Share

KABANATA 006

As Eris and her twins stepped off the plane, they were greeted by a flurry of activity. Amidst the bustling crowd, Eris’s daughter Zoey suddenly tugged at her sleeve, her face showing an urgent need. “Mom, I really need to pee,” she exclaimed. Eris quickly scanned the surroundings, searching for restroom signs.

“Theodore, mauna na kayo ni Zach sa kotse. Susunod na lang kami ni Zoey,”

“Sige po,” habang bitbit ni Theodore ang luggage, hawak niya sa kabilang kamay si Zach atsaka umalis.

Minadali naman ni Eris na hanapin ang restroom. Ilang taon na din kasi ang nakalipas noong huli siyang makapunta dito sa airport. Madami ang nagbago at masyadong malawak ang airport dahilan para mahirapan siya sa pasikot-sikot at maghanap sa hinahanap niya.

“Diretsuhin mo lang po ‘yan, at sa may bandang dulo, lumiko lang kayo sa kanan at makikita niyo ang restroom.” Sagot ng isang security guard na napagtanungan niya.

“Thank you,”

Mabilis nilang tinahak ang direksyon na sinabi ng guard, at kalauna’y narating na din nila ang sinasabing restroom. “No need to help me, mom. I can handle this.” Ani Zoey nang balakin ni Eris na samahan siya sa loob ng cubicle.

“Okay, take your time,”

Naiiling si Eris at hindi maitago ang ngiti. She couldn’t help but realize how fast her children had grown. Sino ang mag-aakala na ang Zoey na palaging umiiyak kapag walang kasama sa banyo ay gusto nang mapag-isa at ayaw magpasama?

Habang naghihintay, napagpasyahan din ni Eris ang pumasok sa isa pang cubicle nang maramdaman niyang parang puputok na din ang kanyang pantog. Malayo pa naman ang byahe nila dahil doon sila uuwi ngayon ng mga bata sa Villa ng lola niya sa Nueva Ecija.

“Hey! Where the h-ll are you looking!?” Napapitlag si Eris sa gulat nang bigla siyang makarinig ng sigaw mula sa labas. “Hoy, bata! Alam mo ba kung gaano kamahal ang suot kong marni boots?”

Naiiling na lamang siya habang pinapakinggan ang nangyayari sa labas. “How rude. Kahit bata papatulan,” bulong niya saka inayos ang suot na trousers para makalabas na din.

“I-I’m sorry, I didn’t mean to bump into you.”

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang kanyang anak. Marahas niyang binuksan ang pinto ng cubicle at nilapitan si Zoey na mangiyak-ngiyak habang nakatitig lang sa babaeng sumigaw sa kanya. “Are you okay?” kitang-kita niya kung paano ito manginig sa takot. Hindi sanay ang anak niya na sinisigawan ito. “Ano bang ginawa ng anak ko para sigawan mo siya nang ganun?” bumaling si Eris sa babaeng nang-away sa anak.

Walang sino man ang pwede sumigaw-sigaw sa anak niya at api-apihin ito.

“E-Eris?” halos natuod ang babae sa kinatatayuan at tinakpan pa ang nakaawang na bibig dahil sa gulat.

Kahit si Eris ay nagulat din nang makita na si Ivee pala ang kaaway ng anak niya. Akalain mo nga namang pagkalipas ng limang taon, kung kailan pa siya ulit nakabalik ng Pilipinas ay magpapakita ang babaeng sumira sa buhay niya dati. Si Ivee na dating kabit ng ex-husband niya at ngayo’y pumalit sa trono niya bilang may-asawa.

“Ang tanda mo na para pumatol sa bata,” hindi pinahalata ni Eris na nagulat din siya sa muli nilang pagkikita.

Ang alam nilang lahat ay patay na siya, at papanindigan niya ‘yon. Hindi siya pwedeng magpadala kay Ivee dahil oras na malaman ng ex-father-in-law niya na buhay pa din siya hanggang ngayon, ay baka ipadispatcha na naman siya at madamay ang kambal niya.

Pinagtangkaan na siya dati dahil gusto ng ama ni Blaze na mawala na siya, kaya hindi malabong gawin ulit iyon sa kanya,

“Ano? Hindi ka makapagsalita? Bakit parang nakakita ka ng multo?” pagak na napatawa si Eris nang makita ang takot na takot na expresyon na nakapaskil sa mukha ni Ivee.

“H-How? I-I mean… y-you were found d-dead, five years ago?” nagkanda-utal-utal na ito na para bang hirap pang sabihin ang buong salita. “I must be insane. Why do I keep seeing things? She’s gone dead! Bakit ayaw pa niyang lumagay sa tahimik?” tumingin pa ito sa salamin at kinusot ang mga mata. Nang makita niyang nakatayo pa din si Eris sa kanyang likuran ay kaagad siyang naghilamos.

Napangisi naman si Eris sa nakikita. ‘guess like she’s afraid seeing my ghost’ ani sa isip. Mas lalo siyang napangisi nang may maisip siyang magandang plano.

“Why do you claim that a person is already dead when they’re still alive? Alam mo bang pwede kitang akusahan sa pagbibintang na patay na ang taong buhay pa?” hirit niya dahilan para mapasigaw si Ivee habang tinatakpan ang magkabilang tenga.

“Tara na,” binuhat niya ang kanyang anak at lumabas ng restroom na may nakakalokong ngisi.

This time, she won against Ivee.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Severina Esmeña Malaga
namatay ang pinagbubuntis sa accident tapos biglang nagkaroon ng anak na kambal bakit parang kulang di ko maintindihan
goodnovel comment avatar
low-key
nxt xhapter sana
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status