Share

2

"Kumusta ka na?" nakangiting tanong niya matapos kalasin ang mahigpit na yakap niya sa akin.

"I'm good," sagot ko at binigyan siya ng hilaw na ngiti. She looks exactly like her mom lalo na 'pag hindi siya nakangiti. Carbon copy kumbaga. Pakiramdam ko tuwing sisimangot siya ay pinapalayas niya na ako sa bahay nila.

"That's good! Halika roon, kanina ka pa hinihintay ni daddy!" maligalig na sabi niya bago ako hilahin palapit kay daddy na kanina pa pala nakatingin sa amin. He's smiling like he won a lottery while he's looking at me. Para bang ako ang nagpaganda sa malungkot niyang buhay.

"How are you, anak?" pambungad na tanong niya bago ako yakapin nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik bago magiliw na ngumiti. Sa totoo lang, si daddy lang talaga ang na miss ko rito maliban sa mga magagandang tanawin.

"I'm okay naman po, dad. How about you po?" tanong ko pabalik. Kahit na maraming taon na ang lumipas, makikita mo pa rin ang kakisigan sa buong pagkatao ni daddy. Unfortunately, wala siyang anak na lalaki kaya walang magmamana ng kagwapuhan niya. I looked exactly like him, though. Kuhang-kuha ko ang mukha niya habang ang kurba naman ay kay mommy ko nakuha.

"I missed you, anak. Kamusta naman ang buhay mo roon sa ibang bansa?" tanong niya ulit. Sasagot na sana ako nang makita ko ang papalapit na bulto ni Melania mula sa likod ni daddy. He's my daddy's wife, Ria's mother. Ang mahaba niyang buhok ay umaalon habang papalapit sa amin. Mas lalong nadepina ang pagkamorena ng balat niya dahil sa suot niyang red na lipstick.

Malayo pa lang ay nararamdaman ko na ang maldita niyang awra dahil lang sa paraan ng pagtingin niya sa akin. 

"Anak?" muling tawag sa akin ni daddy nang hindi ko nasagot ang tanong niya. Inalis ko ang paningin ko kay Melania at binigyan ng hilaw na ngiti si daddy.

Wala na, sira na ang araw ko.

"I'm doing good naman po sa school. Tinutulungan ako ni mommy tuwing nahihirapan ako," mahina kong sabi. Mas lalong lumawak ang ngiti ni daddy at tumingin sa likod ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya hanggang sa dumapo iyon sa pwesto ni mommy na may kausap sa cellphone. Sobrang seryoso niya at halos magbanggaan na ang makapal niyang kilay dahil sa pagkunot ng noo. She's always like that whenever she's talking to someone about business. Sobrang suplada tingnan, sa malayo pa lang ay akala mo nilalait na ang buong pagkatao mo.

"Welcome back, Azari." Mabilis na naputol ang imahinasyon ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Melania. Base sa lakas ng boses niya ay alam kong nasa likod ko lang siya, katabi ni daddy. Ilang beses akong nagmura sa isipan bago siya hinarap.

"Thank you, Melania," kalmado kong sabi bago plastik na ngumiti. Melania doesn't want me to call her mama or tita. Just Melania. Ang dahilan niya pa kung bakit daw ayaw niyang mag patawag na tita sa akin dahil daw pakiramdam niya ay tumatanda siya 'pag tinatawag siyang ganon. Sus, ayaw mo lang tawagin kitang ganon kasi ayaw mo sa akin. 

Tch, as if namang gusto rin kita. No way. 

I really hate everything about her. Mommy is intimidating too but not as intimidating as Melania. According to tita Elena, she's a manipulative evil bitch. I know it's bad but I can't help but to agree wholeheartedly.

"Why don't you come in? Paniguradong pagod kayo sa byahe ni Alejandra," nakangiting aya niya sa'kin bago tumingin sa likod ko na paniguradong sa pwesto ni mommy. Ewan ko kung imahinasyon ko lang o talagang sarkastiko ang pagkakasabi niya non.

"Oo nga naman, Azari! Yaya Belen already prepared your room. Promise, maganda 'yung pagkakaayos niya!" biglang sabat ni Ria. My room? Only mine? Akala ko ba ay dalawang linggo mags-stay rito si mommy? Ganon kasi ang set up namin taon-taon.

"Bakit kwarto ko lang--"

"Tita Alejandra, come here! Yaya Belen already prepared your food!" sigaw ni Ria kay mommy na pumutol ng sasabihin ko.

Tsk, whatever. Mommy and I can share a room naman.

"C'mon, Azari! Let's go!" yaya sa akin ni Ria bago ako hinila papasok sa loob ng bahay. Wala akong nagawa kung hindi sumunod dahil sa paraan ng paghila niya. Napaka-agresibo.

Halos madapa pa ako nang madaanan namin ang hagdan na nasa harap ng malaking pintuan ng bahay. Ilang baitang din 'yon kaya muntik na talagang sumubsob ang nguso ko sa sahig.

"Ria, sandali, napapagod na ako," reklamo ko bago hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Huminto kami sa tapat ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag nang magreklamo ako. 

"Sorry. I'm excited kasi na ipakita sayo 'yung kwarto mo. Tinulungan ko si yaya Belen na mag-ayos para mapaganda lalo 'yon!" nagmamalaki niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at parang tangang tumango. Gusto kong maging masaya nang marinig ko na nag effort pa siyang tumulong kahit hindi naman kailangan pero kahit na pag ngiti man lang ay hindi ko magawa. Pasimple kong tiningnan nag braso ko na namumula dahil sa higpit ng hawak niya. May maliliit din na cut 'yon dahil sa mahaba niyang kuko na bumaon kanina habang tumatakbo kami. 

"Let's go then. No running this time, please," pakiusap ko. Ghad, para kasing nasa karera kami kung makatakbo siya kanina. 

"Okay!" she cheerfully said. Laking pasasalamat ko nang nilakad na lang namin ang hagdan hanggang sa makarating sa kwarto ko. Siya ang nagbukas non kasabay ng pagbukas ng ilaw. Aaminin kong maganda ang disenyo non pero hindi ganon ang taste ko. It is a traditional styled room. I like minimalist styled more. Tanging pagkaaliwalas lang ng buong kwarto at puting kama ang nagustuhan ko roon. 

"Do you like it?" nakangiting tanong niya. Tinitigan ko siya bago pekeng ngumiti. Ria is very kind when it comes to me. I don't like her but I won't do anything to disappoint her. She's still my sister after all. 

"It's...good. I like it," pagsisinungaling ko. Yes, I admit it. Maarte ako. My mom spoiled me too much and give me everything I want. Lahat ng bagay na gusto ko ay nakukuha kaya naman nasanay ako na kung ano lang ang gusto ko, 'yon ang nasa paligid ko. 

"Really? Oh my gosh, I'm so happy!" malakas na sabi niya. Mahina akong natawa. Ria is three years older than me but she still acts like a child. Kung ipagtatabi mo kami nang hindi sinasabi ang edad, masasabi mong mas matanda ako. Hindi lang dahil sa ugali, dahil din sa physical appearance. Mas matangkad ako at mas may korte ang katawan. My boobs is even bigger than hers. I got it from my mother's genes. Pero kung mukha na ang pag-uusapan, mas matanda ang mukha niya at mas bata akong tingnan. Tanging mukha ko lang ang nagpapatunay na 15 years old lang ako. 

"Oh wait, I think I need to go na. Mayroon pa pala kaming lakad ng mga kaibigan ko," sabi niya habang nagdudutdot sa cellphone. 

"Yeah, sure," sabi ko. Muli niya akong niyakap bago nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Nang maisarado niya ang pinto ay tamad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. 

Unang araw pa lang ay gusto ko na agad bumalik sa US. 

Inunat ko ang katawan ko bago lapitan ang maleta ko sa gilid ng kama. Pagkarating namin ni Ria rito sa loob ay nandyan na 'yan, siguro ay inunang ipinasok ng mga maid nila rito. 

Gusto ko sanang matulog na lang buong araw dahil pagod sa byahe pero mas pinili kong mag ayos na lang ng mga gamit. Hindi ako makakatulog nang ganito kaaga saka tulog din naman ako sa eroplano kaya hindi ako masyadong inaantok. 

Una kong pinakielaman ay 'yung mga personal na gamit ko. Hinuli ko na 'yung mga hindi masyadong importante at inilagay 'yon sa cabinet. Buong umaga ay 'yon lang ang ginawa ko hanggang sa mag tanghalian. Doon ko lang naramdaman 'yung pagod na naipon habang bumabyahe kami. I was about to close my eyes when I remembered something. Where's mommy nga pala? Kanina ko pa siya hindi nakikita simula noong umakyat kami rito. Kadalasan kasi ay sa kwarto ko agad ang diretso niya tuwing mags-stay siya rito ng dalawang linggo. 

Kahit na napapagod ay pinilit ko pa ring tumayo. Ghad, gumala ba si mommy nang hindi ako sinasabihan? Nang makalabas sa kwarto ay isang maid na naglilinis lang ang nakita ko sa pasilyo. Pinupunasan niya 'yung mga paintings na naka display sa pader. 

"Ate, nakita niyo po ba si mommy?" tanong ko rito. Kitang-kita ko kung paano siya napatalon nang marinig ang boses ko. Hindi niya siguro naramdaman ang presensya ko kaya ganon. 

"A-Ah, good morning po, ma'am! Si ma'am Alejandra po ba? Hindi ko po siya nakita. Hindi pa po kasi ako bumaba simula kaninang umaga. Hindi ko rin naman po siya nakitang umakyat dito," paliwanag niya. Kahit na nagtataka ay tumango pa rin ako. Saan naman kaya nagpunta 'yon? 

"Salamat po," sabi ko bago siya talikuran. Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang sa marating ang sala. Walang tao roon at kahit anino ni mommy ay hindi ko makita. Lalabas na sana ako para puntahan siya sa garden kung saan kami laging tumatambay nang makasalubong ko si yaya Belen. Huminto ako sa paglalakad palabas at pumunta sa direksiyon niya. Maybe she know where mommy is. Ang sabi kasi kanina ni Ria ay may inihanda raw siyang miryenda para kay mommy. 

"Yaya Belen," tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at nakangiting hinarap ako. I smiled back at her. Magaan ang loob ko sa kanya dahil ni minsan ay hindi ko naramdaman ang kaplastikan niya. Siya rin kasi ang nag-alaga kay daddy noong bata pa ito. No wonder I like her, parehas sila ni daddy ng ugali. 

"Bakit, iha? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin. She's old but she can still manage to cook. Kahit nga paglilinis ng bahay ay kaya niyang gawin mag-isa.

"Wala naman po. Gusto ko lang po sanang itanong kung nasaan si mommy. Nakita niyo po ba siya? Simula kasi noong umakyat ako sa kwarto ay hindi ko na siya nakita ulit. Hindi rin daw po nakita ng isang maid na umakyat si mommy sa taas," sabi ko. Kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan. 

"Hindi ba ay umalis na siya kanina pa? Bakit? Hindi ba sinabi sayo?" nagtatakang tanong niya sa akin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. What? Umalis? She promised that she'll stay here for two weeks! 

"U-Umalis po? Saan daw po nagpunta?" muli kong tanong. Habang pumapatak ang bawat segundo ay mas lalo akong kinakabahan. She can't go home just like that! She can't leave me here without a proper goodbye!

"Aba ay ang pagkakarinig ko, lumipad na raw pabalik sa US. 'Yon ang sabi ni Melania at Leandro. Bakit iha, hindi ka ba sinabihan?" 

"Hindi po," sagot ko bago nagkagat labi. Tinalikuran ko si yaya Belen nang magsimulang uminit ang paligid ng mga mata ko. Bastos na kung bastos pero wala akong magagawa, naiiyak ako. 

She can't just leave me like that. Alam niya kung gaano ko kaayaw rito. Alam niya kung gaano ako hindi kakomportable tuwing kasama ko sila. Alam niya lahat 'yon dahil tuwing uuwi ako sa Maryland ay umiiyak ako dahil sa paraan ng pagtrato nila sa akin. Kailanman ay hindi nila ako sinaktan ng pisikal pero kung tratuhin ako ni Melania, parang sinasampal sa'kin na isa talaga akong bastarda. Pagkakamali. Malaking pagkakamali. 

Mabuti sana kung nandirito palagi si daddy buong maghapon. Kaso wala, eh. Gabi lang siya nandirito. Lagi kong kasama ay si Melania at Ria. 

"Anak?" Mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin. It was daddy. Katabi niya si Melania habang si Ria naman ay nasa likod nilang dalawa. Mayroong kasama si Ria na matangkad na lalaki sa tabi niya pero hindi ko masyadong mamukhaan dahil punong puno na ng luha 'yung paligid ng mga mata ko. They're all looking at me. 

Mas lalong sumama ang loob ko nang makita ko 'yung pwesto nila. What a perfect family. I'm jealous. 

"Why are you crying? May nangyari ba?" tanong niya. Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang makita ko kung gaano kainosente ang mukha niya. 

"You're a liar..." may sama ng loob na sabi ko. Hindi ko pa mapigilang pumiyok nang pigilan ko ang hikbi ko. 

"What?" gulat na tanong niya. 

"You promised that mommy can stay here for two weeks every summer. Why did she leave? Mommy never leave without any stupid reasons. S-Siguro pinaalis niyo siya, ano? Pinaalis niyo siya because you hate her--"

"Watch your words, Azari," biglang sabat ni Melania. Kahit na umiiyak ay nagawa ko pa ring irapan siya. 

"Why w-would I? I'm telling the truth here! Why would mommy leave without even telling me? Why? 'Cause you know na hindi ako papayag, 'di ba? Dad, you promised that she can stay here even just for two weeks. Labag na nga 'yon sa loob ko dahil sobrang ikli tapos papaalisin niyo pa?" punong-puno ng sama ng loob na sabi ko. 

Pilit kong pinupunasan ang nag-uunahang luha galing sa mga mata ko para lang makita ang mga reaksyon nila. Sana man lang may makita akong nakokonsenya tapos pabalikin si mommy pero nakailang punas na ata ako ay hindi ko pa rin nakikita sa kanila 'yon. I may be childish for crying like this just because of that pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. 'Yung two weeks kasi na 'yon, nararamdaman ko ang kagandahan ng lugar na 'to dahil si mommy ang kasama ko. I can't see the beauty of this place whenever mommy isn't here. This place is peaceful but I feel alone. I always feel alone. 

"Uh, Azari you're already 15 naman na. You can sleep without tita Alejandra naman 'di ba? Saka we're here naman!" pagpapagaan ng loob sa akin ni Ria pero inirapan ko lang siya. Yes, I am a brat. 

"Don't you dare roll your eyes at my daughter, Azari!" banta sa akin ni Melania.

"Why? W-What would you do? You'll throw me out of this house? Yes, please! I would be glad!" sarkastikong sagot ko. Kitang-kita ko ang pagpula ng mukha ni Melania na para bang kaunti na lang ay hindi na niya mapipigilan ang galit niya. 

"Y-You have no shame! Can't you see? Ria has a visitor! Hindi ka man lang nahiya! Nakikitira ka na nga lang dito ganyan ka pa makaarte--" 

"Ha! Wow? Parang utang na loob ko pa, ah? Stop acting like I owe you something because I'm living in this house. For your information, our house is bigger! At anong pakielam ko sa bisita? Hindi ko na kasalanan na nagsinungaling kayo sa'kin kaya a-ako nagkakaganito!" putol ko sa kanya. 

"L-Look at that filthy daughter of yours, Leandro! Napakabastos--" 

"Enough, Melania!" sigaw ni daddy na nakapagpatahimik sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang humikbi. 

I wanna go home. 

"Don't you dare call my daughter filthy, Melania. You have no rights to call her that. Alejandra never treated Ria like that--" 

"So you're comparing me to her--" 

"THAT'S NOT WHAT I MEAN!" mas malakas na sigaw ni daddy na kahit si Ria ay naitikom ang bibig. Marahas na nagbuga ng hangin si daddy at masuyong lumapit sa akin. 

"Azari, anak? Your ate Ria is right, you're already 15. I'm sure you can sleep without your mom, right?" malambing na sabi niya bago pinunasan ang mga luha ko. Ilang beses akong humikbi bago siya mahinang itinulak. 

"Yes, I'm 15 already! But who would love to sleep with strangers? No one!" Kumunot ang noo ni daddy, para bang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko. 

"What do you mean 'strangers', anak?" 

"I don't friends with liars, daddy. For me, people that aren't friends are just strangers. So yes, y'all are just strangers to me. We have boundaries," sagot ko. Saglit silang natahimik bago ako lapitan uli ni daddy. 

"Okay, okay. I get it now. What do you want now? You want something? You wanna go shopping?" 

"I want you to send me home," sagot ko. Saglit siyang natahimik bago ilang beses na umiling.

"Except for that, anak--" 

"Then don't talk to me," putol ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status