Share

The Billionaire's Daughter
The Billionaire's Daughter
Author: Anastasia Blanc

1

"Pack your things already, Azari," utos ni mommy sa'kin. Saglit akong pumikit nang mariin bago inihinto ang ginagawa. This is why I hate the month of April and May so much. Uuwi na naman sa magandang impyerno.

"In a minute," tamad kong sabi. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro na nakita ko kanina sa malaking library rito sa loob ng bahay. It's old but the story is good.

"C'mon, anak. We'll gonna fly an hour from now," muling sabi niya. Umirap ako bago padabog isinara ang libro.

"Oops, sorry," pagpapaumanhin ko nang bahagyang masira 'yung cover ng libro dahil sa malakas na pagsara nito. It's so old na kasi kaya madali lang din siya masira.

Inilapag ko 'yon sa maliit na lamesa na nasa gilid ng inuupuan kong malambot na sofa. I need to pack my stuffs since paalis na rin kami mamaya. We own a private plane but mommy values time the most. Kahit na mayroon naman kaming sariling sasakyan ay hindi pa rin pwede sa kanya i-excuse 'yon para magsabi ka ng  "sandali lang" She's a businesswoman, that's why. Napaka importante ng oras para sa kanya.

"Inihanda ko na 'yung maleta mo. Damit mo na lang 'yung kulang," sabi niya sa'kin habang nakatutok pa rin ang mga mata sa screen ng laptop. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you, mommy," sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang kwarto. Our house is big pero kami lang dalawa ang nakatira. We don't need maids because mommy can cook and clean naman. We sometimes order food whenever she can't cook because of tiredness from work. She's a single mom and we don't have relatives na. She's an only child before and wala naman siyang cousins.

Habang naglalakad, pinakatitigan ko ang mga mamahaling paintings na nakasabit sa pader. Some of them were painted by mom and some of them were not. Ang iba roon ay galing sa iba't ibang bansa at ipinadala lang dito. Mommy's quiet famous because of how ruthless she is when it comes to business. She's always on the cover of Forpes magazine because of her rising networth. That's why I'm homeschooled too. Lagi akong pinagkakaguluhan sa school dahil sa yaman na dinadala ko. 

Nang makarating sa kwarto, tamad akong humiga sa kama at tinitigan ang mataas na ceiling. What will happen now? I don't wanna live with them for 2 months. Kahit na buong summer lang 'yon ay ayaw ko pa rin. 

Marahas akong nagbuga ng hangin at nagsimulang mag-ayos ng gamit. Tanging importante at personal na gamit ko lang ang dinala ko since marami naman akong damit sa bahay nila daddy. Every summer akong nandoon kaya naipon na rin ang mga gamit ko roon.

Matapos kong mag-ayos ay naligo ako. Nanginginig pa akong lumabas ng banyo nang matapos ako dahil sobrang lamig. Hindi katulad sa Pilipinas, malamig dito sa US kahit hindi umuulan. Hindi pa nags-snow pero ang lamig-lamig na. 

Nagsuot ako ng croptop na pinaresan ng high waisted skinny jeans. Pinatungan ko rin ng hoodie ang pang itaas ko dahil malamig pa. Siguro 'pag nakarating na lang kami roon ko tatanggalin. Nang maayos ko ang sarili ko, kasabay kong ibinaba ang maleta na inayos ko kanina. Medyo nahirapan pa akong bumaba dahil hindi ako gumamit ng elevator. 

"Magpapaalam muna ako kina Elias, mommy. I forgot to tell them yesterday," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dire-diretso nang lumabas. 

Malamig na hangin agad ang sumalubong sa mukha ko nang makalabas ako ng bahay. The weather is gloomy today. Para bang konting konti na lang ay babagsak na ang ulan. There's no lightning and storms, though. 

Sinarado ko ang malaking gate nang makalabas ako. As usual, tahimik din sa labas. This subdivision is the home of rich people kaya wala kang makikitang pagala-galang tao sa labas. The houses are meters away from each other din kaya parang wala ka na ring kapitbahay. 

I stopped walking when I reached a mcmansion styled house. Agaw pansin ang bahay hindi dahil sa sobrang laki nito. Dahil 'yon sa maraming ilaw na nakapaligid dito. Lumapit ako sa gate at tatlong beses na pinindot ang doorbell. Ilang segundo lang ang nakalipas nang bumukas ang gate. 

"Where's tita Elena? Elias and Elli?" tanong ko sa maid. Lahat ng kasambahay ni tita Elena ay amerikana. It's not questionable since tita Elena is a pure blooded american. Ako lang naman ang half dahil si mommy ay purong amerikana rin. 

"They're inside. Come in, Azari," alok nito sa'kin. Mas nilakihan niya ang bukas ng gate para makapasok ako. 

Mahaba pa ang nilakad namin bago kami makarating sa main door ng bahay nila. Bukas 'yon na para bang wala silang pake kahit pasukin sila ng sampung magnanakaw. Nang makapasok ako sa loob ay si Elias agad ang nakita ko. He's doing something on his phone while Elli's doing her make up. They're my only friends here in US. Tita Elena is mom's bestfriend since 3rd grade kaya naman naging kaibigan ko na rin ang mga anak niya. 

"I'm leaving," pambungad kong sabi. Sabay silang napatingin sa'kin at hininto ang ginagawa. 

"Hell is waiting for you, Azari," asar sa akin ni Elias pero inirapan ko lang siya. Alam nila kung saan ako pupunta dahil taon-taon namang akong naalis at nagpapaalam sa kanila. They even know my whatabouts kahit na nasa Pilipinas ako. 

Perks of being richkids. 

"I'm expecting my uh...what do you guys call that? Pasa...palasubong?" nabubulol na sa sabi ni Elli. Mahina akong natawa. 

Palasubong? What is that? 

"It's pasalubong, Elliana. What do you want?" tanong ko. 

"Anything that has pearl on it," request niya. Tumango ako. Kung siguro ay wala akong pera, baka hindi ko na kinaibigan si Elli. She likes expensive gift so much just like tita Elena. 

"What about you, Elias? Do you want sexy girls as your pasalubong?" sarkastiko kong tanong. Elias loves to play with girls so much. Nagpapalit siya ng babae na parang pagpapalit niya ng damit. Matapos parausan, iba na naman. Partida, 18 years old pa lang 'yan. 

"Ouch, do you think of me as a fuckboy, Azari?" kunwaring nasasaktan na tanong niya. Humawak pa sa puso si gago.

"Yes," mabilis kong sagot. Itatanggi ko pa ba? Fuckboy naman talaga siya. 

"True. Anyway, I want Filipino spring rolls as my pasalubong."

Filipino spring rolls? Does he mean lumpiang shanghai? Psh, ang arte talaga. 

"Okay then. Uh...I need to go?" patanong na sabi ko habang nakatingin sa relo. Sabay silang lumapit sa akin at niyakap ako. I almost punched Elias' face when he kissed my cheek. Yuck, a kiss from an asshole.

"Take care, Azari," biglang singit ni tita Elena na kanina pa pala kami pinapanood. She walks like she owned the world with her red feathered robe. Her lips is very red too. Unlike mommy, tita Elena loves to flex her riches. You can buy a house just by looking at the prices of her dresses. She's famous too because she's a celebrity before. Mommy flexes her riches too pero hindi katulad sa paraan ni tita Elena. She's showing how rich she is by being on the front page of forpes magazine. Mahirap din kasing humanap ng impormasyon sa buhay ni mommy dahil masyado siyang pribadong tao kaya tanging networth niya lang ang nailalagay roon. Tita Elena's life is so public because she's a content creator. 

For short, mommy is richer. 

They're still bestfriends though. I don't know kung paano nangyari dahil magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Napakadaldal ni tita Elena samantalang si mommy ay tahimik. 

"What pasalubong do you want, tita?" tanong ko at hinalikan siya sa pisngi. 

"Halo-halo will do. Kahit dito na lang natin gawin, ingredients na lang 'yung dalhin mo pauwi," sabi niya. Just like mommy, tita Elena is very fluent speaking tagalog. They lived in Philippines for years before. Siya rin 'yung kasama ni mommy sa Pilipinas noong nasa pinakamababang state si mommy ng buhay. Not financially but noong nakagawa ng pagkakamali si mommy at nabuhay ako. 

"Okay, noted. I need to go na, tita. Mommy's waiting for me na, eh," paalam ko. Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Call me if that evil manipulative bitch hurts you," bulong niya bago ako tinapik sa balikat. Mahina akong natawa bago tumango. Saglit pa kaming nag-usap bago ako lumabas. Katulad kanina, malamig pa rin sa labas. Kahit na nakasuot ako ng hoodie ay hindi ko pa ring mapigilan na yakapin ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. I'm only leaving for 2 months but I know that I'll be homesick. Mami-miss ko ang weather dito.

"Ready to go?" bungad sa akin ni mommy nang makarating ako sa tapat ng bahay. Iba na ang suot niyang damit pero ganon pa rin ang style. She's wearing a business suit na para bang papunta siya sa isang conference meeting at handa na siyang magpabagsak ng mga kalaban niyang kumpanya. 

"I am never ready, mom," nakangiwi kong sabi. Mapait siyang ngumiti. I know that she also doesn't want this for me. Hindi niya gustong tumira ako roon kahit na ilang segundo lang dahil hindi ako kumportable. Pero wala kaming magagawa dahil ito ang pinirmahan niya sa kasunduan nila ni daddy. Sa kanya ako buong taon, kay daddy ako ng 2 months. Matitigil lang 'yung kasunduan na 'yon kapag 18 years old na ako. I'm turning 16 this May so may 2 years pa. May 2 years pa bago ako pumili kung saan ko gustong mag stay at tumira. 

"I can't wait 'till you turn 18," nakangiti niyang sabi. Tumango ako at hinaplos ang mukha niya. 

"Me too," pagsang-ayon ko. I never hated my dad but I hate her wife. Her wife never hurted me but she's suffocating. Sa totoo lang, may sarili-sarili kaming mundo tuwing nasa bahay nila ako. Hindi niya ako pinapakielaman o gumagawa ng masasamang bagay sa'kin. Hindi siya madalas na nagsasalita pero kaya niyang iparamdam sayo na hindi ka kailanman magiging belong sa pamilya niya. Kaya niyang isampal sa'kin na anak lang ako sa labas kahit tingnan niya lang ako. 

Si mommy ang nag-drive papuntang airport. Walang saktong oras ang pag-alis namin dahil sa sariling eroplano naman kami sasakay. Nang makarating sa airport, suot-suot ni mommy ang itim na salamin nang makababa kami ng kotse. Paparazzis are everywhere kaya kailangan naming mag-ingat. Mommy's bodyguards are everywhere though. Nakasuot lang sila ng simpleng damit katulad kung paano manamit ang isang normal na tao. Pakalat-kalat sila sa paligid pero hindi mo malalaman na bodyguards sila dahil hindi ka nila lalapitan hanggat walang nangyayari sayo na masama. Alam ko rin na mayroong magbabantay sa akin sa Pilipinas lalo na't malayo ako kay mommy.

Matagal ang binyahe namin pero hindi man lang ako nakaramdam ng sakit ng katawan. I have my bed in the plane, so I don't need to sit for hours. Paglapag ng eroplano ay hindi na kami nagsayang ng oras para tumambay pa. Nauna si mommy na lumabas at sumunod na lang ako. 

"It's hot in here. I wanna go back to Maryland," nakasimangot kong sabi. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni mommy nang sabihin ko 'yon. I'm sure that she's used of hearing that line because that's what I'm always saying whenever we're visiting here. 

"Wear sunglass, Azari. Masyadong mainit," sabi niya na agad ko namang sinunod. Umaga kami umalis sa maryland kaya naman umaga rin nang makarating kami rito. Parang kanina lang, lamig na lamig pa ako tapos ngayon halos tumagaktak na ang pawis sa buong katawan ko. 

Habang naglalakad palabas ng airpot ay hinubad ko ang hoodie ko. Sa Caticlan na kami bumaba at hindi na tumigil sa Manila. Pagkalabas ng airport ay may nag-iintay na sa amin na sasakyan. I thinks it's a Mercedes benz since it's the same car that mom used on my 13th birthday. 

"Magandang umaga po, ma'am Alejandra, ma'am Azari," bati nung driver sa'min. Tanging pag tango at ngiti lang ang isinagot namin sa kanya. Pinagbuksan niya kami ng pinto bago isa-isang ipinasok ang mga dala naming gamit sa compartment ng sasakyan. 

Nagsimulang umandar ang sasakyan at habang lumilipas ang mga minuto, unti-unti na ring nawawala sa paligid ang mga naglalakihang gusali. Nadaanan pa namin ang magandang tanawin ng boracay bago lumiko sa isang malinis na daan at puro puno ang paligid. I can say that this road is in the middle of a forest. Para kang nasa ibang bansa dahil sobrang linis ng daan. Malalayo rin ang pagitan ng mga sasakyan kaya tuloy-tuloy lang ang takbo ng namin. 

Ilang minuto ang nakalipas nang mabasa ko na ang karatula na may nakasulat na "Fuego" 

Malaki ang sakop ng fuego sa Aklan. Hindi nga lang madalas na napupuntahan dahil sa tagong part siya ng probinsya. Mommy said there are different families na nakatira roon at almost all of them, mayayaman. Bukod sa kanila, puro  magsasaka, mangingisda, at mga nagbebenta lang ng gulay ang nakatira roon. Dad is one of the rich man too but daddy's house is far from them. Parang may sarili silang mundo dahil malaki ang lupain pero isa lang ang nakatayong bahay. Mommy said dad isn't the richest though. Mas marami pang mas mayaman sa kanya na Pamilya. Nakilala lang siya dahil kasama siya sa mga malalaking negosyo na nagsu-supply ng gulay at prutas sa buong bansa. 

Nang makapasok sa bayan ng Fuego ay kita ko uli ang magagandang tanawin. Asul na asul na dagat at puting-puting buhangin. Mommy said they have batis din dito pero tagong parte na at malayo rin sa bahay ni daddy. Ilang naglalakihang bahay at magagandang dagat pa ang nadaanan namin bago kami ulit dumaan sa puro puno na parte ng Fuego. Ito 'yung palatandaan ko lagi na malapit na kami sa bahay ni daddy kasi tagong parte na. Isang liko pa ang ginawa ng driver bago ko makita ang malaking gate na may nakasulat na "Lafuente" 

Ibinaba ko ang bintana at pinakatitigan ang malaking bahay na nasa harap ko. It's a spanish styled mansion, parang kina tita Elena. Ang pinagkaiba lang ay mas malaki ang kanila tita. 

"Daddy, nandito na sila!" rinig kong sigaw ng isang babae. I think that's Ria, my stepsister. 

Huminto ang sasakyan nang makapasok kami sa loob. Sabay kaming bumaba ni mommy na suot pa rin ang sunglass kahit hindi naman na mainit dahil maraming puno sa paligid. Pagkababa ko ay napansin ko kaagad ang pinagbago ng bahay. Mas dumami ang halaman sa paligid at mas gumanda ang pagkalagay ng mga 'yon. Hinubad ko ang sunglass ko at inikot ang mga mata sa paligid. This place is very peaceful. Pero para kang nasa hell kapag nalaman mo na 'yung ugali ng may ari. 

"Azari!" malakas na tawag sa'kin ni Ria bago tumakbo papalapit sa akin. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap at may kasama pang halik sa pisngi. Ria is like a different version of her mom. Sobrang bait niya at never niyang pinaramdam sa akin na kapatid niya ako sa labas. 

I only disliked her because she looks exactly like her mother. I hate myself for hating her because of that. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status