Share

Chapter 34

Sinubukan ni Ali na kontrolin ang reaksyon niya nang tuluyang makarating sa pool ngunit hindi pa rin niya napigilan ang mapabulalas ng paghanga. Ang pool ay gawa sa semento at bato at napinturahan ng iba't ibang kulay. Hindi ito masyadong malaki pero sapat na para sa mga gustong mag-ehersisyo na lumangoy ng pabalik-balik. Sa may bandang kaliwa ay may lounge chair na dalawa at maliit na mesa. Hindi na rin kailangan pa ng malaking payong para silong dahil nasisilungan na ng mga dahon ng kawayan. Idagdag pa na dapit hapon na at nagsisimulang lumubog ang araw kaya medyo madilim dito.

Sa may gilid na bahagi ng pool ay parang may fountain at gawa sa mga kawayan ang ginamit na parang hose na daluyan ng tubig. Bumabagsak din ang tubig sa pool at napakasarap sa taynga ang lagaslas ng tubig.

May neon lights na nakakabit sa mga kawayan pero hindi naka-on. Mukhang ito lang ang tanging ilaw ng pool kapag gusto mong lumangoy sa gabi.

Lumapit siya sa gilid ng pool at nag-skwat saka isinawsaw ang kam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Josa Catada
update please
goodnovel comment avatar
Marivic Sancha
more more updates please author
goodnovel comment avatar
Myline Gatdula
pogi mo tlga eros ha ha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status