Share

KABANATA 2

Apolonia

Lumunok muna ako bago sumagot, kung hindi ko kasi gagawin iyon ay baka hindi na ako makapagsalita pa dahil parang may nakabara sa lalamunan ko dahil sa kaba. "A-Ano po iyon? M-May problema po ba? Kumusta po ang l-lagay ni Popsy, Doc?" magkakasunod na tanong ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang doktor sa harapan ko.

Huminga nang malalim ang cardiologist na si Doc Araneta. "I'm afraid that, after various tests and examinations, your father needs to go through bypass surgery immediately," wala nang pasakalye pa nitong sabi.

Surgery? Immediately?

Napalunok akong muli dahil sa narinig, lalong tumindi ang kaba ko.

Ibig lang sabihin niyon ay hindi bumubuti ang lagay ni Popsy.

"B-Baka naman po may iba pa pong paraan puwera sa sinasabi ninyo, Doc?" usisa ko, umaasa na mayroon pa dahil sa takot na nadarama para sa buhay ng aking ama.

"Your father is experiencing serious chest pain and shortness of breath, paulit-ulit, dahil iyon sa naba-block ang mga arteries na nagsu-supply ng blood sa heart muscle. Kaya naman ipinapayo talaga namin na mag-undergo na ng bypass surgery si Mr. Marquez," sagot ni Doc Araneta.

Totoo iyon, iyon din ang idinadaing nito kahit narito na kami mismo sa ospital sa nakalipas na araw, naninikip ang dibdib nito at nahihirapang huminga, kaya nga binabawal ko ito na magsasalita muna.

"The surgery carries many benefits, including 'yong mga patients who have serious cardiovascular disease. At katulad nga nang binanggit ni Doc Araneta, nakaka-experience ng chest pain and shortness of breath ang iyong ama. Kayang ma-eliminate o ma-reduce ng surgery ang nararamdamang discomfort ng pasyente. The operation can save your father's life," sabi naman ng cardiothoracic surgeon na si Doc Umali na katulad ni Doc Araneta ay nangungumbinsi.

Napapikit ako nang mariin bago humugot ng hangin. "K-Kung iyon po ang kailangan para sa ikabubuti ng kalagayan ni Popsy, then, s-sige po," pagpayag ko na.

Wala naman kasi akong magagawa at maitutulong sa sitwasyon ni Popsy, ang mga ito ang nakakaalam sa kung ano ba ang dapat na gawin.

Tinapik ni Doc Araneta ang balikat ko. "Huwag kang masyadong mag-alala. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para matulungan ang father mo."

Pagkatapos sabihin ng mga itong seryoso ang kondisyon na mayroon ang ama ko, ngayon ay sasabihin ng mga itong huwag akong masyadong mag-alala?

Nagpapatawa ba ang mga ito?

Nag-iisang kapamilya ko na lang ang pinag-uusapan, tapos huwag masyadong mag-alala?

Ano ba dapat ang gawin ko? Magsaya? O magpa-party kaya?

Pinigilan ko ang sarili kong huwag maisatinig ang mga iyon at pilit na iwinaksi ang inis na nadarama.

Wala naman kasing maitutulong iyon sa akin.

Ipinaalala ko sa sarili ko na hindi ko dapat ibaling sa mga ito ang nagugulo kong emosyon, wala namang kasalanan ang mga ito sa nangyari sa ama ko, ang mga ito pa nga ang tumutulong at gumagawa ng paraan upang iligtas ang buhay ni Popsy.

Kalma lang, Apol. Hindi sila kaaway.

Nagbuga ako ng hangin upang payapain ang sarili ko.

Payag na ako sa surgery dahil sa ikabubuti ni Popsy kaso panigurado na hindi biro ang halaga na katumbas niyon, saan ako kukuha kung sakali? 'Yong hospital bills nga namin na palobo nang palobo bawat araw ay pinoproblema ko na, saan ko pa kukunin ang pagpapaopera?

"M-Magkano naman po kaya ang magagastos sa operasyon?" lakas-loob na itinanong ko na.

"Huwag kang masyadong mabibigla, Ms. Marquez... baka abutin ng eight hundred hanggang sa isang milyon ang expenses sa surgery, pero hindi ninyo kailangang bayaran ang lahat ng iyon dahil may part naman na iko-cover ng health insurance. I suggest na maghanda kayo ng three hundred fifty thousand to five hundred thousand," ani ni Doc Umali.

Gusto kong mapamura nang malutong dahil sa narinig.

Alam kong malaki ang kakailanganin pero hindi ko inakala na gano'n pala ang halagang aabutin.

Hindi ko na nakuha pang kumibo.

Nag-iwan naman ng panibagong reseta ng mga gamot na dapat kong bilhin ang dalawang doktor, napipilitan na inintindi at nakinig na lamang ako pati na sa iba pang mga sinasabi ng mga ito kahit pa nga hirap na hirap i-digest ng utak ko ang mga iyon. Nang makatapos na kapagkwan ay nagpaalam na rin ang mga ito, tumango na lamang ako dahil parang wala na akong lakas upang makausap pa ang dalawa at parang sasabog na lang ang utak ko.

Pagkaalis at nang maiwan akong mag-isa ay naiiyak at nanghihina na umupo ako sa mahabang upuan.

Ramdam ko ang sakit na parang may pumipiga sa mismong puso ko.

Fck this life. Ang hirap maging mahirap.

Naikuyom ko ang kamao ko.

Pero kahit na parang napakaimposible ay hindi dapat ako mawalan ng pag-asa, kailangan kong gawan ng paraan ang makahanap ng pera, hindi pupuwedeng hindi dahil para iyon kay Popsy. Gagawin ko ang lahat para lang mailigtas at madugtungan ang buhay nito.

"My loves, ano ang sabi ng dalawang Doc pogi? Kumusta raw si Popsy? Umiigi na? Malapit nang makauwi?" positibong tanong ni Vi na bigla na lamang sumulpot sa aking tabi habang nakangiti.

Malungkot ko itong nginitian.

Napakurap-kurap ito. "H-Hoy, ano iyang ngiti na iyan?"

"Kailangan daw na maoperahan si Popsy sa lalong madaling panahon..."

Nalusaw ang ngiti nito. "A-Ano?" gulantang na tanong nito.

Napipilitan na nag-umpisa akong magkuwento tungkol sa mga sinabi ng dalawang doktor at nang matapos na ay nagbuga ako ng hangin upang maibsan kahit na papaano ang bigat sa dibdib ko.

Sa halip na kumibo ay tahimik na hinagod nito ang likod ko.

Ito ang isa sa mga bagay na gustong-gusto ko rito, madalas man na berat at magulo ito ay alam naman nito kung kailan mananahimik, alam nito kung kailan ko kailangan ang mga positive at encouraging words at kung kailan naman hindi, na toxic positivity lang ang ang magiging dating at pagtanggap ko sa mga iyon. Alam nito kung kailan ko hanap ang taga-pakinig at hindi ang taga-payo.

"Saan ka kukuha ng gano'n kalaking halaga, my loves?" usisa nito kapagkwan, pati ito ay mukhang problemado na rin.

"Hindi ko rin alam..."

Hinawakan nito ang kamay ko. "Huwag kang susuko, hmm?"

Malamya ko itong nginitian. "Hindi iyon kasama at wala iyon sa pagpipilian ko. Hindi ako puwedeng sumuko, kung susuko ako at mawawalan ng pag-asa, para ko na ring sinukuan ang buhay ni Popsy kapag gano'n."

Bahagya itong ngumiti sa akin at inihilig ang ulo sa balikat ko.

Pinunas ko agad ang luhang tumakas sa mata ko. "Isa pa, paano kong susukuan 'yong tao na hindi ako sinukuan? Binuhay, minahal, pinalaki at inaruga akong mag-isa. Tumayong ama at ina sa akin at the same time. Pinag-aral ako kahit na gaano pa kahirap ang buhay. Hindi ko kayang basta na lang sukuan si Popsy."

Hindi man kami mayaman ay proud talaga ako kay Popsy at mahal na mahal ko ito. Saludo at hinahangaan ko ang pagiging masipag at mabuting ama nito. Alam ko at kita ko kung gaano kahirap gampanan ang role nito bilang isang ama at ina, sobrang appreciated ko at tinatanaw na napakalaking utang na loob ang lahat ng hirap, pagsisikap, sakripisyo at pagtitiis na ginawa nito para lang mai-provide ang mga pangangailangan ko.

Salat man sa yaman, pero masasabi kong napakasuwerte ko dahil mayaman naman sa pagmamahal ang naging magulang ko, thankful ako at ito ang naging ama ko, hindi naman kasi lahat ng magulang ay katulad nito at hindi lahat ng ama ay kayang gawin ang mga ginawa nito para sa akin.

Ikinurap-kurap ko ang mata ko nang magsimula na namang manubig iyon.

Fck. Ba't ba ang hirap pigilan ng emosyon lalo pa at naaalala ko na sa dami ng nagawa nito para sa akin ay parang hindi ko yata kayang tumbasan at suklian ang mga iyon?

Hindi man ito nanghihingi ng kapalit sa lahat ng nagawa, bilang anak nito ay dala ko ang napakalaking utang na loob at kagustuhan na masuklian kahit na papaano ang mga iyon.

"My loves..." tawag sa akin ni Vi bago umalis sa pagkakasandig sa akin.

Humugot ako ng hangin bago ito nilingon.

"May naisip lang ako na baka sakaling makatulong upang makalikom ka ng gano'n kalaking halaga..."

Ikinunot ko ang noo ko. "Ano naman iyon? Baka naman ilegal. Pass ako riyan. Malilintikan ako kay Popsy kapag nalaman niya."

Ngumuso ito. "Hindi, 'no."

"E, ano ba iyon?"

"Since, wala ka namang dyowa. Dyowain mo na lang kaya ang isa sa dalawang doktor. Baka malibre ang operasyon ni Popsy, hindi ka na mamomoroblema pa. Aba, hindi sila malulugi sa iyo, ang ganda mo kaya, tapos ang laki pa ng balakang, puwet at dyoga."

Sa halip na magalit ay natawa ako. "Siraulo ka. Ginawa mo pa akong manggagamit. Pass ako sa gano'n."

"E, gagamitin ka rin naman nila. Kita ko kaya kung gaano ka kalagkit tingnan no'ng dalawang poging doktor na iyon. Kulang na lang, mapakagat-labi at tumulo ang laway, hindi malaman kung sa mukha mo ba ipopokus ang tingin o sa sexy na katawan mo," walang kiyeme at hiya na sabi pa nito.

Nag-init ang pisngi ko. "Huy, grabe ka. Baka may makarinig sa iyo, nakakahiya! Wala naman akong napansin na gano'n. Malisyosa kang bruha ka."

"Well, kung ayaw mo, bahala ka. Nag-suggest lang naman ako para makatulong sa operasyon ni Popsy at the same time para magkadyowa ka na rin."

"Tigilan mo ako. Kilabutan ka nga. Para kang bugaw, ah."

Bumungisngis ito. "Ganda ko namang bugaw. Hindi ba puwedeng gusto ko lang din na maranasan mo 'yong saya at iyak later na may kahalong sarap? Ohhh... Ahhh, yes!"

Napakalaswa talaga nito. Jusko!

Inirapan ko nga ito.

"My loves..." ungot nito kapagkwan.

Tinaasan ko ito ng kilay. "O, ano na naman?"

Ngumisi ito. "Joke ko lang iyon, gusto ko lang na pangitiin at libangin ka, masyado ka kasing seryoso, e."

"Well, hindi po nakakatawa."

Ngumuso ito. "Sorry na..."

Huminga ako nang malalim. "Ang dami ko nang problema, dumadagdag ka pang babae ka."

Niyakap ako nito. "Sorry na nga. Pero totoo iyong mga sinabi ko sa iyo," anito na nangingiti pa.

"Tigilan mo ako, Olivia."

"Sige na, hindi na po, babaeng maganda, may malaking balakang, maumbok na puwet at dyoga," sa halip na tumigil ay natatawang pambubuska pa nito at sinundot ang gilid ng dibdib ko.

Agad na pinigilan ko ang kamay nito at lumayo rito. "Napakabastos mong babae ka!"

Tawa naman ito nang tawa.

Dahil alam kong tinamaan na naman ito ng kabaliwan ay sinamantala ko ang pagkakataon upang makalayo rito, nagpaalam muna ako kay Vi na bibili ng mga gamot na nireseta nina Doc Araneta at iniwanan na ito. Hindi kasi ako makaisip ng solusyon sa problema ko dahil sa kaberatan nito.

Ngunit pagkagaling ko sa botika ay naisipan ko na huwag na munang bumalik sa ICU, sa halip ay tumuloy ako sa chapel sa loob ng ospital at nag-umpisang magdasal.

Nang matapos na ako ay umupo ako at nanatiling nakatingin sa krus sa harap.

Huminga ako nang malalim. "Sabi ng iba, subject for miracle raw 'yong mga taong nakakaranas ng pagsubok... isa ba kami roon ni Popsy, Lord?" mahinang tanong ko, naiiyak.

Ikinurap-kurap ko ang mata ko kapagkwan dahil nanlalabo na talaga ang mga iyon.

"Hindi man ako palasimba at paladasal, p-pero alam ko na totoo ka, totoo ang milagro. Naniniwala ako na hindi mo papabayaan at papagalingin mo si Popsy..."

Hindi ko na napigilan pa nang nagsimulang tumulo ang luha galing sa isa kong mata.

"Siya na lang ang natitira sa akin... huwag mo naman akong hayaang mag-isa, lumaki na nga akong walang ina sa tabi, huwag mo naman akong tanggalan ng isa pang magulang, ipahiram mo na muna sa akin si Popsy. Hindi ko pa nasusuklian ang lahat ng mga sakripisyo at paghihirap niya... bigyan mo pa po ako ng chance na makasama siya nang matagal-tagal, please?"

Nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko.

"Hindi man maganda pero puwede ko rin bang hilingin na... ibigay at idagdag mo na lang sana sa buhay ni Popsy iyong buhay ng mga taong ayaw nang mabuhay pa? Puwede bang sa kanya mo na lang idugtong? Kasi si Popsy alam kong lumalaban siya at gusto niya pang mabuhay.... alam ko na wala akong karapatang humiling sa iyo, pero pagalingin mo na sana si Popsy, please? Honestly, gustuhin ko man na mapaoperahan siya pero hindi ko po kasi alam kung saan ako kukuha ng malaking halaga na kakailangan para sa operasyon..."

"How much?"

Gulat na napakurap-kurap ako dahil sa tinig ng babae na nagtanong.

Makalipas ang ilang sandali ay lumapit ito sa inuupuan ko at tumayo sa tagiliran ko.

"How much do you need, dear? Ako na ang sasagot sa malaking halaga na sinasabi mo."

Kinurot ko ang sarili upang siguraduhin na hindi ako nananaginip o nag-iilusyon lang.

Dahil nanlalabo pa rin ang mata sa luha, nagulat pa ako nang may dinukot ito sa bag bago yumukod at tinuyo nito gamit ng tissue ang basa sa pisngi at gilid ng mata ko.

Nang luminaw na ang paningin ko ay tumambad sa akin ang magandang mukha nito.

Ito na ba ang ipinadala ng Panginoon upang tulungan ako?

"A-Anghel po ba kayo?" hindi ko napigilang itanong.

Tumawa ito. "I like you, dear. Thank you. Unfortunately, I am not."

Hindi ito anghel?

"Kung kailangan mo nang tulong, I'll help you. Just give me a call. Sagot kita," anito bago inilagay sa palad ko ang isang calling card.

Hala, totoo ba talaga?

Bago pa man ako makabawi sa pagkabigla ay nginitian ako nito bago iniwanan.

Napakurap-kurap ako at nasundan na lamang ito ng tingin.

Pilit na inaaninag kung may pakpak ba ito at halo.

Hindi ba talaga ito anghel?

But is she for real?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status