyo at doon naligo. Ilang beses ko pang kinuskos ang mata ko, umaasang matanggal ang pamamaga non. 

Punyeta naman. 

Nang matapos akong maligo ay mabilis akong tumingin sa salamin. Ganon na lang ang pagkadismaya ko nang makita kong halata pa rin ang pamamaga non. Parang pamumula lang ang tinanggal, hindi ang pagkamaga. 

"Should I apply make up?" tanong ko sa sarili ko. Bubuksan ko na sana ang cabinet nang maalala kong wala pala akong make up. Hindi naman kasi ako nalabas ng bahay kaya hindi ko na kailangan. Hindi na ako nag aksaya ng oras pa para bumili non dahil hindi ko rin naman magagamit. 

"Paano na 'to?" muling tanong ko sa sarili. Binuksan ko ang cabinet at naghalukay ng pwedeng ipangtakip sa mga mata ko. 

"Argh!" asar na sigaw ko nang mabuksan ko ang lahat ng cabinet ngunit wala akong mahanap na pwede kong gamitin. Sana pala bumili na lang ako ngayong kakailanganin ko pala.

Eh hindi ko naman kasi alam na mangyayari 'to. Kasalanan ko ba 'yon? 

"I guess I'll walk around the house with this look," mahina kong sabi. Paano kung tawanan nila ako? Melania would insult me for sure. 

"Whatever. I'm still prettier than them," pagpapagaan ko ng loob sa sarili. Dapat hindi na ako mag paapekto sa mga ganon dahil ilang taon na rin naman akong nilalait non kahit gamit lang ang mga mata. Hindi pa ba ako nasanay?

Nang sumuko sa paghahanap ay umupo ako sa harap ng salamin. Kumuha ako ng ilang panali sa buhok at nagsimulang ayusin ang buhok ko. Kahit sa buhok man lang ay bumawi ang ganda ko. 

I blow dried my hair before styling it into a twisted crown. Ngumiti ako sa sarili nang ma-satisfied ako sa itsura ko. 

Hindi muna ako lumabas ng kwarto at nag-intay muna ng maraming minuto. Ayoko silang kasabay kumain kaya titiisin ko 'tong gutom ko kahit na kagabi pa kumakalam ang tiyan ko. 

"Calm down, wormies," bulong ko nang muling tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Siguro naman pwede na akong bumaba? It's been an hour since the maid came here. Marahas akong naglabas ng hangin bago naglakad palapit sa pinto. Saglit pa akong tumigil don at nag-isip kung bababa ba talaga ako o hindi. 

"I'm sure they're already finished," sabi ko bago pihitin ang doorknob. Nang makalabas sa kwarto ay tahimik na pasilyo ang sumalubong sa akin. Sikat na sikat na ang araw kaya kitang-kita na rin kung gaano kaaliwalas ang buong palapag na ito. Malalaki kasi ang bintana kaya tagos na tagos ang liwanag na nagmumula sa araw.

Mabagal akong lumakad at tiningnan ang mga painting sa paligid. Wala ni isang painting doon ng kanilang mga mukha. Tanging ancestors lang ni daddy ang mga naroon at iba pang magagandang tanawin. 

Nang saktong malagpasan ko ang mga 'yon ay siya namang kita ko kay yaya Belen. She's walking towards me while holding a broom. 

"Oh, gising ka na pala, iha? Pupuntahan sana kita roon sa kwarto mo para yayain kang kumain ng agahan. Mabuti na lang at nakasalubong kita para hindi na mapalayo ang paglalakad ko. Siya nga pala, sa hardin ko inihanda ang agahan mo. Tapos na kasi sina Ria kaya wala ka ng kasama. Mas mabuting sa hardin ka na lang kumain para naman makakita ka ng magandang tanawin kahit mag-isa ka lang kumain," mahabang sabi niya. Ngumiti ako at tumango. This is one of the reasons why I like her. She's really sweet. 

"Salamat po. Una na po ako, yaya Belinda," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nag dire-diretso na pababa ng bahay. Nang makababa ako ay ni anino ng tao ay wala akong makita. Maaga kasing naglilinis ang mga maid kaya naman pagkagising mo ay malinis na ang buong bahay. Si Melania naman ay kadalasang nasa kwarto niya lang o 'di kaya naman kasama ang mga kaibigan niya. Si Ria ay palaging nasa labas at hindi ko alam kung anong ginagawa. 

Payapa akong naglakad hanggang sa makarating sa garden. Tanging garden lang ang paborito kong parte ng bahay na 'to maliban sa library nila. Iba't ibang klase ng halaman ang mga naroon na ni minsan ay hindi ko pa nakita sa ibang bansa. I heard daddy's mom loves to collect different kinds of plants. Sobra raw ang pag-aalaga nito sa mga halaman nito kaya noong namatay siya, si yaya Belen na ang nag patuloy sa pag-alaga ng mga 'yon.

Nang makita ko ang batong lamesa na may mga pagkain ay agad akong lumapit doon. I'm really hungry, for real. Iba't ibang pagkain ang naroon. May mga prutas, bread, cereals at iba ipa. Binuksan ko ang fresh milk at ibinuhos 'yon sa mangkok ng cereals. 

Kahit na gutom na gutom ay mabagal pa rin akong sumubo. What if may hidden camera pala rito tapos kinukuhanan ako ng video kung gaano ako kabilis kumain 'di ba? I don't want that. Baka mamaya ay tawagin pa nila akong patay gutom. 

Nang matapos kumain ay ininom ko ang buko juice na nakalagay na sa baso. Maraming yelo 'yon kaya naman halos mahampas ko ng ilang beses ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagkalamig non. 

Ang sakit sa ulo, nyemas. 

"Now, I'm full. What to do next?" tanong ko sa sarili. Bukas pa ang dating ng teacher ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Yes, kahit na nandito ako, nag-aaral pa rin. Summer sa kanila pero sa amin hindi. I'm homeschooled, though. Sinasabayan ko lang ang daloy ng klase ni Elli para 'pag nahirapan kaming dalawa ay pwede kaming sabay na mag-aral. 

"Tapos ka na ba kumain, iha?" Halos malaglag ako sa inuupuan ko nang marinig ko ang boses ni yaya Belen sa likod ko. Masyado na ba akong nag-iimagine kaya hindi ko naramdaman ang papalapit na presensya niya? 

"Ah, yes po," nahihiya kong sabi. Nakita niya kaya kung paano ako nagulat? Siguradong mukha akong tanga. 

"Akin na at liligpitin ko," sabi niya bago lumapit sa lamesa at isa-isang inilagay sa dala niyang tray ang mga pinagkainan ko. Kukunin ko na sana 'yung isang plato para iabot sa kanya nang pigilan niya ang kamay ko. 

"Nako, iha. Huwag mo na akong tulungan. Siguradong magagalit ang ama mo 'pag nalaman niyang tumutulong ka sa mga ganitong klaseng gawain," sabi niya sa akin bago kunin ang plato na hawak ko. Saglit niyang pinunasan ang kakaunting dumi sa lamesa bago ako muling iwan doon. 

Sino ba kasing nagsabi na tutulong ako? Hindi naman ako tutulong, iaabot ko lang. 

Tamad akong sumandal sa backrest ng upuan at tumingin-tingin na lang sa paligid. Nagkalat ang iba't ibang kulay ng mga halaman sa bawat sulok ng garden. Kahit na marami 'yon ay hindi pa rin magulo ang pagkaka-ayos. Parang may OCD nga ang nag arrange non dahil kung pula ang mga halaman na nandoon, pula lang dapat. Nang mabagot sa kakatingin ay tumayo ako at lumapit sa mga 'yon. 

Lumakad ako sa pulang bulaklak na malapit sa'kin. Hindi ko alam ang tawag sa halaman na 'yon pero pulang pula 'yon at dilaw ang gitna. Maya-maya ay napansin ko ang maliit na karatula sa gilid non. It says "Chrysanthemum" on it. Is that its name? I don't know. Maybe? Alam kong merong chrysanthemum na bulaklak pero hindi ko naman alam ang itsura non kaya hindi rin ako sigurado. 

"You're so pretty," puri ko sa bulaklak na parang kinakausap 'yon. Dahan dahan kong hinawakan iyon at marahang hinaplos. Siguro kakadilig lang nito kanina dahil medyo basa pa siya. 

Gusto ko siyang bunutin. Gusto kong kumuha ng isa. I'm sure my grandma will forgive me because I'm her granddaughter, right? I remember that she spoils me a lot before kaya naman hindi siya magagalit sa akin, 'di ba? Saka, isa lang naman. I'm sure that it'll grow again just like the other flowers. Pipitasin ko na sana 'yon nang may magsalita sa likuran ko. Halos mapatalon pa ako dahil sa gulat nang marinig ko ang malalim na boses niya. 

"I'm sure yaya Belen would scold you if she knew that you stole one of her flowers," sabi ng nasa likod ko. Kahit na nagulat ay matapang ko pa rin siyang hinarap. 

Well, uh...he's handsome. Very handsome. Sa tingin ko ay nasa bente anyos na ang edad niya. His body is very matured like a model from Calvin Klein. He's very familiar too. Simple lang ang suot niya pero bagay na bagay pa rin 'yon sa kanya. Is he the gardener here? Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.

"Who are you?" nakataas ang kilay na tanong ko. Nagkagat siya ng labi bago lumapit sa akin at tinabihan ako. Umurong ako ng kaunti para hindi magsagi ang braso naming dalawa. 

"Damian," maikling sagot niya bago ilahad ang kamay sa harap ko. Mas lalong tumaas ang kilay ko at tiningnan lang 'yon. 

"Anong gagawin ko r'yan?" mataray na tanong ko habang nakatingin pa rin sa kamay niya. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ako hinarap. Mas lalo akong lumayo sa kanya nang makita ko ang height difference namin. I'm tall but...I feel so small beside him! 

Is he a titan or what?

"Don't you know how to make friends?" tanong niya sa akin. Ewan ko ba kung ako lang o talagang sarkastiko ang pagkakatanong niya. 

"Nilalait mo ba ako?" tanong ko pabalik. Sa tono kasi ng pagtatanong niya ay parang kawawa ako dahil hindi ako marunong makipag kaibigan. For your information, I have two. Elias and Elli! 

"Panlalait na ba 'yon sayo?" muling tanong niya. Nag-init ang pisngi ko. Bakit niya ba sinasagot ng tanong ang tanong ko? Gaya-gaya. 

"Hindi!" mabilis na tanggi ko. Muli siyang tumawa at inalis ang paningin sa akin. Ibinalik niya ang atensyon niya sa mga bulaklak kanina na pipitasin ko sana. 

"Hindi pala, eh. Edi hindi rin kita nilalait," sagot niya bago amuyin ang pulang bulaklak. 

"So kung panlalait ang tingin ko roon ay nilalait mo talaga ako? Huh?!" pasigaw na tanong ko sa kanya. Mabilis kong naitikom ang bibig ko nang muli siyang humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mailang ako. His eyes are very intimidating. Baka sapakin na lang ako nito bigla.

"Your eyes are swollen. Did you cry the whole night?" biglang tanong niya, iniiba pa ata ang topic. So nilalait niya nga ako? Iniiba niya 'yung topic, eh. 

"Ano namang pakielam mo?" masungit na tanong ko bago iniwas ang paningin. Binigyan ko ng atensyon 'yung mga bulaklak sa gilid ko para libangin ang sarili. 

Naalala ko na naman tuloy kung bakit ako umiyak kagabi. Nagagalit ako, nakakatampo. They don't know how suffocating they are so they'll never understand. 

"Are they suffocating you?" tanong niya ulit. Doon niya naagaw ang atensyon ko. How did he know that? Who is he? 

"What?" gulat na tanong ko. Hinarap ko ang buong katawan ko sa kanya at diretsong tiningnan siya sa mata. Not intimidated this time. 

"Tita Melania and Ria. Are they suffocating you?" muling tanong niya. Kinagat ko ang labi ko at matalim siyang tiningnan. 

"Who the hell are you? How did you know that? Are you a stalker or what?" sunod-sunod na tanong ko. Paano niya nalaman 'yon? Si Elias, Elli, tita Elena, and mommy ko lang ang nakakaalam non. Is he a paparazzi na nagpapanggap lang na gardener para makakuha ng impormasyon tungkol sa akin? 

"So they're suffocating you," sabi niya. Hindi patanong 'yon kundi tonong naninigurado. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa inis nang hindi niya sagutin ni isa sa mga tanong ko. 

"W-What? Sino ka ba, ha? Paano mo nalaman 'yan? Are you a stalker? A paparazzi? Sinong kumpanya ang nagbayad sayo para sundan mo ako rito? Grabe, pati personal na buhay ko, inaalam mo. Magkano ba binayad sayo ng kumpanyang 'yon? I can pay triple than that! I'm sure mommy's bodyguards would beat you if they knew that you're a paparazzi--"

"What the hell are you saying? A paparazzi? A stalker? Me? Seriously?" nakakunot noong tanong niya. Ano? Ide-deny niya pa? Ilang beses ko nang naranasan 'to, ano! Kung ano-anong pagpapanggap ang ginagawa makakuha lang ng impormasyon sa buhay namin ni mommy. 

"Oh, bakit? Totoo naman, ah? Ide-deny mo pa? Hoy, hindi na bago sa akin 'yang pag-arte mo. Marami na akong naranasang ganyan kaya hindi mo ako malulusutan!" singhal ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya na tila ba hindi naiintindihan ang mga sinabi ko. 

"I'm not stalking you," tanggi niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at mahinang itinulak sa dibdib. 

"Eh paano mo pala nalaman 'yon? Mga kaibigan ko lang sa Maryland ang nakakaalam non! Saka paano mo nalaman 'yung name ni Yaya Belen? I've never seen you here before so maybe  you're a newly hired gardener here. Oh wait, a paparazzi, dressed like a gardener to be exact!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status