Share

KABANATA 32

Apolonia

Mula sa pagkakalkal sa aking teleponong hawak ay napaangat ako ng tingin nang marinig kong bumukas na ang pinto ng CR, hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga yabag at natanawan ko na ang bulto ni Druskelle na halatang bagong ligo lang dahil kinukuskos pa nito ng tuwalyang hawak ang mamasa-masa pang buhok.

Ibinaba ko na sa kandungan ko nang tuluyan ang teleponong kinakalikot ko kanina at sa halip ay parang nahihipnotismong nasundan ko na lamang ito ng tingin habang binabaybay ang daan papunta sa sarili nitong kama.

Hindi ko alam pero nakakahalina talaga itong pagmasdan kapag ganitong tila ang kalmado ng aura nito, ang fresh pa ng dating, hindi lang tingnan kundi maging sa amoy rin nito na humahalimuyak sa silid na inookupa namin.

"Ba't ganyan ang suot mo? Lalabas ka pa?" kunot ang noo na puna ni Druskelle nang bumaling sa akin at mapansin nito ang suot kong hoodie jacket, pantalon at rubber shoes.

Medyo nagulat pa ako nang magsalita ito, hindi ko kasi namalayan na nasa akin na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status