Share

KABANATA 005

As December approaches in United States, there is a noticeable change in the atmosphere. The air turns crisp and cool, carrying with it a hint of winter’s arrival. Streets and homes come alive with a festive spirit as twinkling lights, colorful decorations, and ornaments adorn every corner. The sight of houses embellished with wreaths, garlands, and illuminated displays adds a touch of enchantment to the surroundings.

“Mommy, when are we going to visit the Christmas Market? I really want to see Santa Claus!” masayang tumatakbo si Zoey papuntang kusina para kitain ang kanyang ina. “Marga just called and said they went to see Santa. I wanna go there too, mommy.” Sabi pa nito habang nakayakap sa bewang ng kanyang ina. Tumingala pa ito, at puno ng panunuyong tinitigan ang ina.

Marahan na tinanggal ni Eris ang maliliit na braso na nakapulupot sa kanya saka umupo para pantayan ang tangkad ng anak, “Should I ask butler Theodore to come with you?” she smiled, as she gently tucked some strands of hair behind her daughter’s ear.

Bigla namang nalungkot ang expresyon ng anak, tila hindi pabor sa gusto ng mommy niya. Hindi naman matiis ni Eris na makita itong malungkot kaya kaagad niyang binawi ang sinabi. “But wouldn’t it be way cooler if Zach and I tagged along with you?”

Mabilis na nagbago ang expresyon sa mukha ng anak. Sa sobrang galak, niyakap nito ang kanyang ina habang nagtatatalon. “Yay! Thank you, Mommy! I’ll go and tell kuya that we’re going to the Christmas market. I can’t wait!” she excitedly dashed out the kitchen to see his twin brother Zach.

Limang taon na ang nakalipas magmula noong nilisan niya ang Pilipinas kasama ang kanyang kambal na sina Zoey at Zach. Noong una, ayaw pa sanang pumayag ni Donya Feliza sa kagustuhan niyang tumira sa States at lumayo sa kanila, pero buo na ang desisyon ni Eris na magbagong buhay kasama ang mga anak.

Nagbago din ang pananaw niya sa buhay nang dumating sa kanya ang kambal. Gusto niyang mamuhay malayo sa lugar kung saan niya iniwan ang masasakit na alaala. Wala na siyang gustong hilingin pa, dahil sapat na sa kanya ang mamuhay nang mapayapa kasama sina Zoey at Zach.

“What is it Theodore?” napaayos siya ng tayo nang biglang pumasok ang butler niya sa kusina. “May problema ba?” nag-aalalang tanong niya nang makitang balisa ito.

“I received a call from your cousin, saying Donya Feliza was suffering from incurable disease.” Walang patumpik-tumpik nitong sagot.

“How’s she doing? Why didn’t they give us a heads up about this?” kunot noong tanong ni Eris habang hinuhubad ang suot na Apron.

“Ayaw ipaalam sa’yo ni Donya Feliza ang kalagayan niya. Pero gayong sobrang lala na ng sakit niya, gusto kayong pauwiin ni Sir Aaron dahil nag-aalala siyang baka hindi niyo na siya maabutan.”

“I need to talk to Aaron. Tawagan mo siya, ngayon din!” utos nito at dali-daling lumabas sa kusina.

Sakto namang pagkalabas niya ay nakasalubong niya si Manang Sela, ang katulong niya sa pagpapalaki sa mga bata. “Manang Sela, paki-impake sa mga gamit ng mga bata. Aalis tayo ngayong gabi,”

“Sige po,”

Kitang-kita ni Manang Sela na natataranta sa pagkakataong ito ang amo niya kung kaya’t hindi na niya nagawa pang itanong kung anong dahilan ng balak nilang pag-alis.

“Mommy, should I wear my Santa dress—”

“I want you to help Manang Sela to pack your things. We’re leaving,” putol ni Eris sa kanyang anak na excited pa naman sanang ipakita ang bitbit nitong dress, saka ito nilagpasan para hanapin pa ang isang anak.

Laglag balikat habang nakangusong sumagot si Zoey. “I thought we’re going to Christmas Market?” malungkot ang boses nito pero kaagad siyang hinawakan ni Manang Sela sa magkabilang balikat at iginiya papuntang kwarto.

Alam niyang namomroblema na ngayon ang amo niya at ayaw niyang dagdagan pa ito ng pangungulit ng anak. “Mommy will talk to you later, but for now, aasikasuhin muna natin ang mga gamit mo dahil magbabakasyon kayo.” rason ng katulong sa bata.

Kahit na dito lumaki sa United States ang kambal, kahit papano ay nakakaintindi pa din ito ng tagalog dahil halos lahat ng katulong at nagtatrabaho sa mansyon nila ay pawang mga pinoy.

“Did she tell you po kung saan?” napalitan ng pagkasabik ang kaninang malungkot na expresyon ng bata.

Ngumiti lang ang katulong saka dumiretso sa kwarto ni Zoey. Kahit siya ay hindi din alam kung saan sila pupunta, basta’t mag-impake lang daw sila ng gamit.

Pinagpatuloy naman ni Eris ang paghahanap sa isa pang anak. Malawak ang mansyon kung kaya’t hindi niya kaagad makita kung saan nagpupunta ang mga anak niya.

“Have you seen Zach?” tanong ni Eris nang mapadaan ang isa pa niyang katulong na halatang katatapos lang maglinis dahil bitbit pa nito ang isang vacuum cleaner.

“Nasa studio po siya, ma’am.”

Napahinga naman si Eris nang maluwag. “Thank you,”

Sumakay siya sa elevator at kaagad na pinindot ang ground floor.

Zach was three years old nang mapag-alaman ni Eris na mahilig itong mag-drawing. Since then, nagpaggwa siya ng studio sa ground floor para ma-explore pa lalo ng anak ang kahiligan nito.

Pagkarating niya sa ground floor, kumatok siya sa pinto ng studio bago pumasok. Nadatnan niya ang anak na nakaupo, kaharap ang isang wooden easel stand. He was wearing a headset habang gumuguhit kung kaya’t hindi nito namalayan ang biglaang pagpasok ng ina.  

“Zach?”

Natigil siya sa ginagawa at umangat nang tingin. “What brings you here, mom?” tinanggal nito ang suot na headset.

Naglakad palapit sa kanya ang ina at umupo sa tabi nitong upuan. “Did I bother you?” tanong pa niya at simpleng pag-iling lamang ang sinagot ng anak.

If Zoey is playful and loud, her twin brother is the complete opposite. Zach is calm, quiet, and thinks in a mature way. Magkaibang-magkaiba silang dalawa ng pag-uugali.

“We’re leaving.” Diretsong sabi ng ni Eris.

“Where to?” takang tanong ng anak.

“At your Lola’s house.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status