Share

KABANATA 18

Druskelle

Magkatulong na nagluto kami ni Draken at pagkatapos naming maghapunan ay kumuha na ako ng maiinom namin upang umpisahan ang session.

Sa kalagitnaan ng aming kuwentuhan, nang pansin kong paubos na ang yelo ay tumayo ako kaagad upang kumuha sa ref, ngunit pagbalik ko ay nakangiti na ang pinsan ko na parang timang habang nakatutok ang atensiyon sa telepono nito.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. "You look stupid. Babae iyan, 'no?" untag ko nang makalapit na ako rito bago inilapag sa gitna namin ang mga dala ko at naupo sa puwesto ko.

Lalo itong napangiti. "Kailan ka pa naging tsismoso?"

Binato ko ito ng maliit na pirasong yelo, ngunit matapos tamaan ay pinulot nito iyon sa kandungan at kinain.

"I'm not. Pero aminin mo, babae iyan. Iyang mga ngiti mong ganyan, alam na alam ko iyan."

Ibinaba nito ang cellphone sa mesa bago nagtaas ng tingin at napailing-iling. "Well, babae nga, si Apol."

Napakurap ako. "My secretary..." mahinang sambit ko.

"Yes, your adorable and hardworking secretar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status