Nang gumising si Eros kinaumagahan ay wala na sa tabi niya ang dalaga. Tanging ang nakatuping damit nila ang nakita niya. Tinignan niya ang oras sa cellphone at alas nuwebe na pala ng umaga. Bumangon siya at kinuha ang boxers at isang beach shorts niya at isinuot ito bago lumabas ng tent. Sure siya na ang dalaga ang nag-ayos ng isusuot niya dahil ang bag nila na pinaayos niya sa kasambahay ay maayos na ring nakalagay sa gilid. May maliit na table ang nasa lilim ng isang open tent at may mga nakahandang pagkain na roon nang lumabas siya.May isang grilling stand din siyang nakita at may iniihaw ang caretaker ng isla. Nasa mid fifties na ang matanda at matagal nang nagtatrabaho sa pamilya nila. Kaya malapit ang loob niya sa mag-asawa at tinuturing kapamilya ang mga ito. Walang anak ang mag-asawa kaya sila na ang tinuturing nilang mga anak.“Magandang umaga, ‘nak,” bati ni Nana Lena nang lumingon ito at makita siya. “Pinatayo ko ito sa Tata Dante mo dahil hiniling ng kasintahan mo kanina
Nakaupo si Eros at pinapanood si Ali na pumulot ng mga shells. At sa tuwing may makikita ito na maganda ay lalarawan sa mata nito ang tuwa. Pagkatapos ay kakaway ito at ipapakita ang kabibe sa kanya. Para talaga itong batang paslit na nakahanap ng bagay na magpapasaya rito.Idagdag pa na papalubog na ang araw at animo nagkulay orange ang buong paligid. Kung isa lamang siyang pintor ay ipipinta niya ang scenery na ito kabilang na ang pigura ni Ali. Ang suot nitong shawl na nakatali sa may baywang nito ay nililipad ng hangin pati na ang buhok nito. It was magnificent and breathtaking scene.Kinuha niya ang cellphone niya na nakalapag sa mesa at kinunan ito ng larawan. Lahat ng anggulo na nakita niyang maganda ay pinipindot niya ang camera. Pero natigil siya sa pagkuha ng larawan nang tumunog ang hawak niyang cellphone. Kumunot ang noo niya at tinignan ito.Pero nang makitang hindi pamilyar ang nagpadala ng email ay hindi na niya ito binigyan ng pansin at inignora lamang. Ipinatong na ni
Alas diyes na ng gabi nang pumasok sila sa vacation house. Hindi na nagpumilit ngayon si Ali na sa tent uli sila matulog. Dahil ito na ang huling gabi nila rito sa isla ay kinausap ng binata ang dalaga na agad namang sumang-ayon. Maliban na lamang kasi nang maligo at kailangan nitong pumunta sa banyo ay hindi ito nanatili sa loob. Mas gusto ni Ali ang maupo sa ilalim ng niyog o ng tent para panoorin ang alon.Ang rason ng dalaga ay hindi nito alam kung kailan uli ito pupunta sa beach. At pagkatapos nitong sabihin ito ay naging unhappy ang mukha nito. Dumaan din ang sabik at lumbay sa mata nito. Ganun ang emosyon na parang ayaw nitong umalis ng isla. But he didn't ask. Kahit hindi niya tanungin ay alam niyang dahil ito sa dagat.Nahiga si Ali sa kama at tumingin sa kanya. “Tinatamad akong mag-shower.”Hinaplos niya ang ulo nito. “Mauuna akong mag-shower kung ganun?”Tumango si Ali. Kinuha ni Eros ang tuwalya at pumasok sa banyo samantalang ang dalaga ay bumuntong hininga at pumikit. Tu
Nababagot na humilata si Ali sa sofa at panay ang buntong hininga. Inihatid muna siya rito ni Eros bago ito agad na umalis para bumiyahe papunta sa Laguna. Pinigil pa niya ang sariling pigilan itong pumunta. Habang pinapanood niya ang sasakyan papalayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya at nanikip ang dibdib niya. Pasimple pa na pinunasan niya kanina ang luhang nalaglag sa kanyang mata bago tuluyang pumasok ng bahay.Iyong saya na kanyang naranasan habang nasa isla ay hindi ito mapapalitan ng ano mang material na bagay. She will treasure every moment they shared on that island. She will keep in her heart and reminisce if she wants to. Ito kasi ang unang pagkakataon na sumaya siya nang wala siyang iniintinding problema.Nagpakawala siya ng animo pagod na hininga at bored na umungol. Noon ay kapag ganitong wala siyang pasok ay nasa trabaho siya. At nagrereklamo ang katawan niya dahil sa pagod. Pero ngayon naman ay nagrereklamo ang isip niya dahil wala siyang ginagawa.“I miss him a
Pinagpapawisan ng malapot si Ali habang nakaupo sa silya sa harap ni Senior Faustino, ang ama ni Eros. Kagigising lamang nila ni Penny kanina nang makatanggap ng tawag ang babae. Ang utos ng senior ay ang dalhin siya sa Heritage Ville at sa bahay ng magulang ng binata.Noong marinig niya ang utos ng senior at ang makapangyarihang boses ng matanda ay hindi niya maiwasang kabahan. Bigla siyang natakot ng hindi niya maintindihan kung bakit. Ang utos pa ng senior ay dapat trienta'y minutos ay naroon na sila.Dahil sa tono ng matanda ay biglang bumalik sa isipan niya ang nangyari kahapon. May hinala siya na baka may inutusan itong sundan siya at narinig lahat ng mga sinabi niya. Tapos sinumbong sa ama ni Eros kaya ito at pinatawag siya.Pagdating nila rito ay sa study room sila pumunta ni Penny ngunit naiwan ito sa labas at tanging siya lamang ang pumasok. Hindi lamang si senior ang nandito kundi pati na ang ina ni Eros na si senyora Camila.Their piercing gaze was like a sharp razor penet
Bumuntong hininga si Alina nang tignan niya ang laman ng kaniyang wallet. Two hundred pesos lamang ang natitirang pera niya at kasya lang sa pambili niya ng isang kilo ng bigas at ulam niya. At wala ng matitira pa sa kaniya. Ang magiging sweldo rin niya sa kaniyang part-time job ay sapat na para mabayaran lang niya ang upa niya ng isang buwan sa kaniyang maliit na apartment. Kulang na kulang talaga para sa gagastusin niya. Tapos ito at namomroblema pa siya sa ibabayad niya sa school para sa thesis niya. Wala na siyang maisip na paraan para makahanap ng perang gagamitin niya.Simula noong umalis siya sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki ay siya na ang nagtutustos sa lahat ng pangangailangan niya. Minsan nga ay gusto niyang tanungin ang maykapal kung bakit naging ganito ang buhay niya? Kung bakit kailangan pa siyang ipanganak sa mundong ito kung ang dadanasin din niya ay ang ganitong hirap. Pero agad na winawaglit niya ito sa kaniyang isipan at nag-iisip agad siya ng positibo. Kung mag
Nasa harap ng pinto si Alina ng hotel room kung saan sila ngayon magkikita ng VIP client na tinutukoy ni Mamu. Ang lakas ng pagdagundong ng kaniyang dibdib at sa tuwing itataas niya ang nanginginig niyang kamay para gamitin ang key card at buksan ang pinto ay nabibitin sa ere ang kamay niya. Puno siya ng pag-aalinlangan at takot. Naroon din ang pangamba na baka nagsisinungaling si Bree sa kaniya na baka may nakakaalam ng gagawin niya sa gabing ito. Ayaw niyang kapag pumasok na siya sa school ay nakatutok sa kaniya ang mata ng mga estyudante at pinag-uusapan siya. Inuusig at pinagtatawanan dahil naging escort siya.Mariing naglapat ang mga labi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa card. Pagkatapos ay niyuko ang kaniyang sarili. Ang suot niya ay isang lumang bulaklaking blouse at skinny jeans at flat sandals naman ang sapin niya sa paa. Pinipilit siya ni Bree na hiramin ang isang sexy dress na sinusuot nito kapag pumapasok ito ng Midnight Haven. Subalit tumanggi siya dahil naiilang
Pagkapasok ni Alina sa loob ng kaniyang apartment ay napaupo siya labag. Binitiwan din niya ang bag niya kung saan nakalagay ang cheque na kanina lang ay binigay ni Eros. Ni hindi niya tinignan kung magkano ba ang binayad nito at basta na lamang niya sinuksok sa bag niya at patalilis na nilisan ang hotel na ‘yon. Ni hindi siya lumingon para tignan ang gusali dahil ang gusto lang niya ay huwag tumatak sa isip niya na ang hotel na ito ay lugar kung saan niya binigay ang puri sa lalaking hindi man lang niyang kasintahan.Kahit pa si Eros ang lalaking iyon. Kilalang-kilala niya ang nasabing binata dahil isa ito sa bachelor na hinahabol ng maraming kababaihan. Sa laki ng business na pinamumunuan nito ay hindi maikakaila kung anong antas ng buhay ang meron ito. Isa itong galing sa alta syudad at kilala bilang batam-batang bilyonaryo ng bansa. Ang pamilya Ramazzotti ay noon pa'y kilala at hinahangaan sa larangan ng business. Nagsimula sa sa patriarch ng Ramazzotti hanggang sa henerasyon ng a