Share

Chapter 35

The neon lights are flickering around them as they casually eat their dinner. Dinala ng mga kasambahay ang pagkain dito sa may pool katulad ng utos ni Eros.

Pagdating sa pagkain lalo na kung nagugustuhan ni Ali ay nagiging tahimik siya at hindi nagsasalita. Nag-eenjoy siyang kumain at namnamin ang bawat lasa ng putaheng nasa hapag. At hindi naman siya dinistorbo ni Eros sa kanyang maganang pagkain. Hinintay nito hanggang sa matapos siya.

Ngunit nahihiya siyang dumighay sa harapan nito kaya hinaplos na lang niya ang dibdib at uminom ng tubig. Pagkatapos ay sumulyap siya sa binata na kanina pa pala nakamasid sa kanya.

Bigla siyang nahiya at agad pinunasan ang bibig. Hindi siya makalat kumain pero na-conscious siya dahil sa malalim na tingin nito.

“Hindi halata na malakas kang kumain.”

At parang sinasadya pa ni Eros at sabihin ang katagang ito. Hindi man derektang sinabi nito na matakaw siya pero ganun pa rin ang ibig sabihin ‘nun.

Inirapan niya ito pero nang ngumisi ito at gamit ang ulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status