ApoloniaTahimik at nakasimangot na nakasunod lang ako sa amo ko habang matalim ang mata na nakatingin sa likod nito.Naiinis talaga kasi ako na 'di ko mawari.Ilang beses ko nang pilit na isiniksik sa utak ko na hindi ko naman ito gusto at wala dapat akong paki kung hindi rin ako nito gusto pero bwisit lang, 'di ko alam kung saan ba talaga nanggagaling ang pagrerebelde ng loob ko sa realization ko, gusto kong magsintir.Argh!Dahil sa inis at pag-iisip ay hindi ko tuloy napaghandaan ang paghinto nito sa paglalakad at pagbaling nito sa akin bigla, mabuti na lang at nakapagpreno ang paa ko, iyon nga lang ay huling-huli ako nito na masama ang hilatsa ng mukha.Nangunot ang noo nito. "What's the matter? You're frowning."Kaagad na inayos ko ang ekspresyon ko bago umiling. "Nothing po," tugon ko.Alangan naman kasing aminin ko na naiinis ako, 'di ba?Ngunit sa halip na paniwalaan ang sinabi ko at magpatuloy na maglakad ay humalukipkip ito bago ako tinaasan ng kilay. "Nothing? Do you think
Apolonia"Kumusta po si Sir Draken?""Don't worry about him, he's already fine, kailangan lang ng kaunting pahinga pa," tugon ni Mrs. San Diego."Mainam naman po, pero bakit po kaya ilang araw na namin siyang hindi makontak?" usisa ko."Oh, about that... I confiscated his gadgets. You know, para makapagpahinga siya nang maayos, for sure kasi ay hindi iyon makakapagpahinga kung nasa kanya ang mga gadget niya at kung anu-ano ang gagawin no'n."Ay, bongga. Strict naman pala sa anakis nitong si Mrs. San Diego, mukhang baby pa rin kung ituring at alagaan si Draken kahit na damulag na ang lalaki."Ah, kaya po pala...""Anyway, what's the news, dear? How are you? How's your stay in Baguio?"Sinimulan kong ikuwento rito ang mga ganap habang nandito kami sa Baguio ng pamangkin nito. "That's great news, my dear!" siyang-siya ang tinig na turan ni Mrs. San Diego.Hindi ko man ito kaharap, pero sigurado ako na malawak ang pagkakangiti nito ngayon.Napangiti rin tuloy ako.Ako man kasi ay masaya
ApoloniaSa gulat ko ay nanatiling nakatitig lamang ako kay Druskelle at gano'n naman din ito sa akin.Tama ba ang intindi ko sa ikinilos nito? Ayos lang dito at gusto nito na kumapit ako sa braso nito?Makalipas ang ilang sandali nang wala pa ring gumagalaw at kumikibo sa aming dalawa ay bahagya nitong ikiniling ang ulo at iminuwestra ang braso nitong tila ba nakaabang para sa akin upang hawakan at nakahandang kapitan ko.Parang tanga na napaturo tuloy ako sa sarili ko at napakurap-kurap. "A-Ako po, kakapit sa inyo?" paninigurado ko pa at pagsasatinig sa nasa isip ko.Huminga ito nang malalim bago ito tumango. "Yeah, is there anyone else in this room other than you and me?" he asked calmly.Luh? Ano ang nakain nito?Mabilis akong umiling. "Wala po... pero sure po ba kayo? I-I mean, okay lang po ba?" nag-aalangan pa rin na tanong ko.Malay ko ba kasi, mainam na ang nagtatanong at naninigurado, baka kasi bigla na lang itong magalit sa akin.Bahagyang kumunot ang noo nito. "Yeah, why no
ApoloniaNaramdaman ko ang paghawak ni Druskelle sa kamay kong nakakapit sa braso nito, pati na ang tila paghigpit ng hawak nito roon kalaunan. Hindi nagtagal ay napansin ko rin na parang bumibilis ang bawat hakbang nito.Ngunit hindi pala "parang" lang ang napansin ko, kundi totoo pala na bumibilis nga ang paglakad nito, wala sa oras na inalis ko tuloy ang pagkakatingin sa nakangiting mukha ni Liam upang mapagtuunan ng pansin ang bawat paghakbang ko sa pag-aalalang baka matapilok ako o madapa dahil sa kailangan kong umagapay sa paglakad ng kasama ko.Rinig ko pa rin ang pagtawag ni Liam sa akin, nang lumaon maging ang pangalan ni Druskelle ay tinatawag na rin nito, ngunit hindi ko na ito binalikan pa ng tingin, tila bingi naman ang boss ko at ni hindi man lang ito lumingon upang tingnan kung sino ba ang tumatawag dito, halatang wala itong balak na huminto.'Di ko tuloy mapigilang mapa-side-eye ng sulyap dito habang sumasabay sa malalaking hakbang nito, curious sa pagbabago ng mood nit
ApoloniaHabang naglalakad kami ay isinabay na rin namin ang pag-uusap sa mga dapat naming gawin at iakto sakali mang sumulpot na naman si Liam upang wala itong mahalata sa amin."Thank you, Ms. Marquez," pasasalamat ni Druskelle nang makaupo na kami sa harap ng isang hapag na bakante pa."Hala, anong thank you ka riyan, Boss? Hindi libre 'tong extra service ko, 'no. May kapalit 'to," mahinang sabi ko, baka kasi may biglang magdaan at may makarinig, maeskadalo pa sa sinabi ko at iba ang maging interpretasyon sa salitang "extra service" na binanggit ko.He looked at me, and he seemed amused.Natuwa naman ako sa nakita ko, nangingislap kasi ang mga mata nito, nawala tuloy 'yong aura nito na may pagkamasungit.Hays, kaunting push pa at mukhang makikita ko na rin sa wakas ang pagsilay ng ngiti sa labi nito, na alam kong mas magpapatingkad pa sa kaguwapuhan nitong taglay.Tumango-tango ito. "Just as I thought. Still, thank you."Pabirong umingos ako. "Pangalawang beses na ito, Boss, ha? Hi
ApoloniaSa kalagitnaan ng pagkain ay may mga dumating upang makisalo sa mesang inookupa namin. Maingay at kanya-kanyang kuwentuhan at halakhakan ang mga ito.Samantalang ako ay heto at tahimik lamang habang inuubos ang dessert na bet na bet ko, ito lang kasi ang masasabi kong na-enjoy kong kainin. Dahil siguro nalipasan na ng gutom ay hindi ko tuloy naubos ang kanin at ulam sa plato ko kaya bumawi na lang ako sa dessert, mabuti na lang at 'yong bet kong strawberry shortcake ang isinilbi sa amin.Medyo nalungkot nga lang ako nang malunok ko na ang huling piraso na isinubo ko. Bitin kasi."Here, you can also have mine."Nagulat ako nang itinulak ni Druskelle palapit sa akin ang platito ng dessert na para dapat dito pagkatapos ay ibinalik na nitong muli ang atensyon sa mga kasama namin sa mesa.Seryoso ba? Ibibigay ulit nito sa akin ang dessert nito?Napakurap-kurap ako.Makalipas ang ilang segundo nang matanto siguro nito na hindi pa ako gumagalaw ay binalingan ako nitong muli."What?
ApoloniaMula sa pagkakalkal sa aking teleponong hawak ay napaangat ako ng tingin nang marinig kong bumukas na ang pinto ng CR, hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga yabag at natanawan ko na ang bulto ni Druskelle na halatang bagong ligo lang dahil kinukuskos pa nito ng tuwalyang hawak ang mamasa-masa pang buhok.Ibinaba ko na sa kandungan ko nang tuluyan ang teleponong kinakalikot ko kanina at sa halip ay parang nahihipnotismong nasundan ko na lamang ito ng tingin habang binabaybay ang daan papunta sa sarili nitong kama.Hindi ko alam pero nakakahalina talaga itong pagmasdan kapag ganitong tila ang kalmado ng aura nito, ang fresh pa ng dating, hindi lang tingnan kundi maging sa amoy rin nito na humahalimuyak sa silid na inookupa namin."Ba't ganyan ang suot mo? Lalabas ka pa?" kunot ang noo na puna ni Druskelle nang bumaling sa akin at mapansin nito ang suot kong hoodie jacket, pantalon at rubber shoes.Medyo nagulat pa ako nang magsalita ito, hindi ko kasi namalayan na nasa akin na
ApoloniaNakatulala ako habang nakaupo sa mahabang silya sa labas ng ICU, kakalabas ko lang mula roon, kasalukuyan kasing nasa loob ang aking ama dahil sa biglaang paninikip ng dibdib at nahirapang huminga kaya itinakbo namin kaagad ito rito sa ospital. Mabuti na nga lang at nasa bahay ako noong mangyari iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano na ang nangyari rito kung wala ako, kaming dalawa lang naman kasi ang magkasama sa bahay.Noong isang araw pa kami narito, ngunit hindi pa kami hinahayaan na makalabas ng ospital dahil nanghihina pa ito at patuloy na inoobserbahan.Kulang na kulang ako sa tulog at hindi gaanong nakakakain nitong nakaraang dalawang araw, gulong-gulo na kasi ang utak ko, hindi ko na alam kung ano ang unang iisipin ko. Kung kailan kasi nag-uumpisa pa lang kaming bumangon at nagbabayad ng mga utang ay saka naman may dumating na pagsubok.Bukod sa pag-aalala ko sa kalagayan ng aking ama, ang isa ko pang inaalala ay ang gastusin namin dito sa ospital na sa bawat araw ay