Apolonia
Hindi ko mapigilang ma-distract sa mismong tao na nagtuturo at nag-e-explain sa akin sa mga dapat kong gawin lalo pa at ang lapit lang nito sa akin, amoy na amoy ko tuloy ang nanunuot sa ilong na nakakahalinang bango nito at natititigan ko ang mukha nitong kay sarap pagmasdan.Oh, Lord. Kung ganito ang pagsisilbihan ko everyday, panigurado na inspired at willing na willing akong pumasok at magtrabaho mula umaga hanggang sa mag-uwian, kahit na mag-overtime pa nga.Kainis. Bakit naman hindi kasama sa mga sinabi sa akin ni Mrs. San Diego na hindi lang mayaman, kundi mabango, mabait at ganito pala kaguwapo ang pamangkin nito?"Hey, are you still listening to me?"Napakurap ako at natauhan.Naabutan ko naman ang lalaki sa harap ko na nakatitig na pala ngayon sa akin.Para akong estudyante na nahuli ng titser na hindi pala nakikinig at kung saang lupalop na naglalakbay ang isipan!Oh, fck!Agad akong napaayos ng upo at umalis sa pagkakapangalumbaba, kulang na lang ay magpalamon ako sa sahig dahil sa nadaramang hiya.Ay, pucha! Ano bang ginagawa ko?!Dahan-dahan na yumuko ako at pumikit nang mariin.Pakshet, parang virus at nahawaan na yata ako ng kalanturan na taglay ni Vi. Bwisit!Gusto kong pukpukin ang ulo ko upang ipaalala sa sarili na hindi dapat paglandi ang inuuna ko, kundi ang misyon na siyang dahilan kung bakit ba ako narito."Katulad nang sinabi ko sa iyo kanina, hindi dapat tayo nag-aaksaya ng oras. If you really want this job, I suggest that you need to fix your focus," nangangaral ang tono na ani ng lalaki, hindi naman tunog galit.Parang basang sisiw na napaangat tuloy ako ng ulo upang tingnan ito."Tinanggap kita rito kahit na walang interview na naganap since nakita ko na okay naman ang nakalagay sa resume mo, related sa business world ang kursong tinapos mo na business administration, maganda rin ang feedback from your previous employer, result ng background investigation and even recommendation from one of the shareholders. Sana lang ay tama talaga ang naging desisyon ko na pinalusot kita sa tamang proseso sa pagha-hire ng tao," may nahimigan akong disappointment sa boses na sabi nito sa dulo.Hala ka! Iyan kasi, daydream pa nga! First day pa lang, basa na agad ang papel mo!Mariin na kinurot ko ang palad ko at nakagat ang labi ko. "S-Sorry po, Sir," hinging paumanhin ko.Pilit na ipinaalala sa sarili ko na nandito lang ako para sa misyon, hindi sa kung ano pang bagay.Huminga ito nang malalim at hindi kumibo habang nakatitig pa rin sa akin."Sorry po talaga. I'll pay more attention to what you're saying from now on, Sir," pangako ko habang magkadaop pa ang dalawang palad.Baka kasi hindi pa man ako nagsisimula ay masesanti na ako. Kapag nangyari iyon, yare ako. Paano na ang misyon ko? Saan ako kukuha ng ipambabayad kay Mrs. San Diego kung umpisa pa lang ay palpak at bigo na ako?Medyo nabawasan ang kaba ko nang bahagya na itong ngumiti sa akin."Kinakabahan ka na naman. It's okay. Sa susunod, just get your act together, okay? Hindi naman ako galit. Gusto ko lang na matutunan mo ang lahat ng dapat mong matutuhan dahil ayokong mapahiya ka, mapahiya ako, pati na ang shareholder na nag-recommend sa iyo. Lalo pa at hindi basta-basta at may pagkaistrikto ang magiging boss mo."Napakurap-kurap ako at biglang naguluhan.Ano raw? Magiging boss ko?Isn't he referring to himself?Bakit kung magsalita ito ay parang ibang tao ang tinutukoy nito?"Kapag may hindi na naman kasi iyon nagustuhan, panigurado na masesesante ka on the spot, katulad noong mga nauna sa iyo na sinesante rin niya. Kaya nga ako na mismo ang nagkusa na personal na maghahanap ng magiging sekretarya ng pinsan kong iyon kahit hindi pa siya pumapayag, nakakailang palit na ba naman kasi pero wala talagang nagtatagal. Sa totoo lang... wala akong mahanap, mabuti na nga lang at inirekomenda ka ni mommy, sakto naman at tingin ko ay qualified ka sa position."Pinsan? At mommy? Anak ito ni Mrs. San Diego?Gulat at nanlalaki ang mata na naituro ko ito nang may mapagtanto. "W-Wait, don't tell me, hindi po kayo si Sir Druskelle?" pagsasatinig ko sa naiisip ko.Bigla itong natawa nang malakas at sa huli ay nailing-iling. "I can't believe this. Kanina pa tayo magkasama at magkausap pero hindi mo pa pala ako kilala?" halata ang amusement sa tono na tanong nito.Hindi man tahasan pero tila kinumpirma na rin nito ang hinala ko.Fck. Hindi nga ito ang magiging boss ko?"Hala. Ang buong akala ko po ay kayo si Sir Druskelle. 'Yong totoo po? Hindi nga po talaga kayo ang magiging boss ko?" paglilinaw ko pa rin.Umiling ito habang nangingiti pa rin. "Well, technically I'm one of the many bosses here. I'm currently holding the position of Vice President for operations... next in line kay Druskelle, since he's the CEO and President," simpleng sabi nito.Ngunit wala man lang akong nahimigan na pagmamayabang sa tinig nito paukol sa posisyon nito gayong next in line pala ito sa pinakamataas sa kompanya."So, hindi nga po talaga kayo si Sir Druskelle? Sagutin ninyo po ako ng totoo at walang halong keme dahil hindi po ako nakikipagbiruan, Sir," makulit na tanong ko, kahit na hindi nakikipagbiruan ay umaasa pa rin ako na nagbibiro lang ito.Mahina itong natawa. "Hindi nga. Hindi naman ako nagbibiro, ah. Pinsan ko si Druskelle."Pinigilan ko ang mapalabi dahil sa pagkadismaya. "Sayang naman pala..." mahina kong sabi."Alin ang sayang?" tanong nito, na narinig pa pala ang sinabi ko."Akala ko po kasi everyday akong magiging inspired na pumasok at magtrabaho dahil kayo ang magiging boss ko," walang preno ko namang sagot.Tumaas ang kilay nito at pumorma ang magandang ngiti sa labi nito. "Really?"Sasagot na sana ako upang sumang-ayon kaso ay na-realize ko ang mga pinagsasabi ko kaya kinagat ko agad ang dila ko at nag-isip ng maisasagot habang ramdam ang pag-iinit ng pisngi ko.Fck! Bakit ako nadulas?! Nakakahiya! Ang daldal mo, self!"I'm flattered. Pero bakit mo naman nasabing magiging inspired kang pumasok at magtrabaho kung ako ang magiging boss mo?" untag nito sa akin, halatang pinipigil ang ngiting naaaliw.Napalunok ako at alanganing napangiti habang nag-iisip.Nang may maisip na ay lumunok muna ako bago magsalita. "U-Uh... what I mean po is... a-ano... ah, mukha po kasi kayong mabait at madali lang pakisamahan, mukhang makakasundo ko rin po kayo. Oo, iyon nga, gano'n nga po. 'Di ba po ang sarap magtrabaho kapag may harmony sa workplace dahil kasundo mo ang mga kasama mo, Sir?" mahabang paliwanag ko at halos hindi na makahinga dahil sa bilis kong magsalita.Sana lang ay maniwala ito at naintindihan nito ang sinabi ko."Well, thank you. And you're right. Pero mukhang masyado na tayo parehong nalilibang, let's get back to business, may mga ibibilin pa ako sa iyo regarding dos and don'ts when your boss is around," sabi nito.Hays. Oo nga pala... ano ba iyan!Balak ko pa sanang tumutol at makausap pa ito nang hindi tungkol sa trabaho at personal na bagay patungkol dito, lalo na ang tanungin ang pangalan nito pero sa pagkadismaya ko ay seryoso na itong nagsimulang magpatuloy sa pagdi-discuss sa mga bagay na dapat kong gawin at tandaan.Gusto ko tuloy na tapikin ang sariling balikat ko.Bawi ka na lang sa next life, self.ApoloniaUpang palubagin kahit papaano ang loob ko at upang makapag-concentrate ay isiniksik ko na lang sa isip ko na may pagkakataon pa naman ako mamaya, bukas o kaya ay sa mga susunod pang araw upang daldalin ito at tanungin, tutal naman ay nasa iisang kompanya kami at paniguradong magkikita at magkikita kami rito sa opisina since pinsan naman nito ang boss ko, saka mukha rin naman itong friendly, hindi supladito at mukhang madaling lapitan.Ganadong nakinig na lang ako at isinulat sa maliit na notebook na dala ko ang bawat sabihin nito sa mga sumunod na sandali."I think that would be all. Naisulat at nakuha mo ba lahat noong sinabi ko?" nakangiting sabi nito sa akin nang matapos na ito.Tumango ako. "Yes, Sir."Lumawak ang ngiti nito na nagpatingkad lalo sa pisikal na hitsura nito. "Good. Anyway, I hope na mag-enjoy, mag-grow at magtagal ka sa pananatili mo rito sa kompanya, Ms. Marquez. Always give and do your best in every
ApoloniaKaagad na dinampot ko ang telepono kong nasa mesa nang tumunog iyon at nang makita ang pangalan ng tumatawag ay pasimple akong tumingin sa pinto at bintana ng opisina ng boss ko na nakababa sa ngayon ang blinds. Dahil hindi naman ako nito nakikita at 'di ko rin ito nakikita ngayon ay mabilis na akong tumayo at lumabas upang sagutin ang tawag.Nang makalayo na ako at masiguro na walang makakarinig sa pakikipag-usap ko sa caller ay huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "H-Hello po, magandang umaga po, Mrs. San Diego," mahina kong bati."Hello, magandang umaga, my dear. Gusto lang kitang batiin dahil naging successful ang una mong misyon," bungad na bati nito sa akin at narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya.Napangiwi ako. "Uh... thank you po?" hindi sigurado sa isasagot na sabi ko na lang.Hindi naman dapat kasi ako nitong batiin dahil sa totoo lang ay wala pa naman akong ginagawang hakbang, at ang totoo nga ay ang anak nito at ito mismo ang gumawa ng par
ApoloniaNaramdaman ko naman kaagad ang kamay ng boss ko na sumapo sa likod ko upang suportahan marahil ako at hindi malaglag, kasunod naman niyon ay naramdaman ko naman ang paninigas at tila pagka-tense nito ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin, sa halip ay nilingon ko nang may takot ang table nito habang nakayakap pa rin ang mga braso ko sa leeg nito at ang mga binti ko naman sa beywang nito.Fck.Hanggang ngayon ay abot-abot pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot at kabang nadarama.Daga at ahas pa man din talaga kasi ang kinatatakutan ko sa lahat ng hayop.Makalipas ang ilang sandali ay narinig ko na tumikhim ang amo ko.Ito naman ang nilingon ko upang usisain sana at kumpirmahin kung ano ba ang mayroon sa table nito, ngunit natigil sa pagbuka ang bibig ko at tila nalulon ko na ang mga salitang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung gaano pala kalapit ang mukha namin sa isa't isa, lalo pa at inalis na nito ang pagkakatakip ng panyo sa gawing bibig at ilong nito dah
ApoloniaInalis ko na ang face mask na suot ko kanina pa habang naglilinis ako upang hindi ko masinghot ang mga alikabok at baka ako naman ang sumunod na atakihin nang malala at sunod-sunod na pagbahing katulad nang nangyari sa boss ko kahapon.Nakahinga ako nang maluwag at napangiti ako nang masigurado na natapos ko na sa wakas ang paglilinis ng area at mga gamit nito.Sinadya kong agahan ang aking pagpasok upang makapaglinis nang bongga at makabawi man lang ako sa kapalpakan na nagawa ko kahapon.I made sure na hindi na muling aatakihin pa ng allergic rhinitis nito si Sir Druskelle. Napipilitan man at labag man sa loob ko ay kailangan kong manatili, hindi dapat ako masesante, lalo pa at hindi pa nga ako nakaka-first base man lang para kuhanin ang loob nito.Kasalukuyang inililibot ko ang tingin sa silid nang may marinig akong pagkatok, agad naman akong napalingon sa pinto ng opisina ng boss ko na nakabukas. Ang naabutan ng mata kong naroon ay ang pinsan nito na si Draken.As usual a
Apolonia"Nai-take down mo ba ang lahat ng mga importanteng napag-usapan sa meeting?" usisa sa akin ni Druskelle na hindi man lang ako nilingon dahil diretso lang sa harapan ang tingin nito mula pa kanina nang makalabas kami ng boardroom pagkatapos ng meeting.Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad ngayon dito sa mahaba at malinis na hallway, walang makikitang taong nagkalat dahil abala ang lahat sa kanya-kanyang trabaho.Hindi naman ako bansutin pero dahil sa laking tao at ang haba ng mga binti ng kasama ko compare sa akin ay halos lakad-takbo na ang ginagawa ko para lang makaagapay at makaabot sa paglalakad na ginagawa nito.Wala naman sanang humahabol ditong sampung aso pero kung makalakad ito ay wagas na wagas. Ganado yatang masyado!Sumagap muna ako ng hangin. "Yes po, Sir..." hinihingal kong sagot makalipas ang ilang sandali.Baka kasi kapag hindi pa ako sumagot ay ma-warning-an na naman ako nito.Bigla na lamang itong huminto sa paglakad at nilingon ako, dahil nagmamadali ako sa
Apolonia"Pumunta ka rito sa bahay ko ngayon na mismo, Ms. Marquez," walang abog at tila ba nagmamadali na bungad na sabi ng boss ko pagkasagot ko pa lang sa tawag nito.Grabe. Utos agad-agad? Wala man lang pagbati at nakalimot na rin kahit ang mag-good morning?Umagang-umaga, pero nakaka-bad vibes itong boss ko. Wala man lang kasing pakunsuwelo. Ganitong hindi pa ako tapos maglinis ng opisina nito pero kung makapag-request naman ito na pumunta ako sa bahay nito ay parang kay simple lang ng utos nito. Akala yata ng bwisit ay may kakayahan akong mag-teleport kung makapag-demand ito.Hambalusin ko pa ito nitong hawak ko ngayong feather duster, e.Ang yaman-yaman nga, pero wala namang manners ang hanep! Gigil ako nito, kay aga-aga!Napaikot tuloy ang mata ko sa asar. "Ay, hello at good morning din po, Boss," sa halip ay sagot ko, sadyang ipinahalata ang pagiging sarkastiko ng aking tinig.Narinig ko na huminga ito nang malalim bago napatikhim, marahil ay na-realize na rin sa wakas ang na
Apolonia"A-Ano po ba ang nangyayari, Boss?" pabulong ko ring tanong, naguguluhan sa mga ganap.Maloloka ako sa boss kong ito, kung anu-ano na lang kasi bigla ang sinasabi at ginagawa."Shut up and just hug me back," madiin na utos nito sa akin, may pagkataranta pa at mahina ang tinig.Luh? Baliw ba ito? Ba't ko naman ito yayakapin? Sakalin baka puwede pa. Mas gusto ko iyon.Sa halip na sumunod, mula sa pagkakasandig ng ulo ko sa dibdib nito ay nagtaas ako ng tingin, nasalubong naman agad ng aking mata ang singkitin nitong mata na kanina pa yata nakatuon sa akin.Sht. Bakit ang cutie ng mata nito? Dati sa kilay lang ako nito naku-cute-an tapos ngayon pati na ang mata. Ano pa ang susunod, self? Umayos ka.At dahil hindi ko naman inaasahan na nakatutok sa akin ang mata nitong cutie ay tila ba nalunok ko na ang mga gusto kong sabihin, nalimutan ko na pati na ang pagtutol sa nais nitong ipagawa sa akin at nauntol ang balak sanang paglayo ko rito.Binundol ba naman kasi ng kakaibang kaba a
Apolonia"Hi, Apol," masigla at nakangiting bati kaagad sa akin ni Draken pagkapasok nito, pagkatapos ay tumingin sa gawi ng opisina ng pinsan nito na kasalukuyang nakasarado ang pinto, maging ang blinds."Hello po, good afternoon po, Sir Draken," magalang na bati ko rito at nahawa sa ngiti nito nang balingan ako nitong muli.Pinagsawa ko ang mata ko sa mukha nitong kay sarap talagang titigan at napakaaliwalas, 'di tulad noong pinsan nitong ang sarap binatin ng mukha."Good afternoon. Is Druskelle in his office now? Kinokontak ko pero hindi sumasagot, dumiretso na ako rito at hindi na kita tinawagan pa, naisip ko kasi na baka wala na naman kayo pareho," usisa nito.Kasalanan po ni Boss, 'di tuloy ako nakasilay sa iyo kahapon."Nandito po si Boss. Kausap lang po niya ngayon 'yong HR Director," nakangiti pa rin na tugon ko."Oh, kaya pala. Tungkol sa naging result ba ng meeting with audit noong nakaraan ang pinag-uusapan nila?" usisa nito."Hindi ko po alam, e. Baka po, Sir. Kanina pa p